MGA PARAAN NG
PAGPAPARAMI
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Network
14431 Tierra Dr.
Colorado Springs, CO 80921
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Mga Layunin: Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pansariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaral ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, Ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG
PAG-AARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagsasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalagin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.
Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
II
Module: Pagpaparami
Kurso: Mga Paraan Ng Pagpaparami
PAMBUNGAD
Nakatala sa Biblia ang paglikha ng mundo at ang unang lalaki at babae ( Genesis 1). Ang unang utos na ibinigay Ng Dios sa bagong nilalang na mga tao ay ang sila’y magparami:
At nilalang ng Dios ang tao ayon sa
kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya
sila na lalake at babae.
At sila’y binasbasan ng Dios, at sa
kanila’y sinabi ng Dios, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo
ang lupa, at inyong supilin...(Genesis 1:27-28)
Ang prosesong ito ay hindi lamang pisikal na pagpaparami, ito rin ay espirituwal na pagpaparami. Habang sina Adan at Eva ay pisikal na nagparami kanilang pupunuin ang mundo ng katulad nila; mga taong kilala Ang Dios at lumakad na may pakikitungo sa Kanya. Sila ay magbubunga sa espirituwal at gayun din naman sa pisikal na larangan.
Ang pagbagsak ng tao sa kalasanan ay nakasagabal sa prosesong ito (Genesis 3). Ang kasalanan ay nagdulot ng pisikal na kamatayan na humadlang sa pisikal na pagpaparami (Genesis 2:17). Ito rin ang sanhi ng espirituwal na kamatayan at ito ang espirituwal na paghihiwalay ng makasalanang tao mula sa makatuwirang Dios. Ito ay humadlang sa espirituwal na pagpaparami.
Dahil mahal na mahal Ng Dios ang tao , gumawa Siya ng natatanging plano para iligtas ang tao mula sa nakakikilabot na espirituwal na kamatayan. Ipinadala Ng Dios Si Jesus Cristo para mamatay sa mga kasalanan ng lahat ng sangkatauhan. Binayaran Ni Jesus ang kabayaran ng kamatayan para sa atin, sumunod Kanyang nagapi ang kamatayan sa pamamagitan ng muling pagkabuhay mula sa mga patay (Juan 20).
Ang bawat isa ay dapat piliin na tanggapin ang plano Ng Dios para sa kaligtasan sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran para sa kasalanan at tanggapin Si Jesus bilang Tagapagligtas.* Bilang isang mananampalataya Ni Jesus at napatawad ang mga kasalanan, ikaw ay ligtas mula sa espirituwal na kamatayan.
Kahit nga ang pisikal na katawan ay mamatay sa ibang araw, ikaw ay magpapatuloy na mabubuhay sa espirituwal at tatanggap ng bagong katawan na mabubuhay ng walang hanggan:
______________________
* Ang Harvestime International Institute na kursong “ Mga Saligan Ng Pananampalataya,” ang nagpapaliwanag sa detalyadong plano Ng Dios ng kaligtasan.
Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang
hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, ngunit tayong lahat ay babaguhin.
Sa isang sandali, sa isang kisap-mata, sa
huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak at ang mga patay ay
mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.
Datapuwa’t pagka itong may kasiraan ay
mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang
nasusulat. Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. ( I Corinto 15:51,52,54)
Nang iyong tinanggap Si Jesus bilang Tagapagligtas, ito ay parang nilikha ka ulit Ng Dios. Tinatawag ito ng Biblia na “born again”:
Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi,
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao’y ipanganak na
muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. (Juan 3:3)
Ang pagiging “born again” ay hindi tumutukoy sa pisikal na kapanganakan. Ito ay tumutukoy sa espirituwal na kapanganakan. Ikaw ay muling nilikha sa espiritu bilang bagong nilalang Kay Cristo. Ikaw ay “bago” dahil hindi ka na namumuhay sa kasalanan at gumagawa ng lumang makasalanan na uri ng pamumuhay.
Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo,
siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y
pawang naging mga bago. (II Corinto 5:17)
Sa pasimula ng mundo, iniutos una Ng Dios sa Kanyang bagong nilalang na mga tao na magparami. Ang Kanyang unang utos na muling lumikha, gayun din naman ang “born again” na mga mananampalataya. Dapat tayong espirituwal na magparami at punuin ang mundo ng iba na katulad natin; mga taong nagmamahal Sa Dios at lumalakad na may pakikitungo Sa Kanya.
Nang Si Jesus ay unang tumawag ng mga lalaki para sumunod Sa Kanya, ito ay tawag sa espirituwal na pagpaparami (Lucas 5:10). Ang Kanyang huling utos sa mga mananampalataya ay espirituwal na magparami (Mga Gawa 1:8). Para matugunan ang hamon ng mga libo-libong mga tao na namamatay sa kasalanan na hindi nakarinig ng Ebanghelyo, ang bawa’t mananampalataya ay dapat magparami at matutuhan ang espirituwal na pagpaparami.
Ang kursong ito ay nagbabahagi ng mga pamamaraan na mula sa Biblia ng espirituwal na pagpaparami na makatutulong sa iyo para makapagparami ka ayon sa pagsunod sa utos Ng Dios. Matututo ka na espirituwal na magparami ng isahan at sa konteksto ng maramihan sa local na iglesya. Kung iyong gagamitin ang mga prinsipyo sa Biblia na itinuro sa kursong ito, ikaw ay maaaring managot para sa pagpaparami ng libo-libong mga naturuan at nahikayat na mga mananampalataya.
Kung iyong pinagaaralan ng mga kurso ng Harvestime International Institute ayon sa pagkakasunod-sunod nito, ito ang ikatlong kurso sa ikatlong “module”, na nakatuon sa pagpaparami ng espirituwal na mga manggagawa para masanay sa pamamagitan ng pagbuo ng Ikalawang “Module”.
Ang mga kurso sa Ikatlong ‘Module” ay ang “ Pagbuo Ng Pananaw Sa Mundo Batay Sa Biblia,” “Mga Paraan Ng Pagtuturo,” “Mga Paraan ng Pagpaparami,” at “Mga Prinsipyo Ng Kapangyarihan.” Ang mga kursong ito ay nagpapaunlad ng pagkaunawa ng espirituwal na pangangailangan ng mundo at ipinapaliwanag kung paano matutugunan ang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagtuturong batay sa Biblia at pangangaral, pagpaparami, at ang pagkakaroon ng espirituwal na kapangyarihan.
MGA LAYUNIN NG KURSO
Pagkatapos pagaralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahang:
· Espirituwal na magparami sa pamamagitan ng paggamit ng mga paraan ng pagpaparami batay sa Biblia.
· Ibuod ang mga prinsipyo ng pagpaparami na itinuro sa mga talinghaga ng Bagong Tipan.
· Ipaliwanag kung paano ang mananampalataya ay espirituwal na makapagparami para makapagsanay ng maraming mga bagong mananampalataya.
· Gawin ang iyong tahanan bilang isang lugar para sa espirituwal na pagpaparami.
· Ibuod ang mga prinsipyo para sa panloob na pagpaparami sa loob ng Iglesya.
· Ibuod ang mga prinsipyo para sa pagpapalawak na pagpaparami sa Iglesya.
· Ibuod ang mga prinsipyo para sa pagdagdag na pagpaparami sa Iglesya.
· Ibuod ang mga prinsipyo para sa pagpaparami sa pagmimisyon ng Iglesya.
· Akayin ang mga nahikayat sa pagpapasiya na maging alagad.
· Kilalanin ang mga bagay na nakahahadlang sa espirituwal na pagpaparami.
· Patatagin ang Harvestime International Institute bilang sentro para sa espirituwal na pagpaparami.
UNANG
KABANATA
MAMAMALAKAYA NG TAO
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Kilalanin ang una at huling utos Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “ pagpaparami.”
· Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng espirituwal na pagpaparami.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “paraan.”
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “masistemang paraan.”
· Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng espirituwal na “paraan ng pagpaparami.”
· Ibuod ang mga prinsipyo ng natural na pangingisda na mailalapat sa espirituwal na pangingisda.
SUSING TALATA:
At sinabi
sa kanila ni Jesus, magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga
mamamalakaya ng mga tao. (Marcos 1:17)
PAMBUNGAD
Nang Si Jesu Cristo ay nagsimula sa Kanyang ministeryo sa lupa, tumawag Siya sa ilang mga lalaki para maging Kanyang unang mga disipolo:
PANSARILING PAG-SUSULIT
5. Ibigay ang kahulugan ng
“paraan”.
________________________________________
6. Ibigay nag kahulugan ng “masistemang
pamamaraan.”
________________________________________
7. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng espirituwal
na “ mga paraan ng pagapaparami.”
________________________________________
8. Ibuod ang mga prinsipyo ng natural na
pangingisda na mailalapat sa espirituwal na pangingisda.
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit
ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang tawag Ni Jesus na magparami ay hindi karapatan o mungkahi. Ito ay
utos. Pag-aralan ang sumusunod na tsart na ipinaghambing ang iba’t ibang talaan
ng dakilang utos sa Biblia. Tingnan ang bawat reperensiya sa iyong Biblia.
Pansinin ang iyong kapangyarihan para matupad ang utos. Obserbahan ang lawak ng
iyong ministeryo, ang mensahe, at ang mga gawain kung saan ka kasama sa proseso
ng pagpaparami.
Reperensiya Ang
Kapangyarihan Ang Lawak
Ang Mensahe Ang
Gawain
Mateo “Lahat ng Kapangyarihan” Lahat ng bansa Lahat ng bagay Pagdisipolo
28:1-120 na iniutos Ni sa paghayo
Jesus pagbautismo,
Pagtuturo
Marcos Sa pangalan Ni Jesus Sa lahat ng Ang Magsiyaon
16:15 mundo sa Ebanghelyo mangaral,
bawat nilalang pagalingin
ang maysakit.
Lucas Sa pangalan Ni Jesus Sa lahat ng Pagsisisisi Mangaral,
24:46-49 bansa simula at ang ipahayag, at
sa Jerusalem pagpapatawad saksi
sa mga kasalanan
Juan Isinugo ni Jesus ( Ang lawak ng ministeryo, ang mensahe, at ang
20:21 kung paano siya mga Gawain ay dapat kapareho Ng “Kay Jesus”.)
isinugo Ng Ama
Mga Gawa Kapangyarihan Jerusalem, Cristo Saksi
1:8 ng Espiritu Santo Judea, Samaria, at
sa kahulihulihan
hangganan ng lupa
IKALAWANG
KABANATA
MGA LAYUNIN:
·
Isulat mula sa
memorya ang Susing Tatata.
·
Ibuod ang
pangunahing prinsipyo ng pagpaparami.
·
Kilalanin ang
iba’t ibang uri ng espirituwal na paglago.
·
Isulat ang mga
reperensiya na nagpapakita na ang tungkol sa pagpaparami ay ayon sa Biblia.
·
Kilalanin ang
mga bagay na nagpapahayag na ang paglago sa bilang ay mali.
SUSING MGA
TALATA”
Sapagka’t
sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagkat ang pitong ito ay
mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang
mga ito’y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo’t parito sa boong lupa. (Zakarias
4:10)
PAMBUNGAD
Ang paglago sa katawan ng tao ay nagsisimula sa isang semilya ng buhay na resulta ng malalim na kaugnayan sa pagitan ng lalake at babae. Ang semilya na ito ay dumarami sa loob ng sinapupunan ng ina hanggang isa pang tao ang mabuo. Kung ito ay tumanda, ang bagong tao ay maykakayahan na magparami.
(Ang mga sagot sa pagsusulit
ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
MAY-AKDA: Lucas
PARA KANINO: Sa lahat ng mananampalataya, kahit nga ang
aklat ay tiyak na nakapangalan kay
Teofilo.
