Mga Stratehiyang Espirituwal:
Isang Manwal Para sa Pakikibakang Espirituwal
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pag-aaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa paglalarawan sa isip, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag na mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Institute
3092 Sultana Dr.
Madera, California 93637
U.S.A.
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral . . . . . . . I
Pambungad . . . . . . . . . . . 1
Mga Layunin ng Kurso . . . . . . . . . 5
ANG TAWAG SA PAKIKILABAN
1. Ang Di Nakikitang Labanan . . . . . . . . . 7
PAGSANIB
2. Pagpapalista sa Hukbo ng Diyos . . . . . . . . . 20
PAUNANG PAGSASANAY
3. Ang Punong Kumander: Ang Panginoon Ng Mga Hukbo . . . . . 34
4. Ang Espirituwal Na Mga Puwersa Ng Mabuti: Mga Anghel . . . . 55
5. Ang Kaaway: Si Satanas . . . . . . . . . 68
6. Ang Espirituwal Na Mga Puwersa ng Masama: Mga Demonyo . . . . 81
7. Ang Teritoryo Ng Kaaway . . . . . . . . . 91
8. Ang Estratehiya Ng Kaaway . . . . . . . . 104
9. Ang Plano ng Pakikibaka ng Diyos . . . . . . . 110
PAGPAPAKILOS
10. Pagsalakay at Pagtatanggol Sa Pakikibaka . . . . . . 137
11. Mga Sandata Ng Pagtatanggol . . . . . . . . 148
12. Mga Sandata Sa Pagsalakay . . . . . . . . 161
13. Mga Katumbas Sa Natural Sa Pakikibakang Espirituwal . . . . . 169
PAGSALAKAY
14. Pagpasok Sa Larangan Ng Labanan: Pakikibaka Sa Sanglibutan at Laman . . 181
15. Ang Labanan Sa Pagiisip . . . . . . . . . 199
16. Ang Labanan Sa Dila . . . . . . . . 216
17. Ang Labanan Sa Pader . . . . . . . . 236
18. Labanan Sa Mahahalagang Teritoryo . . . . . . . 247
DAGDAG NA PAGSASANAY SA PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL
19. Paglilipat Ng Mga Espiritu . . . . . . . . 263
20. Mga espiritu Ng Kasamaan Sa Dakong Kataastaasan . . . . . 276
21. Pagharap Sa Kapangyarihan Ng Mga Demonyo . . . . . . 292
22. Mga Biktima Ng Digmaan . . . . . . . . 322
23. Paano Matalo sa Laban Subalit Nagwagi sa Digmaan . . . . . 341
HULING TAGUBILIN
24. Ang Huling Labanan . . . . . . . . . 354
APENDISE
Mga Mahahalagang Labanan Sa Biblia . . . . . . . 365
Mga Sagot Sa Inspeksyon . . . . . . . . . 374
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG SA PAGAARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga mag-aaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,
ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Mag-aaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga mag-aaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalagin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling buod ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NANG MALALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.
Inspeksyon: Repasuhin ang mga Pangsariling Pagsusulit (Inspeksyon) na natapos na ng magaaral. (Tandaan: Kung hindi mo nais na makita ng mga magaaral ang mga sagot sa pangsariling pagssulit, maaaring mong alisin ang mga pahina ito mula sa likod ng manwal.
Mga Taktika ng Pagmamaniobra: Maaaring mong isagawa ang mga proyektong ito ng isahan o sama-sama sa grupo.
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay naka-enrol sa kursong ito upang makaipon ng credits, kailangang ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Bigyan ng kopya ang bawat isang magaaral at ipasagot ang pagsusulit sa katapusan ng kursong ito.
I
MODULE: PAGHIHIRANG
KURSO: Mga Stratehiyang
Espirituwal:
Isang Manwal Para Sa Pakikibakang
Espirituwal
PAMBUNGAD
Mayroong labanang nagaganap sa sanglibutan ngayon. Hindi ito pagtutuos ng mga bansa, mga tribo, o mga tagapanguna ng pamahalaan. Hindi rin ito isang pagaalsa o isang kudeta. Ito ay isang mahalagang labanang di nakikita na nagaganap sa larangang espirituwal. Sinasabi ng Biblia na ang bayan ng Diyos ay nalipol dahil sa kawalan ng kaalaman. Isa sa mga larangang ito ay ang pakikibakang espirituwal na may kakulangan ang mga mananampalataya sa pagkaunawa.
Tinanaw ng unang iglesia na pakikibaka ang kanilang karanasang espirituwal. Mga salitang pang-militar ay ginamit sa buong Bagong Tipan. Proteksyon ang dulot ng baluti ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay itinulad sa isang tabak. Ang mga atake ni Satanas ay tinawag na mga nagliliyab na palaso. Ang pananampalataya ang “mabuting pakikibaka” at ang mga mananampalataya ay sinabihan na “makipagbaka ng mabuting pakikibaka.” Alam ng unang iglesia na ito ay sangkot sa isang matinding pakikipaglabang espirituwal.
Ang labanang espirituwal na ito ay patuloy hangga ngayon, subalit sa halip na nakikilaban, ang mga mananampalataya ay abala sa pagtatayo ng mga gusali, nagpapalabas ng mga dramang musikal, nadaraos ng mga pagtitipon, at sila-sila ang nagaaway habang ang laban ay nagaganap sa tabi nila. Ang totoo, pinatindi pa ni Satanas ang atake sa isang iglesia na umatras na mula sa tunay na labanan.
Habang ang katapusan ng panahon ay palapit ng palapit lalong kailangang maunawaan ng mga mananampalataya ngayon kaysa noong una ang pakikibakang espirituwal. Nagbabala si apostol Pablo:
Datapuwa’t alamin mo
ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong
mapanganib . (II Timoteo 3:1)
Upang maging wasto ang paghahanda para sa mga mapanganib na mga panahon, kailangan ang dagdag na diin ang ibigay sa mga estratehiya ng pakikibakang espirituwal. Ang buhay Cristiano ay isang pakikibaka. Hangga’t maaga na kilalanin at paghandaan ito, maaga rin nating makakamit ang tagumpay.
Sinabi sa Lucas 14:31, “O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo na dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo?” Walang hari na pumasok sa digmaan na hindi muna sinusuring mabuti kung ano mayroon siya at ang estratehiya sa pakikilaban. Sa madali’t sabi, iyan ang ating ginagawa sa kursong ito. Ating gagawin ang isang maingat na pagsusuri ng estratehiya, mga kasangkapan, at kapangyarihang nasa sa atin upang magtagumpay sa laban sa ating kaaway, si Satanas.
Sa larangang militar, ang “estratehiya” ay isang sistema ng pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga operasyong militar. Ito ang paraan o plano na patungo sa minimithing panalo. Sa kursong ito, matututuhan mong balangkasin at pairalin ang estratehiyang espirituwal ng pakikilaban na siyang magdudulot ng pagwawagi sa larangang espirituwal.
ANG MANWAL
Ang bawat aralin ay inilalahad gamit ang mga pananalitang militar sa ilalim ng mga susumusunod na bahagi:
ANG TAWAG SA PAKIKILABAN:
Ipinapaliwanag ng Unang Kabanata ang tungkol sa digmaang di nakikita at ang “tawag sa pakikilaban” para sa lahat ng mga mananampalataya.
PAGSANIB:
Lahat ng mga hukbo sa mundo ay may mga paraan ng pagsanib. Ito ang tanging mga bagay na kailangan mong gawin upang makabilang ka sa hukbo. Totoo rin ito sa hukbo ng Diyos. Ang Ikalawang Kabanata ang nagpapaliwanag kung paano ang pagsanib sa hukbo ng Diyos.
PAUNANG PAGSASANAY:
Pagkatapos masanib sa hukbo, ang isang kawal ay tatanggap ng paunang pagsasanay. Ang paunang pagsasanay sa hukbo ng Diyos ay napapaloob sa Ikatlo hanggang Ikasiyam na Kabanata. Ang mga pinaglalabanan sa hindi nakikitang digmaan na ito ay tiyak. Ang mga pwersa ng mabuti at masama ay tinatalakay, kabilang ang Panginoon ng mga Hukbo, mga anghel, si Satanas, mga demonyo, ang sanglibutan, at ang laman. Ang teritoryo ng kaaway at estratehiya nito ay kinikilala, at ang kabuuang plano ng Diyos sa labanan ay inihaharap.
PAGPAPAKILOS:
Walang silbi ang pagsasanay kung walang pagpapakilos ng hukbo. Ang ibig sabihin ng “pagpapakilos” ay “tiyakin na nasa kalagayan ng kahandaan para sa paglilingkod sa hukbo.” Sa bahagi ng “Pagpapakilos” ng kursong ito sa Ikasampu hanggang Ikalabing tatlong Kabanata, matututuhan mo ang tungkol sa paglusob at pagsasanggalang sa digmaan, paano gamitin ang mga kasangkapan ng pakikibaka, at ang mga katumbas sa larangang espirituwal ng mga likas na ginagawa sa digmaan.
PAGSAKOP:
Sa pagsakop, ang isang hukbo ay pumapasok sa teritoryo ng kaaway upang matalo ang kaaway at sakupin ang teritoryo nito. Ang paunang pagsasanay ay walang silbi kung hindi magagamit ang natutuhan sa aktuwal na labanan. Kahit ang isang hukbong kompleto sa kasangkapan ay di sapat kung ito ay nakahinto lamang sa tabi. Upang maging mabisa sa pakikibaka, dapat mong pasukin ang teritoryo ng kaaway. Ang “pagsakop” ay tinatalakay sa Ikalabing apat hanggang Ikalabing siyam ng Kabanata, at dito’y papasukin mo ang teritoryo ng kaaway, ang sanglibutan, ang laman at ang Diablo. Pagaaralan mo ang labanan sa isip, sa dila, sa kabila pa ng muog, sa dakong kaitaasan, at mga teritoryong pinaglalabanan. Sa bawat isa sa mga araling ito, ang mga estratehiya ni Satanas ay kinikilala at ang mga pangontrang estratehiya sa paggapi sa kaaway ay inilalahad.
HIGIT NA MAUNLAD NA PAGSASANAY PARA SA PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL:
Pagkatapos ng unang karanasan sa pakikilaban, ang mga kawal ay karaniwan nang tumatanggap ng dagdag na pagasasanay sa mga tukoy na larangan ng pakikibaka. Ang bahaging ito ng manwal ay pinamagatang “Spiritual Warfare Advanced Training” at ang mga initials nito ay “SWAT.” Sa militar ang SWAT ay isang grupo ng mga piling kawal na ginagamit sa mga mahihirap na misyon. Sa dagdag na pagsasanay na bahagi ng manwal na ito matututuhan mo ang tungkol sa paglilipat ng espiritu, paano mo tutulungan ang mga bihag at labi ng digmaan, at paano makikitungo sa mga kapangyarihan ng demonyo. Matututuhan mo rin kung paano matalo sa laban at manalo sa digmaan.
HULING TAGUBILIN:
Sa “huling tagubilin” sa Ikadalawangput anim na Kabanata ay pagaaralan mo “ang huling pagtutuos” na siyang magdadala sa pangwakas na digmaan tungo sa matagumpay na pagtatapos.
APENDISE:
Sa apendise ng manwal na ito, sisiyasatin mo ang tala ng kasaysayan ng mga “Mahahalagang Digmaan Sa Biblia” sa pagpapatuloy mo ng paghasa ng iyong kakayahan sa pakikibakang espirituwal.
MGA ARALIN
Bawat aralin sa manwal na ito ng digmaan ay binalangkas ayon sa sumusunod:
MGA LAYUNIN:
May mga mithiin sa pakikibakang espirituwal na dapat mong maabot sa pagaaral ng araling ito.
SUSING TALATA MULA
SA “ARTICLES OF WAR”.
Pagka ang isang bansa ay nagdeklara ng pakikidigma, gumagamit sila ng “Articles Of War.” Ipinapaliwanag ng dokumentong ito kung bakit sila nakikipagdigma, tinutukoy ang kaaway, at sinasabi ang mga layunin ng digmaan. Ang Biblia ang nasulat na Salita ng nagiisang tunay na Diyos, ang Pinuno ng hukbong espirituwal. Napapaloob sa Biblia ang ating “Articles Of War” para sa pakikibakang espirituwal. Sa bawat aralin, ang “Susing Talata Mula Sa Articles of War” ang nagbibigay diin sa pangunahing isipan ng aralin.
PAMBUNGAD:
Ibinibigay sa pambungad ang pangkalahatang pagtanaw sa nilalaman ng kabanata.
ARALIN:
Ito naman ang naghaharap ng mga “tagubiling militar” para sa kabanata. Ang “tagubilin” ay isang panahon na itinakda bago ang pakikilaban na nagbibigay ng mga kailangang impormasyon para sa isang mabisang pakikilaban.
INSPEKSYON:
Sa karaniwang hukbo, ang “inspeksyon” ay karaniwang ginagawa upang tiyakin ang mga kahandaan at kakayahan ng mga kawal. Ang bahaging “inspeksyon” ng bawat kabanata ay isang pagsisiyasat kung naabot mo ang mga layunin ng aralin.
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA:
Sa panahon na ang mga taktika ng pagmamaniobra ay ginagamit sa hukbo, ginagamit ng mga kawal ang kanilang mga natutuhan sa aktuwal na kalagayang pakikibaka. Ang bahaging ito ng aralin ay nagkakaloob ng pagkakataong gamitin mo ang iyong napagaralan at pagaralan ang ibang mga materyales na kaugnay ng aralin.
HANDA KA NA BA?
Ang pagsisiwalat ng Biblia tungkol sa ating kaaway at ang kaniyang mga estratehiya ay isa sa pinakadakilang kapahayagan ng Salita ng Diyos. Lalong dakila ang kapahayagan na bilang mga mananampalataya, may kapangyarihan tayo laban sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway. Ang manwal na ito ay hindi naman kumpletong pagaaral sa paksa ng pakikibakang espirituwal, subalit ito ay isang malalim na pagsusuri ng Kasulatan. Kung paano sa natural na labanan, ang kakayahang makibaka ay lumalago habang ikaw ay lumalahok sa labanan.
MGA LAYUNIN
Pagkatapos pag-aralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahang:
. Tukuyin ang dalawang kahariang espirituwal.
. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “pakikibakang espirituwal.”
. Kilalanin ang mga dahilan ng dakilang labanang espirituwal na ito.
. Tukuyin ang mga pwersang espirituwal ng kabutihan.
. Tukuyin ang mga pwersang espirituwal ng kasamaan.
. Kilalanin ang mga etratehiya ni Satanas.
. Mabisang gamiting ang mga espirituwal na pangontrang estratehiya.
. Iangkop ang mga katumbas ng likas na larangan sa larangang espirituwal.
. Gumamit ng mga panglusob at pangsangga na mga kasangkapang espirituwal.
. Mawari kung may “demon possession” ang isang tao.
. Maunawaan kung paano natatanggap ang pagpapalaya mula sa mga demonyo.
. Magwagi sa digmaan kahit matalo sa isang labanang espirituwal.
. Ilarawan ang huling pagtutuos na magbibigay wakas sa di nakikitang labanan.
. Kilalanin ang mga prinsipyo sa pakikibakang espirituwal sa mga mahahalagang digmaan
sa Biblia.
ANG TAWAG SA PAKIKIBAKA
ISANG TAWAG PARA SA DI NAKIKITANG LABANAN
May isang malaking digmaan na nagaganap sa larangang espirituwal. Ito ay isang personal na laban na panloob sa pagitan ng laman at espiritu. Ito rin ay isang labanang pangkalahatan sa mga pwersa ng kasamaan sa sanglibutan. Ito ay isang labanang espirituwal kontra sa kapangyarihan ng kasamaan.
Sa Lumang Tipan, gumamit sila ng trumpeta upang tipunin ang bayan ng Diyos para sa pakikidigma. Ngayon, may espirituwal na tawag na tumutunog sa lahat ng mga bansa ng sanglibutan. Ito ay tawag para sa di nakikitang labanan. Ito ay tawag sa pakikibaka.
UNANG KABANATA
ANG DI NAKIKITANG LABANAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ipakita ng pagkaunawa sa natural at espirituwal na larangan.
. Bigyang kahulugan ang salitang “hari.”
. Tukuyin ang dalawang kahariang espirituwal.
. Alamin kung saang kaharian ka kabilang.
. Tukuyin ang mga pwersang espirituwal ng kabutihan.
. Tukuyin ang mga pwersang espirituwal ng kasamaan.
. Ipaliwanag ang kahulugan ng “pakikibakang espirituwal.”
. Tukuyin ang dahilan sa di nakikitang labanan.
. Tukuyin ang saligang prinsipyo ng pagunawa sa pakikibakang espirituwal.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Sapagka’t ang ating pakikibaka ay
hindi laban sa laman at dugo, kundi laban
sa mga pamunuan, laban sa mga
kapangyarihan, laban sa mga namamahala
ng kadilimang ito sa sanglibutan,
laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan
sa mga dakong kaitaasan. (Efeso 6:12)
PAMBUNGAD
Tulad ng iyong natutuhan sa pambungad ng kursong ito, may isang malaking labanan na nagaganap sa sanglibutan ngayon. Hindi ito pagtutunggali sa pagitan ng mga bansa, mga tribo, o pinuno ng gobyerno. Hindi ito pagaalsa o kudeta. Ito’y isang di nakikitang labanan na nagaganap sa larangang espirituwal.
Ipinahihiwatig ng kabanatang ito ang di nakikitang labanang kinasasangkutan ng bawat mananampalataya. Ito ay isang labanan na walang naka-uniporme, subalit lahat ay target. Ang tala ng kasaysayan at hula ng labanang ito ay napapaloob sa Salita ng Diyos, ang Biblia.
ANG LIKAS AT ESPIRITUWAL NA MGA LARANGAN
Upang maunawaan mo ang di nakikitang labanang ito, kailangan mo munang maunawaan ang likas at espirtuwal na mga larangan. Ang tao ay nabubuhay sa dalawang daigdig. Ang likas na daigdig at ang daigidig na espirituwal.
Ang likas na daigdig ay yaong nakikita, nadarama, nahihipo, naririnig, o natitikman. Ito ay nahahawakan at namamasdan. Ang bansa, bayan, lungsod, o nayon na iyong tinitirahan ay bahagi ng likas na daigdig. Ikaw ay residente sa isang likas na kaharian na matatagpuan sa isang nakikitang kontinente ng sanglibutan. Nakikita mo ang mga tao na bahagi ng iyong palibot. Maaari kang makipagugnayan sa kanila. Maaari mong maranasan ang mga tanawin, tunog, at simoy sa palibot mo.
Subalit may isa pang daigdig na iyong ginagalawan. Ito ang larangang espirituwal. Hindi mo makikita sa pamamagitan ng iyong likas na mga paningin, subalit kasing tunay din ng likas na daigdig na iyong ginagalawan.
Binanggit ni Pablo ang tungkol sa katotohanan ng likas at espirituwal:
Mayroon namang mga
katawan ukol sa langit, at may mga katawang ukol sa lupa.
(I Corinto 15:40)
Lahat ng tao ay may likas na katawan na nakatira rito sa likas na larangan, subalit ang tao ay mayroon ding espirtuwal na katauhan na may kaluluwa at espiritung walang hanggan. Ang tao ay katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang iyong katauhan espirituwal (kaluluwa at espiritu) ay bahagi ng larangang espirituwal kung paanong ang iyong katawan ay bahagi ng likas na larangan.
PAGKILALANG ESPIRITUWAL
Sapagkat ang pakikibakang espirituwal ay espirituwal nga, dapat itong unawain na may isipang espirituwal. Sa ating likas, makasalanang kalagayan, hindi nating nauunawaan ang mga bagay na espirituwal:
Nguni’t ang taong ayon
sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay
ng Espiritu ng Diyos: sapagka’t ang mga ito
ay kamangmangan sa kaniya;
at hindi niya nauunawa, sapagka’t ang mga
yaon ay sinisiyasat ayon sa
espiritu. ( I Corinto 2:14)
Kakailanganin ang paggamit ng “pagkilalang espirituwal” upang maunawaan ang mga bagay na espirituwal.
Marahil ang pinakamagandang halimbawa ng likas at espirituwal na pagkilala ay natala sa II Hari sa Ikaanim na kabanata. Ito ay nagtala ng kasaysayan ng isang totoong labanan na dito ang tropa ng kalabang bansa na Siria ay pinalibutan ang isang maliit na bayan na Dotan na doon lumalagi ang propetang si Eliseo. Nang makita ng alipin ni Eliseo na si Gehazi ang malaking hukbo ng kaaway, siya’y natakot. Nanalangin si Eliseo na buksan ng Diyos ang mga matang espirituwal ni Gehazi upang makita niya ang hukbo naman ng Panginoon na nakapalibot sa kanila upang sila’y protektahan. Sa pagkakataong ito, binuksan talaga ng Diyos ang mga natural na mata ni Gehazi at binayaan ito na makita ang nakahihigit na pwersa ng Diyos na nakahanda sa pakikilaban.
Ang kasaysayang ito ng labanan sa Dotan ay tulad ng kalagayang espirituwal ng iglesia. May ilang tulad ni Eliseo, na malinaw na nakakakita sa larangang espirituwal. Alam nila na may labanan na nagaganap, natukoy nila ang kaaway, ang kinilala ang nakahihigit na pwersa ng Diyos na tumitiyak ng tagumpay. Mayroon namang iba tulad ni Gehazi, na sa kaunting udyok ay mabubuksan ang mga matang espirituwal at hindi na matakot pa at matalo ng kaaway. Subalit nakalulungkot, maraming mga tao ang tulad ng mga taga Dotan na nangatutulog sa kalagayang espirituwal. Ni hindi nila alam na napapalibutan na sila ng kaaway at ito ay handa nang sumalakay.
DALAWANG KAHARIAN SA LARANGANG ESPIRITUWAL
Sa loob ng natural at espirituwal na mga larangan na ating binabanggit, may dalawang magkabukod na mga kaharian na pinangungunahan ng mga natural at espirituwal na mga liders.
KAHARIANG NATURAL:
Ang lahat ng mga tao ay naninirahan sa kahariang natural ng sanglibutan. Sila ay naninirahan sa isang lungsod o nayon na bahagi ng isang bansa. Ang bansang iyan ay isang kaharian ng sanglibutan. Ang isang kahariang natural ay isang teritoryo o bayan na pinamumunuan ng isang hari o kaya ay isang lider politikal. Tinutukoy ng Biblia ang mga kahariang natural na ito bilang mga “kaharian ng sanglibutang ito.” Ang mga kaharian ng sanglibutang ito ay napailalim sa kapangyarihan at impluwensya ni Satanas:
Muling dinala siya ng
diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa
Kaniya ang lahat ng mga kaharian sa
sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
At sinabi sa Kaniya,
Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay
magpapatirapa at
sasambahin mo ako. (Mateo 4:8-9)
Ipinaalaala sa atin ng Biblia na ang buong sanglibutan ay kontrolado ng masama.
KAHARIANG ESPIRITUWAL:
Bukod sa mga kahariang natural ng sanglibutan, ay may dalawang kahariang espirituwal: Ang Kaharian ni Satanas at ang Kaharian ng Diyos. Ang bawat taong nabubuhay ay residente ng isa sa alin man sa dalawang kaharian na ito.
Ang Kaharian ni Satanas ay binubuo ni Satanas, mga demonyo, at lahat ng mga taong nabubuhay sa kasalanan at paglaban sa Salita ng Diyos. Dagdag pa ang sanglibutan at ang laman, ito at ang mga pwersang espirituwal ng kasamaan na umiiral sa mundo ngayon.
Ang Kaharian ng Diyos ay binubuo ng Diyos Ama, si JesuCristo, ang Espiritu Santo, mga anghel, at lahat ng mga tao na namumuhay sa isang matuwid na pagsunod sa Salita ng Diyos. Ito ang mga pwersang espirituwal ng kabutihan.
Ang Kaharian ng Diyos ay hindi isang denominasyon. Ang mga denominasyon ay likha ng mga tao at samahan ng mga iglesia. Ang mga denominasyon ay natatag upang magkaroon ng kaayusan at pangangasiwa. Ang mga denominasyon ay ang mga kapulungan ng mga iglesia tulad ng Baptist, Assembly of God, Methodist, Lutheran, at iba pa. Binabanggit ng Biblia ang tunay na Iglesia na hindi naman isang denominasyon o samahan ng relihiyon. Ang tunay na Iglesia ay binubuo ng lahat ng mga taong pinaghaharian ng Diyos.
Sa kasalukuyan sa natural na daigdig, ang Kaharian ng Diyos ay nasa bawat isang lalake, babae, bata man o matanda na kinilala si Jesus na Hari ng kanilang buhay. Ang paghahari ng Diyos ay umiiral din sa lahat ng mga pulutong na nagsusumikap na ang kalooban ng Diyos ang siyang mangyari dito sa lupa. Sa hinaharap, magkakaroon mismo ng isang nakikitang kapahayagan ng Kaharian ng Diyos.
ANG DI NAKIKITANG LABANAN
Sangkot ang lahat ng mga lalake at babae sa di nakikitang labanan. Sapagkat ang Kaharian ni Satanas ay isang kahariang espirituwal…
…ang ating pakikibaka
ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga
pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban
sa mga namamahala ng
kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga
ukol sa espiritu ng kasamaan sa
mga dakong kaitaasan. (Efeso 6:12)
Ang pakikibakang espirituwal ay hindi isang natural na labanan ng laman at dugo. Hindi ito labanan ng tao sa tao. Ito’y isang labanang di nakikita. Hindi nakikitang pakikipagtunggali sa larangan ng mga espiritu. Ito ay isang labanan sa loob ng isang tao at sa paligid niya. Hindi ito nakikitang labanan sapagkat ang mga espiritu ang sangkot at natutuhan natin sa Lucas 24:39 na ang isang espiritu ay walang laman at mga buto.
Ang pakikibakang espirituwal ay maraming larangan, na ang ibig sabihin, ang labanan ay sa magkakaibang dako. Ito ay…
1. Isang panglipunang pakikibaka sa pagitan ng mananampalataya at ng sanglibutan: Juan
15:18-27.
2. Isang personal na pakikibaka sa pagitan ng laman at espiritu: Galacia 5:16-26
3. Isang espirituwal na pakikibaka sa pagitan ng mananampalataya at mga kapangyarihan
ng masasamang espiritu: Efeso 6:10-27
Bawat isang taong buhay ay sangkot sa labanang ito, alam man niya o hindi. Hindi pwedeng wala kang kampihan. Ang hindi mananampalataya ay binihag ng kasamaan ng mga pwersa ng kaaway. Sila ay mga biktima ng digmaan.
Ang mga mananampalataya naman ay pinalaya na sa pamamagitan ni JesuCristo at sila ay mga nanagumpay, subalit sangkot pa rin sa labanan. Ang susing talata para sa kabanatang ito ay nagsasaad na tayo (lahat ng mga mananampalataya) ay nakikibaka laban sa espirituwal na pwersa ng kasamaan.
Ang “pakikibaka” ay isang malapitang pakikipagtunggali. Lahat ay kasali sa labanang ito. Kung inaakala mo na bubuti ang lagay, nagkakamali ka. Hindi natatapos ang pakikibaka ng Cristiano.
DAKO NG LABANAN
Ang di nakikitang labanan ay nagaganap dito sa lupa:
Hindi pumaparito (sa
lupa) ang magnanakaw (si Satanas), kundi upang magnakaw,
at pumatay, at pumuksa: Ako’y naparito
upang sila’y magkaroon ng buhay, at
magkaroon ng kasaganaan nito. (Juan 10:10)
Nakikipaglaban si Satanas upang mapanatili ang kanyang kontrol sa mga kaharian ng sanglibutan. Hindi niya nais na ang mga ito ay mapailalim sa kapamahalaan ng Diyos. Nagaalab din ang labanan sa puso, isipan, at kaluluwa ng mga lakake at babae. Binubulag ni Satanas ang isipan ng mga di mananampalataya at sinasalakay naman ang mga mananampalataya sa mga larangan ng pagsamba, Salita ng Diyos, pangaraw-araw na buhay, at ang kanilang paglilingkod.
PAANO NAGSIMULA ANG LABANAN
Ang di nakikitang labanan ay nagsimula sa kalangitan sa isang anghel na nagngangalang Lucifer na sa simula ay isang magandang anghel na nilalang ng Diyos at bahagi ng Kaharian ng Diyos. Nagpasiya si Lucifer na agawin ang Kaharian mula sa Diyos. Mababasa mo ang pagaalsa niya sa Isaias 14:12-17 at Ezekiel 28:12-19. Pagaaralan mo ito sa ibang bahagi ng kursong ito. Isang grupo ng mga anghel ang sumama kay Lucifer (tawag sa kanya ngayon ay Satanas) sa pagaalsang ito. Si Lucifer at ang mga sumama sa kanya na mga anghel ay pinalayas ng Diyos mula sa langit. Sila ay nagtayo ng sarili nilang kaharian dito sa lupa:
At nagkaroon ng
pagbabaka sa langit: Si Miguel at ang kanyang mga anghel ay
nakipagbaka sa dragon ( si Satanas); at ang
dragon at ang kanyang mga anghel
ay nakipagbaka. ( Apocalipsis 12:7)
At inihagis ang
malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan;
siya’y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama
niya. (Apocalipsis 12:9)
Nakilala si Lucifer bilang Satanas at ang mga demonyo naman ang mga anghel na sumama sa kanya. Ang demonyo ay maaaring sumapi sa tao, magpahirap, mamahala, at gamitin ang mga tao na kabilang sa Kaharian ni Satanas. Sila ang naguudyok sa mga tao na gumawa ng masama. Si Satanas ang siyang nangunguna sa mga demonyo sa kanilang mga masasamang gawain. Pinagsasanib niya ang mga makapangyarihang pwersang ito sa sanglibutan at laman upang labanan ang boong sangkatuhan.
MGA DAHILAN SA KABILA NG DIGMAAN
Ang tao ay nilalang sa pasimula ayon sa wangis ng Diyos at para sa kaluwalhatian ng Diyos (Genesis 2). Ang di nakikitang labanan ay naganap sa unang pagtukso sa halamanan ng Eden (Genesis 3). Si Satanas ang nagudyok kay Adam at Eba na magkasala. Ang ibinunga nito ay minana ng lahat ng tao ang pagiging makasalanang likas at gumawa ng mga sari-sariling kasalanan dahil sa likas na ito:
Kaya, kung paano na sa
pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan
sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa
pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y
ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga
tao, sapagka’t ang lahat
ay nangagkasala. (Romans 5:12)
Nagbunga rin ito ng di nakikitang labanan sa pagitan ng tao at mga pwersa ng kasamaan:
At papagaalitin Ko
ikaw (si Satanas) at ang babae (sangkatauhan), at ang
iyong binhi (mga pwersa ng kasamaan) at ang
kaniyang binhi (ang pwersa
ng kabutihan na kinakatawan ng Panginoong JesuCristo…
(Genesis 3:15)
Dahil sa kasalanan, ang tao ay nahiwalay sa Diyos at hinatulang mamatay. Subalit inibig ng Diyos ang tao ng gayon na lamang, gumawa Siya ng isang tanging plano na iligtas ang tao mula sa kasalanan:
Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay
Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya’y sumampalataya
ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan,
Sapagka’t hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanglibutan upang hatulan
ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.
(Juan 3:16-17)
Sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesus, paghahayag at pagsisisi ng kasalanan, ang mga lalake at babae ay makakaalpas mula sa kapangyarihan ng kaaway. Ang kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Jesus ay di lamang nagbunga ng kaligtasan mula sa kasalanan. Ito rin ang tumalo sa kaaway na si Satanas:
…Sa bagay na ito’y
nahayag ang anak ng Diyos, upang iwasak ang mga gawa ng
diablo. (I Juan 3:8)
Subalit kung natalo na si Satanas, bakit tuloy pa rin ang laban? Kasunod ng bawat digmaan ay may natitira palaging mga pulutong ng kaaway na tumatangging sumuko, mga patuloy na nagaalsang mga tropa hanggang sa ito ay gamitan na ng dahas. Bagamat tinalo na ni Jesus si Satanas, tayo ay nabubuhay sa teritoryo na okupado pa rin ng kaaway. Ang pagkaunawa natin sa mga estratehiya ng pakikibakang espirituwal ang nagbibigay sa atin ng kakayahang makitungo sa mga kapangyarihan ng kasamaan na ito.
Nais ni Satanas na panatilihing bihag sa kasalanan ang mga tao. Sa pamamagitan ng mapangdayang paraan kanyang hinahalina ang mga lalake at babae sa panandaliang mga pita ng makasalanang pamumuhay. Tinutudla niya ang mga minamahal ng kaluluwa at espiritu na talagang dapat lamang sa Diyos:
Hindi pumaparito (sa lupa) ang magnanakaw
(si Satanas), kundi upang magnakaw,
at pumatay, at pumuksa: Ako’y naparito
upang sila’y magkaroon ng buhay, at
magkaroon ng kasaganaan nito. (Juan 10:10)
Nais pa rin ni Satanas na siya ang nangingibabaw. Matindi ang pakikpaglaban niya upang mabihag ang puso, isipan, kaluluwa at espiritu ng tao. Ang kanyang mga estratehiya ay laban sa Diyos, sa plano at bayan ng Diyos. Ang labanan ay patuloy hanggang sa huling pagtutuos na iyong pagaaralan sa huling kabanata ng kursong ito.
ANG KAHULUGAN NG PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL
Ang pakikibakang espirituwal ay ang pagsusuri at pakikilahok sa di nakikitang labanan. Kabilang dito ang pagaaral tungkol sa mga magkakatunggaling pwersa ng mabuti at masama, mga estratehiya ni Satanas, at mga estratehiyang espirituwal para mapagtagumpayan ang kaaway. Ang pakikibakang espirituwal ay hindi lamang pagsusuri ng mga prinsipyong espirituwal. Kabilang dito ang aktibong pakikilahok sa pakikibaka sa pamamagitan ng paggamit ng mga estratehiyang ito sa buhay at ministeryo.
Isa sa mga mabibisang estratehiya ni Satanas ay panatilihin ang mga mananampalataya na di alam ang kanyang mga pakana. Sinabi ni Pablo na mahalaga na malaman ang mga estratehiya ni Satanas…
… Upang huwag kaming malamangan ni Satanas:
sapagka’t kami ay hindi hangal sa kanyang mga lalang. (II Corinto 2:11)
Dapat nating matutuhan ang lahat nang maaring alamin tungkol sa mga estratehiya ng pagsalakay ni Satanas. Kailangan din nating maunawaan ang batayan sa Kasulatan ng pagtatagumpay kay Satanas at sa mga pwersa ng kasamaan. Ang tawag sa atin ay katinuan sa pakikilaban. Ang batayan ng pagkaunawa ng pakikibakang espirituwal ay ang susing prinsipyong ito:
Dapat mong kilalanin na lahat ng mga
pakikibaka sa buhay, maging ito ay pisikal,
espirituwal, emosyonal, mental, o pinansyal
o sa paguugali ng tao, ang mga ito ay
anyong panglabas lamang ng isang usaping
espirituwal.
Bagamat sa buhay na ito ang mga problema ay waring sumisibol sa mga kaganapan sa buhay, ang batayan ng mga natural na pakikilabang ito ay nasa larangang espirituwal. Basahin ang kasaysayan ni Job (Una at Ikalawang Kabanata ni Job) na nagpapatunay ng prinsipyong ito.
Sinikap nating ituwid ang mga kasamaan ng mundong ito sa pamamagitan ng edukasyon, pagpapasa ng mga batas, at pagpapaganda sa palibot. Hindi ito naging mabisa sapagkat sa likuran ng mga nakikitang kasamaan sa sanglibutan ay mga dahilang espirituwal. Hindi ito maitutuwid sa pamamagitan ng mga likas na pamamaraan.
KANGINONG KAHARIAN KA KABILANG?
Sa natural na daigdig ang hari ang namumuno sa kaharian. Ang buong nasasakupan at lahat ng mga tao ay nasa ilalim niya. Nasa kamay niya ang kapangyarihan sa buhay at kamatayan ng mga nasasakupan. Gayon din sa larangang espirituwal. Alin sa dalawa, ikaw ay kabilang sa Kaharian ng Diyos o sa Kaharian ni Satanas. Ang Diyos o si Satanas ang may kapangyarihan sa iyong buhay.
Isa sa mga talinhaga na isinaysay ni Jesus ang naglalarawan na ang lahat ng mga tao ay bahagi ng Kaharian ni Satanas o dili kaya ay ng Kaharian ng Diyos. Inihalintulad ni Jesus ang sanglibutan sa isang bukid. Ang mabuting binhi sa bukid ay ang mga anak ng Kaharian ng Diyos. Ang masamang binhi na naging panirang damo ay ang mga anak ng kalikuan.
At ang bukid ay ang
sanglibutan; at ang mabuting binhi, ay ito ang mga anak
ng kaharian: at ang mga pansirang damo ay
ang mga anak ng masama.
(Mateo 13:38)
Ang mga tao ay napapasok sa Kaharian ni Satanas sa pamamagitan ng pagsilang sa daigdig. Itinuturo ng Biblia na ang lahat ng mga tao ay isinilang sa pagkakasala. Ang ibig sabihin nito ang mga tao ay may likas na kasalanan o ang “binhi” ng kasalanan ay nasa kaniya. Ang kanilang hilig ay gumawa ng masama:
Narito, ako’y inanyuan
sa kasamaan; at sa kasalanana’y ipinaglihi ng aking ina.
(Awit 51:5)
Kaya, kung paano na sa
pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa
Sanglibutan, at ang
kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang
Kamatayan ay naranasan ng mga tao,
sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.
(Roma 5:12)
Sapagka’t ang lahat ay
nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian
Ng Diyos. (Roma 3:23)
Sapagkat tayo ay isinilang na may likas na kasalanan, tayong lahat ay minsang naging bahagi ng Kaharian ni Satanas. Lahat nang nananatili sa pagiging makasalanan ay nananatiling bahagi ng Kaharian ni Satanas.
Ang buong mensahe ng nasulat na Salita ng Diyos, ang Banal na Biblia, ay ang panawagan sa tao na lumipat mula sa Kaharian ni Satanas tungo sa Kaharian ng Diyos. Ang mga tao ay isinisilang sa Kaharian ni Satanas sa pamamagitan ng kapanganakang likas. Sila ay kailangang ipanganak na muli sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng kapanganakang espirituwal. Ang pagpasok sa Kaharian ng Diyos ay sa pamamagitan ng karanasan ng kapanganakang muli na ipinaliwanag sa Juan 3.
Mayroon lamang dalawang panig sa di nakikitang labanan. Sinabi ni Jesus, “Ang hindi sumasaakin ay laban sa Akin” (Lucas 11:23). Hindi ka pwedeng tumayo sa gitna sa labanang espirituwal na ito. Ikaw ay sa isang panig at kalaban naman noong kabilang panig. Ang ilang mga mananamplataya, dahil sa takot na sila’y harapin ng kaaway , ay nagsisikap na bale walain ito at nakikipagkasundo sa pa kaaway. Iniisip nila na kung hindi nila papansinin si Satanas, hindi sila babalingan nito. Ito ang isa sa mga tampok na estratehiya ni Satanas. Sinisikap niya na paralisahin ang hukbo ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang pananakot.
Subalit sa labanang ito walang pwedeng lumagay sa gitna. Alin sa dalawa, ikaw ay biktima o mananagumpay. Ang “tawag sa pakikilaban” ay ipinalabas na…Ikaw ba ay nasa panig ng mabuti o ng kasamaan? Ikaw ba ay bahagi ng Kaharian ni Satanas o ng Kaharian ng Diyos? Kanginong kaharian ka kabilang? Ikaw ba ay biktima o mananagumpay sa di nakikitang labanan?
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Ano ang dalawang panig na binanggit sa I Corinto 15:44-49?
3. Ano ang dalawang di nakikitang kaharian sa sanglibutan ngayon?
4. Ilista ang mga pwersang espirituwal ng kasamaan.
5. Ilista ang mga pwersang espirituwal ng kabutihan.
6. Bigyang kahulugan ang salitang “hari.”
7. Bigyang kahulugan ang salitang “kaharian.”
8. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang “pakikibakang espirituwal”?
9. Ano ang dahilan sa kabila ng malaking pagtutuos na espirituwal?
10. Ano ang saligang prinsipyo sa pagkaunawa sa pakikibakang espirituwal?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Ang kursong ito, “Mga Estratehiya Para Sa Pakikibakang Espirituwal” ay nakatuon sa Kaharian ni Satanas at ang labanang espirituwal na nagaganap sa pagitan ng kanyang kaharian at ng Kaharian ng Diyos. Ang kurso namang “Pamumuhay Na Pinaghaharian Ng Diyos” ng Harvestime International Institute ay nagdudulot ng buong pagaaral sa Kaharian ng Diyos (Kung ikaw ay nagaaral sa Harvestime Institute ayon sa mungkahing hilera ng mga kurso, napagaralan mo na ito.) Kung hindi ka naman naka-enrol sa Harvestime Institute, kailangan mong pagaralan din ang “Pamumuhay Na Pinaghaharian” bilang kasamang kurso ng kursong ito. Mahalaga na magkaroon ka ng pagkaunawa sa dalawang espirituwal na kaharian na nasa sanglibutan sa kasalukuyan.
2. Ang isang mabuting pundasyong espirituwal ay kailangan upang magtagumpay sa pakikibakang espirituwal. Kung ikaw ay bagong mananampalataya, pagaralan mo rin ang “Mga Saligan Ng Panamapalataya.” (Kung ikaw ay nagaaral sa Harvestime Institute ayon sa mungkahing hilera ng mga kurso, napagaralan mo na rin ito.)
3. Sa palagay mo ba ay naging biktima ka ng pakikibakang espirituwal? Sa anong bahagi ng iyong buhay o ministeryo ka natatalo sa laban? Ikaw ba ay natatalo sa laban sa…
. Larangang espirituwal?
. Larangang emosyonal?
. Larangang pisikal?
. Larangan ng pagiisip?
. Larangan ng pananalapi?
. Sa kapwa mo tao?
Mahalaga na matukoy mo ang mga bahaging ikaw ay natatalo upang maiangkop mo ang mga karunungang nakuha mo sa pagaaral na ito sa iyong buhay at ministeryo.
4. Repasuhin ang kasaysayan sa II Hari 6 na tinalakay sa araling ito. May kilala ka bang mga tao na tulad ni Gehazi o yaong mga taga Dotan? Paano mo sila matutulungan?
5. Yamang ang pakikibakang espirituwal ay maraming mga larangan, kailangang personal tayong makilaban sa kasalanan, sa kasamaan sa lipunan, at sa pamamagitan ng “deliverance ministry.”
6. Pagaralan ang Biblia bilang isang manwal ng pakikibakang espirituwal. Ito ay mga tala ng kasaysayan ng pakikibakang espirituwal, naghahayag ng mga pagkapanalo at pagkatalo sa mga nakaraang labanan. Ito rin ay may mga hula, ipinakikita naman ang tutunguhan ng ating pakikibaka hanggang sa huling pagtutuos.
PAGSANIB
PAGIGING BAHAGI NG HUKBO NG DIYOS
Lahat ng mga hukbo sa natural na daigdig ay may patakaran ng pagsanib - mga tanging bagay na kailangan mong gawin upang ikaw ay sumanib sa sandatahang lakas.
Handa ka na ba na maging bahagi ng hukbo ng Diyos?
IKALAWANG KABANATA
PAGPAPALISTA SA HUKBO NG DIYOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Bigyang kahulugan ang “pagsisisi.”
. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsisisi.
. Bigyang kahulugan ang “pagkahikayat.”
. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkahikayat.
. Bigyang kahulugan ang “inaring ganap.”
. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “maligtas.”
. Gamitin ang talinhaga ng alibughang anak upang ilarawan ang pagsisisi at pagkahikayat.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Hindi Ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga
makasalanan sa pagsisisi. (Lucas 5:32)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata natutuhan mo ang tungkol sa malaking di nakikitang labanan sa larangang espirituwal. Sa kabanatang ito pagaaralan mo naman kung paano ang pagpapalista sa hukbo ng Diyos. Sa natural na daigdig, ang mga hukbo ay may mga tanging rituwal ng pagpasok na kailangang lahukan ng isang kawal upang siya ay makabilang dito. Ang “pagsanib” na ito ang nagpapapasok sa kanya sa hukbo.
Ang Diyos ay may tanging plano para sa pagsanib upang ikaw ay maging bahagi ng Kanyang hukbong espirituwal. Ang Kanyang plano ay umiinog sa dalawang mahahalagang konsepto, pagsisisi at pagkahikayat, na nagbubunga ng pag-aaring ganap.
PAGSISISI
Sa natural na larangan, kung ang isang kawal ay pumasok sa hukbo, kailangang iwaksi niya ang dating katapatan niya sa ibang hukbo o bansa. Sa pagpasok mo sa hukbo ng Diyos, kailangan mong magsisi sa kasalanan at iwaksi ang Kaharian ni Satanas. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsisisi.
Ang pagsisisi ay isang “pangloob na pasiya o pagbabago ng kaisipan na nagbubunga ng panglabas na hakbang ng pagtalikod sa kasalanan at paglapit sa Diyos.” Tinatawag ito ng Gawa 20:21 bilang “pagsisisi sa Diyos.” Sa pamamagitan ng hakbang ng pagsisisi tumatalikod ka sa iyong kasalanan at iniiwan mo ang Kaharian ni Satanas.
Ang pagsisisi ay isang pangsariling pasiya na baguhin ang katapatan sa Kaharian ni Satanas tungo sa Kaharian ng Diyos. Ang pagbabagong ito ng isip at pagtalikod sa kasalanan ay di mo magagawa sa iyong sarili lamang. Ang kapangyarihan ng Diyos ang siyang nagdudulot ng pagbabago sa kaisipan, puso at buhay ng isang makasalanan.
Kung gayo’y binigyan din naman ng Diyos ang
mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay. (Gawa
11:18)
Ang pagsisisi ay isang kaloob mula sa Diyos:
Siya’y [si Jesus] pinadakila ng Diyos ng
Kaniyang kanang kamay upang maging Prinsipe at Tagapagligtas, upang magbigay ng
pagsisisi… (Gawa 5:31)
Bagamat ang emosyon ay sangkot sa pagsisisi, ang tunay na pagsisisi ay isang pasiya, hindi lamang emosyon. Ang pagkalungkot dahil sa kasalanan at pagluha ay di sapat. Kailangang ito ay may kasabay na pangloob na pasiya na nagbubunga ng panglabas na pagbabago.
KAHALAGAHAN NG PAGSISISI:
Ang pagsisisi ay mahalaga sapagkat:
Iniutos Ito Ng Diyos:
… datapuwa’t ngayo’y ipinagutos Niya sa mga
tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako. (Gawa 17:30)
Kailangan Ito Upang Makaiwas Sa Kamatayang Espirituwal:
… datapuwa’t, malibang kayo’y mangagsisi,
ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan. (Lucas 13:3)
Ito Ay Kinakailangan Tungo sa Buhay Na Walang Hanggan:
Sa pamamagitan ng pagsisisi ang kabayaran ng kamatayan ay inaalis at ipinagkakaloob ang buhay na walang hanggan:
At nang marining nila ang mga bagay na ito,
ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Diyos na sinasabi, Kung gayo’y
binigyan din naman ng Diyos ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay. (Gawa 11:18)
Ito ay Kailangan Para Sa Kapatawaran:
Hindi mapapatawad ng Diyos ang iyong mga kasalanan malibang ikaw ay magsisi:
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi
kayo , at mangagpabautismo ang bawa’t isa sa pangalan ni JesuCristo sa
ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan;
at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu
Santo. (Gawa 2:38)
Ito Ang Nais Ng Diyos Para Sa Lahat:
Hindi nais ng Diyos na ang sinoman ay makaranas ng kamatayang espirituwal na ito, ang pangwalang hanggang pagkahiwalay sa Diyos sa impyerno:
…ang Panginoon…mapagpahinuhod sa inyo, na
hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi lahat ay magsipagsisi. (II Pedro 3:9)
Ito Ang Dahilan Ng Pagparito Ni Jesus Sa Lupa:
Hindi Ako pumarito upang tawagin ang mga
matuwid, kundi ang makasalanan sa pagsisisi.
(Lucas 5:32)
Ito Ay Kailangan Upang Makapasok Sa Kaharian Ng Diyos:
Mula noon ay nagpasimulang mangaral si
Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng
langit. (Mateo 4:17)
Sa sandaling ikaw ay maging bahagi ng Kaharian ng Diyos, ikaw ay nalista na sa hukbo ng Diyos.
PAGKAHIKAYAT
Pagka ikaw ay humingi ng kapatawaran ng kasalanan, nararanasan mo ang “pagkahikayat.” Ang ibig sabihin ng pagkahikayat ay “bumaling.” Kung ito ay kaugnay ng pagsisisi ayon sa Biblia, ang ibig sabihin ay “bumaling mula sa maling daan tungo sa tamang daan.” Iiwan mo ang Kaharian ni Satanas at sasanib ka sa Kaharian ng Diyos.
At marami sa mga anak ni Israel, ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon
na kanilang Diyos. (Lucas 1:16)
At siya’y nakita ng lahat ng mga nananahan sa Lidda at sa Sarona, at
sila’y nangagbalik-loob sa Panginoon. (Gawa
9:35)
At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang marami sa
nagsisisampalataya ay nangagbalik-loob sa Panginoon. (Gawa 11:21)
Ang pagkahikayat ay ang pagbaling mula sa kadiliman ng kasalanan tungo sa liwanag ng katuwiran ng Diyos:
…upang sila’y mangagbalik sa ilaw
mula sa kadiliman…(Gawa 26:18)
Ito ay ang pagtalikod sa kapangyarihan ni Satanas tungo sa Diyos:
… upang sila’y mangagbalik…mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa
Diyos…(Gawa 26:18)
Ito ay ang pagtalikod sa makamundong mga bagay tungo sa mga bagay na banal:
…upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo
sa Diyos na buhay…(Gawa 14:15)
Ito ay pagtalikod mula sa mga diyos-diyosan tungo sa tunay at buhay na Diyos:
… at kung paanong nangagbalik kayo sa Diyos mula sa mga diosdiosan,
upang mangaglingkod sa Diyos na buhay at tunay. ( I Tesalonica 1:9)
ANG KAHALAGAHAN NG
PAGKAHIKAYAT
Ang pagkahikayat ay laging may kasamang pagsisisi. Kailangang bumaling ka mula sa mali tungo sa tama dahilan sa…
Ito Ay Kailangan
Upang Makapasok Sa Kaharian Ng Diyos:
At sinabi, katotohanang sinasabi Ko
sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik,
at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo
magsisipasok
sa kaharian ng langit. (Mateo
18:3)
Ito Ay Nagliligtas
Mula sa Kamatayang Espirituwal:
Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob sa isang makasalanan, mula sa
kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at
magtatakip ng karamihang kasalanan. (Santiago
5:20)
Ito Ay Kailangan
para Sa Pagpawi Ng Kasalanan:
Ang iyong mga kasalanan ay natala sa talaan ng Diyos hanggang sa ikaw ay magsisisi at mahikayat, pagkatapos ang iyong mga kasalanan ay papawiin:
Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang
inyong mga kasalanan. (Gawa 3:19)
ANG ALIBUGHANG ANAK
Ang pagsisisi at pagkahikayat ay nailarawan ng maliwanag sa pamamagitan ng isang kasaysayang inilahad ni Jesus tungkol sa alibughang anak. Basahin ang kuwento sa Lucas 15:11-24. Nilisan ng anak na ito ang kanyang ama at tahanan, pumunta sa isang malayong lupain, at sa pagkakasala ay nilustay ang lahat ng kanyang tinatangkilik. Sa wakas ay napagwari ng anak ang kanyang kalagayan. Siya ay gutom, nalulungkot, gulanit ang damit, at namasukan bilang tagapagalaga ng baboy. Di nagtagal at gumawa siya ng isang pasiya. Sinabi niya, “Ako ay magtitindig at babalik sa aking ama.” Ang pangloob na pasiyang ito ay nagdulot ng panglabas na pagbabago sa kanyang kilos. Umuwi siya sa kanyang ama upang humingi ng kapatawaran.
PAGSISISI…PAGBABAGO
NG ISIP:
Basahin ang Lucas 15:17-19. Kinilala ng binata ang kaniyang makasalanang kalagayan. Gumawa siya ng pasiya na bumalik sa kanyang ama at magsisi ng kanyang mga kasalanan. Ito ang halimbawa ng pagsisisi, isang pangloob na pasiya na nagbubunga ng panglabas na pagkilos.
PAGKAHIKAYAT…PAGKILOS
AYON SA PASIYA:
Itinala ng Lucas 15:20 kung paanong ang binatang ito ay nagtindig at iniwan ang dating buhay at umuwi sa kaniyang ama upang magsimula ng isang bagong buhay. Ito ang pagkahikayat.
ALIBUGHANG TAO:
Ang tao ay tulad ng alibughang anak. Sa kanyang makasalanang kalagayan siya ay tumalikod sa Diyos na kaniyang Ama at sa langit na kaniyang tahanan. Bawat hakbang niya ay palayo sa Diyos at palapit naman sa kamatayang espirituwal na walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos. May isang malaking pasiya na dapat niyang gawin. Dapat siyang “makapagisipisip” at kilalanin ang kanyang kalagayang espirituwal. Kailangang gumawa siya ng isang pasiya na magbubunga na pagbabago sa kanyang espirtuwal na direksyon.
PAG-AARING GANAP AT KALIGTASAN
May dalawa pang mga salita na ginamit sa Biblia na kaugnay ng pagsisisi. Ang mga salitang ito ay “pagaaring ganap” at “kaligtasan.” Ang Diyos ang Hukom ng lahat ng buong sangkatauhan. Kung ikaw ay namumuhay sa kasalanan, ikaw ay hinatulan na sa harapan Niya:
… ang hindi sumasampalataya ay hinatulan
na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.
At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw
sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t
masasama ang kanilang mga gawa.
(Juan 3:18-19)
Pagka ikaw ay nagsisi ng kasalanan at nagpasiya na bumaling mula sa iyong makasalanang lakad, ito ang lumilikha ng tamang relasyon sa Diyos. Ang tamang relasyong ito o ang tamang kalagayan natin sa harap ng Diyos ay tinatawag na “pagaaring ganap”:
Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino
ninyo inihandog ang inyong mga sarili sa pinaka alipin upang tumalima ay kayo’y
mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging
ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?
Datapuwa’t salamat sa
Diyos, na, bagama’t kayo’y naging mga alipin ng kasalanan,
Kayo’y naging mga matalimahin sa puso doon
sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo;
At yamang pinalaya
kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.
(Roma 6:16-18)
Pagka ikaw ay inaring ganap sa pamamagitan ng pagsisisi at pagkahikayat, ikaw ay “naligtas” mula sa isang buhay ng kasalanan gayon din sa kabayaran nito. Ito ang ibig sabihin ng maging “ligtas” at siyang ginagamit ng Biblia sa pagbanggit ng salitang “kaligtasan.”
PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL AT ANG PANANAW AYON SA BIBLIA
Ang paksa ng pakikibakang espirituwal ay kailangang pagaralan bilang kabahagi ng buong layunin ng Diyos para sa katubusan ng makasalanang sangkatauhan. Pagaralan ang talinhaga ng manghahasik at ang panirang damo na katabi ng trigo sa Mateo 13. Ang dalawang talinhagang ito ay tungkol sa paglago ng Kaharian ng Diyos na nagaganap sa pagtatanim ng Salita ng Diyos. Ang dalawang talinhaga ay parehong naglalarawan ng labanan sa pagitan ng dalawang kaharian na naka sentro sa layunin ng katubusan ng Diyos.
Ang pagkatuto sa pakikibakang espirtuwal ang naghahanda sa iyo na pumasok sa larangan ng sanglibutang ito at makibaka para sa mga kaluluwa ng mga lalake at babae, matanda at bata. Ito ang dahilan kung bakit ang kapamahalaan laban kay Satanas ay ipinagkaloob sa mga alagad bago sila sinugo upang ibahagi ang ebanghelyo (Mateo 28:18-20). Si Satanas at ang kanyang hukbo ng mga demonyo ay lalaban sa iyo sa iyong pagnanais na mahikayat ang mga tao kay Cristo at dalhin sila sa ilalim na paghahari ng Diyos. Ang paggamit ng mga estratehiyang espirituwal na ayon sa Biblia ang tutulong sa iyo na hamunin ang mga pamunuan at kapangyarihan na naghahari sa buhay ng mga tao, lipunan, at mga dako sa daigdig.
PAGSANIB SA HUKBO NG DIYOS
Ang pagsisisi at pagkahikayat ang nagbubunga ng pagkaaring ganap at kaligtasan. Ito ang plano ng Diyos para sa pagsanib sa Kaniyang hukbo.Kung hindi ka pa nasasanib sa hukbo ng Diyos, ang bahagi ng “Mga Taktika Sa Pagmamaniobra” sa araling ito ay magdudulot sa iyo ng pagkakataon na sumanib. Kung ikaw ay kabilang na sa hukbo ng Diyos, ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang matulungan ang iba na masanib.
Welcome sa hukbo ng Diyos!
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Bigyang kahulugan ang “pagsisisi.”
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsisisi.
4. Bigyang kahulugan ang “pagkahikayat.”
5. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkahikayat.
6. Bigyang kahulugan ang “pagaaring ganap.”
7. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “ligtas.”
8. Gamitin ang talinhaga ng alibughang anak upang ilarawan ang pagsisisi at pagkahikayat.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Ikaw ba’y nakapagsisi at nahikayat na? Kung hindi pa, kailangang huminto ka muna sandali sa pagaaral mong ito at gawin ang mga sumusunod:
. Magsisi sa iyong mga kasalanan.
. Hilingin mo kay Jesus na patawarin ka.
. Tanggapin mo Siya bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas.
. Talikuran mo ang mga makasalanan mong gawa ( maging hikayat ka).
2. Bilang isang mananampalataya, kung ikaw ay magkasala, kailangan mo ring magsisi. Pagaralan ang mga sumusunod na halimbawa sa Biblia:
MGA TAGA CORINTO:
Ang mga mananampalataya sa lunsod ng Corinto ay kinailangang magsisi:
Ngayo’y nagagalak ako,
hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong
mga pagkalumbay na ikapagsisisi…(II Corinto
7:9)
Natatakot nga ako… pagka ako’y dumating na
muli …ako’y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una, at hindi nangagsisi
sa karumihan at sa pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila. (II Corinto 12:20-21)
MGA TAGA EFESO:
Ang mga mananampalataya sa Efeso ay sinabihan na magsisi:
Kaya’t alalahanin mo kung saan ka nahulog,
at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa. (Apocalipsis 2:5)
MGA CRISTIANO SA PERGAMO:
Sinabi ng Diyos sa mga Cristiano sa Pergamo:
Magsisi ka nga; o kung
hindi ay madaling paririyan Ako sa iyo, at babakahin Ko
sila ng tabak ng aking
bibig. (Apocalipsis 2:16)
MGA CRISTIANO SA SARDIS:
Alalahanin mo nga kung
paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo,
at magsisi ka. (Apocalipsis 3:3)
MGA CRISTIANO SA LAODECEA:
Ang lahat Kong iniibig, ay Aking sinasaway
at pinarurusahan: ikaw nga’y magsikap, at magsisi. (Apocalipsis 3:19)
IKAW NAMAN…
May kasalanan ba sa iyong buhay na hindi mo pa naipapahayag? Saan man may kasalanan, kailangan ang pagsisisi:
Kung sinasabi nating tayo’y walang
kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa
atin.
Kung ipinahahayag natin ang ating mga
kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan,
at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
(I
Juan 1:8-9)
3. Sapagkat ang pagsisisi ay kailangan para sa kaligtasan, gumawa ang Diyos ng isang tanging plano upang ang mensahe ng pagsisisi at makaabot sa bawat isa. Ang tawag sa pagsisisi ay nagsimula sa Bagong Tipan sa ministeryo ni Juan Bautista:
Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang Kaniyang mga landas.
Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang
at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan. (Marcos 1:3-4)
Ang pagsisisi ang unang mensaheng ipinangaral ni Jesus:
Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa
Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Diyos,
At sinasabi, Naganap na ang panahon, at
malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa
evangelio. (Marcos 1:14-15)
Ang pagsisisi ay ipinangaral ng mga mananampalataya sa unang iglesia:
At sila’y
nangagsialis, at nagsipangaral na mangagsisi ang mga tao. (Marcos 6:12)
…Na sinaksihan ko sa mga Judio at mga
Griego ang pagsisisi sa Diyos, at ang pananampalataya sa ating Panginoong
JesuCristo. (Gawa 20:21)
Ngayon, ang mga mananampalataya ay may pananagutan pa rin na ipangalat ang mensahe ng pagsisisi sa buong sanglibutan. Ibinigay ni Jesus sa Kaniyang mga alagad ang huling tagubilin na…
…ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga
kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jesrusalem. (Lucas 24:47)
Ang totoo, pagka ipinangaral mo ang mensahe ng pagsisisi, tinatawagan mo ang iba na malista sa hukbo ng Diyos. Gagawa ka ba ng pagtatalaga na sisimulan mong halinahin ang iba na masanib sa malaking hukbong espirituwal na ito?
4. Kung ikaw ay may pananagutang ibahagi ang mensahe ng pagsisisi at tawagin ang iba upang magpalista sa hukbo ng Diyos, kailangan mong malaman kung paano hikayatin ang mga tao na magsisi. Ang mga tao ay nagsisisi dahil sa:
ANG KABUTIHAN NG DIYOS:
Ang pagpapala ng Diyos sa buhay ng isang di mananampalataya ay di dapat pagkamalan na pagsangayon ng Diyos sa stilo ng kanyang buhay. Ang kabutihan ng Diyos ang isa sa mga paraan ng Diyos sa Kanyang paghimok sa mga tao na lumapit sa Kanya:
O hinamak mo ang mga kayamanan ng Kaniyang
kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan
ng Diyos ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi? (Roma 2:4)
PANGANGARAL:
Ang pangangaral ng Salita ng Diyos ang naguudyok sa mga tao na magsisi. Ang pangangaral ni Jonas ay nagbunga ng pagsisisi ng buong lungsod ng Nineve:
Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa
Nineve na kasama ng lahing ito, at
ito’y hahatulan: sapagka’t sa pagsisisi sa
pangangaral ni Jonas. (Mateo 12:41)
TAWAG NI CRISTO:
Habang ipinapangaral ang Salita ng Diyos, ang mga tao ay nakakarinig at tumutugon sa tawag ni Cristo na tumutungo sa pagsisisi:
Sapagka’t hindi Ako naparito upang tumawag
ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.
(Mateo 9:13)
ANG DIYOS AMA:
Sinabi ni Jesus na walang sinomang tao na makalalapit sa Kaniya maliban halinahin siya ng Ama. Hinahalina ng Diyos ang mga tao sa pagsisisi:
Walang taong makalalapit sa Akin, maliban
nang ang Amang nagsugo sa Akin ang sa kaniya’y magdala… (Juan 6:44)
PAGSAWAY:
Ang pagsaway ay nagdudulot din ng pagsisisi. Ang pagsaway ay pagtutuwid na bigay ng Salita ng Diyos:
…Kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin
mo siya; at kung siya’y magsisi, patawarin mo siya. (Lucas 17:3)
BANAL NA KALUMBAYAN:
Ayon sa iyong natutuhan, ang pagsisisi ay may kasamang emosyon. Ang natural na emosyon lamang ay di tunay na pagsisisi, subalit ang banal na kalumbayan ay tungo sa pagsisisi:
Sapagka’t ang kalumbayang (para sa
kasalanan) galing sa Diyos, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas. (II Corinto 7:10)
PAUNANG PAGSASANAY
PAGHAHANDA PARA SA DIGMAAN
Sa natural na daigdig, walang kawal na ipinadadala sa labanan na hindi muna binibigyan ng paunang pagsasanay. Ang programang ito ng pagsasanay ang naghahanda sa kaniya na pumasok sa larangan ng labanan.
IKATLONG KABANATA
ANG PUNONG KUMANDER: ANG PANGINOON NG MGA HUKBO
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin ang mga pwersang espirituwal ng kabutihan.
. Tukuyin ang mga personalidad ng Trinity.
. Ilarawan ang kaurian ng Diyos sa Tatlong Persona.
. Ipaliwanag ang tungkulin ng Diyos Ama sa pakikibakang espirituwal.
. Magbigay ng buod ng mga tungkulin ni JesuCristo sa pakikibakang espirituwal.
. Magbigay ng buod ng mga tungkulin ng Espiritu Santo sa pakikibakang espirituwal.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Dinggin mo, Oh Israel:
ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon.
( Deuteronomio 6:4)
PAMBUNGAD
Sa Unang Kabanata, natutuhan mo na may isang malaking labanang espirituwal na nagaganap sa pagitan ng pwersa ng kabutihan at kasamaan. Ang araling ito at ang susunod ay naglalarawan ng mga pwersang espirtuwal ng kabutihan. Kabilang dito ang Diyos Ama, si JesuCristo ang Anak, ang Espiritu Santo, at ang mga anghel. Sila ay mga makapangyarihang pwersang espirituwal na tumutulong sa mga mananampalataya sa pakikibaka.
TRINITY NG DIYOS
Maraming mga diosdiosan na sinasamba sa buong daigdig, subalit mayroon lamang isang tunay na Diyos. Napapaloob sa Biblia ang kasaysayan ng tunay na Diyos na ito. Ang isang Diyos na ito na nahayag sa tatlong persona ay ang Ama, ang Anak na si JesuCristo, at ang Espiritu Santo.
Ang Diyos Ama, si JesuCristo at ang Espiritu Santo ay inilarawan sa Biblia ayon sa Kanilang kaurian. Ang ibig sabihin ng “kaurian” ay ang mga lantay na mga katangian na naglalarawan sa Diyos. Ang mga katangiang ito ay masasabi nating “asal” ng Diyos.
Inihayag ng Biblia na ang Diyos ay…
TATLONG PERSONA:
Ang KaDiosan ay may tatlong persona. Ang ibig sabihin nito, bagamat Siya ay isang Diyos, Siya ay nahayag sa tatlong tiyak na mga persona.
Dinggin mo, Oh Israel:
ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon.
(Deuteronomio 6:4)
Ang tatlong persona ng KaDiosan (Trinity) ay tinatawag na Diyos Ama, JesuCristo ang Anak, at ang Espiritu Santo. May ilang mga Kasulatan na nagpapatibay sa tatlong persona ng KaDiosan. Noong si Jesus ay bautismuhan sa tubig ni Juan Bautista sa ilog ng Jordan, nangusap ang Diyos Ama mula sa langit, at ang Espiritu Santo ay bumaba sa wangis ng kalapti:
At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y
umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita
Niya ang Espirtu ng Diyos na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag
sa Kaniya;
At narito, ang isang tinig na mula sa
langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong lubos na
kinalulugdan. (Mateo 3:16-17)
Bago nagbalik si Jesus sa langit pagkatapos ng Kaniyang ministeryo sa lupa, sinabi ni Jesus ang tungkol sa pagdating ng Espiritu Santo mula sa Diyos Ama:
Datapuwa’t pagparito ng Mangaaliw, na Aking
susuguin sa inyo mula sa Ama,
sa makatuwid baga’y ang Espiritu ng
katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay
Siyang magpapatotoo sa Akin. (Juan 15:26)
Binanggit din ni Apostol Pedro ang tungkol sa KaDiosan (tatlong persona ng Diyos):
Kung kayo’y mapintasan dahil sa pangalan ni
Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka’t ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang
Espiritu ng Diyos ay nagpapahingalay sa inyo.
( I Pedro 4:14)
Si Apostol Pablo naman ay binanggit din ang tungkol sa Trinity sa kanyang mga sulat:
Sapagka’t ang kautusan
ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya
ako sa kautusan ng
kasalanan at ng kamatayan.
Sapagka’t ang hindi
magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman,
sa pagsusugo ng Diyos ng Kaniyang sariling
Anak na nag-anyong lamang salarin at
dahil sa kasalanan ay hinatulan ng Diyos,
sa laman ang kasalanan. (Roma 8:2-3)
Ang biyaya ng
Panginoong JesuCristo, at ang pagibig ng Diyos, at ang pakikipisan
ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang
lahat. (II Corinto 13:14)
Sapagka’t sa
pamamagitan Niya tayo’y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama.
(Efeso 2:18)
Pinagtibay din ng Aklat ng Gawa ang KaDiosan ng Diyos sa tatlong persona:
Palibhasa nga’y
pinarangal ng kanang kamay ng Diyos, at tinanggap na sa Ama
ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos
Niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
( Gawa 2:33)
Narito ang isang diagram na naglalarawan ng tatlong persona ng KaDiyosan:
Anak▲Espiritu Santo
Ama
WALANG HANGGAN:
Ang tatlong persona ng KaDiyosan (Trinity) ay walang hanggan at ito ay walang pasimula at walang wakas:
Panginoon, Ikaw ang
naging tahanang dako namin sa lahat ng sali’t saling lahi.