LAYUNIN: Nais ipakita ng aklat ang patuloy na
ginagawa ni Jesus at itinuturo pagkatapos ng Kanyang pag-akyat sa pamamagitan
ng Kanyang espirituwal na Katawan, ang Iglesya (Mga Gawa 1:1-2)
SUSING TALATA: Mga
Gawa 1:8
BALANGKAS
Pambungad
Mga Gawa 1:1-11
I. Pambungad: 1:1-2
A. Para: Kay Teofilo: 1:1
B. May kinalaman sa: Kung ano ang patuloy na ginagawa Ni Jesus at itinuturo pagkatapos ng Kanyang pag-akyat sa pamamagitan ng Kanyang espirituwal na katawan, ang Iglesya: 1:1-2
II. Ang ministeryo Ni Jesus pagkatapos ng muling pagkabuhay: 1:3
A. Ang tagal: Apatnapung araw: 1:3
B. Ang layunin: Walangkamaliang katibayan: 1:3
C. Ang mensahe: Ang Kaharian Ng Dios: 1:3
III. Ang huling pakikipagtagpo Ni Jesus sa Kanyang mga disipolo: 1:4-8
A. Ang utos sa mga disipolo: 1:4-5
B. Ang tanong ng mga disipolo: 1:6
C. Ang babala sa mga disipolo: 1:7
IV. Ang pag-akyat Ni Jesus sa Langit: 1:9-11
A. Paglalarawan ng pag-akyat: 1:9
B. Pagpapahayag ng Kanyang ikalawang pagparito: 1:10-11
Unang Bahagi:
Pagbuo Ng Saksi Sa Jerusalem
Mga Gawa 1:12-7
I. Ang pagbuo ng saksi: 1:12-2:4
A. Ang mga disipolo ni Cristo ay naghihintay sa Jerusalem: 1:12-26
1. Ang pagtitipon ng mga disipolo: 1:12-15
a. Ang lugar ng tagpuaan: 1:12-13
b. Ang kanilang bilang at mga pangalan: 1:13-15
c. Ang kanilang layunin: 1:14
2. Ang maikling pananalita na ibinigay sa mga disipolo: 1:15-22
a. Ang tagapagsalita: Pedro: 1:15
b. Ang mensahe: 1:16-22
(1) Ang “background”: 1:16-20
(2) Mga tagubilin: 1:21-22
3. Ang tugon ng mga disipolo: 1:23-26
a. Ang paghirang: 1:23
b. Ang panalangin: 1:24-25
c. Ang pagpili: 1:26
B. Ang bautismo Ng Espirtu Santo: 2:1-4
1. Ang aksiyon: 2:1
2. Ang mga tao: 2:1
3. Ang lugar: 2:1
4. Ang pangyayari: 2:2-4
a. Ang hangin: 2:2
b. Ang dilang apoy: 2:3
c. Pagsasalita ng ibang wika: 2:4
Ikalawang Bahagi: Tungkulin Ng Mga Saksi Sa Jerusalem
Mga Gawa 2:5-7
I. Ang unang saksi: 2: 4-40
A. Ang paraan kung paano ibinigay ang pagsaksi: 2:4-8
B. Ang reaksiyon sa mga saksi: 2:7-13
C. Ang sermon ni Pedro: 2:14-36
1. Propesiya tungkol sa panahon: 2:17
2. Propesiya tungkol sa espiritu: 2:17-18
3. Propesiya tungkol sa pangyayari: 2:19-20
4. Propesiya tungkol sa kaligtasan: 2:21
5. Ang gawa Ni Jesus: 2:22-36
a. Si Jesus ay sinangayunan Ng Dios: 2:22
b. Si Jesus ay ipinako sa krus: 2:23
c. Si Jesus ay bumangon mula sa mga patay: 2:24-32
d. Si Jesus ay pinarangalan sa kanang kamay Ng Dios: 2:33-35
e. Si Jesus ay Panginoon at Cristo ngayon: 2:36
D. Tugon sa mensahe: 2:37-40
1. Kombiksiyon: 2:37
2. Pagtatanong: 2:37
3. Tagubilin: 2:38
4. Mga pangako: 2:38-39
5. Masidhing pananalita: 2:40
II. Ang unang lokal na iglesya: 2:41-47
A. Mga talaan ng kaanib ng unang iglesya: 2:41
1. Ang kanilang pagkakakilanlan: Silang mga tumanggap ng Salita.
2. Ang kanilang bilang: 3,000
B. Mga espirituwal na praktis ng unang iglesya: 2:42
1. Ang doktrina ng apostol.
2. Ang “fellowship” ng mga banal.
3. Komunyon.
4. Panalangin.
C. Ang batayan ng pamumuhay ng unang iglesya: 2:44-46
1. Kusang loob na sistemang komunal (communal system): 2:44-45
2. Araw-araw na pagsamba at patotoo: 2:46
3. “Fellowship” sa mga tahanan: 2:46
4. Pagkakaisa: 2:46
D. Ang patotoo ng local na iglesya: 2:46-47
1. Likas ng patotoo: 2:46-47
2. Resulta ng patotoo: 2:47
III. Ang unang himala: 3:1-26
A. Ang paglalarawan sa himala: 3:1-11
1. Ang tagpo: 3:1
2. Ang lalaki at ang kanyang pangangailangan: 3:2-3
3. Ang mensahe: 3:4-6
4. Ang himala: 3:7-8
5. Ang reaksiyon ng maraming tao: 3:9-11
B. Ipinaliwanag ang himala: 3:12-18
1. Ang lalaki ay hindi gumaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga apostol: 3:12
2. Ang lalaki ay pinagaling Ng Dios sa layunin na maluwalhati Si Jesus: 3:13-15
3. Ang lalaki ay gumaling dahil sa pananampalataya sa pangalan Ni Jesus: 3:16
4. Ang lalaki ay gumaling upang ipakita ang katuparan ng propesiya: 3:17-18.
C. Ang mensahe ni Pedro: 3:19-21
1. Ang pangako ni Pedro: 3:19-21
a. Ano ang hamon Ng Dios na gawin ng Israel: 3:19
b. Ano ang pangako na gagawin Ng Dios: 3:19-21
2. Ang mga propesiya ng mga propeta: 3:22-26
1. Ang propesiya ni Moises at ng mga propeta: 3:22-24
2. Ang pangako ng kasunduan: 3:25
3. Ang plano Ng Mesias: 3:26
IV. Ang unang oposisyon: 4:1-31
A. Ang pagdakip: 4:1-4
1. Pinagmulan ng oposisyon: 4:1
2. Dahilan para sa oposisyon: 4:2
3. Paraan ng oposisyon: 4:3
B. Ang paglilitis: 4:5-14
1. Ang korte: 4:5-6
2. Mga tanong ng korte: 4:7
3. Salaysay ni Pedro: 4:8-12
1. Pinagmulan ng kanyang tugon: 4:8
2. Ang kanyang tugon: 4:9-10
3. Ang kanyang patotoo tungkol Kay Jesus: 4:10-12
4. Ang kanyang deklarasyon tungkol sa kaligtasan: 4:12
4. Isina-alang-alang ng korte ang ebidensiya: 4:13-14
1. Ang katauhan ng mga saksi: 4:13
2. Ang patotoo ng lalaking pinagaling: 4:14
5. Ang pasiya: 4:15-22
1. Ang konsultasyon: 4:15-17
2. Ang pasiya: 4:17-18
3. Ang tugon ni Pedro at Juan: 4:19-20
4. Ang pagpapalaya: 4:21-22
6. Ang reaksiyon: 4:21-31
1. Ang panalangin ng iglesya: 4:23-30
2. Ang mga gawain ng iglesya: 4:31
V. Ang unang disiplina ng kasalanan: 4:32-5:16
A. Organisasyon ng iglesya: 4:32-37
1. Ang “fellowship”: 4:32
2. Ang patotoo: 4:33
3. Ang ekonomiya: 4:32-37
B. Ang unang kasalanan na sumira ng “fellowship”: 5:1-10
1. Ang kasalanan: 5:1-2
2. Pagbubunyag ng kasalanan: 5:3-4
3. Pagdidisiplina sa kasalanan: 5:5-10
C. Ang resulta ng disiplina: Mabungang patotoo ng “fellowship”: 5:11-16
1. Magalang na ugali ng mga kaanib: 5:11
2. Pagkakaisa: 5:12
3. Mahimalang mga tanda: 5:12, 15-16
4. Tugon ng komunidad: 5:12-14
VI. Ang unang pag-uusig: 5:17-43
A. Pinagmulan ng oposisyon: 5:17
B. Kilos ng oposisyon: 5:18
C. Pagpapalaya Ng Dios: 5:19-26
1. Ang Kanyang ginawa: 5:19
2. Ang Kanyang utos: 5:20
3. Tugon sa Kanyang utos: 5:21
4. Ang pagtuklas sa Kanyang ginawa: 5:21-23
5. Ang resulta ng Kanyang ginawa: 5:24-26
D. Paglilitis: 5:27-40
1. Pagsasakdal ng Sanedrin: 5:27-28
2. Depensa ni Pedro: 5:29-32
3. Imbistigasyon ng Sanedrin: 5:33-39
4. Kawalan ng katarungan ng pagpapasiya ng Sanedrin: 5:33-40
E. Tugon sa pag-uusig: 5:41-42
1. Kagalakan: 5:41
2. Pagkakaisa: Magkakasamang nagtitipon araw-araw: 5:42
3. Pagpapatotoo: Pagtuturo at pagpapahayag: 5:42
VII. Ang unang organisasyon: 6:1-7
A. Ang pangangailangan ng organisasyon: 6:1
B. Pagmumungkahi ng organisasyon: 6:2-4
1. Pinagmulan ng pagmumungkahi: 6:2
2. Dahilan ng pagmumungkahi: 6:2
3. Ang pagmumungkahi: 6:3
4. Ang bentahe ng pagmumungkahi: 6:4
C. Ang pagtatatag ng organisasyon: 6:5-6
1. Ang paraan na ginamit: 6:5-6
2. Ang pagpili sa mga lalaki: 6:6
3. Ang kanilang ordinasyon: 6:6
D. Ang mga resulta ng organisasyon: 6:7
1. Ang salita ay lumaganap: 6:7
2. Dumami ang mga disipolo: 6:7
3. Pagsunod sa pananampalataya: 6:7
VIII. Ang unang martir: 6:8-8:1
A. Ang larawan ni Esteban: 6:3-15
1. Isa sa pito: 6:3,5
2. Puspos ng Espiritu Santo: 6:5
3. Isang tao na mayroong mabuting reputasyon: 6:3
4. Isang taong matibay ang pananampalataya: 6:5
5. Isang taong may karunungan: 6:3,10
6. Isang taong may natatanging kapangyarihan: 6:8
7. Mabisang saksi: 6:9-10
B. Ang pag-uusig ni Esteban: 6:11-15
C. Ang mensahe ni Esteban: 7:1-53
1. Abraham: 7:1-8
2. Ang mga patriarka: 7:9-16
3. Moises: 7:17-43
a. Sa Egipto: 7:17-28
b. Sa Ilang: 7:29-43
4. Ang Tabernakulo: 7:44-50
a. Ni Moises: 7:44
b. Ni Josue: 7:45
c. Ni David: 7:45-46
d. Ni Solomon: 7:47-50
e. Ng Dios: 7:48-50
5. Mga Propeta: 7:51-53
D. Ang patotoo ni Esteban: 7:54-8:1
1. Ang ugali ng konseho: 7:54
2. Ang pahayag ni Esteban: 7:55-56
3. Ang ginawa ng konseho: 7:57-59
4. Ang kamatayan ni Esteban: 7:59-8:1
Ikatlong Bahagi: Ang Patotoo sa Judea at Samaria
Mga Gawa 8-12
I. Pagbabago: Resulta ng Kamatayan ni Esteban: 8:1-4
A. Ang pag-uusig: 8:1,3
B. Ang libing ni Esteban: 8:2
C. Ang pagpapatuloy ng patotoo ng iglesya: 8:4
II. Ang patotoo ni Felipe: 8:5-40
A. Ministeryo sa Samaria: 8:5-25
1. Ang patotoo ni Felipe: 8:5-13
a. Ang ginawa ni Felipe: 8:5-7,12
b. Ang tugon ng mga taga Samaria: 8:6-12
c. Simon na mangkukulam: 8:9-13
2. Ang ginawa nina Pedro at Juan: 8:14-17
a. Ang pagdating nina Pedro at Juan: 8:14
b. Ang pagdating ng Espiritu Santo: 8:15-17
c. Ang tugon ni Simon: 8:18-19
d. Ang babala ni Simon: 8:20-24
B. Ministeryo sa taga-Etiope: 8:26-40
1. Paghahanda: 8:26-28
2. Ang saksi: 8:29-35
3. Ang tugon: 8:36-38
C. Pagbabago sa Azoto: 8:38-40
III. Ang patotoo ni Saul: 9:1-31
A. Ang pagkahikayat ni Saul: 9:1-9
1. Ang kanyang layunin: 9:1-2
2. Ang kanyang pangitain: 9:3-9
3. Ang tinig: 9:4-7
4. Ang pagkabulag: 9:8-9
B. Ang pagsugo kay Pablo sa pamamagitan ni Ananias: 9:10-19
1. Ang tawag: 9:10-16
2. Ang pagsugo: 9:17-19
C. Ang misyon ni Saul: 9:20-31
1. Si Saul sa Damasco: 9:20-25
a. Ang kanyang patotoo: 9:20-22
b. Ang tugon: 9:21-23
c. Ang kanyang pagtakas: 9:23-25
2. Si Saul sa Jerusalem: 9:26-30
a. Ang pagtanggap sa Kanya: 9:26-28
b. Ang kanyang ginawa: 9:28-29
c. Ang kanyang pagalis: 9:29-30
D. Pagbabago: Nanatili sa iglesya: 9:31
IV. Ang patotoo ni Pedro: 9:32-12:35
A. Kina Lida: 9:32-35
1. Ang mga mananampalataya: 9:32
2. Ang maysakit na lalaki: 9:33
3. Pagpapagaling sa lalaking maysakit: 9:34
4. Ang tugon: 9:35
B. Sa Jope: 9:36-43
1. Ang kamatayan ni Dorcas: 9:36-37
2. Ang tawag kay Pedro: 9:39-39
3. Ang ministeryo ni Pedro: 9:40-41
4. Tugon sa ministeryo: 9:42-43
C. Sa Cesarea: 10:1-48
1. Pangitain ni Cornelius: 10:1-8
a. Ang lalaking si Cornelius: 10:1-2
b. Ang pangitain ni Cornelius: 10:3-6
c. Ang tugon ni Cornelius: 10:7-8
2. Pangitain ni Pedro: 10:9-22
a. Ang pangitain: 10:9-12
b. Ang tinig: 10:13-16
3. Ang pagdating ng mga mensahero: 10:17-22
4. Ang pagbisita sa tahanan ni Cornelius: 10:23-48
a. Ang paglalakbay: 10:23
b. Ang pagtanggap: 10: 24-27
c. Ang paliwanag: 10:27-28
d. Ang tanong: 10:29
e. Ang tugon: 10:30-33
f. Ang hindi natapos na pangangaral: 10:34-43
(1) Ang Dios ay hindi nagtatangi ng tao: 10:34-35
(2) Pagkalat ng Ebanghelyo: 10:36-37
(3) Ang mensahe ng Ebanghelyo: 10:38-43
g. Ang tugon ni Cornelius: 8:44-48
D. Sa Jerusalem: 11:1-12:25