Bago nalabas ang mga bundok, O bago Mo
nilikha ang lupa at sanglibutan, Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang
hanggan, Ikaw ang Diyos.
(Awit 90:1-2)
At nagtanim si Abraham ng isang punong
kahoy na tamaring sa Beer-seba, at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Diyos
na walang hanggan.
(Genesis 21:33)
Ang walang hanggang kaurian ng Diyos ay nailarawan sa pamamagitan ng isang bilog. Ang bilog ay walang mababakas na pasimula o wakas, gayon man ito ay isang katunayan:
●
Ang Walang Hanggang Kaurian ng Diyos
ISANG ESPIRITU:
Ang Diyos ay espiritu. Ang ibig sabihin ay wala siyang laman at dugo at kung gayon ay di nakikita ng mga natural na mga mata ng tao:
Ang Diyos ay Espiritu:
at ang mga sa Kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang
magsisamba sa espiritu at katotohanan. (Juan 4:24)
PINAKAMAKAPANGYARIHAN:
Ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa buong sansinukob. Basahin ang Efeso 1 at Roma 9.
SUMASALAHAT NG DAKO:
Ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ay nasa lahat ng dako:
Sapagka’t ang mga mata
ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa…
(II Cronica 16:9)
Ang mga mata ng
Panginoon ay nasa bawa’t dako, na nagbabantay sa masama at
mabuti. (Kawikaan 15:3)
Saan ako paroroon na
mula sa Iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa Iyong
harapan?
Kung sumampa ako sa langit nandiyan Ka:
Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, Ikaw ay nandoon. (Awit 139:7-8)
MARUNONG SA LAHAT:
Ang ibig sabihin nito, alam ng Diyos ang lahat:
…at Iyong kilala ang
lahat kong mga lakad. (Awit 139 4)
…Ang Diyos ay lalong
dakila kay sa ating puso, at nalalaman Niya ang lahat ng
mga bagay.
(I Juan 3:20)
…Nguni’t ang lahat ng mga bagay ay hubad at
hayag sa harapan ng mga mata Niyaong ating pagsusulitan. (Hebreo 4:13)
HIGIT SA LAHAT ANG KAPANGYARIHAN:
…Ako ang Diyos na
Makapangyarihan sa lahat…(Genesis 17:1)
… sa Diyos ang lahat
ng mga bagay ay mangyayari. (Mateo
19:26)
… sapagka’t naghahari
ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa
lahat. (Apocalipsis 19:6)
Ang Diyos ay nagsalitang minsan, makalawang
aking narinig ito; na ang kapangyarihan ay ukol sa Diyos. (Awit 62:11)
HINDI NAGBABAGO:
Ang Diyos ay di nagbabago sa Kaniyang persona, kaurian, layunin, o plano man.
Sapagka’t Ako, ang
Panginoon, ay hindi nagbabago…( Malakias 3:6)
Si JesuCristo ay Siya
ring kahapon at ngayon, oo at magpakailanman.
(Hebreo 13:8)
BANAL:
Ang Diyos ay walang kasalanan, sakdal na dalisay:
…Kayo’y magpakabanal;
sapagka’t Akong Panginoon ninyong Diyos ay banal.
(Levitico 19:2)
MAKATARUNGAN:
Ang Diyos ay patas at walang kinikilingan sa Kaniyang katarungan:
…Isang Diyos na tapat
at walang kasamaan, matuwid at banal Siya.
(Deuteronomio 32:4)
MATAPAT:
Tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako at Siya’y lubos na mapagkakatiwalaan.
…Siya’y nananatiling
tapat; sapagka’t hindi makapagkakaila sa Kaniyang
sarili.
(II Timoteo 2:13)
MABUTI:
Ang Diyos ay mabuti, may magandang kalooban, at ninanais ang iyong kapakanan:
Ang Panginoon ay
mabuti sa lahat; at ang Kaniyang malumanay na kaawaan
ay nasa lahat Niyang mga gawa. (Awit 145:9)
MAHABAGIN:
Nagpapakita ang Diyos ng habag sa makasalanang sangkatauhan:
…ang Panginoong Diyos
na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad
sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at
katotohanan.
Na gumagamit ng
kaawaan sa libolibo…(Exodo 34:6-7)
MAPAGBIYAYA:
Nagpapakita ang Diyos ng biyaya bagamat hindi karapatdapat ang tao na tumanggap nito:
…sapagka’t Ako’y
mapagbiyaya. (Exodo 22:27)
Ang Panginoon ay mapagbiyaya, puspos ng kahabagan; banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang loob. (Awit 145:8)
MAPAGMAHAL:
Ang Diyos ay pagibig:
Ang hindi umiibig ay
hindi nakakakilala sa Diyos; sapagka’t ang Diyos ay pagibig.
(I Juan 4:8)
PANTAS:
Nagpapakita ang Diyos ng malalim na pagkaunawa at mapagwari.
Nilikha ng Panginoon ang lupa sa
pamamagitan ng karunugan; itinatag Niya ang langit sa pamamagitan ng
kaunawaan. (Kawikaan 3:19)
HINDI MASUKAT:
Ang Diyos ay hindi pumapailalim sa mga limitasyon ng tao. Hindi rin Siya nasasakop ng anoman o ninoman:
Nguni’t katotohanan bang tatahan ang Diyos
sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ay hindi Ka magkasiya; gaano pa sa
bahay na ito na aking itinayo. (I Hari
8:27)
Hindi Siya pumapailalim sa limitasyon ng panahon:
Ang Panginoon ay
maghahari magpakailan man. (Exodo
15:18)
ANG DIYOS AMA
Ang Diyos Ama ang pinuno ng lahat ng mga pwersang espirituwal ng kabutihan na kumakalaban sa mga pwersa ng kasamaan. Ito ang Kaniyang tanging gawain sa larangan ng pakikibakang espirituwal.
NASAAN ANG DIYOS?
Katatapos mo pa lamang matutuhan na ang Diyos ay nasa lahat ng dako sa buong sansinukob. Ang luklukan ng Diyos ay nasa langit subalit Siya ay sumasa lahat ng dako.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang
langit ay Aking luklukan, at ang lupa ay Aking
tungtungan… (Isaias 66:1)
MGA PANGALAN NG
DIYOS:
Ang Biblia ay nagbigay ng ibang mga pangalan para sa diyos na naghahayag ng Kanyang ministeryo sa iyo habang ikaw ay nakikilaban sa pakikibakang espirituwal. Kabilang sa mga pangalan para sa Diyos ay:
1. Jehova: Ang ibig sabihin ay Panginoon. Isinasama ang salitang ito sa ibang pangalan ng Diyos:
Jehova-Rapha: “Ang Panginoon na nagpapagaling” Exodo 15:26
Jehova-Nissi: “Ang Panginoon ang ating watawat” Exodo 17:8-15
Jehova-Shalom: “Ang Panginoon ang ating kapayapaan” MgaHukom 6:24
Jehova-Ra’ah: “Ang Panginoon ang aking pastor” Awit 23:1
Jehova-Tsidkenu “Ang Panginoon ang ating katuwiran” Jeremias 23:6
Jehova-Jireh “Ang Panginoon ang nagkakaloob” Genesis 22:14
Jehova-Shammah “Ang Panginoon ay naroon” Ezekiel 48:35
2. Elohim: Ibig sabihin-Diyos, at ginagamit saan man ang kapangyarihang lumikha ang tinutukoy.
3. Ama: Gawa 17:28; Juan 1:12-13
4. Adonai: Ibig sabihin-Panginoon : Exodo 23:17; Isaias 10:16,33
5. El: Ito ay karaniwang ginagamit na una sa ibang mga pangalan ng Diyos:
El Shaddai: “Ang Panginoon na sapat sa mga pangangailangan ng Kaniyang bayan” Exodo 6:3
Elolam: “Ang walang hanggang Diyos” Genesis 21:33
El Elyon: “Kataas-taasang Diyos na higit sa mga dios-diosan Genesis 14:18,22
6. Yahweh: Sa wikang Hebreo na siyang ginamit na wika sa Lumang Tipan, ang salitang “Yaweh” ay nangangahulugang Diyos. Ang salitang ito ay isinanib sa ibang salita upang ihayag ang kalikasan ng Diyos. Ang Diyos ay tinawag na:
Yaweh Jireh “Ang Panginoon ay nagkakaloob” Genesis 22:14
Yaweh Nissi: “Ang Panginoon ang aking watawat” Exodo 17:1 Yaweh Shalom “Ang Panginoon ang aking kapayapaan” Mga Hukom 6:24
Yaweh Shabaoth: “Ang Panginoon ng mga Hukbo” I Samuel 1:3
Yaweh Maccaddeshcem: “Ang Panginoon ang Nagpapabanal sa akin Exodo 31:13
Yaweh Tsidkenu: “Ang Panginoon ang ating katuwiran” Jeremias 23:6
Yaweh Shammah: “Ang Panginoon ay naroon” Ezekiel 48:35
Yaweh Elohim Israel: “Ang Panginoong Diyos ng Israel” Mga Hukom 5:3
Quadosh Israel: “Ang Banal ng Israel” Isaias 1:4
7. Ang Panginoon Ng Mga Hukbo: Sa tala ng Biblia, ang ibat-ibang mga pangalan ng Diyos ay ginamit ng hinihiling ang Diyos na kumilos sa isang tiyak na kaparaanan para sa Kanyang bayan. Halimbawa ang pangalang Jehova-Rapham na ibig sabihin ay “ang Panginoon na nagpapagaling” ay ginamit ng humahanap ng kagalingan.
Ang mga partikular na pangalan ng Diyos na dapat gamitin sa pakikibaka ay “Yaweh Sabbaoth” na isinalin bilang “ang Panginoon ng mga hukbo” sa salin ng Ang Biblia. Kung tawagan mo ang pangalan na yaon sa pakikibaka, ang laban ay magiging laban ng Panginoon at ang lahat ng mga hukbo ng Langit ay tutulong sa iyo.
DIYOS ANAK, SI JESUCRISTO
Ang Diyos Anak, si JesuCristo, sa Kaniya nagsanib ang makalangit at makataong kalikasan. Sinugo ng Diyos Ama si JesuCristo sa lupa sa anyong tao habang nanatili pa rin sa Kaniya ang makalangit na kalikasan. Si Jesus ay isinugo ng Diyos sa lupa upang ang tao ay mapatawad sa kanyang kasalanan:
Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng
Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya
ang Kaniyang bugtong na anak, upang ang
sinomang sa Kaniya’y sumampalataya
ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan.
Sapagka’t hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa
sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas
sa pamamagitan Niya.
Ang sumasampalataya sa
Kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya
ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya
sumampalataya sa pangalan ng bugtong na anak ng Diyos. (Juan 3:16-18)
Ang kasaysayan ni Jesus ay natala sa Biblia sa aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Ang mga aklat na ito ang nagbibigay ng detalyadong tala ng pagsilang, kamatayan, pagkabuhay na maguli, mga katuruan, at ministeryo ni JesuCristo.
Bilang bahagi ng plano ng Diyos, Si Jesus ay naparito sa lupa sa anyong tao, naglingkod sa mga tao, namatay para sa kasalanan ng tao, nabuhay mula sa mga patay, at isinugo ang Kaniyang mga tagasunod na dalhin ang ebanghelyo sa mga bansa ng sanglibutan.
NASAAN SI JESUS?
Pagkatapos ng Kaniyang pagkabuhay na maguli, si Jesus ay napakita sa maraming mga tao, isinugo ang Kaniyang mga tagasunod, at nagbalik sa langit. Subalit tandaan…bagamat Siya ay nasa langit, Siya ay nasa lahat pa rin ng dako…ang Kaniyang presensya ay nasa lahat ng lugar.
MGA TANGING GAWAIN:
Ang tanging gawain ni Jesus kaugnay ng pakikibakang espirituwal ay kabilang ang mga sumusunod:
1. Tubusin ang tao mula sa kasalanan: Sa pamamagitan ng kamatayan ni JesuCristo na ikaw ay pinalaya mula sa pagkabihag ng kasalanan na isinilo sa iyo ng kaaway:
… sapagka’t ang nadaig
ninoman ay naging alipin din naman niyaon…
(II Pedro 2:19)
Na ang buong nilalang naman
ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan
sa kalayaang
maluwalhati ng mga anak ng Diyos. (Roma
8:21)
Sa kalayaan ay pinalaya na tayo ni Cristo:
magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng
pagkaalipin. ( Galacia 5:1)
2. Kapamahalaan laban sa pwersa ng kasamaan: Ito ay pagaaralan mong masusi sa ibang bahagi ng kursong ito. Ang kamatayan ni Jesus ay hindi lamang nagpalaya sa sangkatauhan mula sa kasalanan, kundi nagresulta ito sa tagumpay laban sa mga pwersa ng kasamaan. Dahil dito ikaw ay may kapamahalaan laban sa kaaway:
At tinipon Niya ang labing dalawa, at
binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at
upang magpagaling ng mga sakit. (Lucas
9:1)
3. Sinisira ang mga gawa ng Diablo:
… Sa bagay na ito’y
nahayag ang anak ng Diyos, upang iwasak ang mga gawa ng
diablo. (I Juan
3:8)
4. Panalangin ng pamamagitan para sa mga mananampalataya: Sa langit, si Jesus ay nasa kanang kamay ng Diyos Ama at namamagitan para sa mga mananampalataya na sangkot sa pakikibakang espirituwal. Ang ibig sabihin nito ay kinakausap Niya ang Ama tungkol sa iyo:
Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong
nabuhay na maguli sa mga patay na Siyang nasa kanan ng Diyos, na Siya
namamagitan dahil sa atin. (Roma 8:34)
ANG MGA PANGALAN NI JESUS:
Ang ibig sabihin ng pangalang “Jesus” ay “Tagapagligtas” (Mateo 1:21). Ang ibig sabihin ng bansag na “Cristo” ay “ang pinahiran” (Juan 4:25-26). Mga dagdag na pangalan ang ibinigay kay JesuCristo sa Biblia tulad ng mga sumusunod:
Adam (Ikalawang Adam) I Corinto 15:45-47
Tagapamagitan I Juan 2:1
Makapangyarihan sa lahat Apocalipsis 1:8
Alpa at Omega Apocalipsis 21:6
Amen Apocalipsis 3:14
Nabubuhay Magpakailan man Daniel 7:9
Anghel ng Kaniyang Presensya Awit 45:7
Pinahiran (Ng Diyos) Awit 2:2
Apostol ng ating pananampalataya Hebreo 3:1
Bisig ng Panginoon Isaias 51:9-10
May Akda at Sasakdal ng Pananampalataya Hebreo 12:2
May Akda ng Walang Hanggang Kaligatasan Hebreo 5:9
Ipinaganak Ng Diyos I Juan 5:18
Minamahal Efeso 1:6
Obispo ng Kaluluwa I Pedro 2:25
Mapalad at Tanging Makapangyarihan I Timoteo 6:15
Aking Sanga Zacarias 3:8
Sanga ng Katuwiran Jeremias 33:15
Sanga Mula sa Ugat ni Jesse Isaias 11:1
Tinapay ng Buhay Juan 6:48
Maningning na Tala sa Umaga Apocalipsis 22:16
Kapitan ng Hukbo ng Panginoon Josue 5:15
Anak ng Karpintero Mateo 13:55
Batong Panulok na Pangulo 1 Pedro 2:6
Pinakamainam sa Sangpung Libo Awit Ng Mga Awit 5:10
Ang Cristo Juan 1:41
Si Cristo ang Panginoon Lucas 2:11
Cristo Jesus na ating Panginoon Roma 8:39
Si Cristo ang Kapangyarihan ng Diyos I Corinto 1:24
Tagapayo Isaias 9:6
Tipan ng mga Tao Isaias 42:6
Pagbubukang Liwayway Lucas 1:78
Tala sa Umaga II Pedro 1:19
Tagapagligtas Roma 11:26
Ang Pintuan Juan 10:9
Ang Hinirang Isaias 42:1
Emmanuel Mateo 1:23
Walang Hanggang Buhay I Juan 5:20
Walang Hanggang Ama Isaias 9:6
Tapat at Totoo Apocalipsis 19:11
Tapat na Saksi Apocalipsis 1:5
Ang Panganay Hebreo 1:6
Panganay Ko Awit 8:29
Pangunahing Bunga I Corinto 15:23
Una at Huli Apocalipsis 22:13
Patibayang Inilagay sa Sion Isaias 28:16
Maluwalhating Panginoon Isaias 33:21
Ang Diyos ng Israel Isaias 45:15
Ang Diyos ay Sumasa Atin Mateo 1:23
Dakilang Diyos Tito 2:13
Lubhang Dakilang Saserdote Hebreo 4:14
Ulo ng Katawan Colosas 1:18
Pangulo ng Lahat ng mga Bagay Efeso 1:22
Pangulong Bato sa Sulok Awit 118:22
Tagapagmana ng Lahat ng Bagay Hebreo 1:2
Ang Banal ng Israel Isaias 41:14
Pagasa ng Kaluwalhatian Colosas 1:27
Ako Nga Juan 8:58
Larawan ng Diyos na Di Nakikita Colosas 1:15
Imanuel Isaias 7:14
Si JesuCristo ang Panginoon Roma 1:3
Hukom ng Israel Mikas 5:1
Hari ng Kaluwalhatian Awit 24:7
Hari Zacarias 9:9
Hari sa Buong Lupa Zacarias 14:9
Kordero ng Diyos Juan 1:29
Ilaw ng Sanglibutan Juan 8:12
Lila ng mga Libis Awit ng mga Awit 2:1
Buhay na Tinapay Juan 6:51
Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa Lahat Apocalipsis 4:8
Panginoon at Tagapagligtas II Pedro 2:20
Panginoon ng Lahat Gawa 10:36
Ang Panginoon na Ating Katuwiran Jeremias 23:6
Panginoon ang Iyong Manunubos Isaias 43:14
Pagibig I Juan 4:8
Tao ng Kapanglawan Isaias 53:3
Panginoon Mateo 23:10
Mesias Daniel 9:25
Makapangyarihang Diyos Isaias 9:6
Makapangyarihan ni Jacob Isaias 60:16
Kabanal-banalan Daniel 9:24
Pinaka Makapangyarihan Awit 45:3
Nazareno Mateo 2:23
Iisang Diyos I Timoteo 1:17
Ang Ating Paskua I Corinto 5:7
Manggagamot Lucas 4:23
Prinsipe ng Kapayapaan Isaias 9:6
Prinsipe ng mga Hari sa Lupa Apocalipsis 1:5
Propeta Deuteronomio 18:15-18
Pangpalubagloob Roma 3:25
Rabi Juan 1:49
Manunubos Isaias 59:20
Pagkabuhay na Maguli Juan 11:25
Matuwid na Alipin Isaias 53:11
Bato I Corinto 10:4
Ugat ni Jesse Isaias 11:10
Rosa ng Saron Awit Ng Mga Awit 2:1
Tagapagligtas ng Sanglibutan I Juan 4:14
Binhi ni David Juan 7:42
Binhi ng Babae Genesis 3:15
Mabuting Pastor Juan 10:11
Anak ng Diyos Roma 1:4
Anak ng Tao Gawa 7:56
Anak ni Maria Marcos 6:3
Anak ng Kataastaasan Lucas 1:32
Bituwin Mula kay Jacob Bilang 24:17
Bato Mateo 21:42
Araw ng Katuwiran Malakias 4:2
Tiyak na Saligan Isaias 28:16
Guro Juan 3:2
Katotohanan Juan 14:6
Kaloob na di Masayod II Corinto 9:15
Puno ng Ubas Juan 15:1
Daan Juan 14:6
Kahangahanga Isaias 9:6
Salita Juan 1:14
Salita ng Diyos Apocalipsis 19:13
ANG DIYOS ESPIRITU SANTO
Ang Diyos Espiritu Santo ay bahagi ng tatlong persona ng KaDiyosan, bagamat ang Espiritu Santo ay may Kaniyang sariling personalidad. Napakalawak ng paksa tungkol sa Espiritu Santo na ang isang buong kurso ay inilaan para dito na may pamagat na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo” na kabilang din sa mga kurso ng Harvestime International Institute. Ang kursong ito ay rekomendado para sa mas detalyadong pagaaral tungkol sa Espiritu Santo.
PERSONALIDAD NG ESPIRITU SANTO:
Inihayag ng Biblia na ang Espiritu Santo ay :
May Pagiisip Na Nakauunawa:
At ang nakasisiyasat ng mga puso’y nakakaalam
kung ano ang kaisipan ng Espiritu… (Roma
8:27)
Sinasaliksik Ang Kaisipan Ng Tao:
Nguni’t ang mga ito ay
ipinahayag sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu;
sapagka’t nasisiyasat
ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim
na mga bagay ng Diyos. ( I Corinto 2:10)
May Kalooban:
Datapuwa’t ang lahat ng ito ay ginagawa ng
isa at gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa’t isa ayon sa Kaniyang
ibig. ( I Corinto 12:11)
Ang kalooban ng Espiritu Santo ang gumagabay sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagkakait ng pahintulot tungkol sa ilang mga kilos:
At nang kanilang
matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan sila
ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa
Asia.
At nang sila’y magsidating sa tapat ng
Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa
Bitinia; at hindi sila tinulutan ng
Espiritu ni Jesus. (Gawa 16:6-7)
Ang kalooban ng Espiritu Santo ay gumagabay din sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pahintulot:
At pagkakita niya sa
pangitain, pagdaka’y pinagsikapan naming magsiparoon
sa Macedonia, na pinatutunayang kami’y
tinawag ng Diyos upang sa kanila’y ipangaral ang evangelio. (Gawa 16:10)
Nangungusap:
At sinabi ng kay
Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.
(Gawa 8:29)
Nagmamahal:
Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo mga
kapatid, alangalang sa Panginoon nating JesuCristo, at sa pagibig ng Espiritu,
na kayo’y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Diyos
patungkol sa akin. (Roma 15:30)
Namamagitan:
Ang Espiritu Santo ay namamagitan (dumadalangin) para sa mga mananampalataya:
At gayon din naman ang
Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka’t
Hindi tayo marunong
manalangin ng nararapat; nguni’t ang Espiritu rin ang
namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na
hindi maisaysay sa pananalita.
(Roma 8:26)
Mula sa listahan ng mga katangian madali mong makikita ang kahalagahan ng gawain ng Espiritu Santo sa pakikibakang espirituwal. Ang Espiritu Santo ang gumagabay sa iyong pakikibaka. Inihahayag Niya ang mga bagay na espirituwal na hindi malalaman sa natural na paraan. Sinasalita ng Espiritu Santo ang kalooban at mga salita ng Diyos sa iyo. Siya rin ang namamagitan para sa iyo sa iyong pakikibakang espirituwal.
Bautismo Sa Espiritu Santo:
May isang karanasang espirituwal na tinatawag na bautismo sa Espiritu Santo na may napapaloob na palatandaan ng pagsasalita ng mga ibang wika (Gawa 2) at katibayan na kapangyarihan upang maging mga saksi ng ebanghelyo (Gawa 1:8).
Upang maging matagumpay sa
pakikibakang espirituwal, mahalaga para sa iyo na maranasan ang bautismo sa Espiritu
Santo. Ito ang pinagmumulan ng kapangyarihang espirituwal para sa mga labanang
espirituwal. Ang bautismo sa Espiritu Santo ay tinatalakay sa kursong “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”
Mga Kaloob Ng Espiritu Santo:
Ang Espiritu Santo ay nagkakaloob ng mga tanging kaloob na espirituwal sa mga mananampalataya. Ang mga tampok na mga reperensya na naglilista ng mga kaloob ng Espiritu Santo ay :
- Roma 12:1-8
- I Corinto 12:1-31
- Efeso 4:1-16
- I Pedro 4:7-11
Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay kailangan upang bigyang kakayahan ang mananampalataya para sa pakikilaban sa mga pwersa ng kasamaan. Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay kabilang ang mga sumusunod:
Mga tanging kaloob upang bigyang kakayahan ang bayan ng Diyos:
Mga apostol, mga propeta, mga ebanghelista, mga pastor, mga guro.
Mga kaloob ng pananalita upang ipaliwanag ang katotohanan ng Diyos:
Panghuhula, pagtuturo, umaaral, salita ng karunungan, salita ng kaalaman.
Mga kaloob ng pagsisilbi upang matupad ang gawain ng Diyos:
Paglilingkod, pagtulong, pamumuno, pangangasiwa, pagpapakita ng kahabagan, pagkilala sa ibat-ibang espiritu, pananampalataya, magpa-tuloy.
Mga kaloob ng tanda upang itatag ang awtoridad ng Diyos:
Mga ibat-ibang wika, pagpapaliwanag ng mga wika, mga himala, mga pagpapagaling.
MGA BUNGA NG ESPIRITU SANTO:
Pinalalago din ng Espiritu Santo ang mga bungang espirituwal sa buhay ng mananampalataya. Ang “bunga ng Espiritu Santo” ay tumutukoy sa kaurian ng Espiritu na nahayag sa buhay ng mananampalataya, mga katangiang espirituwal na kailangang makita sa mga buhay ng lahat ng mga Cristiano.
Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay para sa kapangyarihan. Ang bunga ng Espiritu Santo ay para sa paguugali ng buhay ng isang mananampalataya. Kung hindi lumago sa iyo ang mga ugaling tulad ng kay Crsito, ikaw ay magiging biktima ng mga pwersa ng kasamaan. Ang bungang espirituwal ay katibayan ng paglagong espirituwal. Tulad ng natural na bunga, ito ang galing sa proseso ng buhay.
May dalawang uri ng bungang espirituwal. Mga tao na nailapit mo sa Panginoon ay bungang espirituwal.
Ako’y hindi ninyo
hinirang, nguni’t kayo’y hinirang Ko, at Aking kayong inihalal,
upang kayo’y magsiyaon
at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga:
Upang ang anomang
inyong hingin sa Ama sa Aking pangalan, ay maibigay Niya sa
inyo.
(Juan 15:16)
Ang pagkakaroon ng paguugali na tulad ng kay Cristo ay isang ring uri ng bunga sa ating buhay. Ang mga katangiang ito ay mga kabaliktaran ng makalamang ugali ng tao:
At hayag ang mga gawa
ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid,
Karumihan, kalibugan,
Pagsamba sa
diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo,
mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga
pagkakampikampi, mga pagkaka-
bahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
Mga kapanaghilian, mga
paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito;
tungkol sa mga bagay na ito ay aking
ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa
aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na
ang mga nagsisisigawa ng gayong mga
bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian
ng Diyos.
Datapuwa’t ang bunga
ng Espiritu Santo ay pagibig, katuwaan, kapayapaan,
pagpapahinuhod, kagandahang-loob,
kabutihan, pagtatapat,
Kaamuan, pagpipigil,
laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
(Galacia 5:19-23)
Bagamat ang kapangyarihan ng laman ay natalo na sa krus, bilang isang mananampalataya, mararanasan mo lamang ito ayon sa sukat ng iyong pagsampalataya sa tinapos na gawain ni Jesus. Kung magkagayon, upang maging mabisa sa pagtanggi sa makasalanang hilig ng laman, mahalaga na lumago sa iyo ang bunga ng Espiritu Santo.
NASAAN ANG ESPIRITU SANTO?
Ipinangako ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod na sa Kaniyang pagbabalik sa langit Kaniyang susuguin ang Espiritu Santo sa lupa upang maging Mangaaliw:
At Ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y
bibigyan Niya ng ibang Mangaaliw, upang
Siyang sumainyo magpakailan man.
Samakatuwid baga’y ang Espiritu ng
katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagkat hindi nito Siya
nakikita, ni nakikilala man Siya: Siya’y nakikilala ninyo; sapagkat Siya’y
tumatahan sa inyo, at sasa inyo. (Juan 14: 16-17)
Ang isa sa mga gawain ng Espiritu Santo ay ibaling ang ating pansin kay JesuCristo:
Datapuwa’t pagparito ng Mangaaliw, na Aking
susuguin sa inyo mula sa Ama,
samakatuwid baga’y ang
Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay
Siyang magpapatotoo sa
Akin. ( Juan 15:26)
Ang Diyos Espiritu Santo, sa anyong espirtu at hindi nakikita ng natural na mga mata, ay nasa daigdig ngayon. Siya’y aktibo sa pagsumbat sa mga tao sa kasalanan, hinahalina ang mga tao kay JesuCristo, binibigyan ng kapangyarihan ang mga mananampalataya para sa pakikibakang espirtuwal, ginagabayan sila at nagpapatotoo tungkol kay Jesus.
Ang Espiritu Santo ay
naglilingkod sa maraming mga paraan sa sanglibutan. Ito ay tinatalakay ng
mainam sa kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”
ANG ESPIRITU SANTO AY SENSITIBO:
Likas sa Espiritu Santo ang
pagiging sensitibo. Ang ibig sabihin ay may damdamin Siya na apektado ng mga
gawa ng tao. Dahil dito, nagbabala ang Biblia na huwag tayong magsisinungaling
sa Espiritu Santo (Gawa 5:3-4), huwag salansangin ang Espiritu (Gawa 7:51),
huwag patayin ang ningas ng Espiritu (I Tesalonica 5:19) pighatiin ang Espiritu
(Awit 78:40 at Efeso 4:30), insultuhin ang Espiritu (Hebreo 6:4-6), mamusong sa
Espirtu (Mateo 12:31-32), o panglawin ang Espiritu (Isaias 63:10). Ang mga
gawang ito ay tinatalakay na detalyado sa kurso ng Harvestime International
Institute na may pamagat na “Ang
Ministeryo Ng Espiritu Santo.”
Mahalaga na huwag nating salagin ang sensitibong likas ng Espiritu Santo. Kung ang Espiritu Santo ay pagkasalahan natin lilisan ang Kaniyang presensya. Hind ka maaaring makipagbaka ng mabisa kung wala ang kapangyarihan ng Espiritu Santo.
MGA BANSAG SA ESPIRITU
SANTO:
May ilang mga bansag sa Biblia na ginamit upang ilarawan ang Espiritu Santo. Ang bansag ay isang titulo na ginagamit upang ipaliwanag ang posisyon o gawain. Mahalaga na maalaman mo ang mga gawain ng Espiritu Santo sa iyong paglahok sa pakikibakang espirituwal. Tingnan ang mga reperensya sa inyong Biblia upang pagaralan ang mga bansag na ibinigay sa Espiritu Santo:
Ang Espiritu Santo ay tinawag na:
Ang Espiritu ng Diyos: I Corinto 3:16
Ang Espiritu ni Cristo : Roma 8:9
Ang Walang Hanggang Espiritu: Hebreo 9:14
Ang Espiritu ng Katotohanan: Juan 16:13
Ang Espiritu ng Biyaya: Hebreo 10:29
Ang Espiritu ng Buhay: Roma 8:2
Ang Espiritu ng Kaluwalhatian: I Pedro 4:14
Ang Espiritu ng Karunugan at Kapahayagan: Efeso 1:17
Ang Mangaaliw: Juan 14:26
Ang Espiritu ng Pangako: Gawa 1:4-5
Ang Espiritu ng Kabanalan: Roma 1:4
Ang Espiritu ng Pananampalataya: II Corinto 4:13
Ang Espiritu ng Pagkukupkop: Roma 8:15
MGA SAGISAG NG ESPIRITU SANTO
Gumamit ang Biblia ng ilang mga sagisag upang katawanin ang Espiritu Santo. Ang sagisag ay kumakatawan sa isang bagay. Ito ay isang simbulo na may tanging kahulugan. Tingnan ang mga sumusunod na mga reperensya sa inyong Biblia. Bawat isa dito ay gumamit ng mga sagisag upang katawanin ang Espiritu Santo:
Ang kalapati: Juan 1:32; Awit Ng Mga Awit 6:9
Langis: Lucas 4:18; Gawa 10:38; Hebreo 1:9
Tubig: Juan 7:37-39; Isaias 44:3
Isang tatak: Efeso 1:13; 4:30; II Corinto 1:22
Hangin: Juan 3:8; Gawa 2:1-2
Apoy: Exodo 3:2; 13:21; Levitico 9:24; Gawa 2:3
Ang kahulugan ng bawat isa sa mga
sagisag na ito ay ipinaliliwanag sa kursong “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”
BUOD
Sa kabanatang ito, natutuhan mo ang tungkol sa tatlong persona ng KaDiyosan at pinagaralan mo rin ang tungkol sa Diyos Ama, ang Anak na si JesuCristo, at ang Espiritu Santo. Sa Kanilang magkakasanib na mga gawain sa larangan ng pakikibakang espirituwal, Sila ay makapangyarihang pwersa para sa kabutihan sa buong sansinukob.
Ngunit hindi sapat na kilalanin mo lamang na may mga pwersang espirituwal para sa kabutihan. Ang sabi ng Biblia:
Ikaw ay sumasampalataya na ang Diyos ay
iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at
nagsisipanginig. ( Santiago 2:19)
Ang pwersa ng kasamaan ay naniniwala rin sa Diyos ay may takot pa rito, subalit masama pa rin sila. Ang maniwala lamang sa Diyos ay di sapat. Kailangang kilalanin mo Siya bilang Panginoon ng iyong buhay. Dapat mong tanggapin ang sakripisyo ni JesuCristo para sa iyong kasalanan, magsisi, humingi ng kapatawaran, at maging isang bagong nilalang kay Cristo.
Hindi mo pa nalulubos ang pagaaral tungkol sa mga pwersang espirituwal para sa kabutihan. Ang susunod na kabanata ay patungkol sa makapangyarihang hukbo ng mga espiritu na kilala natin bilang mga anghel at inilalarawan ang kanilang gawain sa pakikibakang espirituwal.
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Ilista ang mga pwersang espirituwal ng kabutihan.
3. Panganlan ang tatlong personalidad ng Trinity ng Diyos:
Ang Diyos __________________
Ang Diyos ______________, _______________________
Ang Diyos _______________ _____________________
4. Ibigay ang buod ng mga tanging gawain ng Diyos sa larangan ng pakikibakang espirituwal.
5. Ibigay ang buod ng mga gawain ni JesuCristo sa pakikibakang espirituwal.
6. Ibigay ang buod ng mga gawain ng Espiritu Santo sa pakikibakang espirituwal.
7. Ang unang kolum ay naglista ng ilan sa mga katangian ng tatlong persona ng KaDiyosan. Ang kolum na ikalawa ay nagbigay ng mga kahulugan ng mga katangiang ito. Tingan ang bawat katangian sa unang kolum. Pagkatapos ay tingnan ang tamang kahulugan nito sa ikalawang kolum. Isulat ang numero ng tamang katangian sa puwang na ibinigay. Ang una ay ginawa bilang halimbawa para iyong sundan:
Unang Kolum
Pangalawang
Kolum
1. _h__ Walang hanggan a. Walang laman at dugo
2. ____ Higit sa lahat b. Nasa lahat ng dako
3. ____ Sumasa lahat ng dako c. Mabuti, magandang loob
4. ____ Banal d. Pinakamataas na Kapangyarihan
5. ____ Hindi Masukat e. Lahat ng kapangyarihan
6. ____ Hindi nagbabago f. Alam ang lahat ng bagay
7. ____ Mabuti g. Walang kasalanan
8. ____ Isang espiritu h. Walang simula at walang wakas
9. ____ Marunong sa lahat i. Walang pagbabago
10. ___ Makapangyarihan sa lahat j. Patas at walang kinikilingan sa
paghatol
11. ___ Makatarungan k. Magpakita ng kahabagan
12. ___ Mahabagin l. Hindi sumasailalim ng anomang
limitasyon
8. Anong pangalan ng Diyos ang iyong gagamitin sa pagpasok mo sa pakikibakang espirituwal.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
Kung sinusunod mo sa iyong
pagaaral sa Harvestime Institute ang mga kurso ayon sa mungkahing pagkakahanay
nito, ang susunod mong kursong pagaaralan matapos ang kursong ito ay “Ang
Ministeryo Ng Espiritu Santo.” Kabilang sa Unang Kabanata ng “Ang
Ministeryo Ng Espiritu Santo” ang
isang balangkas ng dagdag na pagaaral tungkol sa Diyos Ama at Anak na si
JesuCristo. Kung hindi ka nag-enrol sa buong programa ng Institute, pagkatapos
mo ng kursong ito iminumungkahi namin na pagaralan mo ang kursong “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo”.
2. Ang mga karagdagang pagaaral
sa buhay, ministeryo at katuruan ni JesuCristo ay napapaloob sa mga kurso ng
Harvestime International Institute na “Pamumuhay
Na Pinaghaharian Ng Diyos” at “Mga
Paraan Ng Pagtuturo.”
3. Ang kursong “Mga Saligan Ng Pananampalataya” ng Harvestime International Institute ay nagbibigay naman ng detalyadong mga turo sa mga saligang doktrina ng Pananampalatayang Cristiano. Ang kursong ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng pagkaunawa sa mga pwersang espirituwal ng kabutihan. Natapos mo na ang kursong ito kung sinusunod mo ang mungkahing hanay ng mga kurso. Kung hindi naman, ang mungkahi namin ay pagaralan mo rin ang kursong nabanggit para sa dagdag na pagaaral.
4. Ikaw ba ay nasa pakikibakang espirituwal sa kasalukuyan? Habang idinadalangin mo ang iyong problema, simulan mong tumawag sa pangalan ng Panginoon ng mga Hukbo.
5. Isipin mo ang labanan iyong kinasasangkutan sa kasalukuyan at pagaralan mo uli ang mga gawain ng Diyos Ama, ni JesuCristo, at ng Espiritu Santo sa pakikibaka. Paano ka matutulungan ng Diyos sa iyong personal na laban? Paano ka matutulungan ni Jesus? Ano ang gawain ng Espiritu Santo tungkol sa problemang iyong kinkaharap?
IKAAPAT NA KABANATA
ANG ESPIRITUWAL NA MGA PWERSA NG MABUTI: MGA ANGHEL
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Magbigay ng mga reperensya na nagpapaliwanag kung ano ang mga anghel.
. Masabi ang pinagmulan ng mga anghel.
. Tukuyin ang dalawang uri ng mga anghel.
. Tukuyin ang kanilang larangang ginagalawan.
. Ibigay ang buod ng ministeryo ng mga anghel sa pakikibakang espirituwal.
. Tukuyin ang mga katangian ng mga anghel.
. Tukuyin ang mga klasipikasyon ng mga anghel.
. Ibigay ang mga reperensya sa Biblia na nagpapaliwanag ng organisasyon ng hukbo ng
mga anghel.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Ang anghel ng Panginoon ay
humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa
Kaniya, At ipinagsasanggalang sila.
(Awit 34:7)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata natutuhan mo ang tungkol sa Trinity ng Diyos na dito’y kabilang ang Diyos Ama, Diyos Anak-si JesuCristo, at Diyos Espiritu Santo. Natutuhan mo ang tungkol sa pinagbuhatan, mga katangian, at mga gawain sa pakikibakang espirituwal.
Ang kabanatang ito ay pagpapatuloy ng pagaaral tungkol sa mga espirituwal na mga pwersa ng kabutihan. Nagpapaliwanag ito ng pasimula, mga katangian, ginagalawang larangan, klasipikasyon, at organisasyon ng mga anghel. Ipinapaliwanag din nito ang ministeryo ng mga anghel sa pakikibakang espirituwal.
ANO ANG MGA ANGHEL?
Ang mga anghel ay mga espiritung tagapaglingkod na sinugo ng Diyos upang gawin ang Kaniyang kalooban:
Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo
upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?
(Hebreo 1:14)
Ang ibig sabihin ng anghel ay “mensahero.”
ANG PINAGMULAN NG MGA ANGHEL
Ang mga anghel ay nilalang ng Diyos:
Purihin ninyo Siya, ninyong lahat ng
mga anghel: Purihin ninyo Siya, buo Niyang
hukbo.
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon: Sapagka’t Siya’y nagutos, at
sila’y
nangalikha. (Awit 148:2 at 5)
Sapagka’t sa Kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan
at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita,
maging
mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat
ng
mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya at ukol sa Kaniya. (Colosas 1:16)
Ang lahat ng mga anghel ay matuwid at banal noong sila ay unang lalangin. Sila’y sumasamba at naglilingkod sa tunay na Diyos. Di nalaunan, ang ilang mga anghel ay nagrebelde laban sa Diyos at naalis sa kanilang posisyon bilang mga anghel. Sila’y naging bahagi ng pwersa ng kasamaan na tinatawag na mga “demonyo.”
May dalawang uri ng mga anghel: Ang mabuting mga anghel, na siyang paksa ng kabanatang ito, at ang mga masasamang anghel (demonyo) na tatalakayin naman sa Ika anim na Kabanata ng kursong ito.
ANG ORGANISASYON NG MGA ANGHEL
Ang mabubuting mga anghel ay inorganisa ng Diyos sa isang tanging hanay. Hindi inihayag ng Biblia ang mga detalye ng hanay na ito, subalit nagbabadya ng kaayusan:
Sapagka’t sa Kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan
at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita,
maging
mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat
ng
mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya
at ukol sa Kaniya.
(Colosas 1:16; Tingan
din ang Efeso 3:10)
Ang organisasyon ng larangang di nakikita ay inilarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang tulad ng mga luklukan, pagsakop, pamunuan, mga kapangyarihan. Hindi tayo binigyan ng mga detalye. Matutuhan mo rin kung paano ginaya ni Satanas ang organisasyong ito sa kaniyang mga pwersa ng kasamaan.
ANG KLASIPIKASYON NG MGA ANGHEL
May karamihan ang mga anghel (Lucas 2:13-15) na waring naklasipika ayon sa kanilang mga gawaing ginagampanan. Narito ang pangunahing klasipikasyon ng mga anghel:
MGA MENSAHERO:
Ang uring ito ng mga anghel ang malamang na pinakamarami sa bilang. Ito ang mga anghel na bumubuo ng mga hindi mabilang na karamihan, nakita ni Daniel (Daniel 7:10), na ipinatutupad ang kalooban ng Diyos sa lupa. Ito rin ang grupong karaniwang nakikitungo sa mga mananampalataya tungkol sa pakikibakang espirituwal. Sila ang tagapagpaliwanag ng kalooban ng Diyos, nagtatanggol, nagbibigay gabay, nagdadala ng sagot sa panalangin, nagbabalita, nagbababala, nagtuturo, nagdadala ng kahatulan, nagpapalakas ng loob, nagpapanatili, nagliligtas, at namamagitan sa panalangin para sa mga mananampalataya.
MGA ANGHEL NA HINIRANG:
Isa lamang reperensya ang nagbanggit na tungkol sa mga anghel na hinirang, at ito ay sa
I Timoteo 5:21. Wala nang dagdag na impormasyon tungkol sa grupong ito.
QUERUBIN:
Ang grupong ito ng mga anghel ay unang nabanggit sa Genesis 3:24. Sila ay nabanggit din bilang bahagi ng kaban ng tipan ( Exodo 25:18-22). Binanggit ni Ezekiel ang mga lalang na ito at inilarawan sila na may apat na uri ng pagpapakita; mukha ng leon, mukha ng baka, mukha ng tao, at ang mukha ng aguila (Ezekiel 1:3-28; 10:22). Ang mga simbulong ito ng mga querubin ay nagbabadya na sila ang mga nilalang na buhay na nasa palibot ng luklukan ng Diyos sa Apocalipsis 4:6. Mukhang sila ang pinakamataas sa hanay ng mga anghel, ang mga bantay ng Diyos.
SERAPIN:
Ang grupong ito ay binanggit sa sa Isaias 6:2,6. Ang kanilang kinalalagyan ay sa itaas ng luklukan ng Diyos samantalang ang mga querubin naman ay sa palibot ng luklukan. Ang gawain ng mga anghel na ito ay waring pangunahan ang buong kalangitan sa pagsamba sa Diyos.
MGA NILALANG NA BUHAY:
Ang grupong ito ng mga anghel ay binanggit naman sa Apocalipsis 4:6,8; 5:6. Ang bansag sa mga anghel na ito ay naghahayag ng makalangit na buhay, na ang pinakatampok na gawain ay ang pagsamba sa Diyos.
ISA-ISANG MGA ANGHEL
Bukod sa klasipikasyon ng mga anghel, may ilang mga anghel na binanggit ang pangalan sa Biblia:
MIGUEL:
Si Miguel ang arkanghel na binanggit at pinanganlan sa Daniel 10:13,21; 12:1; Judas 9; at Apocalipsis 12:7. Siya lamang ang anghel na tinaguriang arkanghel. Siya ay inilarawan bilang namamahala sa isang hukbo ng mga anghel sa Apocalipsis 12:7 at tinuran na prinsipe ng bayan ng Israel sa Daniel 10:13, 21; 12:1.
GABRIEL:
Ang kahulugan ng kaniyang pangalan ay “ang makapangyarihan.” Siya ay binabanggit sa Daniel 8:16; 9:21; at sa Lucas 1:19,26. Siya ay laging ginagamit na taga hatid ng mahalagang mensahe mula sa Diyos. Si Gabriel ang nagpaliwanag ng pangitain para kay Daniel sa 8:16; 9:21 at nagpahayag ng pagsilang ni Juan at ni Jesus sa Lucas 1:19, 26.
MGA TANGING PULUTONG NG MGA ANGHEL:
Ang Biblia ay bumanggit din ng tanging grupo ng mga anghel tulad ng mga sumusunod:
Mga anghel ng pitong iglesia: Apocalipsis 1:20
Apat na anghel na may hawak ng hangin: Apocalipsis 1:7
Pitong anghel na nakatayo sa harap ng Diyos: Apocalipsis 8:2
Pitong anghel na nagpairal ng pitong huling mga salot: Apocalipsis 15:1,7
Dalawampu’t-apat na mga matatanda (malamang ito ay
mga anghel din): Apocalipsis 4 at 5
MGA KATANGIAN NG MGA ANGHEL
Matatandaan mo sa nakaraang kabanata ang na ang mga katangian ay mga kaurian ng mga personalidad. Mga anghel…
Ay mga espiritu: Hebreo 1:14
Walang kasarian: Lucas 20:34-36
Walang kamatayan: Mateo 22:28-30
May nakikita at di nakikitang anyo: Bilang 22:22-35
Napapakita sa anyong tao: Genesis 19:1-22; 18:2,4,8
May damdamin: Lucas 15:1-10 (mga anghel nagsasaya)
May gana: Genesis 18:8
Mga niluwalhating nilalang: Lucas 9:26
Matatalino: II Samuel 14:20
Mababang-loob: Judas 9
Makapangyarihan: Awit 103:20; II Pedro 2:11
Hindi kailangang magpahinga: Apocalipsis 4:8
Nakapaglalakbay na hindi maitalang bilis: Apocalipsis 8:13; 9:1
Nakapagsasalita ng mga wika: I Corinto 13:1
Hindi mabilang: Lucas 2:13; Henreo 12:22; Awit 68:17; Marcos 1:13; Apocalipsis 5:19
Walang kamatayan: Lucas 20:34-36
Hindi nagaasawa o nagkakaanak: Lucas 20:34-36
Masunurin: Awit 103:20
Banal: Apocalipsis 14:10; Marcos 8:38
Magagalangin: Ang kanilang pinakamataas na gawain ay ang pagsamba sa Diyos. Nehemias 9:6; Filipos 2:9-11; Hebreo 1:6
ANG LARANGANG KANILANG GINAGALAWAN
Ang mga anghel ay gumagalaw sa langit at sa lupa. Ang pinanggagalingan ng kanilang kapangyarihan ay kaloob at pinangagasiwaan ng Diyos. Nakalalapit silang malaya sa presensya ng Diyos sa langit.
…na ang kanilang mga
anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng
Aking Ama na nasa langit. (Mateo 18:10)
Sila rin ay gumagalaw sa lupa. Ito ay pinagtitibay ng ibat-ibang mga paglilingkod at maraming mga pagpapakita sa mga tao na natala sa Biblia.
ANG PAGLILINGKOD NG MGA ANGHEL
Ang mga anghel ay naglilingkod sa maraming mga paraan sa langit at sa lupa. Tingnan ang mga sumusunod na mga reperensya sa iyong Biblia. Sa iyong pagaaral ng mga talatang ito ay mauunawaan mo ang kahalagahan ng mga anghel sa pakikibakang espirituwal.
Kabilang sa paglilingkod ng mga
anghel sa langit ang:
Pagsamba: Apocalipsis 4:8; 5:11-12; Isaias 6:3; Awit 103:20; 148:1-2
Nakahanda lagi upang gawin ang kalooban ng Diyos: Awit 103: 20-21
Naglilingkod sa mga banal na nangamatay kay Cristo Jesus: Judas 9; Lucas 16:22
Kinakatawan ang mga bata sa
isang tanging paraan: Mateo 18:10
Nagsasaya dahil sa mga tumanggap ng ebanghelyo: Lucas 15:10
Kabilang sa paglilingkod ng mga anghel sa lupa ay:
Namamahala ng mga bansa: Daniel 10
Naglilingkod sa mga mananampalataya sa panahon ng pagsubok: Mateo 4:11
Pinalalakas ang mga mananampalataya: Lucas 22: 43
Ipinaliliwanag ang kalooban ng Diyos sa mga tao: Zacarias 1:9; Daniel 7:16
Ginagabayan ang mga mananampalataya: Gawa 8:26
Nagdadala ng kahatulan sa mga tao at bansa: Gawa 12:23; Genesis 19:3; II Samuel 24:16; Apocalipsis 16:1
Nagdadala ng sagot sa panalangin: Daniel 9:21-22
Nagbabalita: Lukas 1:11-20; Mateo 1:20,21
Nagbababala: Mateo 2:13
Nagtuturo: Mateo 28:2-6; Gawa 10:3-6; Daniel 4: 13-17
Nagpapalakas ng loob: gawa 27:23; Genesis 28:12
Naghahayag: Gawa 7:53; Galacia 3:19; Hebreo 2:2; Daniel 9:21-27; Apocalipsis 1:1
Nagbibigay lakas: Mateo 4:11; Lucas 22:43
Pumipigil: Genesis 16:7; 24:7; Exoodo 23:20; Apocalipsis 7:1
Nagiingat: Awit 91:11
Nagpapalaya: Bilang 20:16; Awit 34:7; Isaias 63:9; Daniel 3:28; 6:22; Genesis 48:16; Mateo 26:53; Gawa 12:1-19
Sumisira: Gawa 12:20-23
Namamagitan: Zacarias 1:12; Apocalipsis 8:3,4
Kabilang sa mga gawain sa hinaharap ng mga anghel ay:
Kalahok sa pagbabalik ni Jesus: I Tesalonica 4:16
Titipunin ang mga hinirang: Mateo 24:31
Magbababala at mangangaral sa panahon ng kapighatian: Apocalipsis 14:6-9
Pagbubukurin ang mga masasama at ang mga matuwid: Mateo 13:39 at 49
Gagapusin si Satanas: Apocalipsis 20
ANG MGA ANGHEL AT PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL
Ang mga mensaherong anghel ang grupo na karaniwang nakikitungo sa mananampalataya sa larangan ng pakikibakang espirituwal. Sila ang nagpapaliwanag ng kalooban ng Diyos, nagiingat, nagbibigay gabay, nagdadala ng sagot sa panalangin, nagbabalita, nagbababala, nagtuturo, nagdadala ng kahatulan, nagpapalakas ng loob, nagbibigay lakas, nagpapalaya, at namamagitan para sa mga mananampalataya sa pakikibaka.
Maraming mga mananampalataya ay hindi nagsamantala sa nakalaang tulong ng mga anghel sapagkat hindi sila naturuan ng tungkol sa mga gawain nito sa pakikibakang espirituwal. Sila ay mga “espiritung tagapaglingkod” at maaaring maglingkod sa iyo at gayon din para sa iyo. Maaari mong hilingin sa Diyos na magsugo ng mga anghel upang tumulong sa iyo sa pakikibaka. Ginawa ito ni haring David. Dumalangin siya…
…At itaboy sila ng
anghel ng Panginoon…At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
(Awit 35:5-6)
Basahin ang mga sumusunod na mga pangyayari sa Biblia tungkol sa paglahok ng mga anghel sa pakikilaban sa kaaway: II Hari 19:35; II Cronica 32:21; Isaias 37:36; Apocalipsis 12:7.
MAHAHALAGANG BABALA
Ang mga anghel ay mga banal na nilalang na may mahalagang paglilingkod para sa mga mananampalataya. Sila ay bahagi ng mga espirituwal na pwersa ng kabutihan tulad ng Trinity ng KaDiyosan. Subalit nagbigay ang Biblia ng ilang mga babala tungkol sa mga anghel:
HUWAG SILANG
SASAMBAHIN:
Hindi mo dapat sambahin ang mga anghel:
Sinoman ay huwag manakawan ng
ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng
kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga
bagay
na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng
kaniyang akalang ukol sa laman. (Colosas
2:18)
At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At
nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng
anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
At sinasabi niya sa akin, Ingatan
mong huwag gawin iyan: ako’y kapuwa mo
alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad na
mga
salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Diyos. (Apocalipsis 22:8-9)
TANGGIHAN ANG
PANGANGARAL NG ANGHEL NG “IBANG EBANGHELYO”:
Ang ilang mga tao ay nagaangkin na nakakita sila ng mga anghel na nagbigay sa kanila ng “bagong kapahayagang” na hindi ayon sa Salita ng Diyos na nasulat na. Mga pulutong ng relihiyon ay natayo dahil sa mga maling kapahayagan. Nagbabala ang Biblia:
Datapuwa’t kahima’t kami, o isang
anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo
ng anomang evangelio na iba sa aming
ipinangaral sa inyo, ay matakuwil.
(Galacia 1:8)
Hindi ka dapat makinig sa tao, sa isang anghel, o sino pa mang nilalang na aakayin ka na lumihis sa Salita ng Diyos. Tulad ng iyong matutuhan sa kursong ito, ang isang estratehiya ni Satanas ay ang pandaraya. Nagbabala ang Biblia:
At hindi katakataka: sapagka’t si Satanas man ay nagpapakunwaring
anghel ng kaliwanagan. (II Corinto
11:14)
HUWAG GALITIN ANG MGA
ANGHEL:
Basahin ang kasaysayan ni Balaam sa Bilang 22, isang propeta na sumusuway sa Diyos. Mapapansin mo na siya ay nilabanan ng isang anghel ng Panginoon. Kung ikaw ay sumusuway sa Diyos, lalabanan ka ng mga anghel. Makikilaban ka subalit ito ay hindi pakikibaka laban sa kaaway. Magingat ka na huwag mong galitin ang mga anghel ng Diyos ( Eclesiastes 5:1-6)
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Ang mga anghel ay naglilingkod sa _________________ at sa _________________________.
3. Saan nagmula ang mga anghel?
4. Magbigay ng buod ng paglilingkod ng mga anghel kaugnay ng pakikibakang espirituwal.
5. Maglista ng lahat ng mga maaalaala mong mga katangian ng mga anghel mula sa kabanatang ito.
6. Magbigay ng reperensya sa Biblia na nagpapaliwanag kung ano ang mga anghel.
7. Tama ba o Mali ang pangungusap na ito? Hindi mo dapat sambahin ang mga anghel.
Ang pangungusap ay______________.
8. Tama ba o Mali ang pangungusap na ito? Kung ang isang anghel ay magpakita at maghayag ng isang bagay na hindi sangayon sa nasulat na Salita ng Diyos, dapat kang makinig sa kaniya sapagkat siya ay isang mensahero ng Diyos.
Ang pangungusap na ito ay_________________.
9. Gamitin ang mga salitang sumusunod upang makumpleto ang mga parapo. Gamitin nang minsan lamang ang isang salita.
Mga mensahero
Mga anghel na hinirang
Querubin
Serapin
Nilalang na may buhay
____________________________ Isang reperensya lamang mayroon tungkol sa grupo ng mga
anghel na ito (I Timoteo 5:21). Walang dagdag na impormasyon na ibinigay ang Biblia tungkol dito.
____________________________ Ang grupong ito ng mga anghel ang pinaka aktibo sa
pakikibakang espirituwal at malamang ay sila ang pinakamarami.
____________________________ Ang grupong ito ng mga anghel ang waring pinakamataas
ang kalagayan sa hanay ng mga anghel; bantay ng Diyos. Sila ay nakapalibot sa luklukan ng Diyos.
____________________________ Ang kanilang unang gawain ay sumamba sa Diyos.
____________________________ Ang kanilang kalagayan ay sa itaas ng luklukan ng Diyos.
Sila ang nangunguna sa langit sa pagsamba sa Diyos.
10. May dalawang uri ng mga anghel: Ito ay ang ________________mga anghel at ______________ anghel na tinatawag na demonyo.
11. Anong talata ang naghahayag na ang Diyos ay may organisasyon ng ibat-ibang uri ng mga anghel?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Gamitin ang sumusunod na balangkas upang magkaroon ng dagdag na pagaaral tungkol sa mga anghel:
MGA ANGHEL SA LUMANG TIPAN:
Sinagip sa Agar: Genesis 16:7-12
Ibinalita ang pagsilang ni Isaac: Genesis 18:1-15
Ibinalita ang paggunaw sa Sodoma: Genesis 18:16-33
Ginunaw ang Sodoma at iniligtas si Lot: Genesis 19:1-29
Pinigil ang pagpatay kay Isaac: Genesis 22:11-12
Binantayan si Jacob: Genesis 28: 12; 31:11; 32:1; 48:16
Sinugo si Moises: Exodo 3:2
Pinagunahan ang Israel: Exodo 14:19; 23:20-23; 32:34
Inayos ang kasal ni Isaac at Rebeka: Genesis 24:7
Ibinigay ang kautusan: Gawa 7:38; Galacia 3:19; Hebreo 2:2
Sinaway si Balaam: Bilang 22:31-35
Napakita kay Josue: Josue 5:13-15
Sinaway ang Israel dahil sa pagsamba sa diosdiosan: Mga Hukom 2:1-5
Sinugo si Gideon: Mga Hukom 6:11-40
Ibinalita ang pagsilang ni Samson: Mga Hukom 13
Pinarusahan ang Israel: II Samuel 24:16-17
Sinagip si Elias: I hari 19:5-8
Pinalibutan si Eliseo: II hari 6: 14-17
Iniligtas si Daniel sa mga leon: Daniel 6:22
Sinakop ang hukbo ng Asiria: II Hari 19:35 at Isaias 37:36
Pinalibutan ang bayan ng Diyos: Awit 34:7; 91:11
Madalas mabanggit bilang mga mensahero sa mga propeta ng Diyos.
MGA ANGHEL SA BUHAY NI JESUS:
Ibinalita ang pagsilang ni Juan: Lucas 1:11-17
Pinanganlan Siya: Lucas 1:13
Ibinalita ang pagsilang ni Jesus kay Maria: Lucas 1:26-37
Ibinalita ang pagsilang ni Jesus kay Jose: Mateo 1:20-21
Pinanganlan si Jesus: Mateo 1:21
Ibinalita ang pagsilang ni Jesus sa mga pastol: Lucas 2:8-15
Umawit: Lucas 2: 13-14
Pinangunahan ang pagtakas papunta sa Egipto: Mateo 2:13, 20
Pinaglingkuran si Jesus nang Siya ay tuksuhin: Mateo 4:11
Pinaglingkuran si Jesus sa Getsemane: Lucas 22:43
Itinulak ang bato sa Kaniyang libingan: Mateo 28:2
Ibinalita ang Kaniyang pagkabuhay na maguli: Mateo 28:5-7
Iniharap Siya kay Maria Magdalena: Juan 20:11-14
Nasa ulunan ni Jesus: Juan 1:51
Maaari Siyang tumawag ng maraming pulutong ng mga anghel: Mateo 26:53
Kasama Niya ang mga anghel sa Kaniyang pagbabalik sa lupa: Mateo 25:31; 16:27; Marcos 8:38; Lucas 9:26
Mga anghel ang mag-aani: Mateo 13:39
Kanilang titipunin ang mga hinirang: Mateo 24:31
Kanilang ibubukod ang mga masama mula sa mga matuwid: Mateo 13:41,49
Kanilang dinala ang pulubi kay Abraham: Lucas 16:22
Sila’y nagkatuwa dahil sa mga makasalanang nagsisi: Lucas 15:10
Kanilang kinatawan ang mga bata: Mateo 18:10
Kikilalanin ang Kaniyang bayan sa harap ng mga anghel: Lucas 12:8
Wala silang kasarian at hindi namamatay: Lucas 20:35-36
Ang Diablo ay may masasamang mga anghel: Mateo 25:41
MGA ANGHEL SA AKLAT NG GAWA:
Binuksan ang pintuan ng bilangguan: 5:19
Pinangunahan si Felipe sa lalaking taga Etiopia: 8:26
Pinagunahan si Cornelio na ipasundo si Pedro: Kabanata 10
Iniligtas si Pedro sa bilangguan: 12:7-19
Pinatay si Herodes: 12:23
Hindi pinabayaan si Pablo sa gitna ng bagyo: 27:23
Binanggit din sa: 6:15; 7:30, 35, 38, 53; 11:13; 23:8-9
MGA ANGHEL SA MGA SULAT:
Mga anghel na hinirang: I Timoteo 5:21
Ang mga anghel ay di mabilang: Hebreo 12:22
Mga anghel naglingkod sa mga tagpagmana ng kaligtasan: Hebreo 1:13-14
Mga anghel ay babalik na kasama ni Jesus: II Tesalonica 1:7
Hindi tayo dapat sumamba sa mga anghel: Colosas 2:18
MGA ANGHEL SA AKLAT NG APOCALIPSIS:
Ipinasulat ang aklat kay Juan: 1:1-2; 22:16
Nanguna sa pitong iglesia: Kabanata 1-2
May malasakit sa selyadong aklat: 5:2
Umawit ng papuri sa Kordero: 5:11-12
Binigyan ng tanging kapangyarihan sa lupa: 7:1-4
Tinatakan ang mga hinirang: 7:1-4
Nagpatirapa sa harap ng Diyos: 7:11
Ginamit upang sagutin ang panalangin ng mga banal: 8:3-5
Pinatunog ang pitong trumpeta: 8:6
Namahala sa hukbo ng mga balang: 9:11
Pinawalan ang 200,000,000 mga mangangabayo: 9:15-16
Ibinalita ang wakas ng panahon: 10:1,2,6
Lumaban sa dragon at mga anghel nito: 12:7
Inihayag ang Ebanghelyo sa mga bansa: 14:6
Inihayag ang pagbagsak ng Babilonia: 14:8; 18:2
Dinala ang parusa sa mga tagasunod ng hayop: 14:9-10
Ibinalita ang pag-aani sa lupa: 14:15-18
Dala ang huling pitong salot: 15:1
Ibinalita ang hatol sa Babilonia: 17:1-5
Nakilahok sa pagsira sa Babilonia: 18:21
Ipinakita kay Juan ang Bagong Jerusalem: 21:9
Pinigilan si Juan na sambahin sila: 22:8-9
2. Pagaralan ang mga pagpapakita ng anghel sa Mga Hukom 13. Pansinin na ang anghel ay nagbalik sa langit sa pamamagitan ng pagsamba na maliwanag na humawi sa daan ng “kalawakan ni Satanas” sa palibot natin upang payagang ang mga anghel ay tumulong sa atin. Repasuhin ang kasaysayan ni Daniel at pansinin na ang hadlang ng prinsipe ng Persia (kapangyarihan ni Satanas) ay sinira sa pamamagitan ng panalangin at pagaayuno.
3. Walang katibayan sa Biblia na ang isang mananampalataya ay mauutusan ang anghel na gawin ang anomang nais niya, subalit maaari mong hilingin sa Diyos na ang anghel ay suguin sa iyo. Isipin mo ang isang labanan na kaharap mo at hingin mo sa Diyos na suguin ang Kaniyang “mga espiritung tagapaglingkod” na gumawa sa iyong kalagayan.
4. Basahin ang Awit 78:36, 40 at Eclesiastes 5:6. ang Israel ay may tanging anghel na kumakalinga sa kanila hanggang sa galitin nila ito sa ilang. Kung suguin ng Diyos ang isang anghel para tulungan ka at ginalit mo naman ito sa pamamagitan ng pagkakasala at pagaalinlangan, siya’y maaaring lumayo sa iyo. Makabubuti na sundin ang babala sa Exodo 23:20-22. Maaari din na hindi mo alam, anghel pala ang iyong pinatuloy…Hebreo 13:2.
IKALIMANG KABANATA
ANG KAAWAY: SI SATANAS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin si Satanas bilang espirituwal mong kaaway.
. Ipaliwanag ang pinagmulan ni Satanas
. Ilarawan ang kaniyang dating kalagayan.
. Ipaliwanag kung paano bumagsak si Satanas mula sa kaniyang dating kalagayan.
. Tukuyin ang naging bunga ng kasalanan ni Satanas.
. Ilista ang mga katangian ng kaniyang likas.
. Tukuyin ang ginagalawan niyang dako.
. Magbigay ng buod ng mga gawain ni Satanas.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Kayo’y maging mapagpigil,
kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban
na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay
gumagala na humahanap ng masisila
niya.
( I Pedro 5:8)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang mga kabanata, natutuhan mo na may isang malaking labanan na kasalukuyang nagaganap sa larangang espirituwal. Pinagaralan mo ang tungkol sa mga espirituwal na pwersa ng kabutihan sangkot sa labanang ito. Kabilang dito ang Diyos Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, at ang mga anghel.
Ang kabanatang ito ay nagpapakilala ng iyong espirituwal na kaaway, isang makapangyarihang pwersa na masama na kilala bilang si Satanas. Matututuhan mo ang kaniyang pinagmulan, ang dati niyang kalagayan, kung paano siya bumagsak mula sa dating kalagayan, at ang mga kinabig niya noong siya ay bumagsak. Matututuhan mo rin ang mga katangian ng kaniyang likas, ang ginagalawan niyang dako, at mabatid ang tungkol sa kaniyang mga estratehiya. Sa mga sumusunod na kabanata, itutuloy mo ang pagaaral tungkol sa mga sepirituwal na pwersa ng kasamaan sa iyong pagaaaral ng tungkol sa mga demonyo, ang sanglibutan, at ang laman.
Sa natural na labanan, ang isang kawal ay kailangang matukoy kung sino ang kaniyang kaaway bago siya humarap sa pakikibaka. Dapat niyang pagaralan ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaaway, ang kaniyang likas, at mga estratehiya. Iyan ang dahilan kung bakit ang pwersang militar ay gumugugol ng malaki sa pagkalap ng mga natiktikan nito tungkol sa kaaway.
Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Mabisa ka lamang makikibaka kung matukoy mo ang iyong kaaway, maunawaan ang kaniyang likas, at kilalanin ang kaniyang estratehiya. Tulad ng iyong natutuhan, ang pwersa ng kasamaan na iyong katungali ay hindi mga tao. Sila ay espirituwal na hukbo ng kasamaan.
ANG PINAGMULAN NI SATANAS
Sa orihinal si Satanas ay nilikha ng Diyos:
Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa
pamamagitan Niya; at alin man sa lahat ng
ginawa ay hindi ginawa kung wala Siya.
(Juan 1:3)
Sapagka’t sa Kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan
at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita,
maging
mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat
ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya at ukol sa Kaniya. (Colosas 1:16)
Hindi lumilikha ang Diyos ng masama. Si Satanas ay sakdal noong siya ay lalangin ng Diyos, subalit binigyan ng laya na pumili ng mabuti o masama.
Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad
mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa
ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.
( Ezekiel 28:15)
ANG DATING KALAGAYAN NI SATANAS
Ang dating kalagayan ni Satanas ay inilarawan ng Biblia sa Ezekiel 28:12-17. Basahin mo muna ang bahaging ito sa iyong Biblia bago ka magpatuloy sa araling ito. Ng lalangin si Satanas, siya ay isang anghel ng Diyos. Isa siya sa mga querubin na anghel, banal, matalino, maganda, at sakdal. Siya ang pinaka lider sa mga querubin at tinawag siya na “tagabantay” o “pangtakip” na querubin. Ang orihinal niyang pangalan ay Lucifer na ang ibig sabihin ay “tagapagdala ng liwanag” (Isaias 14:12). Siya ay naramtan ng mamahaling hiyas na nilatag sa ginto (Ezekiel 28:13; Exodo 28:11-15). Siya ay binigyan ng pwesto sa banal na bundok ng Diyos at malamang na nanguna sa pagsamba (Ezekiel 28:13).
Napakaningning at napakagandang larawan ni Satanas sa kaniyang orihinal na kalagayan ang ibinigay ng Salita ng Diyos. Siya ay inilarawan na isang hiyas ng mga mamahaling bato. Subalit ang hiyas ay walang sariling liwanag. Hindi ito maganda sa isang madilim na silid. Ang kagandahan nito ay sa pagbibigay liwanag na mula sa labas niya.
Nang lalangin ng Diyos si Lucifer, nilikha siya na may kakayahang ihayag ang kaluwalhatian ng Diyos sa isang antas na higit kay sa ibang mga nilalang. Ang Diyos ang liwanag na nagpaningning kay Lucifer.
ANG PAGBAGSAK NI SATANAS
Subalit hindi pinanatili ni Satanas ang maluwahating kalagayang ito. Inilarawan ng Biblia ang kaniyang paghihimagsik at ang kaniyang pagbagsak:
Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh
tala sa umaga, anak ng umaga! Paanong
ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa.