1. Ang problema sa Paganong pagbabalik-loob: 11:1- 18
a. Ang problema: 11:1-3
b. Ang paliwanag sa pagkilos Ng Dios sa mga Pagano: 11:4-17
(1) Ang pangitain: 11:4-10
(2) Ang mga bisita: 11:11
(3) Ang pagbisita: 11:12-16
c. Ang pagpapasiya: 4:18
V. Ang iglesya sa Antioquia ng Siria: 11:19-30
A. Pag ebanghelyo sa Antioquia: 11:19-21
B. Pagbisita ni Barnabas: 11:22-24
C. Si Saul ay napiling bilang pastor at guro: 11:25-26
D. Impormasyon na ipinahayag ni Agabo: 11:27-30
VI. Pag-uusig sa pangunguna ni Herodes: 12:1-25
A. Pagpatay kay Santiago: 12:1-2
B. Pagdakip kay Pedro: 12;3-4
C. Ang pagpapalaya kay Pedro: 12:5-19
D. Ang pagkamatay ni Herodes: 12:20-23
VII. Ang deklarasyon Ng Salita: 12:24-25
Ika-apat na Bahagi: Patotoo sa Dulo ng Mundo
Mga Gawa 13-28
I. Unang paglalakbay pangmisyon: 13:1-14:28
A. Ang tawag sa ministeryo: Mga Gawa 13:1-3
B. Ministeryo sa Papos sa Chipre: 13:4-12
C. Ministeryo sa Antioquia ng Pisidia: 13:13-50
1. Pagbabago sa Pisidia: 13:13-16
2. Ang mensahe: 13:17-37
a. Ang paglabas at pagpapalaya: 13:17
b. Ang paglalagalag sa ilang: 13:18
c. Ang pagsakop sa Canaan: 13:19
d. Ang pangunguna ni Saul at David: 13:20-23
e. Ang ministeryo ni Juan Bautista: 13:24-25
f. Pagpapako sa Krus at muling pagkabuhay Ni Jesus: 13:26-37
g. Ang paanyaya: 13:38-41
3. Ang tugon: 13:42-50
D. Ministeryo sa Iconio: 13:51-14:5
E. Ministeryo sa Listra: 14:6-25
F. Ministeryo sa Siria: 14:26-28
II. Ang konseho sa Jerusalem: 15:1-35
A. Ang problema: 15:1-3
B. Ang sesyon: 15:4-21
1. Ang unang pampublikong sesyon: 15:4-5
2. Pribadong sesyon ng mga apostol at ng mga matatanda: 15:6
3. Ikalawang pampublikong sesyon: 15:7-21
a. Ang ulat ni Pedro: 15:7-11
b. Ang ulat nina Pablo at Barnabas: 15:12
c. Ang ulat ni Santiago: 15:13-21
C. Ang pasiya: 15: 19-21
D. Ang mga sulat: 15:22-35
III. Ikalawang paglalakbay pangmisyon: 15:36-18:22
A. Ang pagtatalo: 15:36-18:22
B. Ministeryo sa Listra: 16:1-5
C. Ministeryo sa Troas: 16:6-10
D. Ministeryo sa Filipos: 16:11-40
E. Ministeryo sa Tesalonica: 17:1-9
F. Ministeryo sa Berea: 17:10-14
G. Ministeryo sa Atenas: 17:15-34
H. Ministeryo sa Corinto: 18:1-18
I. Ministeryo sa Efeso: 18:19-21
J. Jerusalem at Antioquia: 18:22
IV. Ikatlong paglalakbay pangmisyon: 18:23-21:14
A. Asia Minor: 18:23
B. Ministeryo sa Efeso: 18:24-19:41
1. Apolos: 18:24-28
2. Mga disipolo ni Juan: 19:1-7
3. Paaralan ni Tirano: 19:8-12
4. Ang mga anak na lalaki ni Esceva: 19:13-17
5. Pagtatalaga sa mga nahikayat: 19:18-20
6. Ang pasiya: 19:21
7. Manananggol ni Diana: 19:23-41
C. Ministeryo sa Macedonia at Grecia: 20:1-5
D. Ministeryo sa Troas: 20:6-12
E. Ministeryo sa Mileto: 20:13-38
1. Ang paglalakbay: 20:13-16
2. Pakikipagtagpo sa mga matatanda mula sa Efeso: 20:17-35
a. Pagalaala sa kanyang ministeryo: 20:17-21
b. Pagharap sa hinaharap: 20:22-24
c. Ang konsiyensiya ni Pablo: 20:25-27
d. Ang babala: 20:28-31
e. Pagtatagubilin Sa Dios: 20:32
f. Halimbawa ni Pablo sa pagta trabaho: 20:33-35
3. Ang pagpapaalam: 20:36-38
F. Ministeryo sa Tiro: 21:1-6
G. Ministeryo sa Tolemaida: 21:7
H. Ministeryo sa Cesarea: 21:8-14
V. Ang huling pagbisita sa Jerusalem at paglalakbay sa Roma: 21:15-28:31
A. Sa Jerusalem: 21:15-23:32
1. Pagbabago sa Jerusalem: 21:15-17
2. Mga balita laban kay Pablo: 21:18-30
a. Na kanyang pinababa ang kautusan ni Moises: 21:18-26
b. Na kanyang nilapastangan ang Templo: 21: 27-30
3. Ang reaksiyon ni Pablo: 21:30-32
4. Ang pagliligtas kay Pablo: 21:30-32
5. Mga tugon ni Pablo: 21:33-23:10
a. Ang pangkat ng mga Hudyo: 22:1-23
b. Romanong kapitan: 22:24-26
c. Pinunong kapitan: 22:26-30
d. Ang Sanedrin: 23:1-10
(1) Ang pagamin ni Pablo: 23:1
(2) Pagtatagpo sa pinunong Seserdote: 23:2-5
(3) Ang pagkakabahagi ng korte: 23:6-10
6. Ang pahayag ni Pablo: 23:11
7. Paghihiganti laban kay Pablo: 23:12-15
8. Pagliligtas kay Pablo: 23:16-32
a. Ang balak ay ipinahayag: 23:16-22
b. Ang sulat: 23:25-30
c. Ang pagtakas: 23:32
B. Sa Cesarea: 23: 33-26:32
1. Sa harapan ni Felix: 23:33-24:27
a. Ang paratang ni Tertulo: 24:1-9
b. Ang sagot ni Pablo: 24:10-21
c. Ang tugon ni Felix: 24:22-27
2. Sa harapan ni Festo: 25:1-12
3. Festo at Agripa: 25:13-27
4. Sa harapan ni Agripa: 26: 1-32
a. Si Pablo ay nagsalita para sa kanyang sarili: 26:1-23
b. Paanyaya sa Tagapagligtas: 26;24-29
c. Ang hatol: 26:30-32
C. Pagtungo sa Roma: 27:17-28:31
1. Ang unos: 27:1-44
2. Ang ahas: 28:1-6
3. Ang pagpapagaling: 28:7-10
4. Ang pagpapatuloy ng paglalakbay: 28:11-15
D. Sa Roma: 28:16-31
1. Pakikipanayam kasama ang mga Hudyo: 28:16-29
2. Ang Ministeryo: 28:30-31
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos
pag-aralan ang kabanatang ito ikaw
ay may kakayahang:
IKA-APAT NA
KABANATA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng
pag-aaral ng kabanatang ito ikaw ay may
kakayahang:
·
Isulat ang
Susing Talata mula sa memorya.
·
Ibigay ang
kahulugan ng salitang “saksi.”
·
Ibigay ang
kahulugan ng salitang “layko.”
·
Ibigay ang
kahulugan ng salitang “pastor.”
·
Ipaliwanag kung
ano ang ibig sabihin ng “tawag” ng layko.
·
Ipaliwanag ang
plano Ng Dios sa pagpaparami para sa pagkalat ng Ebanghelyo.
·
Masabi ang
dalawang lalake sa Bagong Tipan na ginamit bilang halimbawa ng ganitong proseso
ng pagpaparami.
·
Ipaliwanag kung
paano magsisimula sa espirituwal na pagpaparami.
·
Magsimulang
kang espirituwal na magparami.
SUSING TALATA:
At ang bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay
siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga
iba. (II Timoteo 2:2)
PAMBUNGAD
Ang paglago ng katawan ng tao ay nagsisimula sa isang semilya ng buhay. Ang semilyang ito ay darami ng darami hanggang ang taong sanggol ay mabuo. Pagkatapos ng pagkapanganak, ang proseso ay nagpapatuloy sa bata. Ang semilya ng tao ay patuloy na dumarami at ang paglago ay nangyayari. Sa totoo, ganito rin ang nangyayari sa espirituwal na mundo. Ang bawa’t tao na nakaranas ng bagong buhay Kay Jesus ay pareho sa buhay na semilya sa katawan ng tao. Ang bawa’t mananampalataya ay dapat na espirituwal na manganak. Ang Ebanghelyo ay kakalat habang ang mananampalataya ay patuloy na magpaparami sa ganitong paraan.
Ang kabanatang ito ay nagpahayag ng iyong
personal na tungkulin sa espirituwal na prosesong ito. Iyong matututuhan ang plano ng Dios para sa
espirituwal na pagpaparami na gumagawa na “1 dagdagan ng 1” ay mahigit sa
dalawa.
ANG HAMON
Ang hamon Ni Jesus sa mga mananampalataya ay
abutin ang buong mundo ng Ebanghelyo
(Mateo 28:19; Mga Gawa 1:8). Ngayon tayo ay nabubuhay sa lumalagong
mundo. Libong mga bagong silang ang
ipinanganganak kada araw. Ang
populasyon sa mundo ay mabilis na tumataas.
Ang mga ito ang hindi naabot na mga grupo ng
tao sa mundo na hindi pa nakarinig ng tungkol Kay Jesus. Ang mga grupong ito ay
nagtataglay ng milyon ng bawa’t isa na hindi pa naaabot ng Ebanghelyo. Maraming
nayon at komunidad ang walang iglesya.
Sa maraming mga bansa, walang sapat na nasanay na mga pastor para sa mga
iglesya na natatag.
Paano natin maaabot ang dakilang hamon Ni
Jesus para maabot ang buong mundo ng Ebanghelyo?
ANG PLANO NG DIOS
Ang Dios ay may natatanging plano para maabot
ang mundo ng Ebanghelyo. Ibinuod Ni
Jesus nang sinabi Niya sa Kanyang mga disipolo …
Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa
kahulihulihang hangganan ng lupa.
(Mga Gawa 1:8)
Narito ang plano Ng Dios: Ang Espiritu Santo
ang banal na kapangyarihan sa likod ng proseso ng pagpaparami. Si Jesus Cristo
ang nilalaman ng mensahe, at ang buong
mundo ang tagatanggap ng mensahe.
Ang mga disipolo ang kinatawan ng
pagpaparami. Ang bawa’t mananampalataya ay dapat maging “saksi” ng mensahe ng
Ebanghelyo. Ito ang paraan ng Dios.
Para maging “saksi” ay sabihin mo kung ano ang iyong nakita, narinig, at
naranasan. Sa korte ng batas, ang saksi ay isang nagsasabi tungkol sa isang tao
o isang bagay. Bilang saksi, dapat kang tumestigo tungkol Kay Jesus at sa
Kanyang plano para sa kaligtasan ng lahat ng tao. Mayroong dalawang uri ng ebidensiya na inihaharap ng saksi sa
korte ng batas. Ang isa ay patotoo na pasabi tungkol sa paksa. Ang pangalawa ay ebidensiya na nakikita na
katibayan.
Ang Espiritu Santo tumutulong na maging saksi
ka sa Ebanghelyo sa parehong uri ng ebidensiya pasabi at sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios.
ANG PAGHAHATI SA PAGITAN NG PASTOR AT LAYKO
Ang plano Ng Dios ay para ang bawa’t disipolo
(mananampalataya) ay maging saksi ng Ebanghelyo. Ang unang iglesya ay lumago habang kanilang sinunod ang planong
ito. Ang bawa’t mananampalataya ay nagbahagi ng Ebanghelyo at espirituwal na
nanganganak. Ang kanilang mga tahanan ay naging sentro ng pagpaparami
(matututuhan mo ang iba pang mga bagay tungkol dito sa ibang kabanata). Ang
iglesya ay lumago habang ang bawa’t isang mananampalataya ay magiging saksi ng
Ebanghelyo.
Habang ang iglesya ay lumalago, Ang Dios ay
tumatawag ng “fulltime “ na manggagawa bilang mga pastor, ebanghelista,
propeta, guro at apostol para maglingkod. Dumaan ang mga panahon ang mga
mananampalataya ay naging bahagi ng isa sa dalawang paghahati sa iglesya. Sila
ay maaaring “pastor” o “layko.”
Ang salitang “layko” ay mula sa salitang
Griego na ang ibig sabihin ay “kasama sa hinirang na mga anak Ng Dios.” Ang
pangunahing kahulugan ng salita ay “ang lahat ng anak Ng Dios.” Ang terminong “layman” o “laity” ay ginamit
para sa mga tao na naglilingkod hindi sa natatanging “full-time” na
paglilingkod sa iglesya.
Nagkaroon ng terminong “clergy” para may
pagkakilanlan ang propesiyonal na mga pastor sa iglesya. Ang tinutukoy na “clergy” ay ang mga
nagiisip na ang ministeryo ang kanilang propesyon na karaniwang empleyado sila
bilang “full-time” sa iglesya. Maaari silang na ordinahan o hindi ng isang denominasyon.
Sa paglipas ng panahon sa kasaysayan ng
iglesya, ang pa unti-unting paghihiwalay sa pagitan ng pastor at layko ay
nangyari. Maraming layko ang tumigil sa espirituwal na panganganak. Nagsimula
silang iwan ang hamon sa pagabot sa mundo sa mga “full-time” na mga pastor.
Walang propesiyonal na pastor ang makagagawa
ng inaatang na gawain para sa buong Iglesya. Ito ang isa sa mga dahilan kung
bakit hindi pa natin naaabot ang mundo ng Ebanghelyo. Ang mga mananampalataya
ay nagbago ng kanilang personal na tungkulin sa mga pastor. Ang Biblia ay natuturo ng paghahati ng
paggawa sa Iglesya, subalit ang bawa’t tao ay dapat makisama sa pagpapalaganap
ng Ebanghelyo. (Basahin ang Mga Gawa
6:1-6).
Habang ang iglesya sa Jerusalem ay dumarami,
kinakailangan ang paghahati ng paglilingkod para matugunan ang lahat ng mga
pangangailangan ng iglesya. Ang mga
pinuno ay ibinigay ang kanilang mga sarili sa “full-time” na pag-aaral ng
Salita at pananalangin. Ang layko ay
ginawa ang kanilang mga tungkulin katulad ng pag miministeryo sa mga balo at
iba pang mga gawain ng paglilingkod. Kahit ang mga mananampalataya ay
naglilingkod sa ibang mga opisina sa iglesya silang lahat ay kasama sa
pagpapalaganap ng Ebanghelyo.
Si Esteban ang isa sa mga layko na napili
para maglingkod, gayun pa man siya ay naging makapangyarihang saksi ng
Ebanghelyo (Mga Gawa 6:8-11). Si Felipe ang isa pang layko na napili para sa
mga gawain ng paglilingkod. Ibinahagi niya ang Ebanghelyo sa mga Samaritano
( Mga Gawa 8:5-12).
Nang ang pag-uusig ay nangyari sa Jerusalem
ang mga mananampalataya ay nagsipangalat sa ibang nayon at sila ay nagpatuloy
na maging saksi ng Ebanghelyo:
Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay,
na ipinangangaral ang salita. (Mga Gawa 8:4)
Para sa tunay na mananampalataya, walang
paghahati sa pagitan ng banal at sekular dahil ang Panginoong Jesus ay para sa
lahat.
ANG TAWAG NG LAYKO
Para tunay mong maunawaan ang espirituwal na
tawag sa layko, dapat kang bumalik sa Lumang Tipan. Ang plano Ng Dios para sa buong bansa ng Israel ay para maging
“saserdote” o ministro:
At kayo’y magiging isang kaharian ng mga
saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong
sasalitain sa mga anak ni Israel. (Exodo 19:6)
Bilang saserdote, ang bawa’t tao sa Israel ay
dapat maging saksi ng nag-iisa at tunay Na Dios sa mga hindi mananampalataya na
nakapalibot sa kanya.
Hindi nabago ang plano Ng Dios sa Israel sa
pagtatatag ng opisyal na mga saserdote. Ang pagkasaserdote ay hindi katulad ng
“pastor” ngayon na may natatanging tungkulin sa pamunuan. Subalit ang buong
bansa ay dapat maglingkod bilang mga ministro ng mensahe Ng Dios sa paganong
mga bansa.
Sa Bagong Tipan, ang mga mananampalataya ay
binigyan ng parehong pagkatawag. Sila
ay dapat maging mga saserdote o ministro ng Ebanghelyo:
Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang
makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios,
upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa
kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kalinawagan. (I Pedro 2:9)
Ang tawag ng mga mananampalataya ay para
maging saksi Ng Dios na nagdala sa kanila mula sa espirirtuwal na kadiliman
tungo sa “liwanag” Ni Jesu Cristo (Juan 9:5).
Ang mga mananampalataya ay sinabihan na
“lumakad na karapatdapat sa gawain kung saan sila tinawag” (Efeso 4:1).
Mayroong isang pagkatawag at iyon ay maging saksi sa mensahe ng
Ebanghelyo. Ito ay gawain ng lahat ng
mga mananampalataya. Ang bawa’t tao ay
mananagot para sa kanilang tugon sa tawag na ito.
Ang tawag ay hindi nakabatay sa pinagaralan o
natural na kakayahan. Ginagamit Ng Dios ang ordinaryong layko para Siya lamang
ang makatanggap ng kaluwalhatian:
Sapagka’t masdan ninyo ang sa inyo’y
pagkakatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman,
hindi ang maraming may kapangyariahn,
hindi and maraming mahal na tao ang mga tinawag:
Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na
kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng
Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain ang mga bagay na
malalakas;
At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at
ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang
halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:
Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng
Dios. (I Corinto 1:26-29)
ANG PROSESO NG PAGPAPARAMI
Sa Biblia , ipinahayag Ng Dios ay natatanging
plano para ang mga mananampalataya ay matupad ang kanilang tawag. Ang
pagpaparami ay pangunahing prinsipyo ng lahat ng paglago sa natural na
mundo. Ang paglago ay hindi mangyayari
sa pagdagdag lamang ng isang pangkat sa isa pang pangkat. Ang buhay na semilya ay dumarami. Ang bawa’t
bagong semilya na ibinunga ay may kakayahang magbunga.
Ang plano Ng Dios sa pagpaparami ay katulad
ng espirituwal na mundo. Ibinuod ni
Pablo ang planong ito nang isinulat niya ang mga salitang ito kay Timoteo:
At ang bagay na iyong narinig sa akin sa
gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na
makapagtuturo naman sa mga iba. (II Timoteo 2:2)
Sinabi ni Pablo kay Timoteo na pumili ng mga
tapat at italaga sa kanila ang mga bagay na naituro ni Pablo. Ang mga tapat
na mga lalaking ito ay dapat may kakayahang makapagturo sa iba. Sa pamamagitan ng organisadong planong ito
ng panganganak, ang Ebanghelyo ay maipangangalat sa buong mundo.
Para makita kung paano ang plano ng Dios ay
gumagawa, pag-aralan ang tsart sa susunod na pahina. Ang pahinang ito ay
ginamit ang mga panahon ng taon bilang kaigihang oras na kinanakilangan para
mahikayat ang isang tao sa Ebanghelyo at masanay siya na namumunga na
Kristiyano. Sa katotohanan, ang proseso ay makagugugol ng higit o kukulangin na
panahon, depende sa tao na kasama, kaya nga hindi posible na maglaan ng tiyak
na limitadong oras. Subalit kung
ang isang mananampalataya ay aabot ng
kahit isang tao at i-disipolo sila sa
bawa’t taon at hingin ang kanilang pangako na magdidisipolo ng isang tao kada
taon, ang mundo ay madaling maaabot ng
mensahe Ng Dios.
Obserbahan sa tsart na sa unang taon ang
mananampalataya ay nag didisipolo ng isang tao. Sa pagtatapos ng taon, mayroon
na ngayong dalawang tapat na lalake, ang mananampalataya at ang bagong
nahikayat na kanilang naalagaan. (Matututuhan mo pa ang maraming bagay tungkol
sa proseso ng pagdidisipolo sa bandang huli ng kursong ito.) Sa susunod na taon
, ang bawa’t isa ay aabot ng isang tao ng Ebanghelyo at magdidisipolo
sila. Pagkatapos ng ikalawang taon,
mayroong kabuuang apat na tao, na ang bawa’t isa sa kanila ay magdidisipolo ng
isang tao sa susunod na taon.
NAGDIDISIPOLO (MGA) DISIPOLO(MGA) KABUUAN
Ika-labingpitong taon 65,536
65,536
= 131,07
Ika-labinganim na taon 32,768
32,768
= 65,536
Ika-labinglimang taon 16,384
16,384
= 32,768
Ika-labingapat na taon 8,192
8,192
= 16,384
Ika-labingtatlong taon 4,096
4,096
= 8,192
Ika-labingdalawang taon 2,048
2,048
= 4,096
Ika-labingisang taon 1,024
1,024
= 2,048
Ika-sampung taon 512
512
= 1,024
Ika-siyam na taon 256
256
= 512
Ika-walong taon 128
128
= 256
Ika-pitong taon 64
64
= 128
Ika-anim na taon 32
32
= 64
Ika-limang taon 16
16
= 32
Ika-apat na taon 8
8
= 16
Ikatlong taon 4
4
= 8
Ikalawang taon 2
2
= 4
Unang taon 1
1
= 2
ANG BANAL NA ESTRATEHIYA NG DIOS SA
PAGPAPARAMI AT PAGPAPAKILOS
Ngayon kumuha ng karaniwang bilang ng kaanib
ng iglesya na halos 100 tao. Itaas ag tsart ng ito sa 100 tao ang bawa’t isa ay
aabot ng Ebanghelyo at sanayin sila na mamunga at makikita mo kung paano kadali
maabot ang buong mundo ng Ebanghelyo. Ang pagpaparami ay mas mabilis kaysa sa
pagsasama (addition). Narito ang krokis na nagpapakita ng pagsasama: (addition)
Narito ang krokis na nagpapakita ng
pagpaparami (multiplication). Sa prosesong ito, ang bawa’t tao ay patuloy na
nagpaparami ng kanilang sarili at ang resulta ng “isa at isa” ay higit kaysa
dalawa:
ANG PROSESO SA UNANG IGLESYA
Ang sumusunod na krokis ay nagpapakita ng
unang antas ng pagpaparami resulta mula kay Andres, isa sa unang disipolo Ni
Jesus:
Andres→Pedro→Iba→Iba
\
Pentecostes→
Iba→ Iba
1. Si Andres ay nagbahagi ng
Ebanghelyo sa kanyang kapatid na si Pedro.
2.
Si Pedro ay nagbahagi ng Ebanghelyo sa araw ng Pentecostes sa Jerusalem.
3.
Si Pedro ay nagpatuloy na nagbahagi ng Ebanghelyo sa iba na namunga.
4.
Libo-lbong mga mananampalataya ang kumalat mula sa Jerusalem na nagpatuloy na
nangalat ng Ebanghelyo.
5.
Ang bawa’t tao na kanilang naabot ay namunga at ang proseso ay
nagpatuloy…..
Narito ang krokis na nagpapakita ng unang
antas ng espirituwal na pagpaparami na resulta mula kay Apostol Pablo:
Ananias→Pablo→Iba→Iba
\
Timoteo→Iba→Iba
\
Tapat na mga lalake→Iba→Iba
1.
Si Ananias ay
ginamit Ng Dios para maitayo si Pablo.
2.
Dinisipolo ni
Pablo si Timoteo.
3.
Patuloy na
nagdisipolo si Pablo.
4.
Dinisipolo ni
Timoteo ang “tapat na mga lalake” na makapagtuturo sa iba.
5.
Ang tapat na
mga lalake ay umabot ng iba.
6.
Ang mga “iba”
ito ay nagpatuloy sa proseso ng pagpaparami.
7.
Ang bawa’t tao
sa samahan ay patuloy na nagparami.
KARANIWANG TAO
Konti lamang ang binanggit ng Biblia tungkol kay Ananias ayon sa krokis
sa itaas. Hindi siya kilalang tao, subalit ginamit Ng Dios para maitayo si
Apostol Pablo. Si Andres ay karaniwan,
hindi nakapag-aral na mangingisda.
Subalit tingnan ang kawing ng espirituwal na pagpaparami kung saan siya
ang may gawa!
Maaring hindi ka kilalang tao. Maaring hindi ka kilala sa inyong
komunidad o sa denominasyon ng inyong
iglesya. Maaring ikaw ay karaniwang tao
na gumagawa ng karaniwang gawain.
Subalit maaari kang gamitin Ng Dios para magparami ng mga disipolo.
Basahin ang kuwento sa pagpapagaling sa taong pilay sa Mga Gawa 4. Nang sina Pedro at Juan ay nakita sa
sanggunian, kitang kita na sila ay hindi nakapag-aral, at karaniwang tao:
Nang
makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas na sila’y mga
taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at nangagpakilala
nila, na sila’y nangakasama ni Jesus.
At nang
mangakita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila, ay wala silang
maitutol. (Mga Gawa 4:13-14)
Ang mga “karaniwang” mga lalake ay tumanggap ng bagong buhay sa
pamamagitan Ni Jesu Cristo. Ang buhay
na nasa kanila ay resulta ng espirituwal na pagpaparami. Pinagkatiwalaan Ni Jesus ang mga layko para
ipangalat ang Ebanghelyo. Kinuha Niya ang mga mangingisda mula sa kanilang mga
bangka at ginawa silang mamalakaya ng tao. Naniniwala Siya na ang karaniwang
mga tao ay maaaring maging kakaiba kung bibigyang kapangyarihan ng Espiritu
Santo.
Si Gedeon ay isang magsasaka. Si Pablo ay gumagawa ng tolda. Si Moises ay pastol. Si Lucas ay doctor at si Jose ay dakilang
pulitiko at estadista (statesman). Anuman ang iyong pinagaralan o okupasyon,
nagagamit ka Ng Dios sa Kanyang plano.
Kung nasaan ka at kung sino ka ay hindi mahalaga. Kung ano
ang iyong ginagawa kung saan ka inilagay Ng Dios. Ang susi sa
epektibong espirituwal na pagpaparami ay maging lalake o babae Ng Dios, sa
lugar Ng Dios, gumagawa ng gawain Ng Dios, sa paraan Ng Dios.
PAANO
MAGSISIMULA
Ipinahayag ng Bagong Tipan na ang Ebanghelyo ay mabilis na lumaganap sa
mga naitatag ng mga samahan sa lipunan. Ang ibig sabihin nito maaari mong
ikalat nang madali ang Ebanghelyo sa iyong sariling grupo ng mga kaibigan,
kamag-anak, at mga kamanggagawa.
Halimbawa, tinawag Ni Jesus ang isang
mangingisda na si Andres. Ibinahagi ni Andres ang Ebanghelyo sa kanyang
kamag-anak na si Pedro. Nagbahagi sila sa ibang mga mangingisda na kasama nila
sa trabaho. Sa madaling panahon isang grupo ng mangingisda ay sumunod Kay
Jesus.