At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y
sasampa sa langit, aking itataas ang aking
luklukan sa itaas ng mga bituin ng Diyos; at ako’y uupo sa bundok ng
kapisanan,
sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging
gaya ng Kataastaasan.
Gayon ma’y mabababa ka sa Sheol, sa
mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.
(Isaias 14:12-15)
Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak
ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: Aking inihagis ka sa lupa;
Aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka. ( Ezekiel 28:17)
Ang pagbagsak ni Satanas mula sa kaniyang kalagayan bilang anghel ay dahil sa kataasan at paghihimagsik na nahayag sa limang mga ipinakita niyang maling mga saloobin: Sinabi ni Satanas:
Ako’y sasampa sa langit: Nagnasa siya na okupahin ang dako ng Diyos at kilalaning kapantay ng Diyos.
Aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin (mga anghel) ng Diyos: hindi lamang niya ninasa na okupahin ang dako ng Diyos, kundi inimbut niya ang pamamahala ng Diyos sa mga hukbo ng mga anghel.
Ako’y uupo sa bundok ng kapisanan: Ayon sa Isaias 2:2 at Awit 48:2, ito ang sentro ng pamamahala ng Diyos sa lupa. Ninasa ni Satanas na pamahalaan ang lupa at ang mga anghel.
Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga ulap: Ang ulap ay nagsasaad ng kaluwalhatian ng Diyos. Ninais ni Satanas ang kaluwalhatian ng Diyos para sa kaniyang sarili. ( Ang mga sumusunod na mga talata ay nagpapakita sa ulap bilang kaugnay ng kaluwalhatian ng Diyos: Exodo 13:21; 40:28-34; Job 37:15-16; Mateo 26:64; Apocalipsis 14:14-16).
Ako’y magiging gaya ng Kataastaasan: Tulad ng ating natutuhan sa ikatlong kabanata ng kursong ito, ang Diyos ay maraming mga pangalang itinawag sa Kaniya. Bakit pinili ni Satanas ang pangalang ito? Pinili niya ito sapagkat ito’y nagbabadya na ang Diyos ay “mayari ng langit at lupa.”
MGA BUNGA NG PAGKAKASALA NI SATANAS
Narito ang mga kakilakilaboot na mga resulta ng pagkakasala ni Satanas:
1. PINALAYAS MULA SA LANGIT:
Dahil sa kaniyang paghihimagsik, si Satanas ay pinalayas ng Diyos mula sa langit.
…kaya’t inihagis
kitang parang dumi mula sa bundok ng Diyos…Aking inihagis
ka sa lupa…(Ezekiel 28:16-17)
2. KALIKUAN NG UGALI:
Si Lucifer, dati ay nilalang para sa kaluwahatian ng Diyos ay naging Satanas na may ugaling laban sa kung sino ang Diyos at ang mga gawa Niya.
3. BINALUKTOT NA KAPANGYARIHAN:
Dati ang kapangyarihan ni Satanas ay ginamit para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngayon, ito ay nabaling sa manggulo at manira. Ayon sa Isaias 14 pinahihina niya ang mga bansa (talatang 12), pinanginginig ang lupa at mga pamahalaan (talatang 16), at mga naging bihag niya ay di pinakawalan (talatang 17).
4. NAKALAAN PARA SA DAGAT-DAGATANG APOY:
Si Satanas ay inilaan sa dagat-dagatang apoy (Isaias 14:15).
5. NAHAWA ANG IBANG MGA ANGHEL NG DIYOS:
Nang si Satanas ay bumagsak mula sa langit, hindi siya magisa. Kinuha niya ang ilang mga hukbo ng mga anghel sa langit na nakilahok sa kaniyang paghihimagsik laban sa Diyos. Ang grupong ito ng mga anghel ay bahagi ng pwersang masama ng mga demonyo na pagaaralan mo sa susunod na kabanata.
6. PAGPASOK NG KASALANAN SA SANSINUKOB:
Nang maghimagsik si Satanas, pumasok ang kasalanan sa buong sansinukob. Sa gayon, may dalawang hakbang na maaaring ginawa ang Diyos:
1. Maaari Niyang hinampas si Satanas at pinatay ito. Subalit kung ganito ang ginawa ng Diyos sa unang kaaway, posibleng nagkaroon pa uli ng panibagong paghihimagsik. Ang kasaysayan ng langit ay napuno marahil nang paulit-ulit na pangyayari.
2. Ang isa pang maaaring gawin ng Diyos ay yaong inilahad ng Biblia na ginawa nga Niya. Ang pagangkin ni Satanas ng nakahihigit na kapangyarihan ay susubukin dito sa lupa at magkakaalam sa kawalang hanggan.
Nang lalangin ng Diyos ang unang lalake at babae, ang pagsubok nito sa lupa ay nagsimula na. Mababasa mo ang kasaysayan sa pagkatukso ni Satanas kay Adam at Eba at ang kanilang pagkabulid sa kasalanan sa Genesis 3. Pagaaralan mo pa ito pagka sumapit ka na sa pagsusuri ng mga estratehiya ni Satanas sa kursong ito.
Ang labanan ay tuloy pa rin sa lupa. Yan ang ibig sabihin ng pakikibakang espirituwal. Si Satanas ay naghahanap pa rin ng kapangyarihan, posisyon, at pagsamba ng tao. Subalit tulad ng iyong matututuhan sa kursong ito, siya ay talunan na. Tinalo na ni Jesus ang kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli. Ang huling hantungan ni Satanas ay nahayag na sa Biblia.
NASAAN SI SATANAS?
Si Satanas na nasa wangis espiritu ay narito sa sanglibutan:
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka
nanggaling? Nang mag-
kagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon,
at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito
sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. (Job 1:7)
Kayo’y maging mapagpigil,
kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban
na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay
gumagala na humahanap ng masisila
niya.
( I Pedro 5:8)
Bagamat si Satanas ay narito sa sanglibutan, wala naman siya sa lahat ng dako, na ang ibig sabihin ay hindi siya tulad ng Diyos na nasa lahat ng dako sabay-sabay. Kaya ang mga kampon ng demonyo ang kaniyang ginagamit upang magawa ang kaniyang plano.
MGA GAWAIN NI SATANAS
Si Satanas ay humaharap pa rin sa Diyos at gumagalaw sa lupa, kabilang ang “himpapawid” o ang larangan sa itaas ng lupa:
Isang araw nga nang
ang mga anak ng Diyos ay magsiparoon na magsiharap
sa Panaginoon, na si Satanas ay naparoon
din naman na kasama nila.
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka
nanggaling? Nang mag-
kagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon,
at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito
sa lupa, at sa pagmamanhik manaog
doon. (Job 1:6-7)
Na inyong nilakaran
noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo
ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu
na ngayon ay gumagawa sa mga anak
ng pagsuway. (Efeso 2:2)
Maaari nating bigyang buod ang mga gawain ni Satanas sa pagbibigay pansin na ang mga ito ay laging laban sa Diyos, sa Kaniyang plano, at sa Kaniyang bayan. Sasalakay siya sa larangan ng pagsamba sa Diyos, Salita ng Diyos, sa iyong pagsunod sa Panginoon, at ang iyong paglilingkod sa Diyos. Mga tiyak na mga gawain ni Satanas ay tatalakayin sa mga susunod na aralin.
MGA KATANGIAN NI SATANAS
Tulad ng iyo nang natutuhan, si Satanas ay isang espiritu, subalit may mga katangian din ng isang tunay na personalidad. Itinuturo ng Biblia na siya ay:
MATALINO AT TUSO:
Nguni’t ako’y natatakot, baka sa
anomang paraan, kung paanong si Eba ay nadaya
ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na
mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.
(II Corinto 11:3)
MARAMDAMIN:
At nagalit ang dragon sa babae… (Apocalipsis
12:17)
MATIGAS ANG
KALOOBAN:
At sila’y makawal sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa
kaniyang kalooban. ( II Timoteo 2:26)
MAKAPANGYARIHAN:
… pangulo ng mga kapangyarihan ng
hangin…(Efeso 2:2)
MAPANLINLANG:
Mangagbihis kayo ng buong kagayakan
ng Diyos, upang kayo’y magsitibay laban sa
mga lalang ng diablo. (Efeso 6:11)
MABAGSIK AT
MALUPIT:
Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging
mapagpuyat; ang inyong kalaban
na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay
gumagala na humahanap ng masisila
niya.
( I Pedro 5:8)
MAPAGKUNWARI:
At hindi katakataka: sapagka’t si Satanas man ay nagpapakunwaring
anghel ng kaliwanagan. (II Corinto
11:14)
ANG MGA PANGALAN NI SATANAS
Nagbibgay ang Biblia ng maraming pangalan kay Satanas na dagdag na naghahayag ng kaniyang likas at mga gawain. Tulad ng dati mo nang natutuhan, si Satanas ay unang tinawag na “pinahirang querubin” at “Lucifer” bago siya naghimagsik. Ang iba pang mga pangalan ni Satanas ay:
Abaddon: (salita sa Hebreo para sa “mangwawasak”) Apocalipsis 9:11
Tagasumbong sa mga kapatid: Apocalipsis 12:10
Kalaban: I Pedro 5:8
Anghel ng kalaliman: Apocalipsis 9:11
Anghel ng kaliwanagan: II Corinto 11:4
Apolyon: ( salita sa Griego para sa “mangwawasak”) Apocalipsis 9:11
Belzebub: Mateo 11:24; Lucas 11:15
Marcos 3:22
Belial: II Corinto 6:15
Mandaraya: Apocalipsis 12:9; 20:3
Mangwawasak: Apocalipsis 9:11
I Corinto 10:10
Diablo: (maninila) I Pedro 5:8; Mateo 4:1
Dragon: Apocalipsis 12:3
Kaaway: Mateo 13:39
Ang masama: I Juan 5:19
Ang diyos ng sanglibutang ito: II Corinto 4:4
Hari ng Tiro: Ezekiel 28:12-15
Sinungaling, ama ng kasinungalingan: Juan 8:44
Mamatay: Juan 8:44
Prinsipe ng mga diablo: Mateo 12:24
Prinsipe ng sanglibutan: Juan 12:31; 14:30; 16:11
Prinsipe ng kapangyarihan ng himpapawid: Efeso 2:2
Satan: (kaaway, tagausig) Juan 13:27
Ahas: Apocalipsis 12:9;
II Corinto 1:3
Manunukso: Mateo 4:3
I Tesalonica 3:5
Umuungal na leon: I Pedro 5:8
Tagapamahala ng kadiliman: Efeso 6:12
Ang espiritu na gumagawa sa mga anak ng pagsuway: Efeso 2:2
Maaari mong makilala ang kapangyarihan ni Satanas mula sa mga katangian at pangalan. Sapagkat siya’y manlilinlang, makapangyarihang kaaway, ang Biblia ay nagbabala:
Kayo’y maging
mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban
na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay
gumagala na humahanap ng masisila
niya.
( I Pedro 5:8)
Ni bigyan daan man ang diablo. ( Efeso 4:27)
SI SATANAS AY DI NAMAN…
Hindi alam ni Satanas ang lahat ng bagay tulad ng Diyos. Kung nalalaman ni Satanas ang kinabukasan hindi niya dapat sanang binayaang mamatay si Jesus sa krus. Nalaman sana niya na ang kamatayan ni Jesus ang magpapabagsak sa kaniyang kapangyarihan at magbigay daan ng paglaya mula sa mga tali ng kasalanan para sa buong sangkatauhan.
Si Satanas ay di makapangyarihan sa lahat. Sinabi ni Jesus na ang kapngyarihan ng Diyos sa iyo ay higit na makapangyarihan kaysa sa kapangyarihan ni Satanas. Para doon sa mga sumampalataya kay Jesus, si Satanas ay isa nang talunang kalaban (Juan 12:31). Malakas lamang siya sa mga sa kaniya ay napapailalim. Binibigyan ng kapangyarihan ng Diyos ang kapangyarihan ni Satanas ( Job 1:10-12) at matatalo lamang niya ang mananampalataya kung ito ay bibigay sa kaniya.
Sapagakat si Satanas naman ay di maaaring nasa lahat ng dako sabay-sabay, nagpapadala siya ng hukbo ng mga demonyo sa boong lupa upang gawin ang nais niya at tuparin ang kaniyang mga layunin. May dagdag kang matututuhan sa mga sumusunod na kabanata.
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Paano nagsimula sa Satanas?
3. Ano ang dati niyang kalagayan?
4. Ano ang dahilan nang pagbagsak ni Satanas?
5. Ano ang naging bunga ng pagkakasala ni Satanas?
6. Ano ang ginagalawang dako ni Satanas?
7. Ano ang mga pangkalahatang mga gawain ni Satanas?
8. Maglista ng mga katangian ni Satanas na natatandaan mo mula sa kabanatang ito.
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Pagaralan ang tala ng mga salita ni Satanas. Ang kanyang mga pangungusap ang dagdag na pagpapakilala sa kaniyang mga estratehiya: Genesis 3:1,4,5; Job 1:7-12; Job 2:1-6; Mateo 4:1-11; Lucas 4:1-13.
2. Si Satanas ay eksaktong kabaligtaran ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ay sinugo ng Diyos upang ilapit ang mga tao sa Diyos. Si Satanas naman ay nakatalaga na ilayo ang mga tao sa Diyos.
Espiritu Santo Satanas
Reperensya
Espiritu ng katotohanan Espiritu ng kamalian I Juan 4:6
Totoo Sinungaling Juan 14:17; 8:44
Nagbibigay buhay Mamamatay I Corinto 15:45; Juan 8:44
Banal Masama Roma 1:4; Mateo 6:13
Tulad ng isang kalapati Tulad ng isang ahas Mateo 3:16; Apocalipsis 12:9
Ating Katulong Ating kaaway Roma 8:26; I Pedro 5:8
Nagbibigay ng kakayahang Ginagawang mapipi
magsalita ang mga tao Gawa 2:4; Marcos 9:17
Tagapagtanggol Tagabintang Juan 14:16; Job 1:9-11
Higit na malakas sa kay Lalaking malakas Lucas 11:21-22
Satanas
3. Sinabi ni Jesus, si Satanas ay…
Isang kaaway: Mateo 13:39
Masama: Mateo 13:38
Prinsipe ng sanglibutan: Juan 12:31; 14:30
Sinungaling at ama ng kasinungalingan: Juan 8:44
Mamamatay-tao: Juan 8:44
Bumagsak mula sa langit: Lucas 10:18
May kaharian: Mateo 12:26
Naghasik ng panirang damo katabi ng trigo: Mateo 13:38-39
Inaagaw ang Salita sa mga tagapakinig: Mateo 13:19; Marcos 4:15;
Lucas 8:12
Tinalian ang isang babae ng labingwalong taon: Lucas 13:16
Ninais mapasa kaniya si Pedro: Lucas 22:31
May mga anghel: Mateo 25:41
Inihanda para sa walang hanggang apoy: Mateo 25:41
4. Sa pagaaral ng araling ito tungkol kay Satanas, may natukoy ka bang larangan sa iyong buhay kung saan ang kaaway ay gumagawa? Ikaw ba’y kaniyang nilinlang at pinagsinungalingan? Sa tusong paraan ba’y nakapasok siya sa iyong buhay upang ito ay sirain at nakawan ka ng galak, kapayapaan, o ang iyong testimonyo bilang Cristiano? Mahalagang matiyak mo ito sapagkat ito ang mga larangan ng labanan sa iyong buhay ang ninanais galawan ni Satanas at dito mo rin gagamitin ang mga estratehiya ng pakikibaka na matututuhan mo sa kursong ito.
5. Si Satanas ay itinulad sa isang ahas sa likas na daigdig. Mula sa mga natural na bagay na ito ay may mga espirituwal namang pagaangkop na dapat mong gawin:
Ang kamandag ng nakalalasong mga ahas ay may tatlong kategorya:
- Neurotorins: May epekto sa nerbiyos.
- Hemotorins: May epekto sa dugo.
- Cardiotorins: may epekto sa puso.
Kaya si Satanas ay sumsalakay din sa iyong nerbiyos (may kinaalaman sa katapangan), sa iyong puso ( ito naman ay sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos), at pinipigil ang bisa ng dugo ni Jesus ( kaligtasan, kagalingan, at pagpapalaya) sa iyong buhay.
Ipinagtatanggol ng ahas ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng:
- Pagbabalatkayo: May mga ahas na mahirap makita dahil katulad sila ng lupa o puno kung saan sila gumagalaw.
- Paggaya: May mga ahas na sa pamamagitan naman ng paggaya ay napoprotektahan siya. Ang isang halimbawa ay ang ulupong sa puno sa Africa na napapatigas ang kanyang sarili at pinahahaba ang leeg na akal mo’y isang sanga.
- Pagpapalaki ng sarili: Ang makamandag na ahas na mabilis magbuga ng hinga ay napalalaki ang sarili ayon sa gusto niya.
Nakatatakot na ingay: May mga ahas na sumisingasing o kaya naman ay umiingay ang buntot, na lumilikha ng nakatatakot na ingay upang ikaw ay lumayo. Ang iyong espirituwal na kaaway ay lumalapit at nagpapanggap bilang isang “anghel ng kaliwanagan” at ginagaya ang mga bagay ng Diyos. Sinisikap din niya na takutin ka sa pamamagitan ng pagkukunwang siya’y malaki at banta sa iyo.
Kumukuha ng makakain ang mga ahas sa apat na paraan:
- Paglusob: Biglang pagsalakay.
- Paghapit: Dito ay nililingkis ng ahas ang kaniyang biktima at dahang-dahang kinakain ito.
- Binabagsakan ng mabigat niyang katawan ang biktima upang talunin ito.
- Pagsagpang at kagat-kagat ang biktima ng kaniyang mga pangil habang ang lason ang magpaparalisa sa biktima. Minsan nalalagas ang ngipin ng ahas dahil sa pakikilaban, kaya nga lamang, madalas tumubo muli ang mga ngipin nito. Ang pinakamapanganib na bahagi ng ahas ay ang kaniyang bibig. Nagbubuga ito ng sapat na kamandag upang maparalisa ang biktima at saka ngayon lalamunin.
Nakita mo ba kung paano katulad ng mga pagsalakay ni Satanas ang gawa ng ahas? Minsan bigla at nakamamatay ang kaniyang pagsalakay. Sa ibang pagkakataon naman, nililingkis niya ang iyong buhay espirituwal ng mga alalahanin ng sanglibutan at mga makasalanang pabigat at pagsilo. Lagi ka niyang ginigipit at gustung-gusto niyang ikaw ay talian upang maparalisa ka ng kaniyang kamandag.
Natutukoy ng ahas ang kanyang bibiktimahin sa pamamagitan ng alabok sa kanilang dila na siyang nagdadala ng impormasyon sa kaniyang utak. Kung pumirmi ka lang sa pagkakatayo hindi ka matutukoy ng ahas. Nakikita kang mabuti ni Satanas pagka ikaw ay takbo ng takbo dahil sa pagkalito at takot. Pagka huminto ka at “wala na ang alikabok” na likha ng iyong pagtakbo maaaring walang takot kang humarap sa kaniya at hindi ka niya masasalakay. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Biblia, “tumigil kayo” at manatiling naninindigan.
Sa pagkataranta, ang ahas ay magbubuga ng lahat ng kaniyang kamandag at pagkatapos noon ay wala na siyang magawa hanggat hindi siya uli nakapagiipon ng kamandag. Ito marahil ang nangyari sa ilang nang tuksuhin si Jesus at ginamitan Niya ng Salita ng Diyos si Satanas kaya ito umalis at “hiniwalayan Siya ng ilang panahon.”
Narito ang ilang mga paraan upang maiwasan ang kagat ng ahas sa natural na daigdig. Pansinin na maaari ding gamitin ito sa larangang espirituwal:
1. Kilalanin ang mga ahas na makamandag (kilalanin mo ang iyong kaaway).
2. Magsuot ka ng kasootang pang proteksyon ( boong kagayakan ng Diyos).
3. Iwasan ang mga lugar na pinagpupugaran ng mga ahas ( huwag pumaroon sa mga lugar ng tukso at mga gawain ni Satanas).
4. Magsama ka ng kaibigan ( ito ang kahalagahan ng pagiging bahagi ng katawan ni Cristo).
5. Iwasang maglakad pag madilim na o sa madidilim na lugar. Iwas ang ahas sa sikat ng araw (bilang mga mananampalataya hindi na tayo lumalakad sa dilim kundi sa liwanag).
6. Huwag mong ilalagay ang iyong mga kamay at ilalakad ang iyong mga paa sa lugar na hindi mo makikita (bantayan mo ang iyong mga makalamang pakiramdam).
7. Huwag basta uupo nang hindi muna tumitingin sa paligid ( mga nakapirming tao ang madaling biktimahin kay sa mga kumikilos).
8. Huwag kang maghahanap ng ahas upang sila ay patayin. Libo libong mga tao ang nakakagat taon taon dahil sa sinisikap nilang patayin ang mga ahas bagamat hindi naman nila alam ang mga gawi nito at mga pinagpupugaran( labanan natin ang diablo pagka nakatagpo natin siya, subalit huwag siyang hanapin).
9. Alamin mo ang dapat gawin kapag natulaw ng ahas ( pagsasangalang)
Kung sakaling matuklaw ng ahas, ang unang ginagawa sa natural na daigdig ay humihiwa ng korteng krus ( + ) saan man may bumaon na pangil at pagkatapos ay sipsipin ang kamandag at ilura ito. Pagkagandang larawan ng ginawa ni Jesus sa krus upang palayain tayo mula sa “kamandag” ng kasalanan.
Mayroon tayong kapamahalaan laban sa mga ahas. Sa Genesis 3, nagbigay ng hatol ang Diyos laban sa ahas (si Satanas). Sinabi Niya na ang ulo ng ahas ay dudurugin ng binhi ng babae (si Jesus) at ang sakong ng binhi (si Jesus) ay dudurugin ng ahas.
Ang “pagdurog” sa “sakong” ay tumutukoy sa panggigipit na bunga ng pagkadurog ng ulo ni Satanas sa krus ng kalbaryo. Nang durugin ni Jesus ang ulo ni Satanas, itoy tulad ng pagkatigpas ng ulo ng ahas sa natural na daigdig. Ang ulo ng ahas ay maaaring mahiwalay sa kaniyang katawan, subalit maaari pa ring mangagat ito ilang oras pagkalipas noon. Napagalaman na makalipas ang dalawang araw, ang puso ng ahas ay pumipintig pa rin at ang katawan ng ahas ay patuloy na kumikilos.
Sa krus ng kalbaryo, dinurog ni Jesus ang ulo ng “ahas”, subalit buhay pa rin ang ahas. Aktibo pa rin siya sa sanglibutan ngayon at may kapangyarihan pa rin. Subalit wala ng kapamahalaan si Satanas. Ang tanging kapamahalaan niya sa iyong buhay ay yaong ibibigay mo sa kaniya at ang kapangyarihan at kapamahalaang sumasaiyo (si Jesus) ay higit na makapangyarihan.
IKAANIM NA KABANATA
ANG MGA ESPIRITUWAL NA PWERSA NG MASAMA:
MGA DEMONYO
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Pagbalikan ang pinagmulan ng mga demonyo.
. Ipaliwanag ang kanilang orihinal na kalagayan.
. Tukuyin ang kanilang larangang ginagalawan.
. Tukuyin ang mga katangian ng mga demonyo.
. Ipaliwanag kung paanong ang pwersa ng mga demonyo ay itinatag.
. Magbigay ng buod ng mga gawain ng mga demonyo.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang
iba’y magsisitalikod sa pananamplataya, at mangakikinig sa mga espiritung ma-
panghikayat at sa mga aral ng demonio. (I Timoteo 4:1)
PAMBUNGAD
Natutuhan mo ang tungkol kay Satanas sa nakaraang kabanata. Sa kabanata namang ito, pagaaralan mo ang tungkol sa “tropa” niya na tinatawag na mga demonyo, na nasa ilalim ng kaniyang pamumuno. May ilang mga tao na lubusang hindi pinapansin ang paksa tungkol sa mga demonyo. Mayroon namang iba na may di mapigil na interes dito. Hindi mo dapat bale walain ang kapangyarihan ng mga demonyo sa sanglibutan ngayon, bagamat di naman dapat na wala ka nang inisip kundi sila at nakakakita ka ng demonyo sa lahat ng nangyayari at sa mga tao sa paligid mo. Ang kailangan ay isang payak, literal at ayon sa Biblia na pagharap sa paksa tungkol sa mga demonyo. Huwag mga aklat lamang ng kung sino ang iyong pagaralan tungkol sa kapangyarihan ng mga demonyo. Ang tanging dapat mong pagkukunan ng pagaaral sa larangang ito ay ang Salita ng Diyos o mga Cristianong aklat tungkol dito.
ANG PINAGMULAN NG MGA DEMONYO
Ang Diyos ang lumalang sa lahat ng mga anghel, na ang iba’y naging mga demonyo:
Ang lahat ng mga bagay
ay ginawa sa pamamagitan Niya; at alin man sa lahat ng
ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. ( Juan 1:3)
Sapagka’t sa Kaniya nilalang ang lahat ng
mga bagay, sa sangkalangitan
at sa sangkalupaan, na mga bagay na
nakikita at ang mga bagay na di nakikita,
maging mga luklukan o mga pagsakop o mga
pamunuan o mga kapangyarihan;
lahat ng mga bagay ay nilalang sa
pamamagitan Niya at ukol sa Kaniya.
(Colosas 1:16)
ANG KANILANG ORIHINAL NA KALAGAYAN
Sa simula ang mga demonyo ay tulad ng mga ibang anghel ng Diyos na may katulad ding mga katangian ng mga mabubuting mga anghel na inilarawan sa Ikaapat na Kabanata ng kursong ito. Nang maghimagsik si Satanas laban sa Diyos, bahagi ng mga anghel ay nakilahok sa paghihimagsik. Itinaboy sila ng Diyos mula sa langit kasama ni Satanas. Hindi na sila mga nilalang na mabubuti (mga anghel). Sila’y naging mga masasamang nilalang ( mga demonyo):
At nagkaroon ng
pagbabaka sa langit: Si Miguel at ang kaniyang mga anghel
ay nakipagbaka sa dragon at ang kaniyang
mga anghel ay nakipagbaka;
At hindi sila nanganalo,
ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit.
At inihagis ang
malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo
at Satanas, ang dumadaya sa buong
sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama
niya. ( Apocalipsis 12:7-9)
Kung ang mga demonyo ay hind mga “bumagsak” na mga anghel, wala tayong ibang paliwanag sa Biblia kung saan sila nagbuhat. Hindi kaya ni Satanas na lumikha ng sarili niyang pwersa, sapagkat lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos. May dalawang grupo ng mga bumagsak na mga anghel. Ang isang grupo ay aktibong lumalaban sa Diyos at sa Kaniyang bayan sa lupa. Ang isa pang grupo ay nakatanikala:
Sapagaka’t kung ang
Diyos ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang magkasala
ang mga yaon, kundi sila’y ibinulid sa
impierno, at kinulong sa mga hukay
ng kadiliman, upang ilaan sa
paghuhukom. ( II Pedro 2:4)
At ang mga anghel na
hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi
iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay
iniingatan Niya sa mga tanikalang
walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang
araw. (Judas 6)
May mga gumagalang mga demonyo at nakakulong na mga demonyo. Ang pinuno ng dalawang grupo ay si Satanas, na tinatawag na “prinsipe” ng mga diablo (Mateo 12:24). Ang impiyerno ay inilaan para sa Diablo at ang kaniyang mga anghel. Ito ang kanilang huling hantungan:
Kung magkagayo’y
sasabihin naman Niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa
Akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na
walang hanggan na inihanda sa diablo
at sa kaniyang mga anghel. (Mateo 25:41)
Nang harapin ni Jesus ang dalawang lalaking inaalihan ng demonyo, ang kanilang sagot ay:
…Anong aming
ipakikialam sa Iyo, ikaw na Anak ng Diyos? Naparito ka baga
upang kami’y iyong pahirapan bago dumating
ang kapanahunan? (Mateo 8:29)
Alam ng mga demonyo na sumapi sa dalawang lalaking ito na ang kanilang huling hantungan ay isang dako ng walang katapusang pagpapahirap. Yamang ang impyerno ay dako ng pagpapahirap at inihanda para kay Satanas at sa kaniyang mga anghel, kung gayon ang mga demonyo ang angel na bumagsak.
ANG KANILANG GINAGALAWANG LARANGAN
Sa buong Biblia, ipinakita na ang mga demonyo ay gumagalaw sa lupa. Yamang si Satanas ay hindi naman nasa lahat ng dako tulad ng Diyos, ginagamit niya ang mga demonyo na tuparin ang kaniyang kalooban at gawin ang kaniyang mga layunin sa buong mundo. Sila ay bumubuo ng “mga kapangyarihan sa himpapawid” ( Efeso 2:2) at ng mga kapangyarihan ng kadiliman” (Colosas 1:13) at silang lahat ay hawak ni Satanas.
MGA KATANGIAN NG MGA DEMONYO
Sa kanilang walang kasalanang orihinal na kalagayan, ang mga demonyo ay may mga katangiang tulad din ng mabubuting mga anghel na dati natin pinagaralan. Sa kanilang kasalukuyang masamang kalagayan ang mga demonyo ay:
Mga espiritu: Mateo 8:16; Lucas 10:17,20
Maaaring magpakita: Genesis 3:1; Zacarias 3:1;
Mateo 4:9-10
Nakapagsasalita: Marcos 5:9,12; Lucas 8:28;
Mateo 8:31
Sumasampalataya: Santiago 2:19
Nagagamit ang kanilang kalooban: Lucas 11:24; 8:32
Nagpapakita ng talino: Marcos 1: 24
May damdamin: Lucas 8:28; Santiago 2:19
May pagkilala: Gawa 19:15
May lakas higit pa sa tao: Gawa 19:16; Marcos 5:3
May kapangyarihang higit sa tao: Daniel 9:21-23
Walang hanggan: Mateo 25:41
May sariling doktrina: I Timoteo 4:1-3
Masama: Mateo 10:1; Marcos 1:27; 3:11
MGA PANGALAN NG MGA DEMONYO
Sa Bagong Tipan ang mga demonyo ay anim na beses tinawag na masamang espiritu at dalawamput tatlong beses bilang maruming espiritu. Sila rin ay tinawag na mga diablo
(Marcos 1:32) at mga anghel ng diablo (Mateo 25:41).
ANG PAGKAKATATAG NG PWERSA NG MGA
DEMONYO
Pagbalik-aralan natin kung paano tinatag ng Diyos ang Kaniyang hukbo ng mga anghel…
Sapagka’t sa Kaniya nilalang ang lahat ng
mga bagay, sa sangkalangitan
at sa sangkalupaan, na mga bagay na
nakikita at ang mga bagay na di nakikita,
maging mga luklukan o mga pagsakop o mga
pamunuan o mga kapangyarihan;
lahat ng mga bagay ay nilalang sa
pamamagitan Niya at ukol sa Kaniya.
(Colosas 1:16)
Si Satanas ay mangaggaya, hindi siya manlilikha. Itinatag niya ang mga demonyo sa ayos na tulad ng mga pwersa ng Diyos:
Sapagka’t ang ating
pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa
mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan,
laban sa mga namamahala ng
kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga
ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga
dakong kaitaasan. ( Efeso 6:12)
Itinatag ni Satanas ang kaniyang pwersa sa ganito:
Mga Pamunuan: Maliwanag na hinati ni Satanas ang sanglibutan sa mga pamunuan. Ang pamunuan ay isang dakong nasasakupan ng isang prinsipe. Naglagay si Satanas ng prinsipe sa bawat pamunuan. Ang prinsipe ng kapangyarihan ng Persia ay nabanggit sa Daniel 10. Ganito gumagawa si Satanas sa malawakang pagimpluwensya sa mga pamahalaan at mga bansa.
Mga kapangyarihan at mga namamahala ng kadiliman sa sanglibutan:
Ang dalawang kategorya ng mga demonyo ay gumagalaw sa panglipunan,
pangpulitika, at pangkulturang mga sistema ng sanglibutan. Matutuhan mo kung
paano harapin ang mga ito at ang mga espiritu sa ibabaw ng mga pamunuan sa
pagaaral mo sa Ikalabing-apat na Kabanata ng mga estratehiyang espirituwal
upang mapagtagumpayan ang sanglibutan.
Espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan: Ang mga dakong kaitaasan sa Lumang Tipan ang mga dakong pinagdarausan ng pagsamba. Ganito gumagalaw si Satanas sa straktura ng mga relihiyon sa sanglibutan. Matutuhan mo pa ito sa Ikasampung Kabanata sa pagaaral mo ng mga kasamaan sa dakong kaitaasan.
Ang mga natatag na mga grupong ito ay magkakaiba ng laki. Halimbawa, si Maria Magdalena ay nagkaroon ng pitong mga demonyo bago ito pinalaya. Sa Lucas 8:30 ay nabanggit ang “pulutong” ng mga demonyo. Ang pulutong sa hukbo ng Roma noong panahon ni Jesus ay tumutukoy sa 6,100 mga kawal at mga 726 na mga mangangabayo.
Ang mga natatag na pwersang ito ng mga demonyo ay…
Nagkakaisa:
Sa kaso ng lalaking inaalihan ng demonyo sa Lucas 8:30, ang mga demonyo ay nagkakaisa sa kanilang layunin, na sa halimbawang ito ay maangkin ang lalake. Ito ay totoo rin sa Mateo 12:45 at sa kaso ni Maria Magdalena na may pitong mga demonyo (Lucas 16:9). Binanggit ni Jesus ang tungkol sa pagkakaisa ng mga demonyo nang Kaniyang sabihin:
At kung pinalabas ni
Satanas si Satanas, siya’y nababahagi sa kaniyang sarili;
papaano ngang mananatili ang kaniyang
kaharian? (Mateo 12:26)
May Iba’t Ibang
Baitang Ng Kasamaan:
Ito ay inilarawan ng demonyo na nagsabi na siya ay babalik na may kasamang mga masasamang espiritu:
Datapuwa’t ang
karumaldumal na espiritu, kung siya’y lumabas sa tao,
ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na
humahanap ng kapahingahan,
at hindi nakasumpong.
Kung magkagayo’y
sinasabi niya, babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko;
at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang
walang laman, walis na,
at nagagayakan.