Sa pang-araw-araw na pamumuhay at pagtatrabaho ang layko ay hindi basta
lamang bahagi ng iglesya na nakakalat sa komunidad na nagtitipon na sama-sama
para sumamba at mag “fellowship”. Ang layko ay sugo ng Kaharian sa kanilang mga
kamag-anak, mga kaibigan, at sa mga tinatawag na kamanggagawa. Ang mundo ng
trabaho, eskuwelahan, pamilya, at komunidad ay iyong lugar ng
pagmiministeryuhan
Sa Lucas 16:19-31 basahin ang kuwento ng mayamang lalake na napunta sa
impiyerno. Ang lalaking ito ay nais na
bumalik para ibahagi ang Ebanghelyo sa
kanyang pamilya subalit huli na ang lahat.
Huwag maghintay na maging huli na ang lahat bago ibahagi ang ebanghelyo
sa iyong mga kasama sa lipunan.
ESPIRITUWAL NA MGA KALOOB AT PAGPAPARAMI
Ang tunay na ebidensiya ng bautismo sa Espiritu Santo ay maging
makapangyarihang saksi ng Ebanghelyo. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang
nagbibigay ng kakayahan sa mga mananampalataya para espirituwal na
makapagparami ( Mga Gawa 1:8).
Ang isang paraan ng Espiritu Santo para mabigyan ng kapangyarihan ang mga
mananampalataya ay sa pamamagitan ng espirituwal na mga kaloob. Ang bawa’t
mananampalataya ay binigyan ng espirituwal na mga kaloob para maihanda siya na
makapag ministeryo sa iba. Ang mga kaloob na ito ay hindi pangkaraniwan na
kakayahan na ibinigay Ng Espiritu Santo.
Kung hindi mo alam kung ano ang espirituwal na mga kaloob na ibinigay Ng
Dios sa iyo, umorder ka sa Harvestime International Institute ng kursong may pamagat na “Ang Ministeryo ng Espiritu Santo.” Ang kursong ito ay tungkol sa paksa ng
espirituwal na mga kaloob.
ANG MAKABAGONG
HALIMBAWA
Walang makatatalo sa plano Ng Dios para sa pagpaparami ng Ebanghelyo sa
pamamagitan ng saksi ng bawa’t mananampalataya. Narito ang makabagong
halimbawa:
Pagkatapos
ng maraming taon ng pagmimisyon sa bansang Tsina, ang bilang ng iglesya ay nabawasan
sa isang milyon nang ang mga misyonero ay napaalis ng gobyerno. Ang mga Pastor
ay nabilanggo, sinunog ang mga Biblia, ang mga iglesya ay isinara. Subalit
pagkatapos ng tatlumpung taon, nang muling mabuksan ang Tsina at ang mga ulat
ay nakuha na ang mga bilang ng mga mananampalataya ay humigit kumulang mula sa
sampu hanggang limampung milyon.
Kahit
nga ang mga iglesya ay naisara at ang mga pastor ay nabilanggo, ang mga
karaniwang mga mananampalataya ay nagpatuloy na espirituwal na nagparami.
Walang makapipigil sa plano Ng Dios para sa pagpapangalat ng Ebanghelyo.
ANG
PAGLAGO NG KAHARIAN
Ang bawa’t mananampalataya ay dapat magparami. Subalit ang pagpaparami ng
mananampalataya ay hindi sapat . Ang mga mananampalataya ay dapat maging
kagamit-gamit na bahagi ng Iglesya, ito ay sama-samang katawan na nagkakaisa
ang lahat ng tunay na mga mananampalataya. Ang Iglesya ay dapat din na
magparami . Ang Iglesya ay dapat makaranas ng pangloob na espirituwal na
paglago at umunlad sa pagpapalawak, pagdadagdag at paguugnay sa mga paglago.
Iyong natutuhan ang iyong responsabilidad ng pagpaparami ng isahan. Sa susunod na mga kabanata matututuhan mong
magparami ng sama-sama sa konteksto ng local na iglesya.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng salitang “saksi.”
________________________________________
3.
Ibigay ang kahulugan ng terminong “layko.”
________________________________________
4. Ibigay ang kahulugan ng terminong “pastor”
________________________________________
5. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “tawag” ng layko.
________________________________________
6. Ano ang plano ng Dios sa pagpaparami para
sa pangangalat ng Ebanghelyo?
________________________________________
7. Ano ang pangalan
ng dalawang lalake sa Bagong Tipan na halimbawa ng espirituwal na pagpaparami?
________________________________________
________________________________________
8. Ano ang pinakamabuting paraan ng
pagsisimula ng espirituwal na pagpaparami?
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit
ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Sa huling kabanata iyong pinag-aralan ang
mga talinghaga ng pagpaparami.
Pagbalik-aralan ang mga sumusunod na mga talinghaga. Sa mga talinghaga
tungkulin ng bawa’t isa ang
tapat na magparami:
-Ang Tapat Na Katiwala: Mateo 25:14-20
2. Basahin ang pag-uusap
Ni Jesus at ni Pedro sa Juan 21:15-22. Sa Mga Gawa 10:22 basahin ang mga salita
na sinabi Ni Jesus kay Pablo sa panahon ng kanyang pagkahikayat.
Hindi mo dapat alalahanin kung ang iba ay
gumagawa o tumutupad sa kanilang responsabilidad na maipangalat ang
Ebanghelyo. Hindi ka dapat magtanong
katulad ni Pedro, “Ano ang ginagawa ng mga taong ito?” Ang iyong alalahanin ay
dapat katulad ni Pablo, “Ano ang dapat kong gawin, Panginoon?”
Mga Layunin:
Pagkatapos
pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
·
Isulat ang
Susing Talata mula sa memorya.
·
Kilalanin ang
tunay na iglesya.
·
Ipaliwanag kung
paano nagsimula ang iglesya.
·
Ilista ang mga
ginamit na ilustrasyon sa Biblia para ilarawan ang iglesya.
·
Kilalanin ang
mga layunin ng Iglesya ayon sa Biblia.
·
Kilalanin ang
apat na uri ng paglago ng Iglesya.
·
Ibuod ang mga
ministeryo ng Espiritu Santo kaugnay sa paglago ng iglesya.
SUSING TALATA:
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay
Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga
pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. (Mateo 16:18)
PAMBUNGAD
Mga Layunin:
Pagkatapos
pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
·
Isulat ang
Susing Talata mula sa memorya.
·
Ipaliwanag ang
ibig sabihin ng paglago ng Iglesya sa “loob”
·
Ibigay ang
kahulugan ng “espirituwal na paglago.”
·
Kilalanin ang
mga ebidensiya ng espirituwal na paglago.
·
Ipaliwanag ang
ministeryo Ng Espiritu Santo kaugnay sa panloob na paglago ng Iglesya.
·
Kilalanin ang
kalagayan ng paglago sa natural na mundo na katulad sa espirituwal na mundo.
SUSING TALATA:
Sapagka’t minagaling ng Ama na ang boong
kapuspusan ay manahanan sa kaniya. (Colosas 1:19)
PAMBUNGAD
Sa huling kabanata iyong natutuhan ang apat
na uri ng paglago sa plano Ng Dios para sa pagpaparami ng iglesya. Ang Iglesya
ay dapat magparami sa pamamagitan ng panloob, paglawak, pagdadagdag, at paglago
sa pagmimisyon. Ang aralin na ito ay nakatuon sa panloob na paglago ng Iglesya.
PANLOOB NA PAGLAGO
Kung pinaguusapan ang “panloob na paglago” ng
Iglesya, ang tinutukoy natin ay espirituwal na paglago at pag-unlad ng mga
kaanib nito. Ang Iglesya ay espirituwal
na lumalago ayon sa sukat na paglago ng bawa’t isang kaanib.
Ang Iglesya ay hindi lang dapat lumago sa bilang
sa pamamagitan ng paglawak, pagdadagdag at paguugnay na mga paglago, ito ay
dapat lumago sa kalidad. Ang paglago sa kalidad ay panloob o espirituwal
na paglago.
Tinutukoy ni Pablo ang prosesong ito,
paghambingin ito sa panloob na paglago sa natural na katawan:
Sapagka’t minagaling ng Ama na ang boong kapuspusan
ay manahanan sa kaniya. (Colosas 1:19)
Ang tinutukoy ng espirituwal na paglago ay
ang “paglago Sa Dios”. Habang ang mga kaanib ay espirituwal na lumalago, ang
Iglesya ay nakararanas ng panloob na paglago. Ang buong Katawan ay naalagaan at
lumalakas sa paglago Sa Dios.
Ang espirituwal na paglago ay paglakas sa
espirituwal na kaganapan na resulta ng pag-unlad ng buhay Ni Cristo sa
mananampalataya. Ito ay paglago sa kaalaman Kay Jesus.
Datapuwa’t
magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas
na si Jesucristo...(II Pedro 3:18)
Ito ay paglago Kay Jesus:
Kundi
sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga
bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga’y si Cristo. (Efeso 4:15)
Ang ibig sabihin ng espirituwal na paglago ay
pagkamatay sa sarili at paglago ng buhay Ni Cristo sa iyo.
Siya’y kinakailangang dumakila, ngunit ako’y
kinakailangang bumaba. (Juan 3:30)
Ang espirituwal na paglago ay hindi kaagad
nangyayari dahil resulta ng tagal ng panahon na pagiging mananampalataya. Ito
ay resulta ng pag-unlad ng buhay Ni Cristo sa mananampalataya.
Kasama sa mga ebidensiya ng espirituwal na
paglago ay:
1. Pagdami ng
espirituwal na kaalaman.
2. Tamang paggamit ng
kaalaman na ito sa buhay at ministeryo.
3. Ang malalim na
kasiyahan sa espirituwal na mga bagay.
4. Dakilang pag-ibig
Sa Dios at sa iba.
5. Pag-unlad ng
pagkatulad Kay Cristo ng mga katangiang espirituwal
(espirituwal na
bunga).
6. Ang pagtaas ng
naisin at kakayahan na magbahagi ng Ebanghelyo sa iba.
7. Pag-unlad at
epektibong paggamit ng espirituwal na mga kaloob.
Ang paglago ay natural na resulta ng buhay.
Kung mayroong espirituwal na buhay sa iglesya, ang resulta nito ay panloob na
paglago gayundin naman ang paglawak, pagdagdag, at paguugnay na mga paglago.
ANG ESPIRITU SANTO AT ANG PANLOOB NA PAGLAGO
Sa huling kabanata natutuhan mo ang
ministeryo ng Espiritu Santo sa iglesya. Ang Espiritu Santo:
-
Bumuo ng Iglesya.
-
Kinasihan ang kanyang pagsamba.
-
Pinangungunahan ang mga Gawaing pangmisyon.
-
Pumipili ng mga pastor.
-
Pinapahiran ang mga mangangaral.
-
Pinapatnubayan ang mga pagpapasiya.
-
Nagbabautismo na may kapangyarihan.
Para sa karagdagang mga ministeryo nito sa
Iglesya, Ang Espiritu Santo ay may tungkuling kaugnay sa panloob na paglago ng
Iglesya. Kasama rito ang mga:
KOMBIKSIYON SA KASALANAN:
Ang espirituwal na paglago ay naaantala ng
kasalanan. Ang Espiritu Santo ay
sinusumbatan ang mananampalataya sa kalasanan:
Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid
baga’y ang ilaw na lumiliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanglibutan.
(Juan 1:9)
Kung ang Espiritu Santo ay sinusumbatan ang
kasalanan, susundin natin ang utos …
Kung ipinahahayag natin ang ating mga
kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan,
at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. (I Juan 1:9)
PAGBABAGO NG PAGKATAO:
Ang ibig sabihin ng “Pagbabago ng pagkatao”
ay pagbabago. Binabago Ng Espiritu
Santo ang buhay ng mga mananampalataya. Ang pagbabagong ito ay nagdudulot ng
panloob na paglago:
Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na
ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas
tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa
Espiritu Santo. (Tito 3:5)
PAGBABANAL:
Ang ibig sabihin ng pagbabanal ay “ihiwalay
para Sa Dios”. Ang paghihiwalay na ito ay magdudulot ng espirituwal na paglago:
Ngunit kami ay nararapat magpasalamat sa Dios
dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo
ng Dios buhat nang pasimula sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng espiritu at
pananampalataya sa katotohanan. (II Tesalonica 2:13)
TAHANAN:
Ang Espiritu Santo ay nananahan o tumitira sa
buhay ng mga mananampalataya. Ang
layunin ng pagtira ay palakasin ang bagong likas na natanggap sa pamamagitan ng kaligtasan:
O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong
Katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo na tinanggap ninyo sa Dios at
hindi kayo sa inyong sarili.(I Corinto 6:19)
Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo
ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo. (I Corinto 3:16)
Kaya’t kung ang sinoman ay na kay cristo
siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y
pawang ngaing mga bago. (II Corinto 5:17)
Sinasabi ko nga, magsilakad kayo ayon sa
Espiritu, at hindi niniyo gagawin ang mga pita ng laman.
Sapagka’t ang laman ay nagnanasa laban sa
Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay
nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang mga bagay na inyong ibigin.
Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng
Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan. (Galacia 5:16-18)
PAGPAPALAKAS:
Ang lakas at paglago ay magkaugnay. Ikaw ay
nagiging malakas habang ikaw ay lumalaki. Kailangan ng lakas para lumaki. Ang
panloob na paglago ay nanggagaling sa pagpapalakas ng Espiritu Santo:
Upang sa inyo’y ipagkaloob niya ayon sa mga
kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo’y palakasin ng kapangyarihan sa
pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob. (Efeso 3:16)
PAGKAKAISA:
Ang pagkakaisa ay nagdudulot ng paglago sa
Iglesya:
Ngunit ang nakikisama sa Panginoon, ay
kaisang espiritu niya. (I Corinto 6:17)
Sapagka’t kung paanong ang katawan ay iisa,
at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama’t
marami, ay iisang katawan gayon din naman si Cristo.