Kung magkagayo’y
yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong
masasama kay sa kaniya, at sila’y
nagsipasok at nagsisitahan doon: at nagiging
lalo pang masama ang huling kalagayan ng
taong yaon kay sa una…
(Mateo 12:43-45)
Maaaring Bumago Ng
Kanilang Mga Gawain:
Ang demonyo sa I Hari 22:21-23 ay nagsabi na siya ay magiging magdarayang espiritu. Lumilitaw na dati ay hindi siya gayon sapagkat sinabi niya, “ako’y…magiging…”
Ibat Ibang Uri:
Itinuturo ng Biblia ng ang tao ay may katawan, kaluluwa, at espiritu. May tatlong uri ng mga demonyo na sumasalakay sa katawan, kaluluwa, at espiritu ng tao:
1. Masama o maruming espiritu: Sila ay dahilan ng mga gawang imoral, maruming isipan, pagpapahirap, pagsapi, kalungkutan, at iba pang mga estratehiya ni Satanas na atin pang pagaaralan. Sila ang nagpapahirap sa isip at kaluluwa ng tao. (Mateo 10:1; 12:43; Marcos 1:23-26)
2. Mga Espiritu ng karamdaman: Ang mga espiritung ito ang nagpapahirap sa katawan.
( Lucas 13:11)
3. Mga espiritung mapanghikayat: Ang mga espiritung mapanghikayat ay sumasakit sa isip, kaluluwa, at espiritu ng tao, iniimpluwensiyahan siya na paniwalaan ang mga hidwang mga doktrina tulad ng binabanggit sa I Timoteo 4:1. Ang mga espiritung ito ay hinihikayat ang mga tao na paniwalaan ang kasinungalingan at mapahamak magpakailan man. Sila ang mga espiritu ng hidwang doktrina, kulto, mga bulaang Cristo, at bulaang mga guro.
MGA GAWAIN NG MGA DEMONYO
Ang mga demonyo ay sumusunod sa mga utos ng kanilang prinsipe, si Satanas. Maaari nating sabihin na ang kabuuan ng mga gawain ng mga demonyo ay laging laban sa Diyos, sa Kaniyang plano, at sa Kaniyang bayan. Ang mga demonyo ay ginagamit ni Satanas upang salakayin ang Salita ng Diyos, ang iyong pagsamba sa Diyos, ang iyong paglakad na kasama ang Diyos, at ang iyong paglilingkod sa Diyos.
Sa Ikawalong Kabanata, matututuhan mo ang mga detalye ng mga estratehiya ng kaaway sa pakikibakang espirituwal. Ginagamit ni Satanas ang mga demonyo upang maisagawa ang estratehiyang ito sa sanglibutan. Lumalawak ang naabot ng kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ng kasamaan at pangdaraya. Ito ay nagpapasakit sa mga tao, mga pamahalaan, mga bansa, at ang pamamaraan ng sanglibutan. Itinataguyod nila ang paghihimgasik at paninirang puri sa Diyos at sa tao. Itinataguyod nila ang pagsamba sa dios-diosan, hidwang doktrina, at binubulag ang mga lalake at babae sa katotohanan ng ebanghelyo.
Sinasalakay ng mga demonyong ito ang mga mananampalataya at itinutulak silang gumawa ng mga imoral na bagay, pumatay ng tao, sumakit ng iba, magpatiwakal at iba pa. Pinasasakitan nila ang kaisipan sa pamamagitan ng mga suliraning emosyonal at ang katawan naman, ng mga karamdaman. Sinasalakay ng mga demonyo ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng tukso, pangdaraya, kalungkutan, at pagpapahirap. Sinisikap nilang ikaw ay bihagin ng mga bisyo at takot. Ikaw ay pinagbibintangan at sinisiraang puri at lumlikha ng pagkakabahabahagi sa bayan ng Diyos. Sinasalakay din ang iyong paglakad na kasama ang Diyos, at nilalabanan ang Salita ng Diyos, pagsamba sa Diyos, at ang iyong paglilingkod sa Diyos. Sinasalakay din ang iyong pangangatawan.
Ang mga hindi mananampalataya ay walang pananggalang laban sa mga pagsalakay ng mga demonyo, subalit ang mga mananampalataya ay may makapangyarihang espirituwal na kasangkapan at mga estratehiya sa pagharap sa malalakas na pwersa ng kasamaan. Matututuhan mo ang tungkol sa mga kasangkapang ito at ang mga estratehiya sa patuloy mong pagaaral ng pakikibakang espirituwal.
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Paano nagsimula ang mga demonyo?
3. Ano ang ginagalawan nilang larangan?
________________________________________
4. Ibigay ang buod ng kanilang mga gawain.
5. Ilista ang lahat ng mga katangian ng mga demonyo na maaalaala mo mula sa talakayan sa kabanatang ito.
6. Paano natatag ang mga pwersa ng demonyo?
7. Ano ang orihinal na kalagayan ng mga demonyo?
8. Paano sila naging mga demonyo?
9. Magbigay ng maikling kahulugan ng bawat isa sa mga sumusunod na hanay ng mga demonyo:
Mga Pamunuan:
Mga Kapangyarihan at Namamahala
ng Kadiliman:
Espiritu ng Kasamaan sa mga
Dakong Kaitaasan:
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Upang magakaroon ng dagdag na pagkatuto tungkol sa mga espirituwal na pwersa ng kasamaan, pagaralan ang mga sumusunod na mga reperensya sa Biblia tungkol sa paksa ng mga demonyo:
Genesis:
3:1-15; 6:1-4; 41:8; 44:5
Exodo:
7:8-13; 20-24; 8:6-7, 18-19; 9:11;
22:18
Levitico:
17:7; 19:26,31; 20:6, 27
Mga
Bilang: 22:7; 23:23
Deuteronomio:
18:9-14, 20-22; 32:17
Mga
Hukom: 8:21,26
I
Samuel: 15:23; 16:14; 18:10; 28:1-15
I
Hari: 5:4; 18:28; 22:19-38
II
Hari: 9:22; 17:17; 21:1-9; 23:5,24
I
Cronica: 21:1
II
Cronica: 33:1-10
Job: 1:1-12; 2:1
Awit:
78:49; 91:6; 106:36-38
Isaias:
3:18-19; 8:19; 14:12-17; 47:11-15
Jeremias:
27:9
Ezekiel: 21:21; 28:11-19
Daniel: 1:20; 2:2, 27; 4:6-9; 5:7, 11, 15
Oseas: 4:12
Mikas:
5:12
Zacarias:
3:1,2; 10:2
Malakias:
3:5
Mateo: 4:1-11, 24; 8:16, 28-34; 10:1, 25:11-15;
11:18; 12:22-30, 11:43-45; 13:19, 39:15-21; 17:14-21; 24:24; 25:41
Marcos: 1:12-13, 21-28, 32, 34, 39; 3:11-12, 15,
22-30; 5:1-20; 6:7, 13; 7:24-30; 8:33; 9:17-29, 38-40; 13:22; 16:9, 17
Lucas: 4:1-13, 33-37; 6:18; 7:21, 33; 8:2, 26-39;
9:1, 37-42, 49-50; 10:17-20; 11:14-26; 13:10-17, 32; 22:3, 31; 24:39
Juan: 6:70; 7:20; 8:44, 48-49; 10:20-21; 12:31;
13:27; 14:30; 16:11; 17:15
Gawa: 5:3, 16; 8:7, 9-11; 18:24; 10:38; 13:6-12;
16:16-19; 19:12-20; 26:18
Roma: 8:38-39; 16:20
I
Corinto: 5:5; 7:5; 10:20-21
II
Corinto: 2:11; 4:4; 6:14, 15, 17;
11:13-14; 12:7
Galacia: 1:4; 3:1; 4:8-9; 5:19-21
Efeso: 1:21; 2:2; 4:26-27; 6:11, 12, 16
Colosas: 1:13; 2:2; 4:26-27; 6:11, 12, 16
I
Tesalonica: 2:18; 3:5
II
Tesalonica: 2:1-10; 3:3
I
Timoteo: 1:20; 3:6; 4:1-3
Hebreo: 2:14
Santiago: 2:19; 3:15; 4:7
I
Pedro: 5:8
II
Pedro: 2:4, 19
I
Juan: 2:13, 18; 3:8, 12; 4:1-4, 6; 5:18
Judas:
1:6, 9
Apocalipsis: 2:9, 13, 24; 3:9; 9:1-11, 20-21; 12:1-13;
13:1-18; 16:13-16; 18:2; 19:20; 20:1-14; 21:8
2. Pagaralan ang tala ng Lumang Tipan tungkol sa kapangyarihan ng demonyo:
- Si Satanas sa wangis ng ahas ay binanggit nang pitong
beses sa Genesis 3:1-24 at Isaias 27:1.
- Si Satanas ay nabanggit din sa I Cronica 21:1; II
Samuel 24:1; Awit 109:6; Zacarias 3:1-12; at labing apat (14) na beses sa aklat ni Job.
- Ang mga masasamang espiritu ay binanggit ng walong
(8) beses sa tala ni Haring Saul: I Samuel 16:14-23; 18:10; 19:9.
- Ang mga espiritu ng kasinungalingan ay binanggit ng anim (6) na beses sa I Hari 22:21-23.
- Ang masamang espiritu ay binanggit ng anim (6) na beses sa Levitico 20:27 at sa
I Samuel 28.
- Ang relihiyosong espiritu at espiritu ng pagkapatotot ay tinukoy sa aklat ni Osea.
- Ang mga demonyo ay tinukoy na kasama ng mga diosdiosan ng mga paganong bansa ng apat (4) na beses: Levitico 17:7; Deuteronomio 32:17; II Cronica 11:15; Awit 106:19-39.
- Mga masasamang prinsesa na namumuno sa mga bansa ay tinukoy naman sa Awit, sulat ng mga propeta, at lalo na sa Daniel 10:10-21
- Marumi at likong mga espiritu ay binanggit ng dalawang (2) beses : Isaias 19:14
3. Isipin mo ito: Oo ngat ang mga pwersa ng demonyo ay kaaway ng Diyos, sila rin ay nasa ilalim ng Kaniyang kalooban at nagagamit pa Niya upang sila mismo ang maglaban laban: Tingnan ang I Samuel 16:14; 18:10; 19:9; I Hari 22:20-22; at Isaias 19:14.
IKAPITONG KABANATA
TERITORYO NG KAAWAY
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ibigay ang kahulugan ng salitang “sanglibutan” ayon sa pagggamit sa araling ito.
. Tukuyin ang prinsipe ng sanglibutan.
. Ipaliwanag ang dahilan ng kasalukuyang sistema ng sanglibutan.
. Ilarawan ang damdamin ng sanglibutan sa mga mananampalataya.
. Ibigay ang kahulugan ng salitang “laman” ayon sa paggamit sa araling ito.
. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “pita ng laman.”
. Ipaliwanag kung paano nabubuo ang pita ng laman.
. Ipaliwanag ang mga bunga ng hindi masupil na pita.
. Tukuyin ang isang reperensya sa Kasulatan na naglilista ng mga gawa ng laman.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Huwag ninyong ibigin
ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan.
Kung ang sinoman ay
umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig
ng Ama.
Sapagka’t ang lahat ng
nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at
ang masamang pita ng mga mata at ang
kapalaluan sa buhay, ay hindi mula
sa Ama, kundi sa sanglibutan. ( I Juan 2:15-16)
PAMBUNGAD
Isa lamang ang kaaway, subalit tulad ng natutuhan mo sa nakaraang aralin, gumagawa siya sa pamamagitan ng isang malakas na hukbo ng mga demonyo. Tulad ng inilahad ng Susing Talata ng araling ito, si Satanas ay hindi lamang mga demonyo ang ginagamit kundi ang mga masasamang pwersa ng laman at ng sanglibutan.
Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni
ang mga bagay na nasa sanglibutan.
Kung ang sinoman ay
umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig
ng Ama.
Sapagka’t ang lahat ng
nangasa sanglibutan , ang masamang pita ng laman at
ang masamang pita ng mga mata at ang
kapalaluan sa buhay, ay hindi mula
sa Ama, kundi sa sanglibutan. ( I Juan 2:15-16)
Ang layunin ng kabanatang ito ay tukuyin at talakayin ang mga pwersang masama ng kaaway na kilala bilang makamundo at makalaman. Magingat! Ikaw ay papasok sa dako ng kaaway. Ang kamunduhan at ang laman ay teritoryo ng kaaway.
UNANG BAHAGI: ANG SANGLIBUTAN
Ang salitang “sanglibutan” ay may ibat ibang kahulugan sa Biblia. Ito’y maaaring mangahulugan ng lupa o kaya ay sansinukob sa kaniyang hanay na pisikal. Ito rin ay ginamit patungkol sa mga Hentil na ang ibig sabihin ay lahat ng mga bansa, liban sa bansang Judio.
Subalit ang salitang “sanglibutan” ay ginamit din patungkol sa kasalukyang kondisyon ng buhay ng tao na salungat sa Diyos. Ito ang sistema na nagpapatakbo sa lupa, isang sistema na salungat sa Diyos at sa Panginoong JesuCristo. Ito ang kahulugan na ginamit sa araling ito. Ang “sanglibutan” ay ang magkakasamang pulutong ng mga makalaman na mga tao na bumubuo ng sangkatauhan. Ang “laman” sa kontekstong ito ay hindi tumutukoy sa kalamnan ng iyong katawan. Ito ay isang salita na naglalarawan ng masamang likas ng tao na may sadyang paghihimagsik laban sa Diyos.
Bilang kaaway mo, ang sanglibutan ang buong natatag na sistema ng sosyal, kabuhayan, makamundo at mga relihiyosong pilosopiya na nahayag sa pamamagitan ng mga organisasyon, personalidad, at mga pamahalaan. Hindi ito isang partikular na pamahalaan, organisasyon o personalidad, kundi ang maka-sanglibutang pamamaraan na kanilang kinasasaligan.
ANG PRINSIPE NG
SANGLIBUTAN:
Si Satanas ang “prinsipe” o namumuno ng maka-sanglibutang sistema:
Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng
sanglibutang ito ay palalayasin. ( Juan
12:31)
Hindi na Ako magsasalita pa ng marami sa inyo, sapagka’t dumarating ang
prinsipe ng sanglibutan: at siya’y walang anoman sa Akin. ( Juan 14:30)
Si Satanas ay tinawag na diyos ng sanglibutang ito:
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang
mga pagiisip ng mga hindi nagsisi- sampalataya… ( II Corinto 4:4)
Ang mga kaharian ng sanglibutan ay nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Sila ay ginagabayan ng mga pilosopiya at mga prinsipyo ni Satanas. Sila ay hawak ng laman at pinamamahalaan ng laman:
Muling dinala Siya ng
diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas
sa Kaniya ang lahat ng mga kaharian sa
sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
At sinabi niya sa
Kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung
ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo
ako. ( Mateo 4:8-9)
Darating ang araw ang mga ito ay magiging mga kaharian ng ating Panginoon:
At humihip ang
ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit,
at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa
Kaniyang Cristo; at Siya’y maghahari
magpakailan kailan man.
(Apocalipsis 11:15)
ANG DAHILAN KUNG
BAKIT GANITO ANG KONDISYON NG SANGLIBUTAN:
Ang kasalanan ang dahilan ng kasalukuyang kondisyon ng sanglibutan. Sa pasimula nang lalangin ng Diyos si Adam at si Eba, sila ay binigyan ng Diyos ng kapamahalaan upang supilin ang daigdig. Ang ibig sabihin, sila ay may kapamahalaan sa daigdig, na gabayan ang mga sistema at mga nakatira rito ayon sa plano ng Diyos. Nang sila’y magkasala laban sa Diyos, nawala ang kapamahalaang ito. (Genesis 1-3)
Nang si Jesus ay mapako sa krus para sa kasalanan ng buong sangkatauhan at nagbangon muli mula sa mga patay, nabawi Niya ang sanglibutan. Kaniyang binigkas ang hatol sa mga espirituwal na pwersa ng kasamaan:
Pagkasamsam sa mga
pamunuan at sa mga kapangyarihan sila’y mga inilagay
Niya sa hayag na kahihiyan, na
nagtatagumpay Siya sa kanila sa bagay na ito.
( Colosas 2:15)
Bagamat nabawi ni Jesus ang sanglibutan mula sa kapangyarihan ng kaaway, hindi pa rin kinikilala ni Satanas ang bagay na ito. Si Satanas ay patuloy pa rin sa kaniyang paggawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ng kasamaan. Hindi kikilalanin ni Satanas ang karapatan ni Jesus sa mga kaharian ng sanglibutan hanggang sa huling pagtutuos na iyong pagaaralan sa huling kabanata ng kursong ito.
Ang kasalukuyang kalagayan ay tulad ng pangyayari sa natural na daigdig na karaniwang nagaganap. Ang isang kapangyarihang pang politika o militar ang siyang mamamahala sa isang bansa subalit may mga naghihimagsik na ayaw pasakop dito. Ang mga rebeldeng ito ay patuloy na nakikilaban sa buong bansa. Sinisikap nilang angkinin ang mga teritoryong di naman kanila sa pamamagitan ng pagdaig sa mga karaniwang mamamayan. Madalas gumagamit sila ng pananakot upang maisagawa ito.
Ang kalagayan sa larangang espirituwal ay katulad din nito. Nabawi na ni Jesus ang sanglibutan at nangibabaw na Siya sa kaaway, at sa kaniyang mga pwersa ng kasamaan. Subalit ang mga rebeldeng pwersa ni Satanas ay patuloy pa rin sa pakikilaban sa buong sanglibutan. Sinisikap nilang angkinin ang mga teritoryong di naman talaga sa kanila at iniimpluwensyahan ang mga tao sa kasamaan. Ang labanang ito na ating “pakikibakang espirituwal” ay magpapatuloy hanggang sa huling pagtutuos.
ANG STRAKTURA NG
SANGLIBUTAN:
Ang straktura ng sanglibutan ay salungat sa Diyos, sa Kaniyang plano, mga layunin, at bayan:
Ang Likong Sistema
Ng Sanglibutan:
Ang kasalukuyang sistema ng sanglibutan ay masama:
Na Siyang nagbigay sa Kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan,
upang tayo’y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa
kalooban ng ating Diyos at Ama. (
Galacia 1:4)
Ang sistema ng sanglibutan ay hindi kinikilala ang Diyos:
…na walang pagasa at walang Diyos sa
sanglibutan. ( Efeso 2:12)
Maraming panglilinlang sa sanglibutan upang siluin ang mga mananampalataya na maging bahagi ng sistema ng sanglibutan:
Sapagka’t maraming magdaraya na
nangagsilitaw sa sanglibutan…( II Juan 7)
Ang sanglibutan ay hinatulan na ng Diyos:
Datapuwa’t kung tayo’y hinahatulan,
ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang
huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan. ( I Corinto 11:32)
Ang Mga Elemento
Ng Sanglibutan:
Ang mga “elemento ng sanglibutan” ay tumutukoy sa mga batayang prinsipyo na umiiral sa sanglibutan. Ito ay patungo sa espirituwal na pagkabihag:
Gayon din naman tayo,
nang tayo’y mga bata pa, tayo’y nasasakop ng pagkaalipin
sa ilalim ng mga pasimulang aral ng
sanglibutan. ( Galacia 4:3)
Ang Alituntunin Ng Sanglibutan:
May mga patakaran na siyang sinusunod ng straktura ng sanglibutan. Ang mga ito ay iba kay sa sa mga simulain na batayan ng pagaayos ng Diyos ng Kaniyang Kaharian:
Kung kayo’y nangamatay
na kalakip ni Cristo mula sa mga pasimulang aral ng
sanglibutan, bakit, na waring kayo’y
nangabubuhay pa sa sanglibutan, kayo’y
nangagpapasakop sa mga palatuntunan. ( Colosas 2:8, 20)
Ang Espiritu Ng Sanglibutan:
Salungat ang espiritu ng sanglibutan sa Espiritu Santo:
Nguni’t ating
tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung
mula sa Diyos; upang ating mapagkilala ang
mga bagay na sa atin ay ibinigay
na walang bayad ng Diyos. ( I Corinto 2:12)
Ang Pilosopiya Ng Sanglibutan:
Ang mga pilosopiya ay mga prinsipyo ng kaalaman. Ang makasanglibutang mga pilosopiya ay handi nakasalig kay Cristo:
Kayo’y magsipagingat,
baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang
pilosopia at walang kabuluhang pangdaraya,
ayon sa Sali’t saling sabi ng mga tao,
ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan,
at di ayon kay Cristo. ( Colosas 2:8)
Ang Karunungan Ng Sanglibutan:
Ang makasanglibutang karunugan at hindi ayon sa karunungan ng Diyos:
Sapagka’t ang
karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Diyos.
( I Corinto 3:19)
Ang Pag-inog Ng Sanglibutan:
Ang “paginog” ng sanglibutan ay ang paulit-ulit na kaganapan sa mundo, karaniwang pangyayari, ang paraan ng takbo nito:
Na inyong nilakaran
noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa
pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng
espiritu na ngayon ay gumagawa
sa mga anak ng pagsuway. ( Efeso 2:2)
Ang Mga Tinig Ng Sanglibutan:
Ang maraming mga “tinig” sa sanglibutan ay taliwas sa tinig ng Diyos:
Halimbawa, mayroon ngang
iba’t ibang mga tinig sa sanglibutan, at walang
di may kahulugan. ( I Corinto 14:10)
Ang Kapayapaan Ng Sanglibutan:
Ang kapayapaan ng sanglibutan ay pansamantala, marupok, at minsan ay mapangdaya:
Ang kapayapaan ay
iniiwan Ko sa inyo; ang Aking kapayapaan ay ibinibigay
Ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng
sanglibutan, ang ibinibigay Ko sa
inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso
ni matakot man. ( Juan 14:27)
Ang Kalumbayan Ng Sanglibutan:
Ang kalumbayang mula sa Diyos ay iba kay sa kalumbayan ng sanglibutan:
Sapagka’t ang
kalumbayang mula sa Diyos, ay gumagawa ng pagsisisi sa
ikaliligtas, na hindi ikalulungkot:
datapuwa’t ang kalumbayang ayon sa
sanglibutan ay ikamamatay. (II Corinto 7:10)
Ang Damdamin Ng Sanglibutan:
Napopoot ang sanglibutan sa Diyos:
…hindi baga ninyo
nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan
ay pakikipagaway sa Diyos? Sinoman ngang
magibig na maging kaibigan
ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng
Diyos. (Santiago 4:4)
Napopoot ang sanglibutan ang mga mananampalataya:
Kung kayo’y kinapopootan
ng sanglibutan, ay inyong talastasin na Ako muna
ang kinapootan bago kayo. Kung kayo’y taga sanglibutan, ay iibigin ng
sanglibutan
ang kaniyang sarili: nguni’t sapagka’t
kayo’y hindi taga sanglibutan, kundi kayo’y
hinirang Ko sa sanglibutan, kaya napopoot
sa inyo ang sanglibutan. (Juan 15:18-19)
Yamang ang sanglibutan ay binubuo ng mga taong nakasentro ang buhay sa laman napopoot sila sa mga mananampalataya, kaya kailangan nating lalong matutuhan ang tungkol sa makapangyarihang pwersang ito na tinatawag na “laman.”
IKALAWANG BAHAGI: ANG LAMAN
Ang sanglibutan ay isang masamang pwersang panglipunan na gumagawa mula sa labas upang salakayin ang mga mananampalataya. Ito ang magkakasanib na organisasyon ng mga makalaman na mga tao. Ang laman ay isang masamang pwersa na gumagawa naman mula sa loob ng isang mananampalataya. Ang “makalaman na espiritu” na gumagalaw sa sanglibutan ay gagalaw sa iyong buhay kung pahihintulutan mo ito. Ang salitang “laman” ayon sa gamit nito sa Kasulatan ay maaaring tumukoy sa mismong katawan ng isang tao o hayop. Subalit hindi ito ang ating tinutukoy sa paggamit natin ng salitang “laman” sa araling ito.
Ginagamit din ng Biblia ang salitang “laman” upang ilarawan ang likas na kasalanan ng tao. Ang laman ang sentro ng sadyang pagsalungat at paghihimagsik laban sa Diyos:
Sapagka’t nalalaman ko
na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay
hindi tumitira ang anomang bagay na
mabuti…datapuwa’t ang paggawa ng
mabuti ay wala.
Sapagka’t ang mabuti
na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni’t ang masama
na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.
Datapuwa’t kung ang
hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako
ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. (Roma 7:18-20)
Ang laman ang nagpupumilit na pwersa mula sa loob na naghahayag ng sarili sa paghihimagsik sa pamamagitan ng kasalanan. Ang kahulugang ito ng laman ang ginagamit sa araling ito. Ang mga salitang “karnal” at “lumang pagkatao” ay ginagamit din upang ilarawan ang makalamang likas ng tao. Lahat ng tao ay mayroon nitong makasalanan, at makalamang likas na ito:
Kaya, kung paano na sa
pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan
sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa
pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y
ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga
tao, sapagka’t ang lahat
ay nangakasala. (Roma 5:12)
Sapagka’t ang lahat ay
nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian
ng Diyos.
(Roma 3:23)
ANG PITA NG LAMAN:
Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo
ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang
mga pita ng laman. (Galacia
5:16)
Ano ang pita ng laman? Una, bigyang kahulugan natin ang salitang “pita.” Ang pita ay “isang malakas na nasain, emosyon ng kaluluwa, ang likas na hilig ng tao tungo sa masama.” Huwag tayong magnasa ng mga masasamang bagay:
Ang mga bagay na ito
nga’y pawang naging mga halimbawa sa
atin, upang
huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na
masama na gaya naman nila
na nagsipagnasa. (I Corinto 10:6)
Ang pagnanasa sa masamang mga bagay ay magbibigay kasiyahan sa iyong makalamang likas at ito ang “pita ng laman.” Ganyan sumalakay si Satanas mula sa loob. Ito ay katulad ng isang giyera sibil sa isang bansa, ang iyong espiritu at laman ay naglalaban sa isat isa.
PAANO NABUBUO ANG
PITA NG LAMAN:
Ang pita, o makasalanang nasain ay una munang pumapasok sa pamamagitan ng sentido. Ang mga mata ay makakakita ng isang bagay na masama o ang tenga ay may maririnig na masama. Isang pagkahipo, isang pagtikim, o kahit pagsamyo ay maaaring mauwi sa pita. Ganito ginagamit ni Satanas ang mga nakapaligid sa atin sa sanglibutan upang tuksuhin ang laman. Nabubuo ang isang masamang nasa o isipan sa pamamagitan ng mga sentidong likas na ito. Ito ang pita. Ang nasaing ito na masama ang naguudyok sa iyo na gumawa ng masama:
Huwag sabihin ng sinoman pagka siya’y
tinutukso, Ako’y tinutukso ng Diyos;
sapagka’t ang Diyos ay hindi matutukso sa
masamang bagay, at hindi rin naman
siya manunukso sa kanino man.
Kundi ang bawa’t tao ay natutukso, pagka
nahihila ng sariling masamang
pita at nahihikayat. ( Santiago 1:13-14)
Alalahanin mo, hindi ka tutuksuhin ng Diyos. Ikaw ay natutukso pagka ikaw ay hinihila ng iyong makasalanan, at makalamang pita.Subalit hindi kailangang ikaw ay mahulog sa tuksong ito. Ang Diyos ay laging nagkakaloob ng paraan ng pagiwas:
Hindi dumating sa iyo
ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao:
datapuwa’t tapat ang Diyos, na hindi niya
itutulot na kayo’y tuksuhin ng
higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din
ng tukso ay gagawin naman
ang paraan ng pagilag, upang ito’y inyong
matiis. ( I Corinto 10:13)
Yamang ang isip ang ginagamit upang tuksuhin ang laman, nagbabala si Pablo:
Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay
kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng
espiritu ay buhay at kapayapaan.
Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay
pakikipagalit laban sa Diyos; sapagka’t hindi
nasasaklaw sa kautusan ng Diyos, ni hindi nga maaari: (Roma 8:7-8)
Matutuhan mo rin kung paano ang isip ang isang tampok na larangan ng pakikibakang espirituwal.
ANG MGA BUNGA NG
PITA:
Kung ikaw ay bumigay sa pita, tukso ang magiging bunga nito at kung bumigay ka naman sa tukso, kasalanang tungo sa kamatayan naman ang bunga nito:
Kung magkagayo’y ang kahalayan, kung
maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan,
Pagka malaki na ay namumunga ng
kamatayan. (Santiago 1:15)
Ang sanglibutan ay bulok dahil sa pita:
… yamang nakatanan sa kabulukang
nasa sanglibutan dahil sa masamang
pita. (II Pedro 1:4)
Ang laman ay bulok dahil sa pita
At inyong iwan, tungkol sa paraan ng
inyong pamumuhay na nakaraan,
ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng
pagdaraya. ( Efeso 4:22)
ANG KAUGNAYAN NG
ESPIRITU AT NG LAMAN:
Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng
laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban
sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong
gawin
ang bagay na inyong ibigin. (Galacia
5:17)
Pagka ikaw ay naligtas at napuspos ng Espiritu Santo, ang Espiritu ay tumatahan sa iyong espiritu. Ang Espiritu sa iyong espiritu ang lumalaban sa mga pita ng laman. Ang iyong laman ay nakikipaglaban sa iyong espiritu at sa Espiritu ng Diyos na sumasaiyo. Ang laman ang humihimok sa iyo sa makasalanang pita. Ito ang dahilan kung bakit madalas kang hindi makapamuhay tulad ng iyong ibig.
Inilarawan ni Pablo ang labanang ito sa pagitan ng espiritu at laman sa ikapitong kabanata ng Roma:
Kaya nga nasumpungan
ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng
mabuti, ang masama ay nasa akin.
Sapagka’t ako’y
nagagalak sa kautusan ng Diyos ayon sa pagkataong loob
(ang espiritu);
Datapuwa’t nakikita ko
ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na
nakikipagbaka laban sa kautusan ng kasalanan na nasa aking
mga sangkap.
(Roma 7:21-23)
ANG MGA GAWA NG
LAMAN:
Ang mga pita ng laman kung hindi mapaglabanan, ay patungo sa makasalanang mga gawa na nagbubunga naman ng kamatayang espirituwal:
At hayag ang mga gawa ng laman, sa
makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid,
karumihan, kalibugan,
Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga
pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
Mga kapanaghilian, mga paglalasing,
mga kalayawan, at ang mga katulad
nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa
inyo,
tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa
ng
gayong mga bagay ay hindi magsisispagmana ng kaharian ng Diyos.
(Galacia 5:19-21)
Ang listahang ito ay maaaring partihin sa apat na mga kategorya ng mga kasalanan:
Kasalanan sa pagsamba: Pagsamba sa dios diosan at kulam.
Kasalanan sa sex: Pangangalunya, pakikiapid, karumihan at kalibugan
Kasalanan na pangsarili: Paglalasing at magulong pagsasaya.
Kasalanan sa mga kaugnayan: Kapootan, pabagobago, paggaya, galit, alitan,
pagtataksil, inggitan, pagpatay.
Bawat isa sa mga makasalanang gawa na ito ay tinatalakay na mainam sa kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang, “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.” Ang mga ito ay kabalintunaan ng bunga ng Espiritu Santo na kailangang lumago sa buhay ng mga mananampalataya.
ANG MAKAPANGYARIHANG PWERSA NG MASAMA
Ang sanglibutan at ang laman ay sumasanib kay Satanas at sa kaniyang mga demonyo upang makilaban sa mga mananampalataya. Ito ang mga espirituwal na pwersa ng masama. Sa mga sumusunod na mga aralin matututuhan mo ang mga estratehiya ng pakikibakang espirituwal upang malabanan ang mga makapangyarihang pwersang espirtuwal ng masama.
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “laman” ayon sa paggamit sa araling ito?
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang “sanglibutan” ayon sa paggamit sa araling ito?
4. Sino ang prinsipe ng sanglibutang ito?
5. Ibigay ang buod ng mga katangian ng kasalukuyang sistema ng sanglibutan.
6. Ano ang dahilan sa makasalanang kondisyon ng kasalukuyang sistema ng sanglibutan?
7. Ano ang damdamin ng sanglibutan sa mga mananampalataya?
8. Ano ang ibig sabihin ng “pita ng laman”?
9. Paano nabubuo ang pita?
10. Ano ang mangyayari kung hindi mo mapigilan ang pita?
11. Magbigay ng reperensya sa Kasulatan na tumutukoy sa mga gawa ng laman.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Magdagdag ng pagaaral sa mga gawa ng laman sa Galacia 5:19-21.
2. Paghambingin sa mga masasamang mga gawang ito ang bunga ng Espiritu sa Galacia 6:22-23.
3. Basahin ang Juan 1:1-15 at kabanatang ikatatlo. Pansinin ang dakilang pagibig ng Panginoon sa sanglibutan sa kabila ng makasalanan, at makalamang kondisyon. Ano ang ginawa ng Diyos upang ipakita ang Kaniyang pagibig? Ano ang naging tugon ng sanglibutan?
4. Magdagdag ng pagaaral tungkol sa tukso.
. Si Satanas ay tinawag na manunukso: Mateo 4:3; I Tesalonica 3:15
. Hindi tinutukso ng Diyos ang tao na gumawa ng masama: Santiago 1:13-14
. Ikaw ay tinutukso ng:
-Mga tao: Mateo 16:1; 19:3; 22:35; Marcos 8:11; 10:2; Lucas 11:16; Juan 8:6
-Ni Satanas: Mateo 4:1; Marcos 1:13; Lucas 4:2; I Corinto 7:5
-Ng iyong mga pita: Santiago 1:13-14
-Mga kayamanan: I Timoteo 6:9
. Iyong idalangin na maiwas ka sa tukso: Mateo 26:41; Lucas 11:4
Marcos 14:38; 22:46
. Si Jesus ay tinukso, subalit di nagkasala: Hebreo 2:18; 4:15
. Ikaw ay mapalad kung magtiis ng tukso: Santiago 1:12
. Maaari kang ilayo ng Diyos mula sa tukso: Hebreo 4:15; II Pedro 2:9
I Corinto 10:13
. Ang tukso ay nagdadala ng kabigatan subalit dapat
mong ituring ang bawat pagtukso na isang
kagalakan: Santiago 1:2; I Pedro 1:6
5. Ikaw ba’y nakakaranas ng pita na tumutungo sa tukso at pagkatapos ay kasalanan? Sundin ang estratehiya sa I Juan 1:8-9.
6. Sa konteksto ng paglalarawan ng labanan sa pagitan ng Espiritu Santo at ng laman na tinukoy ni Pablo bilang mga gawa ng laman na naglalaban sa kalooban ng mga mananampalataya. Tingnan ang Galacia 5:16-26.
IKAWALONG KABANATA
MGA ESTRATEHIYA NG KAAWAY
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ibigay ang buod ng estratehiya ng kaaway kaugnay ng Diyos.
. Ibigay ang buod ng estratehiya ng kaaway kaugnay ng mga bansa.
. Ibigay ang buod ng estratehiya ng kaaway kaugnay ng mga di mananampalataya.
. Ibigay ang buod ng estratehiya ng kaaway kaugnay ng mga mananampalataya.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging
mapagpuyat; ang inyong kalaban
na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay
gumagala na humahanap ng ma-
sisila niya:
Na siya’y labanan
ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang
inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay
nagaganap sa inyong mga
kapatid na nangasa sanglibutan. ( I Pedro 5:8-9)
PAMBUNGAD
Ang araling ito ay naglalahad ng isang malawakang pagtanaw sa mga pangkalahatang mga estratehiya ng ating kaaway na si Satanas. Sa susunod na aralin, bibigyan ka naman ng isang pangkalahatang pagtanaw sa “Plano Ng Pakikidigma” ng Diyos. Sa mga sumusunod pang aralin, pagkatapos kang masangkapan ng mga espirituwal na mga kagamitan, bibigyan ka ng lalong tiyak na mga etratehiyang pangontra upang mapagtagumpayan ang lahat ng mga masasamang balak ng kaaway. Subalit bago yaon, kailangan mong maunawaan ang mga pangkalahatang mga estratehiya ng kaaway kaugnay sa Diyos, sa mga bansa, sa mga di mananampalataya, at sa mga manananampalataya.
ANG KAAWAY AT ANG DIYOS
Ang orihinal na kasalanan ni Satanas ay nais niyang maging katulad ng Diyos, kaya ang kaniyang kasalukuyang kapangyarihan at mga gawain ay nakatuon higit sa lahat, laban sa Diyos. Ang lahat ng mga ibang mga gawain at ang kaniyang sariling likas ay mamamasdan mula sa kaniyang orihinal na mapanghimagsik na hangarin.
Halimbawa, ang pagsalakay na ginawa ni Satanas sa unang lalake at babae, si Adam at Eba, ay pagsalakay mismo sa Diyos at sa Kaniyang pamamahala (Genesis 3:1-5). Inudyukan din ni Satanas si Cain na patayin si Abel bilang pagsalungat sa Diyos ( I Juan 3:10-12). Maaari mong pagaralan ang bawat salakay ni Satanas na natala sa Kasulatan at masusumpungan mo na ang ang mga ito, sa totoo lang, ay pagsalakay sa Diyos mismo at sa Kaniyang likas at mga gawain.
Si Satanas ay harapang sumasalungat sa Diyos sa lahat ng mga gawain at kaurian nito. Halimbawa, ang Diyos ay pagibig, samantalang si Satanas naman ay may poot at nagtataguyod ng kapootan ( I Juan 3:7-15). Ang Diyos ay buhay at lumilikha ng buhay at si Satanas naman ay nagtataguyod ng kamatayan at kasiraan ( Hebreo 2:14).
Hindi lamang ang Diyos at ang Kaniyang kaurian ang nilalabanan ni Satanas, kundi gayon din ang Kaniyang mga programa. Itinatanggi niya na may Diyos ( Awit 14:1-3), nagtataguyod ng kasinungalingan ( Efeso 2:2; II Tesalonica 2:8-11); at siyang nasa likuran ng mga hidwang pananampalataya, mga pamamaraan ng mga mangkukulam, mga kulto at ang mga maling doktrina at gawain ng mga ito. Ang hidwang sistema ni Satanas ang pinagmumulan ng mga bulaang guro, propeta at mga “cristo.” Pagaaralan mo pa ang tungkol sa mga bagay na ito sa paksang, “Mga Espiritu Ng Kasamaan Sa Mga Dakong Kaitaasan.”
Maaabot ni Satanas ang kasukdulan ng kaniyang paghihimagsik laban sa Diyos at ng mga plano nito sa panahon ng “Huling Pagtutuos” na tinatalakay sa huling kabanata ng kursong ito. Sa kabila ng mga masasamang estratehiyang ito, si Satanas at ang kaniyang mga kampon na mga demonyo ay hindi banta sa Makapangyarihang Diyos.
ANG KAAWAY AT ANG MGA BANSA
Si Satanas ay tinawag na “diyos ng sanglibutang ito” na kinabibilangan ng mga hindi mananampalataya at mga demonyo ( II Corinto 4:4). Inialok niya ang mga bansa kay Jesus sa kaniyang pagtukso dito, at hindi naman itinanggi ni Jesus ang kakayahan nitong magalok. Ang Kaniyang tinanggihan ay ang paglaban sa Kaniyang Ama kung papayag Siya sa paraan ni Satanas upang makapamahala Siya rito ( Mateo 4:8-10).
Ginagamit ni Satanas ang kaniyang mga demonyo upang impluwensyahan at dayain ang mga bansa, hinihila ang mga pinuno at ang mga tao na malayo sa Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit may mga malulupit na mga diktador at mga likong sistema ng politika sa maraming mga bansa. Ito rin ang dahilan ng mga digmaan at pagkakabahabahagi ng mga bansa.
Lalong maimpluwensya si Satanas sa mga namumuno sa mga bansa na labanan ang Iglesia at ang piniling bayan ng Diyos, ang Israel. Gumagawa rin siya sa mga pamahalaan upang pigilan ang paglaganap ng ebanghelyo.
Sa panahon ng dakilang kapighatian, si Satanas mismo ang siyang mangunguna, sa pamamagitan ng Anticristo sa mga gawain ng isang grupo na binubuo ng sampung mga bansa. Pagkatapos ng pagbabalik ni Cristo sa lupa, si Satanas ay igagapos sa loob ng isang libong taon (Apocalipsis 20:3). Pagkakawala niya, kaniyang dadayain ang mga bansa sa huling pagkakataon upang tipunin ang mga ito laban sa Jerusalem at sa Diyos ( Apocalipsis 20:7-10). Sa wakas, bawat kaharian sa lupa at ang kaharian ni Satanas ay magiging Kaharian ng ating Panginoon at Tagpagligtas na si JesuCristo.
ANG KAAWAY AT ANG MGA DI MANANAMPALATAYA
Ang kaaway ay may makapangyarihang estratehiya na ginagamit laban sa mga di mananampalataya. Binibihag niya ang kanilang mga kaisipan sa ebangehelyo (II Corinto 4:3-4) at inaagaw ang katotohanan ng ebanghelyo pagka ito ay kanilang narinig upang walang pagtugon na mangyari ( Lucas 8:12). Ang dulot nito ay, ang ebanghelyo ay waring kamangmangan at walang kabuluhan para doon sa mga naliligaw dahil sa kasalanan ( I Corinto 1:18).
Sinisilo ni Satanas ang maraming mga di mananampalataya sa hidwang pananampalataya ( I Timoteo 4:1-3) at inaakay sila na lumakad ayon sa “takbo ng sanglibutang ito” na siyang pilosopiya ng kasalukuyang panahon. Ang pilosopiyang iyan ay maaaring may pagkakaiba sa bawat lahi at kultura, subalit laging naka sentro sa nilalang sa halip na sa Diyos na lumalang. Patuloy na inihahasik ni Satanas ang binhi ng paghihimagsik (kasalanan) sa mga puso at isipan ng mga di mananampalataya.
Ang isa sa mga layunin ng Espiritu Santo ay makibaka laban kay Satanas para sa mga kaluluwa ng mga di mananampalataya. Ang Espiritu Santo ay gumagawa upang sumbatan ang mga lalake at babae sa kanilang makasalanang paghihimagsik laban sa Diyos ( Juan 16: 7-11)
ANG KAAWAY AT ANG MGA MANANAMPALATAYA
Pagka tinanggap mo na si JesuCristo bilang Tagapagligtas, hindi nangangahulugan ito na tapos na ang laban! Nagwagi ka na ng isang malaking pakikipagtuos kung ikaw ay maligtas, nguni’t sa katunayan, ang higit na matinding pakikilaban ay nagpapasimula pa lamang.
Matututuhan mo ang mga tiyak na mga estratehiya ni Satanas sa pagpaptuloy mo ng pagaaral ng kursong ito at ikaw ay magkakaroon ng mga espirituwal na kasangkapan, at pakikilusin upang pasukin ang teritoryo ng kaaway. Subalit ang buod ng lahat ng mga pagsalakay na ito ay maaaring hatiin sa apat na tampok na laranagan. Sa buhay ng mga mananampalataya, si Satanas ay sumasalakay sa:
SALITA NG DIYOS:
Magdudulot sa iyo si Satanas ng pagaalinlangan sa Salita ng Diyos at dadagdagan ito, babawasan, o babaluktutin ang mga Kasulatan. Tandaan mo na ito ang nangyari sa kaunaunahang tukso kay Eba. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong pagaralan at unawaing mabuti ang Salita ng Diyos upang ikaw ay hindi madaya ng mga pagsalakay na ito.
IYONG PAGSAMBA SA
DIYOS:
Ang orihinal na paghihimgasik ni Satanas ay ang pagnanasa niya na siya ay sambahin, kaya naman tangi niyang tinutudla ang pagsamba ng mga mananampalataya. Sisikapin niyang ikaw ay pigilin na makasamba o kaya ay akayin ka sa hidwa o makalaman na pagsamba.
IYONG PAGLAKAD NA
KASAMA NG DIYOS:
Sinasalakay ni Satanas ang iyong personal na paglakad na kasama ng Diyos. Ikaw ay pagbibintangan at sisiraan, tutuksuhin na masangkot sa mga gawa ng laman, at umasa sa iyong sariling karunungan at lakas. Kung matalo ka ni Satanas sa larangang ito ng iyong paglakad na kasama ng Diyos, magiging madali na para sa kaniya na talunin ka sa susunod na larangan. Ito ay…
ANG IYONG GAWAIN PARA SA DIYOS:
Sinasalakay din ni Satanas ang iyong gawain para sa Diyos. Sisikapin niyang pigilan ka upang hindi mo matupad ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng paguusig, sakuna, kasiraan ng loob, kakulangan sa pananalangin, at maligalig ka sa mga intindihin ng sanglibutan. Sinisikap din ni Satanas na sirain ang iyong gawain para sa Diyos sa pamamagitan ng paglusot sa iglesia ng mga bulaang mga guro at alagad (II Corinto 11:13-15; II Pedro 2:1-19; Mateo 13:38-39).
Habang ang Diyos ay naghahasik ng mabuting binhi sa iyong paglilingkod, ang kaaway naman ay naghahasik ng panirang damo at ito ay ang mga “anak ng masama.” Itinataguyod ni Satanas ang pagkakabahabahagi sa Katawan ni Cristo upang sirain ang gawain ng Panginoon at ang Kaniyang mga layunin sa iyong buhay at ministeryo.
KAYAANO ANG MAGAGAWA MO?
Tiyak na ang mga estratehiya ni Satanas ay ibat iba at makapangyarihan sa kaniyang paglaban sa Diyos, sa mga bansa, sa mga di mananampalataya, at sa mga mananampalataya.
Sa iyong pagaaral sa nakaraang apat na aralin tungkol sa kaaway, mga espirituwal na mga pwersa ng kasamaan, teritoryo ng kaaway, at estratehiya, maaaring ikaw ay parang lula sa pagkakataong ito. Subalit tulad ng iyong matututuhan sa susunod na kabanata, ang Diyos ay may “plano ng pakikibaka” na higit na dakila at makapangyarihan kaysa anomang panukala ng kaaway.
Ikaw ngayon ay handa na upang pagaralan ang planong ito at gayon din masangkapan ka ng mga espirituwal na mga kasangkapan upang kumilos para sa pakikibaka.
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Ibigay ang buod ng estratehiya ni Satanas kaugnay sa Diyos.
3. Ibigay ang buod ng estratehiya ng kaaway kaugnay ng mga bansa.
4. Ibigay ang buod ng estratehiya ng kaaway kaugnay ng mga di mananampalataya.
5. Ibigay ang buod ng estratehiya ng kaaway kaugnay ng mga mananampalataya.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Suriin mo ang bansa kung saan ka nakatira. Ano ang nakikita mong mga estratehiya ng kaaway na umiiral sa iyong bansa?
2. Suriin mo ang mga di mananampalataya na iyong ipinapanalangin. Binulag ba ng kaaway ang kanilang mga mata sa ebanghelyo? Inaagaw ba niya ang mensahe ng ebanghelyo na ibinabahagi sa kanila? Sila ba ay nado-doktrinahan ng hidwang pananampalataya? Sila ba ay nabubuhay ayon sa “takbo ng sanglibutang ito” at ng estilo ng buhay nito? Gawin mong kabahagi ito ng iyong pananalangin.
3. Pansinin ang mga apat na bintang ni Satanas:
. Pinagbintangan niya ang Diyos sa harap ng mananampalataya: Genesis 3:1-5.
. Pinagbintangan niya ang mananampalataya sa harap ng Diyos: Job 1-2;
Apocalipsis 12:9-10.
. Pinagbintangan niya ang mananampalataya sa sarili nitong budhi: Jeremias 31:34;
Roma 8:33-39.
. Pinagbintangan niya ang mananampalataya sa ibang mananampalataya: Mateo 16:13-23;
Roma 8:33-39.
4. Isipin mo ang iyong sariling buhay. Sa mga puwang na nasa ibaba, suriin kung paanong si Satanas ay sumalakay sa iyo kaugnay ng Salita ng Diyos, iyong pagsamba, paglakad na kasama ng Diyos, o ang gawain para sa Diyos:
Salita ng Diyos:
Pagsamba sa Diyos:
Paglakad na Kasama ng Diyos:
Gawain para Diyos:
Sa mga sumusunod na mga aralin matututuhan mo ang mga tiyak na kontra estratehiya para sa pagwawagi sa mga labanan sa bawat isang larangan.
IKASIYAM NA KABANATA
ANG PLANO NG PAKIKIBAKA NG DIYOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin ang layunin ng Diyos.
. Tukuyin ang layunin kung bakit si Jesus ay naparito sa lupa.
. Ipaliwanag ang anim na punto sa plano ng pakikibaka.
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Ang gumagawa ng kasalanan ay sa
diablo; sapagka’t buhat pa nang pasimula
ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay
na ito’y nahayag ang Anak ng Diyos, upang
iwasak ang mga gawa ng diablo. ( I Juan 3:8)
PAMBUNGAD
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng saligang plano ng pakikilaban sa pakikibakang espirituwal. Ito ay isang estratehiyang nakasalalay sa pagkaunawa ng layunin ng ating pakikibaka at nasalig sa pakikiugnay sa ating Punong Kumander sa pamamagitan ng panalangin, pagaayuno at ang nasulat na Salita ng Diyos.
Pagka hindi mo nauunawaan ang layunin at plano ng Diyos, malamang ay matukso ka na manghina sa mga pakikipagtuos sa buhay. Ito ang dahilan kung bakit maraming mga kawal Cristiano ang nabibigo sa labanan. Hindi nila nauunawaan ang dahilan ng Diyos sa likod ng labanan.
… Kung ang kanilang
panukala o pagpupunyaging ito’y mula sa tao, ito’y
mabibigo. Nguni’t kung mula sa Diyos, hindi
ninyo ito masasansala at lilitaw
pang lumalaban kayo sa Diyos…( Gawa 5:38-39 MBB)
ANG LAYUNIN NG PAKIKIBAKA
Sa simula pa man ng panahon, ang lahat ng labanan na naganap ay laging may layunin kung bakit ito ginanap. Bago natin suriin ang plano ng Diyos sa pakikilaban, mahalaga na ating maunawaan ang layunin sa pakikibakang espirituwal. Kabilang dito ang pagkaunawa ng mga layunin ng Diyos Ama at ni JesuCristo, ang Anak.
ANG LAYUNIN NG
DIYOS:
Layunin ng Diyos na…
…sa kaganapan ng
panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang
mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang
mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa… (
Efeso 1:10)
Sa simula pa lamang, nilabanan na ni Satanas ang katuparan ng mga layuning ito. Ang iyong sariling pakikibaka sa larangang espirituwal ay kaugnay ng layuning ito ng Diyos. Nilalabanan ka ni Satanas upang mapailalim sa kaniya ang iyong puso, isip, espiritu, at kaluluwa sa halip na sa Panginoong JesuCristo.
Ang Diyos ay gumagawa sa iyo upang matupad ang Kaniyang layunin:
Sapagka’t ang Diyos
ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa,
ayon sa Kaniyang
mabuting kalooban. ( Filipos 2:13)
Ang Diyos ay gumagawa rin sa pamamagitan ng iyong buhay upang matupad ang Kaniyang mga layunin:
At huwag din naman ninyong ihandog ang
inyong mga sangkap sa kasalanan
na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi
ihandog ninyo ang inyong sarili
sa Diyos, na tulad sa nangabuhay sa mga
patay, at ang inyong mga sangkap na
pinaka kasangkapan ng katuwiran ng Diyos. ( Roma 6:13)
Sa sandaling ihandog mo ang iyong sarili na “pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Diyos,” ang ibig sabihin nito ay inilalaan mo ang iyong buhay at ministeryo na malinya sa mga layunin at plano ng Diyos. Sa paggawa mo nito, ikaw ay nagiging target ng kaaway ng Diyos, si Satanas.
ANG LAYUNIN NI
JESUS:
Sinabi ni Jesus:
Ang gumagawa ng kasalanan ay sa
diablo; sapagka’t buhat pa nang pasimula
ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay
na ito’y nahayag ang Anak ng Diyos, upang
iwasak ang mga gawa ng diablo. ( I Juan 3:8)
Ang dahilan ng pagkaparito ni Jesus sa lupa ay upang wasakin ang mga gawa ni Satanas. Kaagad, nalalagay Siyang kaaway ni Satanas:
Hindi pumaparito ang
magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay,
at pumuksa: Ako’y naparito upang sila’y
magkaroon ng buhay, at magkaroon ng
kasaganaan nito. ( Juan 10:10)
Sa pasimula ng ministeryo ni Jesus sa lupa, handa Siyang wasakin ang mga gawa ni Satanas:
- Inihayag Niya ang pagkabihag ng kasalanan ( Juan 8:34).
- Nagpatawad Siya ng mga kasalanan ( Mateo 9:1-8; Marcos 2:1-12, 17; Lucas 4:17-32).
- Binigyang diin Niya ang kalagayan ng puso sa halip na ang mapandayang panglabas na kaanyuan ( Mateo 15:16-20; Marcos 7:20-23; Lucas 6:45; 11:39).
- Nagpagaling Siya ng mga maysakit ( Mateo 11:5).
- Binuhay Niya ang mga patay ( Marcos 5:35-43; Lucas 8:49-56; Juan 11).
- Pinalaya Niya ang mga tao mula sa kapangyarihan ng mga demonyo ( Mateo 8:16).
Ang buod nito ay, winasak ni Jesus ang mga gawa ni Satanas sa puso, kaluluwa, isip, at katawan ng mga lalake at babae:
Ang mga bulag ay
nangakakakita, ang mga pilay ay nangakalalakad, ang
ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi
ay nangakakarinig, at ang mga patay
ay ibinabangon, at sa mga dukha ay
ipinangangaral ang mabuting balita.
( Mateo 11:5)
Hindi lamang winasak ni Jesus ang mga gawa ni Satanas, Kaniya ring ibinunyag ang mga mapanlinlang na mga estratehiya ng kaaway:
- Itinuro Niya na ang mga pandaraya ni Satanas ay madaragdagan pa sa mga huling panahon dito sa lupa (Mateo 24-25; Marcos 13; Lucas 17:22-37; 21:8-36).
- Nagbabala Siya tungkol kay Satanas na maaaring ipahamak nito ang kaluluwa (Mateo 10:28).
- Binanggit Niya ang pangangailangan na gapusin ang malakas na tao (si Satanas) bago tipunin ang mga naiwan niya (Mateo 12:26-30; Marcos 3:23-27; Lucas 11:17-24).
- Inihayag Niya kung paanong ang Salita ng Diyos ay pinipigilan ni Satanas upang mawalan ito ng bisa sa puso ng mga lalake at babae ( Mateo 13:38; Marcos 4:15; Lucas 8:12).
- Ibinunyag Niya na yaong mga hindi pa nakikipagkasundo sa Diyos ay sa kanilang “amang diablo” ( Juan 8: 44-47)
- Inihayag Niya si Satanas bilang “prinsipe ng sanglibutang ito” ( Juan 14:30).
ANG DAKILANG PAGHAHATI
Bagamat si Jesus ay naparito upang dalhin ang kapayapaan ng Diyos ( Juan 14:27; Filipos 4:7), at kapayapaan sa Diyos (Roma 5:1), ang Kaniyang pagparito ay nagdala rin ng pagkakahati:
Huwag ninyong isiping Ako’y naparito upang magdala ng kapayaapaan sa lupa: hindi Ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.
Sapagka’t Ako’y
naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama,
at ang anak na babae laban sa kaniyang ina,
at ang manugang na babae laban
sa kaniyang biyanang babae. (Mateo 10:34-36)
Hinati ni Jesus ang lahat ng tao sa dalawang naglalabang kampo. Hindi maaring nasa gitna:
Sinoma’y hindi
makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka’t kapopootan
niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya’y magtatapat
siya sa isa, at pawawalang
halaga ang ikalawa. Hindi kayo
makapaglilingkod sa Diyos at sa mga kayamanan.
(Mateo 6:24)
Ang hindi sumasa akin
ay laban sa Akin… (Lucas 11:23)
Binanggit ni Jesus ang tungkol sa paghahating ito sa isang kasaysayan tungkol sa dalawang daanan, isa na makitid at isa na maluwang. Nagbabala Siya tungkol sa pandaraya ni Satanas tungkol sa maluwang na daan na marami ang doon ay dumaan (Mateo 7:13-14). Sa pamamagitan ng kasaysayan tungkol sa lalaking mayaman at si Lazaro ( Lucas 16:19-31), hinawi ni Jesus ang tabing sa pagitan ng buhay at kamatayan. Ipinakita Niya ang wakas noong mga pumili ng maling daan.
Sapagkat winasak Niya at ibinunyag ang mga gawa ni Satanas, si Jesus ay laging inaatake ni Satanas sa boong buhay Niya sa lupa. Sinikap ng kaaway na Siya naman ang wasakin o pigilan sa pagtupad Niya ng misyon ng Kaniyang pagparito. Sa pagsilang pa lamang Niya, may tangka agad sa buhay Niya. Sa panahon ng Kaniyang ministeryo sa mga tao, mayroon nang ilang masasamang balak sa Kaniyang buhay at isang balak na naunsiyami. Hinarap Niya ang paglaban ng mga kapangyarihan ng mga demonyo, mga lider ng relihiyon, kahit ang Kaniya mismong mga alagad, at si Satanas.
Sa sandaling ikaw ay sumanib sa mga plano at layunin ni Jesus sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kaniya bilang iyong Tagapagligtas, ikaw ay nagiging kabahagi sa hukbo na nakikibaka kay Satanas. Ang mga layunin ni Jesus ay nagiging mga layunin mo rin at nalalagay ang iyong sarili sa kampong laban kay Satanas.
ANG PLANO NG PAKIKILABAN
Maraming ibat ibang mga etratehiya sa Kasulatan na maaaring gamitin sa pakikibakang espirituwal, subalit ang batayang plano ng pakikilaban para sa mga mananampalataya ay nahayag sa pamamagitan ng pagmamasid kung paanong hinarap ni Jesus ang kaaway. Ang saligang plano ng pakikilaban para sa pakikibakang espirituwal ay nakasalig sa anim ng mga punto. Ang mga ito ay:
- Ang Salita ng Diyos
- Ang Iginawad na Kapangyarihan at Kapamahalaan
- Panalangin
- Pagaayuno
- Mga Susi Ng Kaharian
- Ang Pangalan Ni Jesus
ANG SALITA NG DIYOS
Ang isang paghaharap ni Jesus at ni Satanas ay noong tanging panahon ng pagtukso ng kaaway. Sa engkwentrong ito, isa sa mga tampok na bahagi ng ating espirituwal na plano ng pakikilaban ay nahayag. Bago magpatuloy sa araling ito, basahin ang salaysay ng panunuksong ito na natala sa Mateo 4:1-11, Marcos 1:12-13, at Lucas 4:1-13.
Una, sinikap ni Satanas na gawing tinapay ni Jesus ang bato. Madali lamang sa kapangyarihan ni Jesus na gawing tinapay ang bato, di nga nagtagal at ang tubig ay ginawa Niyang maging alak. Subalit kung bumigay Siya kay Satanas ito ay mistulang pagkilos na hiwalay sa ama at paggamit ng Kaniyang kapangyarihan para sa sariling pakinabang.
Sumunod, sinubok naman ni Satanas si Jesus para tumalon mula sa ituktok ng templo. Pansinin ang sinabi ni Satanas, “Magpatihulog Ka.” Hindi Siya kayang ihulog ni Satanas, sapagkat ang kaniyang kapangyarihan ay may hangganan. Maaari kang udyukan ni Satanas na magkasala, subalit hindi ka niya maihuhulog.Tulad ng iyong natutuhan, bawat tao ay natutukso kung siya ay hinihila ng kaniyang sariling pita. Ang tao ay hindi napipilit, siya’y hinahalina. Sa pagtuksong ito, ginamit ni Satanas ang Salita ng Diyos, subalit hindi ito naaangkop (Mateo 4:6). Ang paggamit ni Satanas ng Salita ng Diyos nang hindi naman angkop ay isa sa kaniyang mga estratehiya.
Sa unang dalawang panunukso, sinabi ni Satanas, “Kung Ikaw ang Anak ng Diyos,” gawin mo ang mga bagay na ito. Kung si Jesus ay nagpaunlak, ito ay pag-amin na ang katibayan ng Kaniyang pagiging Anak ng Diyos ay di sapat. Ang Diyos Ama ay nagsalita na mula sa langit at pinagtibay ang pagiging Anak ni Jesus (Mateo 3:17). Laging sinasalakay ni Satanas ang iyong kaugnayan sa Diyos. Ang panghuling tukso ay panawagan ni Satanas na siya ay sambahin. Bilang kapalit, ipagkakaloob ni Satanas kay Jesus ang lahat ng mga kaharian ng sanglibutan.
Sa tatlong mga pangyayaring ito ng panunukso , makikita mo ang mga pwersa ng kasamaan, ang sanglibutan, ang laman, at ang Diablo na nakilaban kay Jesus. Hinarap ni Jesus ang mga tukso ni Satanas sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ang Biblia ay isang napakahalagang kasangkapang espirituwal at bahagi ng kasootan ng Diyos na iyong pagaaralan di na magtatagal. Ito ay tinawag na “ang tabak ng Espiritu.” Ang Biblia lamang ang bukod tanging kinasihan ng Diyos na manwal ng pakikibakang espirituwal. Ang ibang mga aklat ay makatutulong lamang kung ang mga ito ay nakikiisa sa Salita ng Diyos.
Sa pagharap sa mga panunukso ni Satanas, ginamit ni Jesus ang Salita ng Diyos. Binanggit ni Jesus ang mga tiyak na Kasulatang angkop sa kaharap Niyang laban. Hindi Niya ginamit ang pagkakahanay ng kasaysayan sa Lumang Tipan. Sinabi ni Jesus, “Nasusulat di naman…” Pagka gumamit ka ng tiyak na Kasulatan, tiyakin mo na ito ay pinagtitibay ng ibang bahagi ng Salita ng Diyos. Kailangang ang mga ito ay matanaw sa kanilang konteksto at iangkop na may pakikiisa sa buong nahayag na Salita ng Diyos.
Upang magamit nang mabisa ang Salita ng Diyos sa pakikibakang espirituwal, kailangang alam mo ang Salita ng Diyos. Kailangan mong pagaralan, pagbulayan, at memoryahin ito. Maraming pagkatalo sa buhay ay dumarating sapagkat hindi natin alam ang Salita ng Diyos:
Nguni’t sumagot si
Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa
hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng
kapangyarihan man ng Diyos.
( Mateo 22:29)
Ang Salita ng Diyos ang ating manwal para sa pakikibaka at ito ang naghahayag ng plano ng Diyos sa pakikilaban.
ANG IGINAWAD NA KAPANGYARIHAN AT KAPAMAHALAAN
Ang pangalawang bahagi ng plano ng pakikilaban ay nakasalig sa kapangyarihan at kapamahalaan na iginawad ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod:
At tinipon Niya ang labingdalawa, at
binigyan sila ng kapangyarihan
at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at
upang magpagaling ng mga
sakit.
( Lucas 9:1)
Ang kapamahalaan at kapangyarihan ay may pagkakaiba. Tingnan halimbawa ang isang pulis. Mayroon siyang uniporme at tsapa na siyang sagisag ng kaniyang awtoridad. Ang kaniyang kapamahalaan ay dahil sa pwestong ibinigay sa kaniya ng pamahalaan. Ngunit dahil sa hindi lahat ng mga tao ay kinikilala ang kaniyang kapamahalaan, ang pulis ay may dalang sandata. Ang sandata ang kaniyang kapangyarihan.
Ang iyong awtoridad laban sa kaaway ay galing kay JesuCristo at sa iyong kalagayan sa Kaniya bilang mga mananampalataya. Ang iyo namang kapangyarihan laban sa kaaway ay galing sa Espiritu Santo:
At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako
ng Aking Ama, datapuwa’t
magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y
masangkapan ng kapangyarihang
galing sa itaas. ( Lucas 24:49)
Tulad noong pulis, kailangan mo ang kapamahalaan at kapangyarihan upang maging mabisa. Ang mga mananampalataya ay tumatanggap ng kapamahalaan sa pamamagitan ng kapanganakang muli at sa kanilang kaugnayan kay Cristo, subalit ang iba ay di nagpapatuloy upang matanggap ang kapangyarihan ng Espiritu Santo, na dapat kasanib ng kapamahalaan upang maging mabisa sa pakikibaka.
Ang kapangyarihang ibinigay ni Jesus ay kapangyarihang nakatuon sa mga tiyak na mga layunin. Kabilang dito ang:
KAPANGYARIHAN LABAN SA KAAWAY:
At tinipon Niya ang
labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan
at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at
upang magpagaling ng mga
sakit.
( Lucas 9:1)
KAPANGYARIHAN LABAN SA KASALANAN:
At nang masabi Niya
ito, sila’y hiningahan Niya, at sa kanila’y sinabi,
tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
Sinomang inyong
patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatawad sa kanila;
sinomang hindi ninyo patawarin ng mga
kasalanan, ay hindi pinatatawad
(Juan 20:22-23)
KAPANGYARIHAN UPANG MAPALAGANAP ANG EBANGHELYO:
Datapuwa’t tatangapin
ninyo ang kapangyarihan pagdating sa inyo ng Espiritu
Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa
Jerusalem, at sa buong Judea
at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa. ( Gawa 1:8)
PANALANGIN
Ang panalangin ang pangatlong bahagi ng batayang plano ng pakikilaban. Narito ang isang balangkas na makatutulong sa iyo sa pagaaral tungkol sa panalangin:
ANG KAHULUGAN NG PANALANGIN:
Ang panalangin ay pakikiugnay sa Diyos. May ibat ibang wangis ito, subalit ang batayan ay ang tao ay nakikipagusap sa Diyos at ang Diyos ay nakikipagusap sa tao. Inilarawan ang panalangin bilang:
Pagtawag sa Pangalan ng Panginoon: Genesis 12:8
Tumangis sa Diyos: Awit 27:7; 34:6
Lumapit sa Diyos: Awit 73:28; Hebreo 10:22
Tumingala: Awit 5:3
Itaas ang kaluluwa: Awit 25:1
Itaas ang puso: Panaghoy 3:41
Ilagak ang puso: Awit 62:8
Ilagak ang kaluluwa: I Samuel 1:15
Nanangis sa langit: II Cronica 32:20
Namamanhik sa Panginoon: Exodo 32:11
Hinahanap ang Diyos: Job 8:5
Hinahanap ang mukha ng Panginoon: Awit 27:8
Gumagawa ng pamamanhik: Job 8:5; jeremias 36:7
ANG BUHAY NG PANANALNGIN NI JESUS:
Ang panalangin ay isang mahalagang estratehiya ni Jesus:
Ginawa ni Jesus na pangunahin ang panalangin:
- Nanalangin Siya kahit anong oras araw man o gabi: Lucas 6:12-13
- Ang panalangin ay inuna kaysa sa pagkain: Juan 4:31-32
- Ang panalangin ay inuna kaysa sa ibang gawain: Juan 4:31-32
Ang panalangin ay kaugnay ng anomang mahalagang kaganapan:
- Sa Kaniyang bautismo: Lucas 3:21-22
- Sa panahon ng unang paglalakbay sa ministeryo: Marcos 1:35; Lucas 5:16
- Bago piliin ang mga alagad: Lucas 6:12-13
- Bago at pagkatapos pakanin ang 5,000 tao: Mateo 14:19,23; Marcos 6:41,46; Juan 6:11, 14-15
- Noong pakanin ang 4,000 tao: Mateo 15:36; Marcos 8:6,7
- Bago ang pagpapahayag ni Pedro: Lucas 9:18
- Bago ang pagbabagong anyo: Lucas 9:28,29
- Sa pagbabalik ng pitumpu: Mateo 11:25; Lucas 10:21
- Sa libingan ni Lazaro: Juan 11:41-42
- Sa pagpapala sa mga bata: Mateo 19:13
- Noong dumating ang ilang mga Griego: Juan 12:27-28
- Bago dumating ang pinakamatindi Niyang paghihirap: Mateo 26:26-27; Marcos 14:22-23;
Lucas 22:17-19
- Para kay Pedro: Lucas 22:32
- Para sa pagbibigay ng Espiritu Santo: Juan 14:1-6
- Sa daan tungo sa Emmaus: Lucas 24:30-31
- Bago ang Kaniyang pagakyat sa langit: Lucas 24:50-53
- Para sa Kaniyang mga alagad: Juan 17
- Ang panalanging itinuro ni Jesus ay natala sa Mateo 6:9-13.
MGA URI NG PANALANGIN:
Nanawagan si Pablo sa mga mananampalataya na manalangin palagi ng “lahat ng panalangin”
( Efeso 6:18). Ang isa pang salin nito ay “manalangin ng lahat ng uri ng panalangin.” Ito ay tumutukoy sa ibat ibang mga antas at uri ng panalangin.
MGA ANTAS NG PANALANGIN:
May tatlong antas ng masidhing pananalangin: Paghingi, paghanap, pagkatok:
Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan;
magsihanap kayo, at kayo’y manga-
kasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y
bubuksan:
Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay
tumatanggap; at ang humahanap ay
nakasusumpong; at ang tumutuktok ay
binubuksan. ( Mateo 7:7-8)
Ang paghingi ang unang antas ng panalangin. Ito ay ang simpleng paghahain ng isang kahilingan sa Diyos at pagtanggap ng agad na sagot. Upang tumanggap, ang kondisyon ay humingi:
… kayo’y wala, sapagka’t
hindi kayo nagsisihingi. ( Santiago 4:2)
Nasa atin ang makapangyarihang kasangkapan ng panalangin, gayon man di marami ang gumagamit nito. Hindi sila humihingi, kaya di sila tumatanggap.