Sapagka’t sa isang Espiritu ay
binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo’y Judio o Griego,
maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. (I
Corinto 12:12-13)
PAMAMAGITAN:
Ang pamamagitan Ng Espiritu Santo ay
magpapatatag sa kabanalan ng mananampalataya:
At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong
sa ating kahinaan: sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat;
ngunit ang espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi
maisaysay sa pananalita. (Roma 8:26)
Ngunit kayo, mga minamahal, papagtibayin
ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, na
manalangin sa Espiritu Santo. (Judas 20)
Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat
ng panalangin at daing sa boong panahon, at mangagpuyat sa boong katiyagaan at
daing na patungkol sa lahat ng mga banal. (Efeso 6:18)
PATNUBAY:
Pinapatnubayan Ng Espiritu Santo ang mga
mananampalataya sa katotohanan ng Salita Ng Dios na nagdudulot ng espirituwal
na paglago:
Gayon may kung siya, ang Espiritu ng
katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa boong katotohanan:
sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang
bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang
ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. (Juan 16:13)
Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng
Espiritu ng Dios ay sila ang mga anak ng Dios. (Roma 8:14)
PAHAYAG:
Ipinapahayag Ng Espiritu Santo ang
katotohanan ng Salita Ng Dios sa mananampalataya na nagdudulot ng espirituwal
na paglago:
Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng
Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka’t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng
mga bagay, oo,ang malalalim na mga bagay ng Dios. (I Corinto
2:10)
PAG-IBIG:
Ang
mga tao ay espirituwal na lumalago sa kapaligiran ng pag-ibig:
At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagkat ang
pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo
na ibinigay sa atin. (Roma 5:5)
TUMULAD:
Ang Espiritu Santo ay kumikilos sa kalooban
para ang mga mananampalataya ay matulad sa wangis Ni Cristo:
Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong
ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng
Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian, na
gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. (II Corinto 3:18)
PAGTUTURO:
Espirituwal tayong lumalago habang tayo ay
lumalago sa kaalaman Ng Dios. Ang
Espiritu Santo ang naninirahan na guro sa atin:
At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa
kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang
kayo’y turuan ng sinoman; ngunit kung paanong kayo’y tinuturuan ng kaniyang
pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan,
at kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya. (I
Juan2:27)
KASIGURUHAN:
Ang pag-aalinlangan ay nakapipigil sa
espirituwal na paglago. Inaalis Ng Espiritu Santo ang pag-aalinlangan sa pamamagitan
ng pagbibigay ng kasiguruhan ng kaligtasan:
Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng
ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios. (Roma 8:16)
At ang tumutupad ng kaniyang mga utos ay
mananahan sa kaniya st siya ay sa kaniya. At dito’y nakilala natin na siya’y
nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin. (I
Juan 3:24)
KALAYAAN:
Nalilimitahan ng pagbabawal ang paglago.
Nagbibigay Ang Espiritu Santo ng kalayaan mula sa kasalanan at mga kaugalian ng
tao:
Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay
na nakay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
(Roma 8:2)
Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at
kung saan naroroon ang espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. (II Corinto
3:17)
MANGAALIW:
Ang kapighatian at kawalang-pag-asa ay
nakaaantala sa espirituwal na paglago. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng
kaaliwan:
…at sa paglakad na may takot sa Panginoon at
may kaaliwan ng Espiritu Santo... (Mga Gawa 9:31)
Sa makatuwid bagay ang Espiritu ng
katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka’t hindi nito siya
nakikita, ni nakikilala man siya: siya’y nakikilala ninyo; sapagka’t siya’y
tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa makatuwid bagay
ang Espiritu Santo, na suguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa
inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi.
(Juan 14:17,26)
NAGPAPASIGLA:
Isa sa mga ministeryo Ng Espiritu Santo sa
buhay Ni Jesus ay para buhayin muli Siya mula sa mga patay.
Ngunit kung ang espiritu niyaong bumuhay na
maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa
mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa
pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumutira sa inyo. (Roma 8:11)
Kung ikaw ay hindi espirituwal na lalago,
ikaw ay magiging espirituwal na “patay.”
Ang proseso ng paglago ay titigil. Ang kapangyarihan Ng Espiritu Santo
ang bubuhay muli sa iyong espirituwal na buhay.
NAGPAPAKITA NG KAPANGYARIHAN:
Sinabi
ni Pablo:
At ang aking pananalita at ang aking
pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa
patotoo ng espiritu at ng kapangyarihan:
Upang ang inyong pananampalataya ay huwag
masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios. (I Corinto
2:4-5)
Ang pagpapakita ng kapangyarihan Ng Espiritu
Santo ay magpapalakas sa iyong pananampalataya Sa Dios.
NAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA PAGSAKSI:
Ang natatanging kapangyarihan para maging
saksi ay tunay na ebidensiya na ang isang tao ay nabautismuhan Ng Espiritu Santo:
Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa. (Mga
Gawa 1:8)
Ang espirituwal na mananampalataya ay
mag-aanak na mga saksi ng Ebanghelyo.
NAG-BABAUTISMO:
Ang iglesya ay nakakaranas ng panloob ng paglago sa pamamagitan ng bautismo Ng
Espiritu Santo:
At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu
Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t
ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng espiritu na kanilang salitain.
(Mga Gawa 2:4)
Ang bautismo Ng Espiritu Santo ay resulta ng
pag-unlad ng espirituwal na mga kaloob at bunga sa buhay ng mga
mananampalataya.
NAGBIBIGAY NG ESPIRITUWAL NA MGA KALOOB:
Ang espirituwal na mga kaloob ay mahalaga sa
panloob na paglago ng Iglesya dahil ang mga ito ay “nagpapalakas” sa mga
mananampalataya. Ang ibig sabihin ng “ pagpapalakas” ay “patatagin at magdulot ng espirituwal na
paglago.” ( Matututuhan mo pa ang ibang
mga bagay tungkol sa espirituwal na mga kaloob sa susunod na aralin.)
NAG-PAPAUNLAD NG ESPIRITUWAL NA BUNGA:
Ang espirituwal na bunga ang likas na
Espiritu na ipinahayag sa buhay ng mananampalataya. Tumutukoy ito sa
espirituwal na katangian na nakikita sa buhay ng lahat ng mga mananampalataya.
Ang espirituwal na bunga ang ebidensiya ng
espirituwal na paglago. Katulad ng bunga sa natural na mundo, ito ay produkto
na resulta mula sa proseso ng buhay. Kung paano ang bunga ay nangangailangan ng
panahon para umunlad sa natural na mundo kailangan din ng espirituwal na bunga
ng panahon para umunlad. Ito ay produkto ng panloob na paglago sa buhay ng mga
mananampalataya.
Narito ang listahan ng espirituwal na bunga
Ng Espiritu Santo:
Datapuwa’t ang bunga ng espiritu ay pagibig,
katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat
Kaamuan, pagpigil; laban sa mga gayong bagay
ay walang kautusan. (Galacia 5:22-23)
Nais Ng Dios na lumago ka sa:
Pag-ibig:
Malalim na pagmamahal, pagkalinga, at pagmamalasakit.
Katuwaan:
Kagalakan, kasiyahan, at kasiglahan na hindi nakabatay sa katayuan ng
buhay.
Kapayapaan:
Tahimik, kalmado, pagkakaisa; walang alitan at takot, at pagmamalasakit.
Pagpapahinuhod: Pagtitiyaga—kakayahan na maging masayahin sa
pagdadala ng hindi kaayaayang sitwasyon; pagtitiis.
Kagangahang-loob: Mahinahon na asal; hindi mabagsik, marahas o
maingay; tahimik, magalang na kabutihan sa iba.
Kabutihan:
Kabanalan at katuwiran.
Pagtatapat:
Pagtititwala Sa Dios.
Kaamuan:
Pagpipigil na lakas.
Pagpipigil:
Kahinahunan ng damdamin, pag-iisip at mga gawa; papipigil sa sarili.*
MGA KAHILINGAN PARA SA PAGLAGO
Sa natural na mundo mayroong tiyak na
kahilingan na kinakailangan para lumago at umunlad ang bunga. Ang mga natural
na kahilingang ito ay pareho ng espirituwal na mga bagay na kailangan para sa
paglago ng bunga ng espirituwal na kaganapan. Narito ang ilan sa mga
pagkakapareho:
BUHAY:
Ang paglago ay imposible kung walang
buhay. Ang pag-unlad ng bunga ay
nagsisimula sa buto. May buhay dapat sa
buto, kung hindi, hindi ito lalaki. Sa
talinghaga ng maghahasik, ang “buto” ay ang Salita Ng Dios. Ang paglago ay
nagmumula sa buto ng Salita:
Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay
nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan
nito’y magsilago kayo sa ikaliligtas. (I Pedro 2:2)
Si Jesus ang nakikitang kapahayagan ng Salita
Ng Dios, Ang Buto, at Siya ang buhay:
Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang
ilaw ng mga tao. (Juan 1:4)
Sapagka’t kung paanong ang Ama ay may buhay
sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na
magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili. (Juan 5:26)
Si Jesus ay pumarito para itanim ang buto ng
buhay para tayo ay espitiruwal na lumago:
Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang
magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng
buhay at magkaroon ng kasaganaan nito.
(Juan 10:10)
TAMANG LUPA:
Dapat magkaroon ng mabuting lupa para ang
buto ng Salita Ng Dios ay umunlad nang maayos. Basahin ang talinghaga ng
maghahasik sa Marcos 4. Ang buto lamang
na nahulog sa mabuting lupa ang magbibigay ng espirituwal na paglago:
At yaon ang naghahasik sa mabuting lupa; na
nakikinig ng salita, at tinanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at
tigaanim na pu, at tigiisang daan. (Marcos 4:20)
Dapat mong ihanda ang mabuting “lupa” ng
iyong puso at isip para matanggap ang buto ng Salita Ng Dios.
TUBIG:
Ang tubig ay kailangan para sa paglago sa
natural na mundo. Ipinangako Ng Dios:
___________
* Tinalakay
ng detalye ang bawat espirituwal na mga katangian na ito sa kurso ng Harvestime
International Institute na “Ang
Ministeryo Ng Espiritu Santo.”
Sapagka’t ipagbubuhos ko ng tubig siya na
uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa
iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi. (Isaias 44:3)
Ang
pagbubuhos na ito ng Espiritu Santo ay kinakatawan ng tubig:
Aking ibubuhos ang saganang tubig sa tuyong
lupain, sa uhaw na lupa ay maraming batis ang padadaluyin, aking Espiritu’y
ibubuhos ko sa ‘yong mga supling. At ang mga liping susunod sa iyo ay
pagpapalain. (Isaias 44:3 MBB)
Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi
ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.
(Juan 7:38)
Ang tubig Ng Espiritu Santo na nagdudulot sa
binhi ng Salita Ng Dios ay nag-uugat sa mga puso ng lalake at babae na patay sa
espiritu:
Sapagkat may pagasa sa isang punong kahoy, na
kung ito’y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi
maglilikat.
Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa,
at ang puno niyao’y mamatay sa lupa;
Gayon ma’y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay
sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim. (Job 14:7-9)
LIWANAG:
Ang tugon sa liwanag ang nagdudulot ng
paglago sa natural na mundo. Ang espirituwal na paglago ay nangyayari sa
pagtugon sa espirituwal na liwanag. Ang
liwanag na iyon ay Si Jesus:
Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na
sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumunod sa akin ay hindi lalakad sa
kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan. (Juan 8:12)
Hangin:
Ang hangin ay ipinapasok sa loob ng natural
na halaman mula sa kalawakan na nakapalibot dito. Ang hangin ang kailangan para
lumago. Sa Biblia Ang Espiritu Santo ay
inihambing sa hangin.
Umiihip ang hangin kung saan ibig at
naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggaling at
kung saan naparoroon. Gayon din ang bawat ipinanganak sa espiritu. (Juan 3:8
MBB)
Hinihingahan ng buhay Ng Espiritu Santo ang
binhi ng Salita Ng Dios. Ang resulta ay
espirituwal na paglago at pag-unlad ng bunga.
LUGAR:
Sa talinghaga ng maghahasik, ang kompetensiya
para sa lugar ay sanhi ng pagkamatay ng ibang halaman:
At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong
dumirinig ng salita; ngunit ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang
daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao’y nagiging walang
bunga. (Mateo 13:22)
Ang kompetensiya ng mga bagay sa mundo ay nakakapigil sa binhi ng Salita
Ng Dios at humahadlang sa espirituwal na paglago.
PAHINGA:
Ang panahon ng pagpapahinga ay ( tinatawag na
tulog) sumasakop sa tiyak na panahon ng pag-unlad ng pag-ikot ng halaman sa
natural na mundo. Ito ay panahon ng
pagpapahinga para sa halaman at panahon na nauna sa pagsibol ng mabilis na
paglago. Sa panahon ng pagkatulog, ang halaman ay mukhang patay. Subalit hindi ito patay. Ang binhi ng buhay
ay buhay pa rin sa loob.
Kung minsan ang isang tao o iglesya ay
maaaring mag mukhang parang hindi espirituwal na lumalago. Subalit kung ang binhi ng Salita Ng Dios ay
naitanim ng maayos, mangyayari ang panloob na paglago sa tamang panahon. ( Mga
Awit 1 ).
Kung paano sa natural na mundo, ang
espirituwal na pagkatulog ay nauna sa panahon ng mabilis na paglago at
pag-unlad. Matiyagang maghintay para sa proseso ng panloob na paglago para
dumami ang espirituwal na bunga:
Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa
pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng
lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli.
(Santiago 5:7)
ANG SISTEMA NG UGAT:
Kailangan ang ugat para kumapit at magbigay
ng mga sustansiya sa halaman. Sinasabi
sa Mga Awit 1 kung paano umunlad ang sistema ng ugat sa iyong espirituwal na
buhay:
Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng
masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng
mga manglilibak.
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan
ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
At siya’y magiging parang punong kahoy na
itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
ang kaniyang dahon nama’y hindi malalanta; at anomang kaniyang gawin ay giginhawa.
(Mga Awit 1:1-3)
KAMATAYAN:
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa
inyo, maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira
siyang mag-iisa ngunit kung mamatay, ay nagbubunga ng marami. (Juan 12:24)
Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing
inihahasik hangga’t hindi ito namamatay. (I Corinto 15:36 MBB)
Ang espirituwal na buhay ay nakadepende sa
pagkamatay ng mga bagay sa mundo.
Kailangan na mamatay sa kasalanan, makamundong pagnanasa, at kalayawan.
Ang resulta ng pagkamatay sa mundo ay pag-unlad ng mga bunga ng pagkatulad ng
iyong buhay Kay Cristo.
NAKAKABIT SA PUNO:
Para mamunga sa natural na mundo ang samga ay
dapat nakakabit sa pangunahing halaman.
Kung ang sanga ay hindi nakakabit mula sa pangunahing puno o katawan na
nagbibigay ng buhay ito ay hindi mamumunga.
Si Jesus ang puno at tayo ang mga sanga. Para tayo ay espirituwal na mamunga dapat
nating panatilihin ang ating kaugnayan sa Kanya:
Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking
Ama ang magsasaka.
Ang bawat sanga na sa akin ay hindi
nagbubunga ay inaalis niya; at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis niya,
upang lalong magbunga.
Kayo’y malilinis na sa pamamagitan ng salita
na sa inyo’y aking sinalita.
Kayo’y manatili sa akin, at ako’y sa inyo.
Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa
puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo’y manatili sa akin.
Ako ang puno ng ubas kayo ang mga sanga: ang
nananatili sa akin at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami:
sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. (Juan 15:1-5)
PAGPUTOL:
Ang pagputol ay kinakailangan sa natural na
mundo kung ang halaman ay hindi produktibo at hindi namumunga. Kung ang
magsasaka ay nagpuputol ng mga halaman pinuputol niya ang mga sanga na hindi
produktibo para ang halaman ay mamunga ng mas marami. Inaalis niya ang lahat ng nakapipiit sa paglago ng halaman.
Ang pagputol ang kinakailangan din sa
espirituwal na mundo. Ang Espirituwal na pagputol ay pagtutuwid Ng Dios. Tinatawag ito ng Biblia na pagpaparusa. Kung Ang Dios ay “nagputol” inaalis Niya sa
iyong buhay ang lahat na nakapipigil sa espirituwal na paglago. Ang prosesong
ito ay kinakailangan para ikaw ay espirituwal na mamunga:
Ang bawat sanga na sa akin ay hindi
nagbubunga ay inaalis niya; at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis niya,
upang lalong magbunga. (Juan 15:2)
Kung minsan hindi mo naaani ang pakinabang ng
pagputol dahil sinisisi mo si Satanas subalit Ang Dios pala ang nagpaparanas ng
mga pangyayari sa iyong buhay para ikaw ay maitama (pagputol). Ang layunin ng pagtatama Ng Dios ay ibinigay
sa Oseas 6:1
Magsiparito kayo at tayo’y manumbalik sa
Panginoon; sapagka’t siya’y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya’y nanakit
at kaniyang tatapalan tayo. (Oseas 6:1)
Ang kaparusahan ng pagputol ay magdudulot ng
pagbabalik Sa Dios. Ang pagbalik lamang sa Kanya ang magdudulot sa iyo ng
pamumungang espirituwal at magpapakita ng bunga ng Espiritu Santo sa iyong
buhay.
PANAHON:
Ang panahon ay mahalaga para umunlad ang bunga. Sa natural na mundo maraming uri ng bunga
ang yumayabong sa mga kapaligiran na pinipigil sa natatanging klima. Ang mga ito ay pinalaki sa mga gusali na
tinatawag na “mainit na kamalig” at may angkop na temperatura. Ang mga ito ay iniingatan mula sa tunay na
kapaligiran ng nasa labas na mundo.
Kung kukuha ng halaman sa “mainit na
kamalig” at ilalagay mo sa labas, sa
madaling panahon ito ay mamamatay dahil ito ay nabuhay lamang sa iningatan na
kapaligiran. Hindi nito matatagalan ang kapaligiran ng tunay na mundo. Sa
espirituwal na pag-uusap, ayaw mo ng “mainit na kamalig.” Ang mga Kristiyano na mukhang mabuti sa
iningatang lugar subalit malalanta kung ito ay makikitungo sa tunay na mundo.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula
sa memorya.
________________________________________
________________________________________
2.
Ano ang ibig sabihin natin kung ating pinag-uusapan ang panloob na
paglago ng Iglesya?
________________________________________
3.
Ano ang espirituwal na paglago?
________________________________________
4. Isulat ang pitong esbidensiya ng
Espirituwal na paglago.
________________________ __________________________
________________________ __________________________
________________________ __________________________
_____________________________
5. Tinalakay sa aralin na ito ang maraming
paraan na ang Espiritu Santo ang sanhi ng panloob na paglago sa iglesya. Isulat
ang iyong mga natatandaan:
________________________________________
________________________________________
6. Tinalakay sa aralin na ito ang mga
kalagayan para sa espirituwal na paglago na katulad ng mga kinakailangan para
sa natural na mundo. Isulat ang iyong
matatandaan.
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit
ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1.
Kung ang
halaman ay malapit nang mamatay sa natural na mundo ito ay dapat buhaying
muli. Kung ang Iglesya ay malapit nang
espirituwal na mamatay, kinakailangan na buhaying muli. Para buhaying muli ito
ay “dapat manumbalik ang buhay at lumago ng bago.” Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensiya:
Ang pagtangis para sa “revival”: Mga Awit 85:6
Ang plano Ng Dios para sa “revival”: II Cronica 7:14
Pag-aralan ang sumusunod na mga pangyayari
para sa mga “revivals” sa Lumang Tipan.
Ano ang mga bagay na naging sanhi ng “revival” Ano ang mga resulta ng
bawat “revival”?
Ang
“revival” sa Sinai:
Exodo
32:1-35; 33:1-23
Ang
“revival” sa pangunguna ni Samuel: I
Samuel 7:1-7
Ang
“revival” sa Bundok Carmel: I
Mga Hari 18:1-46
Ang
“revival” sa Nineveh:
Ang
aklat ng Jonas
Ang
“revival” sa pangunguna ni Asa: II
Cronica 15
Ang
“revival” sa pangunguna ni Ezechias: II
Cronica 29:1-36; 30:1-27; 31:1-21
Ang
“revival” sa pangunguna ni Josiah: II
Cronica 34:1-33; 35:1-19
“Revival”
pagkatapos ng pagkabihag: Nehemias
8:1-18
2. Sa
huling kabanata iyong natutuhan na ang Iglesya ay inihambing sa espirituwal na
gusali na itinayo sa pundasyon, Si Jesu Cristo. Ang panloob na espirituwal na
paglago ay proseso ng pagtatayo sa pundasyon.
Pag-aralan ang sumusunod na balangkas:
PAGLAGO SA PAGTATAYO
MGA
PANGUNAHING PRINSIPYO:
A. Ano ang iyong espirituwal na itinatayo?
1. Ikaw ay isang gusali:
Kayo
rin naman na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu,
upang magingpagkasaserdoteng banal, upang mahandog ng mga hain ukol sa
espiritu, na nangaliligod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo. (I Pedro 2:5)
2. Ang Iglesya ay isang gusali:
…Na mga
itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si
Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok; Na sa kaniya’y ang boong
gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal
sa Panginoon; Na sa kaniya’y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa
Espiritu. (Efeso 2:20-22)
B.
Mayroong dalawang kasama sa proseso:
1. Dios:
…Sapagkat
ang bawat bahay ay may nagtayo; datapuwa’t ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay
ang Dios. (Hebreo 3:4)
Malibang
itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang
bantay. (Mga Awit 127:1)
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay
Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang ang aking iglesia; at ang
mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. (Mateo 16:18)
2. Tao:
Sapagkat
tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, ang gusali ng Dios.
(I Corinto3:9)
... papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa
inyong lubhang banal na pananampalataya... (Judas 20)
At silang
magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga
patibayan ng maraming sali’t saling lahi; at ikaw ay tatawagin ang tagapaghusay
ng sira, ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. (Isaias 58:12)
BAGO KA MAGSIMULANG MAGTAYO:
Bago ka magsimulang magtayo ikaw ay dapat:
1. Bilangin Ang Halaga:
Sapagkat
alin sa inyo , ang kung ibig magtayo ng isang moog ay hindi, muna uupo at
tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos? Baka kung
mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay
mangagpasimulang siya’y libakin, Na sabihin, nagpasimula ang taong ito na
magtayo, at hindi nakayang tapusin. (Lucas 14:28-30)
2. Maging Determinado:
Si Salomon
nga ay nagpasiya na ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon, at ng isang
bahay ang kaniyang kaharian. (II Cronica 2:1)
3. Magkaroon
Ng Tamang Motibo:
...Narito,
aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, upang
italaga sa kaniya, at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mainam
sa espesia...palaging tinapay na handog...handog na susunugin...takdang
kapistahan...(II Cronica 2:4)
4. Maghanda:
…Sapagkat
inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at
upang gawin, at upang magturo... (Ezra 7:10)
At yaong
aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang Panginoon, at hindi naghanda, at
hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban...(Lucas 12:47)
PAANO MAGTAYO:
1. Magtayo Sa
Tamang Pundasyon:
Kaya’t ang
bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang
taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:
At lumagpak
ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon;
at hindi nabagsak: sapagkat natatayo sa ibabaw ng bato.
At ang
bawat dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa
isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:
At
lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay
na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.(Mateo 7:24-27)
Ang tamang pundasyon ay Si Jesus at ang Kanyang Salita:
Na mga
itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si
Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok; (Efeso 2:20)
Na nangauugat at nagtatayo sa kaniya, at
matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa
pagpapasalamat. (Colosas 2:7)
Mag-ingat kung paano ka magtayo ng pundasyon
na ito:
Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin,
na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba
ang nagtatayo sa ibabaw nito. Ngunit ingatan ng bawat tao kung paano ang
pagtatayo niya sa ibabaw nito. (ICorinto 3:10-13)
1. Magtayo Ayon Sa Plano:
Sa bawa’t proyekto ng pagtatayo ayon sa
Biblia, mayroong plano na ibinigay Ng Dios.
Tingnan ang Genesis 6: Exodo
25: I Cronica 22. Sinusunod ng mga tao
ang plano ng Dios:
Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos
sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya. (Genesis 6:22)
Iba ang plano, subalit pareho ang katotohan
kay Moises, David, Solomon, Ezra, at Nehemias… ang bawa’t isa ay ginawa ang
utos Ng Panginoon.
Lahat ng ito’y, sabi ni David, aking naalaman
sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon, sa makatuwid baga’y lahat ng gawain sa
anyong ito. (I Cronica 28: 19)
Kung hindi mo susundin ang plano Ng Dios para
sa pagtatayo ng iyong buhay sa Salita Ng Dios, hindi ka magtatagumpay:
Sapagkat ayaw nilang pakundangan ang mga gawa
ng Panginoon, ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay, kaniyang ibabagsak sila,
at hindi sila itatayo. (Mga Awit 28:5)
3. Magtayo Ayon Sa Iyong
Kakayahan:
Sa pagtatayo ng mga proyekto sa panahon ng
Lumang Tipan, ang mga tao ay nagbigay ayon sa kanilang kakayahan:
…Sila ay nangagbigay ayon sa kanilang
kaya...(Ezra 2:69)
4. Magtayo Ng Maluwag Sa
Kalooban:
Maging maluwag sa kalooban na espirituwal na
lumago:
...Nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios,
upang husayin sa kinatatayuan. (Ezra 2:68)
5. Magtayo Sa Lakas Ng
Panginoon:
At ako’y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon
kong Dios na sumasa akin... (Ezra 7:28)
6. Magtayo Na may
Pagkakaisa:
...sapagkat ang bayan ay nagkaroon ng
kaloobang gumawa. (Nehemias 4:6)
7. Magtayo Ng Maytalino:
Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa
pamamagitan ng unawa ay natatatag. (Mga Kawikaan 24:3)
Bawat pantas na babae ay nagtatayo ng
kaniyang bahay: Ngunit binubunot ng mangmang ng kaniyang sariling mga kamay.
(Mga Kawikaan 14:1)
Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay,
kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi. (Mga Kawikaan 9:1)
Pagkakalooban ka Ng Dios ng karunungan:
At aking pinupuspos siya ng Espiritu ng
Dios...sa karununagn at pagkilala, at kaalaman...upang magawa nila ang lahat ng
aking iniuutos... (Exodo 31:3,6)
…Sinabi ni...na may bait at
kaalaman...naipagtatayo ng isang bahay ang Panginoon...(II Cronica 2:12)
Ang Dios ang pinagmulan ng karunungan:
Ngunit kung nagkukulang ng karunungan ang
sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios...at ito’y ibibigay sa kaniya. (Santiago
1:5)
IKA-PITONG KABANATA
PAGPAPALAWAK NA PAGLAGO
Mga Layunin:
Pagkatapos
pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
·
Isulat ang
Susing Talata mula sa memorya.
·
Ipaliwanag kung
ano ang ibig sabihin ng paglawak na paglago.
·
Ibuod ang
paglawak na paglago ng unang iglesya sa Jerusalem.
·
Ibuod ang mga
paraan ng paglawak ng iglesya sa Bagong Tipan.
SUSING TALATA:
At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng
mga alagad... (Mga Gawa 6:7)
PAMBUNGAD
Sa natural na katawan, ang iba’t ibang
bahagi ay nagkakatugma sa pamamagitan
ng ulo. Ang lahat ng kilos ng katawan
ay resulta mula sa direksiyon na
ibinigay ng ulo. Si Jesus ang Ulo na nagbibigay ng direksiyon para sa Kanyang
espirituwal na Katawan, ang Iglesya. Sinabi
Ni Jesus,” Itatayo Ko ang Aking Iglesya” (Mateo 16:18). Ipinahayag sa Biblia, ang Kanyang paraan para
magawa ang layunin na ito.
Ang mga paraan sa pagpapadami ng Iglesya ay
dapat nakabatay kung ano ang itinuro at ipinakita sa Salita Ng Dios. Bilang kaanib ng Katawan Ni Cristo, ang mga
mananampalataya ay tinawag para kumilos sa mga direksiyon mula sa Ulo, ang
ating Panginoong Jesu Cristo. Ang
kabanatang ito ang una sa tatlo na tungkol sa paglago sa bilang sa loob
ng Iglesya. Ang aralin na ito ay
nakatuon sa paglawak na paglago.
Mga Layunin:
Pagkatapos
pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
·
Isulat ang
Susing Talata mula sa memorya.
·
Ibigay ang
kahulugan ng “pagdagdag na paglago”.
·
Ipaliwanag kung
ano ang ibig sabihin ng “pagtatanim/pagsisimula ng iglesya.”
·
Ibuod ang
pagdagdag na paglago ng iglesya sa Bagong Tipan.
·
Ipaliwanag kung
paano ang mga iglesya ay nagpaparami sa pamamagitan ng pagdagdag na paglago
·
Kilalanin ang
apat na paraan kung paano makapagsisimula ng bagong iglesya.
·
Kilalanin ang tatlong
uri ng pagdagdag na paglago ng mga iglesya.
·
Isulat ang mga
prayoridad ayon sa Biblia para sa pagpili ng mga lugar na maaaring magsimula ng
bagong mga iglesya.
·
Ipaliwanag ang
mensahe na ang naging resulta ay bagong
mga iglesya.
SUSING TALATA:
Kaya nga ang mga iglesia’y pinalakas sa
pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw. ((Mga Gawa 16:5)
PAMBUNGAD
Ang mga disipolo ay inutusan Ni Jesus na maging saksi sa Jerusalemm Judea , Samaria, at sa dulo ng daigdig. ( Mga Gawa 1:8)
Tulad ng iyong natutuhan sa huling kabanata, ang iglesya sa Jerusalem ay nakaranas ng mabilis na pagdami. Ang susunod na hakbang sa plano Ng Dios ay pagdagdag na paglago. Ang iglesya sa Jerusalem ay dapat magsimula ng bagong mga iglesya sa ibang bayan ng mga Hudyo.
PAGDAGDAG NA PAGLAGO
Ang pagdagdag na paglago ay nangyayari kung ang iglesya ay nagsimula ng isa pang iglesya sa magkatulad na kultura. Ang bagong iglesya ay dagdag ng “ina/unang” iglesya, kung paano ang isang bata sa natural na mundo ay pisikal na dagdag ng mga magulang.
Kung ang “ina/unang” iglesya ay espirituwal na ganap, ang bagong iglesya ay lalago sa magkatulad na kaganapan. Kung mayroong mga suliranin sa “ina/ unang” iglesya, ang bagong iglesya ay maaring magkaroon ng magkatulad na mga suliranin. Kaya mahalaga para sa iglesya na makaranas ng panloob na paglago sa espirituwal na kaganapan bago ito magsimulang magdagdag ng bagong mga iglesya.
Ang “pagtatanim/pagsisimula ng iglesya” ay termino na ginagamit din para ilarawan ang pagdagdag at pagtawid na paglago ng iglesya. Ang terminong ito ay ginamit dahil ang isang tao na “nagtatanim” ng bagong iglesya kung paano ang magsasaka ay nagtatanim ng buto sa natural na mundo. Sa matabang lupa, ang buto ay mamumunga ng bagong halaman katulad ng “ina” na halaman kung saan nanggaling ang buto.
Ang terminong “pagtatanin” ay mas angkop dahil hindi sapat na mag “organisa” lamang ng iglesya na hindi angkop sa kulturang local. Hindi sapat na “magsimula” ng iglesya at hayaan na magsikap. Ito ay dapat na “itanim,” ang ibig sabihin ay mag ugat lumago at magpatuloy sa pagikot ng buhay.
PAGDAGDAG NG IGLESYA SA BAGONG TIPAN
Sa katawan ng tao ang selula ay hinahati para lumago. Ang isang selula ay hinahati para magkaroon ng dalawang selula. Ang dalawang selulang ito ay maghahati para magkaroon ng isa pa, at nagpapatuloy ang proseso. Ang paglago sa Kaharian Ng Dios ay magkapareho. Ang pagpaparami ay nangyayari sa paghahati. Ang paghahati ay pangunahing paraan Ng Dios para sa paglago.
Kung hindi natin kusang pipiliin na maghati, maaring hayaan ng Dios ang mga pangyayari para magkaroon nito. Sa Mga Gawa 8 ay nasusuliat ang malaking pag-uusig na nangyari laban sa mga mananampalataya sa Jerusalem. Ang pag-uusig na ito ay nagdulot ng paghahati sa Iglesya sa Jerusalem ang mga tao ay na puwersa na umalis sa Jerusalem para mamuhay sa ibang bayan.
Habang ang mga taong ito ay umalis sa Jerusalem para pumunta sa bagong mga lugar sila ay “ pumunta sa lahat ng dako nangaral ng Salita” (Mga Gawa 8:4). Habang may mga bagong nahikayat, bagong mga iglesya ang naitayo. Ang mga iglesyang ito ay dagdag ng “ina/unang” iglesya sa Jerusalem.
Ang Bagong Tipan na iglesya ay hindi lamang nagdagdag para magtanim ng iglesya sa magkatulad na kultura, ito ay tumawid din sa ibang kultura para magsimula ng mga iglesya sa magkaibang grupo ng komunidad. Iyong matututuhan ang tungkol sa “pagtawid na paglago” sa susunod na kabanata. ( Ito at ang susunod na mga kabanata ay dapat pagaralan ng magkasama, dahil pareho itong tungkol sa pagsisimula ng bagong mga iglesya).
Ang talaan ng pagdagdag sa aklat ng Mga Gawa ay nagpapahayag na ang mga iglesya na nasimulan ng iglesya sa Jerusalem sa Judea, Galilea, Lydda, Sharon, at Joppa. Ang mga ito ay magkatulad na kultura ng Hudyo.
Katulad ng iyong natutuhan sa huling kabanata ang bawa’t iglesyang ito ay nakaranas din ng paglawak na paglago. Ang iglesya sa Jerusalem at mga pagtitipon ay nagawa sa pamamagitan ng paglawak na paglago ay …
Kaya nga ang mga iglesia’y pinalakas sa
pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.(Mga Gawa 16:5)
Hindi lamang ang bawa’t isang mananampalataya
ay espirituwal na nagbunga, kundi ang mga Iglesya ay tumaas ang bilang habang
ang iglesya sa Jerusalem ay nagpalawak na sumasaksi sa buong rehiyon.
PAANO NAGSIMULA ANG PAGDAGDAG NG IGLESYA
Mayroong apat na mga paraan kung paano ang
bagong iglesya ay nagsimula:
1.
Ang isang iglesya ay nagsimula ng isa pang iglesya.
2.
Ilang mga iglesya ay nagtulong-tulong para makapagsimula ng isa pang
iglesya.
3.
Ang isang malaking iglesya ay naghati para makabuo ng dalawa o higit pa
na magkahiwalay na mga iglesya.
4.
Ang bawa’t isang mananampalataya ay inatasan sa tiyak na lugar para
magsimula ng iglesya. Ang may espirituwal na kaloob ng pagiging apostol ang
kadalasan ng ginagamit sa paraan na ito.
Kung minsan ang taong ito ay tinatawag na “magtatanim/ magsisimula ng
iglesya.”
Sa bawa’t iglesya, ang pagpaparami ay
nangyayari sa pamamagitan ng pagdagdag ng mensahe ng Ebanghelyo sa pamamagitan
ng pagbuo ng bagong Katawan ng mga mananampalataya.
MGA URI NG KARAGDAGANG MGA IGLESYA
Ang mga bagong iglesya ay maaaring magkakaiba
ng uri ng pagdadagdag:
1. MGA IGLESYA NA
NAGMIMINISTERYO SA PARTIKULAR NA KOMUNIDAD:
Ang mga iglesyang ito ay natatag para
magministeryo sa pagtikular na komunidad, nayon, o lugar sa bayan. Ito ay
maaaring resulta ng pagbabahagi ng ebangheliko na nagtayo ng grupo ng bagong
mananampalataya sa tiyak na lugar.
Maaari na ito ay naitatag para magministeryo sa mga hindi pa naaabot o
mga lugar na handang tumugon.
2. MGA IGLESYA NA
NAGMIMINISTERYO SA MGA PAGTIKULAR NA GRUPO NA KATUTUBO:
Ang “fellowship” na ito ay nag miministeryo
sa particular na grupo ng katutubo na magkatulad na kultura, angkan at
lengguwahe. Halimbawa, ang iglesya ay maaaring nagsimula para sa mga tao na marunong
magsalita ng Espanol at hindi nakakaintindi ng Ingles na “service”. Ang isa
pang halimbawa ay para sa mga Asiano na nasa kampo ng refugee o para sa mga
Indians sa “American reservation.”
3. MGA IGLESYA NA MAY
NATATANGING LAYUNIN:
Ang iglesya ay maaaring maitatag para sa
natatanging layunin: Halimbawa, ang
iglesya ay maaaring naitanim malapit sa kolehiyo para maka pagministeryo sa mga
mag-aaral.
MGA PRAYORIDAD PARA SA KARAGDAGANG
PAGSISIMULA
Ang Biblia ay nagtuturo ng tiyak na mga
prayoridad sa pagpapalawak ng Ebanghelyo at pagsisimula ng bagong mga
iglesya. Ang mga ito ay sumusunod:
ANG MGA HINDI PA NAABOT:
Ang hindi pa nanabot na mga tao ang
prayoridad. Isinulat ni Pablo:
Sapagkat, ang lahat na nagsisitawag sa
pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi
nila sinampalatayanan? At paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi
nila napakinggan? At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral. (Roma
10:13-14)
Ang mga lugar na wala pang mga saksi ng
Ebanghelyo ang dapat na palaging prayoridad.
Basahin ang talinghaga ng tupa sa Lucas 15:3-7. Ang prayoridad ay nasa tupang nawawala,
hindi ang nasa kural na.
ANG MGA HANDANG TUMUGON:
Iyong natutuhan sa huling aralin ang
kahalagahan ng pagkilos sa mga handang espirituwal na mga bukirin. Itinuro Ni Jesus sa (Mateo 10:13-15; Lucas 8:5-15) at ito ay ginawa ni Pablo sa
( Mga
Gawa 13:42-51). Hindi iniwan ni Jesus
at ni Pablo ang mga hindi handang tumugon na mga bukirin. Nagpatuloy silang mangaral ng Ebanghelyo sa
kanila at pinaalalahanan ng paghuhukom Ng Dios. Subalit ang kanilang prayoridad
ay ang mga tao na handa nang tumugon.
UNAHIN ANG MGA SIYUDAD, PAGKATAPOS ANG RURAL NA MGA LUGAR:
Ito ang estratehiya na ginamit ni Pablo na
iyong matututuhan ang mas maraming mga bagay sa susunod na kabanata. Ang mga siyudad ang pinakamaraming
populasyon. Maraming tao ang bumibisita
sa siyudad para sa kalakal at pagsasaya. Kung iyong maaabot ang maraming tao sa
siyudad, sila ay babalik sa rural na mga lugar para ibahagi ang Ebanghelyo at
magtayo ng bagong mga iglesya.
Kung ito man ay pagbabago ng kinaugalian,
istilo, o batas, ang pagbabago ay kadalasan na nagsisimula una sa siyudad at
kakalat sa rural na mga lugar. Kung
iyong naabot ang siyudad ng Ebanghelyo, ito ay kakalat sa mga natural na linya
ng lipunan tungo sa lugar ng rural.
ANG MENSAHE
Ang mensahe ng “church planter” ay dapat na :
ANG MENSAHE AY BATAY SA BIBLIA:
Nagkakaroon ng mga bagong iglesya bilang
resulta ng pagkarinig ng Ebanghelyo ng hindi pa mga ligtas at tinanggap Ni
Jesus bilang Tagapagligtas. Kung ang
pangangaral ay nakabatay sa Biblia , ito ay tinataglay ang awtoridad Ng Dios.
Nakikita ng mga nakikinig at tumutugon sa kapangyarihan ng Salita Ng Dios.
ANG MENSAHE NA NAKA-SENTRO KAY CRISTO:
Si Jesus ang sentro ng mensahe ng dumadaming Iglesya. Dapat malaman ng mga
tao kung Sino Siya., ang kahalagahan ng Kanyang ministeryo sa lupa, ang Kanyang
kamatayan at muling pagkabuhay. Dapat
silang maturuan kung paano tumugon sa Ebanghelyo at tumanggap ng kaligtasan at
walang hanggang buhay.