Ang paghanap ay lalong malalim na antas ng panalangin. Ito ang antas ng panalangin na kung saan ang mga sagot ay di kaagad tulad ng sa antas ng panghingi. Ang 120 na nagtipon sa silid sa itaas na doon sila ay “nagpatuloy sa pananalangin” ay isang halimbawa ng paghanap. Ang mga lalake at babaeng ito ay humanap ng katuparan sa pangako ng Espiritu Santo at nagpatuloy na “humahanap” hanggang sa dumating ang sagot. (Gawa 2:1)
Ang pagkatok ay lalo pang malalim na antas. Ito ay panalangin na matiyaga kahit matagal dumating ang sagot. Ito ay inilarawan ng talinhaga na isinaysay ni Jesus sa Lucas 11:5-10. Ang pagkatok ang pinaka masidhing antas ng panalangin sa pakikibakang espirituwal. Ito ay inilarawan din sa pamamagitan ng katiyagaan ni Daniel sa pagkatok sa kabila ng katotohanang wala siyang makitang resulta sa pagpigil ni Satanas sa katugunan ng Diyos. (Daniel 10)
MGA URI NG PANALANGIN:
May ibat ibang uri ng panalangin na inilarawan sa modelong panalangin na ibinigay ng Panginoon (Mateo 6:9-13). Kabilang sa mga uri ng panalangin ang:
1. Pagsamba at pagpupuri:
Ikaw ay pumapasok sa presensya ng Diyos na may pagsamba at pagpupuri:
Magsipasok kayo sa Kaniyang mga pintuang
daan na may pagpapasalamat,
at sa Kaniyang looban
na may pagpupuri: Mangagpasalamat kayo sa Kaniya,
at purihin ninyo ang Kaniyang
pangalan. ( Awit 100:4)
Ang pagsamba ay pagbibigay ng parangal at pagmamahal. Ang papuri ay pagpapasalamat at isang kapahayagan ng pagpapahalaga di lamang sa ginawa ng Diyos kundi kung sino Siya. Dapat mong sambahin ang Diyos sa espiritu at katotohanan:
Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon
nga, na sasambahin ng mga tunay
na mananamba ang Ama sa espiritu at
katotohanan: sapagka’t hinahanap ng
Ama ang mga gayon na maging mananamba sa
Kaniya.
Ang Diyos ay Espiritu;
at ang mga sa Kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang
magsisamba sa espiritu at katotohanan. ( Juan 4:23-24)
Ang pagpupuri at pagsamba ay maaaring may kasamang:
Pagaawitan: Awit 9:2, 11; 40:3; Marcos 14:26
Papuring naririnig: Awit 103:1
Pagsigaw: Awit 47:1
Pagtataas ng mga kamay: Awit 63:4; 134:2; I Timothy 2:8
Pagpalakpak: Awit 47:1
Mga instrumentong pang musika: Awit 150:3-5
Pagtayo: II Cronica 20:19
Pagyuko: Awit 95:6
Pagsayaw: Awit 149:3
Pagluhod: Awit 95:6
Paghiga: Awit 149:5
Ang mangdirigma ng Diyos sa larangang espirituwal ay ipinakita na may…
Malagay nawa sa kanilang bibig ang
pinakamataas na pagpuri sa Diyos, At
tabak na may dalawang talim sa kanilang
kamay. (Awit 149:6)
2. Pagtatalaga:
Ito ang panalangin na nagtatalaga ng iyong buhay at kalooban sa Diyos. Kabilang dito ang panalangin ng paghahandog at paglalaan.
3. Paghiling:
Ang mga panalangin ng paghiling pamamanhik. Ang mga kahilingan ay ginagawa ayon sa kalooban ng Diyos na nahayag sa Kaniyang mga Salita. Ang paghiling ay maaaring na sa antas ng paghingi, paghanap, o pagkatok. Ang pagsamo ay isa pang ginagamit na salita para sa uring ito ng panalangin. Ang ibig sabihin ng salitang pagsamo ay, “pamamanhik sa Diyos o kaya ay matinding panawagan sa Kaniya para sa isang pangangailangan.”
4. Pagpapahayag at pagsisisi:
Ang panalangin ng pagpapahayag ay pagsisisi at paghingi ng kapatawaran para sa kasalanan:
Kung ipinahahayag
natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya
na tayo’y patatawarin sa ating mga
kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat
ng kalikuan. ( I Juan 1:9)
5. Pamamagitan sa Panalangin:
Ang panalangin ng pamamagitan ay pananalangin para sa iba. Ang isang intercessor ay yaong dumadalangin para sa pangangailangan ng iba. Sinabi ng Biblia na minsan ang Diyos ay naghanap sa lupa at walang nakitang tagapamagitan:
At Kaniyang nakita na
walang tao, at namangha na walang tagapamagitan:
kaya’t ang Kaniyang sariling bisig ay
nagdala ng kaligtasan sa Kaniya;
at ang Kaniyang katuwiran ay umalalay sa
Kaniya. ( Isaias 59:16)
Nang makita ng Diyos na walang tagapamagitan, tinagpo Niya ang pangangailangang ito. Sinugo Niya si Jesus:
Sapagka’t may isang
Diyos at may isang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao,
ang taong si Cristo Jesus. ( I Timoteo 2:5)
…Si Cristo Jesus na
namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay
na Siyang nasa kanan ng Diyos, na Siyang
namamagitan dahil sa atin.
(Roma 8:34)
Dahil dito naman
Siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Diyos
sa pamamagitan Niya, palibhasa’y laging nabubuhay
Siya upang mamagitan
sa kanila.
( Hebreo 7:25)
Mumunti kong mga anak,
ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo
upang kayo’y huwag mangagkasala. At kung
ang sinoman ay magkasala, ay
may Tagapamagitan tayo sa Ama, si
JesuCristo ang matuwid. ( I Juan 2:1)
Ang isang tagapamagitan sa isang hukuman ay isang tagapagtanggol na tumatayo para sa usapin ng iba. Ang panalangin ng pamamagitan sa pakikibakang espirituwal ay pananalangin sa Diyos para sa ibang tao. Minsan, ang panalangin ng pamamagitan ay sa iyong sariling wika:
Una-una nga sa lahat
ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin,
mamagitan, at magpasalamat ng patungkol sa
lahat ng mga tao.
Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas
na kalagayan; upang tayo’y
mangabuhay na tahimik at payapa sa buong
kabanalan at kahusayan.
(I Timoteo 2:1-2)
Sa ibang pagkakataon, ang pamamagitan ay ginagawa ng Espiritu Santo. Maaaring sa pamamagitan ng mga hibik na nagmumula sa isang mabigat na pasaning espirituwal. Ito ay maaaring maganap sa ibang wika na hindi mo pinagaralan. Maaaring ito ay pamamagitan para sa iba o ang Espiritu Santo ay namamagitan para sa iyo. Kung ito ay mangyari, ang Espiritu Santo ang mangungusap sa pamamagitan ng panalangin mo sa Diyos ayon sa Kaniyang kalooban. Hindi mo nauunawaan ang ganitong uri ng pamamagitan:
At gayon din naman ang
Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka’t
hindi tayo marunong manalangin nang
nararapat; nguni’t ang Espiritu rin
ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik
na hindi maisaysay sa pananalita.
( Roma 8:26)
Ito ang pinakamalalim na antas ng pananalangin ng pamamagitan at ang pinakamabisa sa pakikibakang espirituwal.
ANG MODELONG PANALANGIN:
Minsan, noong panahon ng ministeryo ni Jesus sa lupa, ang Kaniyang mga alagad ay lumapit sa Kaniya na may magandang kahilingan:
…ay sinabi sa Kaniya
ng isa sa Kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan mo
kaming manalangin…(Lucas 11:1)
Hindi hiniling ng mga alagad na turuan silang mangaral o gumawa ng himala. Hindi sila naghangad ng mga aralin tungkol sa kung paano magkaroon ng matagalang kaugnayan. Hindi sila nagtanong tungkol sa mga kamanghamanghang kagalingang pisikal. Ang hiling nila ay turuan silang manalangin.
Ano ang lumikha ng pagnanais na ito? Maliwanag na ito ay ibinunga ng mabisang panalangin sa buhay at ministeryo ni Jesus. Nasaksihan ng mga alagad ang makapangyarihang resulta ng etratehiyang espirituwal na ito.
Basahin ang modelong panalangin at masdan ang mga ibat ibang uri ng panalangin na ating tinalakay:
Ama namin, na nasa langit Ka, Pagpupuri at pagsamba
Sambahin nawa ang pangalan Mo.
Dumating nawa ang kaharian Mo,
Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano
sa langit gayon din naman sa lupa. Pagtatalaga
Ibigay Mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa
araw-araw. Paghiling
At ipatawad Mo sa amin ang aming mga utang, gaya Paghahayag at
naman namin na nagpapatawad sa mga may pamamagitan
utang sa amin.
At huwag Mo kaming ihatid sa tukso,
Kundi iligtas Mo kami sa masama. Paghiling
Sapagka’t Iyo ang Kaharian, at ang kapangyarihan,
at ang kaluwahatian, magpakailan man. Siya nawa. Pagpupuri at pagsamba
(Mateo 6:9-13)
PAANO MANALANGIN:
Tingan ang bawat isa sa mga reperensya sa inyong Biblia upang matutuhan kung paano ka dapat manalangin:
- Ang panalangin ay sa Diyos dadalhin: Awit 5:2
- Ang mga walang kabuluhang paulit-ulit ay ipinagbabawal, subalit ang tapat na pagulit ay di naman: Mateo 6:7; Daniel 6:10; Lucas 11:5-13; 18:1-8
- Nagkakasala ka kung hindi mo idinadalangin ang iba: I Samuel 12:23
- Manalangin sa pagiisip (sarili mong wika): Efeso 6:18
- Manalangin sa Espiritu: Roma 8:26; Judas 20
- Manalangin ayon sa kalooban ng Diyos: I Juan 5:14-15
- Manalangin ka sa lihim: Mateo 6:6
- Ang kalidad ay mas mahalaga kaysa sa haba. Ang bisa ng panalangin ay hindi dahil sa “maraming salita”: Mateo 6:7
- Manalanging lagi: Lucas 21:36; Efeso 6:18
- Manalanging patuloy: Roma 12:12
- Manalanging walang patid: I Tesalonica 5:17
- Dumalangin sa Ama sa pangalan ni Jesus: Juan 15:16
- May pagbabantay: I Pedro 4:7
- Manalangin batay sa halimbawa ng modelong panalangin: Mateo 6:9-13
- Manalangin na may espiritung nagpapatawad: Marcos 11:25
- Manalangin na may kapakumbabaan: Mateo 6:7
- Minsan ang panalangin ay dapat may kasamang pagaayuno: Mateo 17:21
- Manalanging may alab: Santiago 5:16; Colosas 4:12
- Manalangin na nagpapasakop sa Diyos: Lucas 22:42
- Gamitin ang estratehiya ng pagtali at pagkalag sa panalangin: Mateo 16:19
ANO ANG DAPAT IPANALANGIN:
- Ang kapayapaan ng Jesrusalem: Awit 122:6
- Mga mangaggawa sa anihan: Mateo 9:38
- Na hindi mahulog sa tukso: Lucas 22:40-46
- Yaong mga lumalait sa iyo (mga kaaway mo): Lucas 6:28
- Lahat ng mga banal: Efeso 6:18
- Mga maysakit: Santiago 5:14
- Ang isat isa ( magdalahan ng pasan ng isat isa): Santiago 5:16
- Para sa lahat ng mga tao, mga hari, at sa mga nanunungkulan: I Timoteo 2:1-4
- Para sa pang araw araw na pangangailangan: Mateo 6:11
- Para sa karunungan: Santiago 1:5
- Para sa kagalingan: Santiago 5:14-15
- Para sa kapatawaran: Mateo 6:12
- Para sa kalooban at Kaharian ng Diyos na maitatag: Mateo 6:10
- Para sa kagalingan mula sa karamdaman: Santiago 5:13
PANALANGING GAMIT ANG MGA PANGAKO:
Kayo’y nagsisihingi,
at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka’t nagsisihingi kayo
ng masama, upang gugulin sa inyong mga
kalayawan. ( Santiago 4:3)
Ang Diyos ay sumasagot sa panalangin ayon sa Kaniyang mga pangako. Kung manalangin ka ng lihis sa mga pangakong ito, ang panalangin mo ay hindi nasasagot. Katulad ito ng pakikitungo ng isang ama sa kaniyang anak. Walang magulang na ibinibigay ang lahat ng hilingin ng kanilang mga anak. Nililinaw niya na mayroon siyang mga gagawin at hindi gagawin. Sa loob ng mga hangganang ito ipinagkakaloob ng ama ang kahilingan ng anak.
Gayon din naman sa Diyos. Nagbigay Siya ng mga pangako at ang mga ito ang wastong batayan ng pananalangin. Alamin kung ano ang mga ipinangako ng Diyos at manalangin ayon sa mga pangako ng Diyos. Ang isang paraan ng paggawa nito ay suyurin mo ang Biblia at markahan mo ang lahat ng mga pangakong ginawa ng Diyos. Gamitin mo ang iyong Biblia sa pananalangin at ibatay mo ang iyong mga panalangin sa mga pangakong ito.
MGA HADLANG SA PANALANGIN:
- Anomang uri ng kasalanan: Isaias 59:1-2; Awit 66:18; Isaias 1:15; Kawikaan 28:9
- Mga diosdiosan sa puso: Ezekiel 14:1-3
- Isang espiritung di makapagpatawad: Marcos 11:25; Mateo 5:23
- Pagkamakasarili, maling motibo: Kawikaan 21:13; Santiago 4:3
- Gahaman sa kapangyarihan, brasuhang panalangin: Santiago 4:2-3
- Maling pakikitungo sa asawa: I Pedro 3:7
- Pagaalinlangan: Santiago 1:6-7
- Hindi nananatili kay Cristo at sa Kaniyang mga Salita: Juan 15:7
- Walang habag: Kawikaan 21:13
- Pagpapaimbabaw, kataasan, walang kabuluhang paulit ulit: Mateo 6:5; Job 35:12-13
- Humihingi ng di ayon sa kalooban ng Diyos: Santiago 4:2-3
- Hindi humingi sa pangalan ni Jesus: Juan 16:24
- Paghadlang ng mga demonyo at ni Satanas: Daniel 10:10-13; Efeso 6:12
- Hindi hinahanap ang kaharian ng Diyos: Pagka hinanap mo ang kaharian ng Diyos ang
pangako na idaragdag ang “lahat ng mga bagay” ay saka lamang mangyayari: Mateo 6:33
- May higit na mataas na layunin ang Diyos sa hindi pagsagot sa iyong panalangin: II Corinto
12:8-9
- Pagka di mo alam manalangin nang nararapat, ang panalangin ay nahahadlangan. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na bayaan mong ang Espiritu Santo ang manalangin sa pamamagitan mo:
Roma 8:26
KAILAN DI DAPAT MANALANGIN:
Mahalaga na matutong maghintay sa harap ng Panginoon sa panalangin para sa Kaniyang patnubay at direksyon bago tayo kumilos. Subalit kasing halaga rin nito ang malaman mo kung kailan hindi mananalangin. Pagka tinawag ka ng Diyos upang kumilos, dapat kang kumilos agad at hindi na manalangin.
Halimbawa, sa mapait na tubig ng Mara, nang si Moises ay tumangis sa Panginoon, ipinakita sa kaniya ng Diyos ang eksaktong dapat gawin upang patamisin ang tubig. Hindi na kailangan pang maghintay sa Panginoon sa panalangin. Kailangang kumilos agad si Moises ayon sa inihayag ng Diyos. Gayon din kay Josue noong siya ay manalangin tungkol sa masaklap na pagkatalo ng Israel sa Ai. Inihayag ng Diyos na may kasalanan sa bayan ng Israel. Sinabi ng Diyos kay Josue…
Bumangon ka; bakit ka
nagpatirapa ng ganito? Ang Israel ay nagkasala…
Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan…
( Josue 7: at bahagi ng 10,11, 12, at 13)
Hindi iyon panahon para manalangin. Yaon ay panahon para kumilos ayon sa bilin ng Diyos na itinugon sa panalangin. May mga tao na ginagamit ang panalangin na dahilan ng kanilang di pagkilos ayon sa sinabi ng Diyos na kanilang gawin.
Ang iba naman ay patuloy na dumadalangin kahit sumagot na ang Diyos sapagkat hindi nila nagustuhan ang sagot ng Diyos. Repasuhin ang kasaysayan ni Balaam sa Bilang 22. Pansinin lalo na ang mga talatang 18-19. Walang karapatan si Balaam na lumapit sa Diyos na ang hiling niya ay yaon pa ring ipinagbawal na ng Diyos na kaniyang gawin (tingnan ang talatang 12).
PAGAAYUNO
Ang pagaayuno ang ikaapat na bahagi ng plano ng pakikilaban. Kasama ng panalangin, ang pagaayuno ay kailangan sa isang mabisang pakikibaka sa larangang espirituwal.
KAHULUGAN NG PAGAAYUNO:
Ang pagaayuno sa pinakasimpleng kahulugan ay, hindi pagkain ng anomnag pagkain.
URI NG PAGAAYUNO:
Ayon sa Biblia may dalawang uri ng pagaayuno. Ang ganap na pagaayuno ay wala kang kinakain o iniinom man. Ang isang halimbawa ay matatagpuan sa Gawa 9:9. Yaon namang pagaayuno na bahagi lang ay kung lilimitahan lamang ang pagkain. Ang halimbawa nito ay sa Daniel 10:3.
PAGAAYUNONG PANGLAHATAN AT PANGSARILI:
Ang pagaayuno ay isang personal na bagay sa pagitan ng Diyos at ng taong nagaayuno. Ito ay ginagawa sa lihim at hindi ipinagyayabang:
Bukod dito pagka
kayo’y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga
mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka’t
kanilang
pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila’y nag-
aayuno. Katotohanang sinasabi Ko sa inyo,
tinanggap na nila ang sa kanila’y
ganti.
Datapuwa’t ikaw, sa pagaayuno mo, ay
langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan
mo ang iyong mukha;
Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw
ay nagaayuno, kundi ang Ama mo,
na nakakakita sa lihim, ay gagantihan
ka. (Mateo 6:16-18)
Ang mga nangunguna naman ay maaaring tumawag ng pagaayuno ng lahat at hilinging ang boong iglesia ay magayuno:
Hipan ninyo ang
pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag
kayo ng isang takdang kapulungan. ( Joel 2:15)
ANG MGA LAYUNIN NG PAGAAYUNO:
May mga tiyak na mga layunin sa pagaayuno. Mahalaga na ito ay iyong maunawaan, sapagkat kung ikaw ay magayuno na mali ang mga dahilang ito ay walang bisa.
Pagaralan ang bawat isa sa mga sumusunod na mga reprensya sa Biblia tungkol sa mga layunin ng pagaayuno. Naghahayag ito ng dakilang kapangyarihan ng pagaayuno sa pakikibakang espirituwal. Ikaw ay nagaayuno:
- Upang magpakumbaba: Awit 35:13; 69:10
- Upang magsisi ng kasalanan: Joel 2:12
- Upang magkaroon ng kapahayagan: Daniel 9:2; 3:21-22
- Upang kalagan ang mga tali ng kasamaan, maibsan ang mabigat na pasan, palayain ang mga inaapi, at sirain ang bawat pagkaalipin: Isaias 58:6
- Upang pakanin ang mga dukha, sa pisikal at espirituwal na pangangailangan: Isaias 58:7
- Upang pakinggan ng Diyos: II Samuel 12:16,22; Jonas 3:5,10
Ang pagaayuno ay hindi nagpapabago sa Diyos. Ikaw ang binabago nito. Nakikitungo ang Diyos sa iyo ayon sa iyong kaugnayan sa Kaniya. Pagka ikaw ay nagbago, may epekto ito sa pakikitungo ng Diyos sa iyo. Hind ka nagaayuno upang baguhin ang Diyos, sapagkat ang Diyos ay di nagbabago. Basahin mo ang aklat ni Jonas para sa halimbawa kung paano ito naganap sa Ninive.
TAGAL NG PAGAAYUNO:
Ang tagal ng pagaayuno ay nakadepende sa sinalita ng Diyos sa iyong espiritu. Maaring ikaw ay pangunahan Niya na magaayuno nang matagal o kaya ay maikli lamang. Natatandaan mo ba ang kasaysayan ni Jacob at ni Esau? Naghanda ng pagkain si Jacob para sa kaniyang sarili subalit hindi niya ito kinain upang mapasa kaniya ang karapatan ng nakakatandang kapatid. Mas mabuti sana kung si Esau ay hindi na lang kumain!
MGA SUSI NG KAHARIAN
Ibinigay ni Jesus sa mga mananampalataya ang mga susi ng Kaharian. Kabilang sa mga susing ito ang kapangyarihan na magkalag at magtali at ito ang panglimang bahagi ng plano ng pakikilaban:
At ibibigay Ko sa iyo
ang mga susi ng Kaharian ng langit: at anomang iyong
talian sa lupa ay tatalian sa langit; at
anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan
sa langit. ( Mateo 16:19)
Itinuro ni Jesus ang tungkol sa kahalagahan ng pagtali muna sa mga demonyo bago palayasin ang mga ito, subalit ang prinsipyo ng pagtali at pagkalag ay higit pa sa basta pagpapalayas ng mga demonyo. Maaari mong talian ang kapangyarihan ng kaaway upang di makagawa sa iyong buhay, tahanan, komunidad, at iglesia. Maaari mo namang kalagan ang mga tao mula sa pagkaalipin ng kasalanan, kalumbayan, at paninira ng kalooban mula sa kaaway.
Ang prinsipyo ng pagtali at pagkalag ay isang mahalagang estratehiya upang madaig ang kapangyarihan ng kaaway. Ito ay isang susi sa Kaharian ng Diyos. Sa bawat kalagayan na iyong hinaharap…bawat suliranin, bawat hamon…may susing espirituwal. Ang susi ay ang paggamit ng prinsipyo ng pagtali at pagkalag. Kung kilalanin mo kung ano ang tatalian at ano ang kakalagan at kumilos ka ayon sa pagkilalang ito, matatalo ang kaaway.
ANG PANGALAN NI JESUS
Ang panghuling bahagi ng plano ng pakikilaban ay masusumpungan sa pangalan ni Jesus. Ang Salita ng Diyos ay kailangang magamit sa Kaniyang pangalan, tayo ay mananalangin, magaayuno, at gagamitin ang iginawad na kapangyarihan at kapamahalaan at ang mga susi ng Kaharian sa Kaniyang pangalan:
Kung kayo’y
magsisihingi ng anoman sa pangalan Ko, ay yaon ang Aking
gagawin.
( Juan 14:14)
…Katotohanan,
katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Kung kayo’y hihingi ng
anoman sa Ama ay ibibigay Niya sa inyo sa
Aking pangalan. ( Juan 16:23)
At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya: mangagpapalabas sila
ng mga demonio sa Aking pangalan;
mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung
magsiinom sila ng bagay na naka-
mamatay, sa anomnang paraan ay hindi
makasasama sa kanila; ipapatong
nila ang kanilang mga kamay sa mga
may-sakit, at sila’y magsisigaling.
( Marcos 16:17-18)
At lumapit si Jesus sa
kanila at sila’y Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat
ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng
lupa ay naibigay na sa Akin.
Dahil dito magsiyaon
nga kayo, at gawin ninyong mga alagad
ang lahat ng
mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa
pangalan ng Ama at ng Anak at
ng Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos
Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa inyong
palagi, hanggang sa katapusan
ng sanglibutan. ( Mateo 28:18-20)
Ikaw ay magtuturo, magbabautismo, magpapalayas ng mga demonyo, magpapagaling ng mga maysakit, at dadaigin mo ang bawat kapangyarihan ng kaaway sa pangalan ni Jesus. Ito ay higit na makapangyarihan kaysa alin mang pangalan:
Sa kaibabawan ng lahat
na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan,
at pagkasakop, at sa bawa’t pangalan na
ipinangungusap, hindi lamang sa
sanglibutang ito, kundi naman sa
darating. ( Efeso 1:21)
Kaya naman Siya ay
pinakadakila ng Diyos, at Siya’y binigyan ng pangalang lalo
sa lahat ng pangalan;
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang
lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng
nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa
ilalim ng lupa,
At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na
si JesuCristo ay Panginoon, sa
ikaluluwalhati ng Diyos Ama. ( Filipos 2:9-11)
ISANG MATAGUMPAY NA ESTRATEHIYA
Hinarap ni Jesus ang bawat tukso na ating kinakaharap, subalit napagtagumpayan Niya ang mga tuksong ito at hindi Siya nagkasala. Sapagkat pumasok Siya sa arena ng pakikibakang espirituwal, nauunawaan Niya ang iyong pakikilaban at ikaw ay pinalalakas Niya:
Sapagka’t tayo’y
walang isang dakilang saserdote na
hindi maaaring mahabag
sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa
lahat ng mga paraan gaya rin naman
natin gayon ma’y walang kasalanan. (Hebreo 4:15)
Sapagkat Siya’y nagtagumpay, magtatagumpay ka rin:
Palibhasa’y nagbata
Siya sa pagkatukso, Siya’y makasasaklolo sa mga
tinutukso. ( Hebreo 2:18)
Basahin ang kasaysayan ng kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Jesus sa Mateo 26-28; Marcos 14-15; Lucas 22-24; at Juan 18-21. Ang kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Jesus ang pinakadakilang pakikpagharap na naganap sa pagitan ng kapangyarihan ni Satanas at ng kapangyarihan ng Diyos.
Sa kamatayan ni Jesus, inakala ni Satanas na nasira na niya ang plano ng Diyos. Napatay niya ang bugtong na Anak ng Diyos. Nawasak niya ang Hari na maghahari sa Kaharian ng Diyos. Subalit sinabi ni Jesus:
O inakala mo baga na
hindi Ako makapamamanhik sa Aking Ama, at padadalhan
Niya Ako ngayon din ng mahigit sa
labingdalawang pulutong na mga anghel?
Kung gayo’y paano bagang mangatutupad ang
mga kasulatan, na ganyan ang
nauukol na mangyayari. ( Mateo 26:53-54)
…Ang Kaharian Ko ay
hindi sa sanglibutang ito: kung ang Kaharian Ko ay sa
sanglibutang ito, ang Aking mga alipin nga
ay makikibaka, upang Ako’y huwag
maibigay sa mga Judio: nguni’t ngayo’y ang Aking
Kaharian ay hindi rito.
( Juan 18:36)
…Anomang kapangyarihan
ay hindi ka magkakaroon laban sa Akin malibang
ito’y ibigay sa iyo mula sa itaas…( Juan
19:11)
Hindi namatay si Jesus sapagkat mas mahina ang Kaniyang kapangyarihan kaysa sa kaaway. Hindi napahinto ng Kaniyang kamatayan ang plano para sa Kaharian ng Diyos. Hindi pa panahon upang ang Kaniyang Kaharian ay matatag na rito sa lupa.
Ang totoo, ang kamatayan ni Jesus ang tumupad sa plano ng Diyos. Ang mga tao ngayon ay maaari nang maligtas mula sa pagkaalipin ng kasalanan at ang kabayaran ng “ikalawang kamatayan” ( walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan).
Bagamat dakilang bagay ang kaligtasan mula sa kasalanan, hindi lamang ito ang tanging tagumpay na nakamit sa kamatayan ni Jesus sa krus. Sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, tinalo ni Jesus ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway:
…Nang umakyat Siya sa
itaas (nabuhay maguli) ay dinala Niyang bihag
ang pagkabihag, at nagbigay ng mga kaloob
sa mga tao.
Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi
Siya’y bumaba rin naman sa mga
dakong kalaliman ng lupa?
Ang bumaba ay Siya rin namang umakyat sa
kaitaasan ng buong sangkalangitan,
upang Kaniyang mapuspos ang lahat ng mga
bagay.) ( Efeso 4:8-10)
Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga
kapangyarihan sila’y mga inilagay Niya
sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay
Siya sa kanila sa bagay na ito.
( Colosas 2:15)
Tinalo ni Jesus ang bawat kapangyarihan ng kaaway, kabilang ang kamatayan. Hinatulan na rin Niya si Satanas:
Ngayon ang paghatol sa
sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang
ito ay palalayasin.( Juan 12:31)
Gumawa si Jesus ng daan ng kaligtasan. Tinalo Niya ang kamatayan at ang mga pamahalaan at mga kapangyarihan ng kaaway. Ibinalik Niya sa tao ang dominyon sa lahat ng mga bagay. Ipinataw Niya ang hatol kay Satanas na matutupad sa hinaharap.
Tulad ng iyong natutuhan, ang kasalukuyang kalagayan ay tulad ng mga kondisyon na umiral sa mga ilang bansa sa daigdig.Ang mga kapangyarihan ng mga rebeldeng pwersa ay ibabagsak ng pamahalaan. Ang lider ng mga rebelde ay hinatulan na bagamat nakakawala pa. Mayroon pang ilang mga tauhan sa ilalim niya na patuloy pa ring lumalaban.
Natalo na ni Jesus si Satanas at hinatulan na siya, subalit siya ay nakakawala pa rin at ang kaniyang mga kampon na mga demonyo, ang laman, at ang sanglibutan ay nakikilaban pa rin. Sinisikap nilang sakupin ang mga teritoryong nasa pagaari ng tunay na Mananakop. Sinisikap nilang bulagin ang mga tao sa katotohanang si Satanas ay natalo na at nasa ilalim ng hatol. Sinisikap nilang kontrolin ang mga tahanan, mga iglesia, at mga bansa.
Sa ganyan lumilinaw ang pakikibaka ng mananampalataya. Tinalo na ni Jesus si Satanas subalit siyay nakakawala pa rin. Gawain naman natin na buksan ang mga mata ng mga lalake at babae sa kaniyang mga pandaraya at angkinin ang teritoryo na talaga namang sa atin. Ang iyong sariling pakikilaban ay magpapatuloy hanggang ang kahatulan kay Satanas ay ipairal na o kaya ikaw ay umuwi na kay Jesus sa pamamagitan ng kamatayan, alin man sa dalawang ito ang mauna:
Upang ngayo’y sa
pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at
sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang
kapuspusan ng karunungan ng
Diyos.
( Efeso 3:10)
MGA NANALO, HINDI NAPINSALA
Sa pamamagitan ni Jesus, ikaw ay mananagumpay sa halip na biktima ng kaaway:
At ang lahat ng mga
bagay ay pinasuko Niya sa ilalim ng Kaniyang mga paa,
at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng
lahat ng mga bagay sa iglesia.
( Efeso 1:22-23)
Lahat ng mga bagay ay “nasa ilalim ng mga paa” ni Jesus. Ang ibig sabihin nito ay nasakop na Niya ang lahat. Siya ang ulo ng Iglesia, at tayo naman ang katawan. Sinabi na ang lahat ng mga bagay ay nasa ilalim ng mga paa Niya, ibig sabihin ay sa ilalim ng Kaniyang katawan, ang Iglesia. Ang ibig sabihin ay tayo’y mananagumpay, sa halip na biktima. Maaari kang maingatan mula sa kapangyarihan ni Satanas. Si Jesus mismo ang nanalangin para sa atin upang tayo ay mailayo sa kapangyarihan ng kaaway:
Hindi Ko idinadalangin
na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila
mula sa masama. ( Juan 17:15, 20)
Ikaw ay isa ring mananagumpay, hindi dahil sa iyong sariling kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinakadakila sa lahat:
… Sa lahat ng mga
bagay na ito tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay sa
pamamagitan Niyaong sa atin ay umibig. (Roma 8:37)
Kung ang pakikibakang espirituwal ay humihirap, alalahanin mo lamang na tinitiyak ng Biblia na ang mga layunin ng Diyos ay matutupad:
Ang Panginoon ng mga
hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano
ang iniisip Ko, gayon ang mangyayari; at
kung ano ang Aking panukala, gayon
mananayo. ( Isaias 14:24)
Ito ang panukala na
Aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat
sa lahat ng mga bansa.
Sapagka’t pinanukala ng Panginoon ng mga
hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang Kaniyang kamay na nakaunat, at
sinong maguurong ( Isaias 14:26-27).
Ang Panginoon ng mga Hukbo ay may layunin, at walang pwersa ng sanglibutan, laman, mga demonyo, impiyerno, o si Satanas mismo ang magpapawalang bisa nito.
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Ano ang layunin ng Diyos?
3. Ano ang mga layunin ng pagkaparito ni Jesus sa sanglibutan?
4. Ano ang anim na bahaging plano ng Diyos sa pakikilaban para sa pakikibakang espirituwal?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Sa araling ito natutuhan mo ang
kahalagahan ng Salita ng Diyos sa pakikibakang espirituwal. Ang Harvestime
International Institute ay nagaalok ng dalawang mga kurso na madaragdag sa
inyong kakayahan na maalaman at magamit ang Salita ng Diyos. Sumulat kayo at
humingi ng dagdag na impormasyon tungkol sa “Mga
Mabibisang Paraan Ng Pag-aaral Ng Biblia” at ang “Pagsisiyasat Ng Boong Biblia.”
2. Sa araling ito ay natutuhan mo na si Jesus ay naparito upang wasakin ang mga gawa ni Satanas. Dagdag mo pang basahin ang tungkol sa mga layunin ni Jesus sa mga sumusunod na mga talata: Lucas 4:18-19; 4:43; 19:10; 24:46-49; Juan 6:38; 9:4; 12:46; 18:37. Basahin ang pahayag ng mga layunin ng Diyos kaugnay kay Jesus: Juan 3:16-18; Efeso 1:9-10.
3. Si Jesus ay maraming pakikipag-engkwentro sa mga masasamang espiritu. Subalit hindi lamang ang masasamang espiritu at mga panunukso ni Satanas ang nilabanan ni Jesus. Gumamit din si Satanas ng mga tao na malapit kay Jesus upang lumaban sa Kaniya:
Si Pedro:
Si Simon Pedro ay isa sa mga labingdalawang alagad na pinili ni Jesus, gayon man may mga pagkakataon na ginamit siya ni Satanas upang labanan si Jesus. Nang ihayag ni Jesus ang nalalapit Niyang kamatayan, sinaway Siya ni Pedro sa paghahayag nito (Marcos 8:32). Sinabi ni Jesus kay Pedro…
…Lumagay ka sa likuran ko, Satanas;
sapagkat hindi mo pinagiisip ang mga bagay na ukol sa Diyos, kundi ang mga
bagay na ukol sa mga tao. ( Marcos 8: 33)
Hindi naman ang ibig sabihin ni Jesus ay si Pedro nga si Satanas, sa halip si Pedro ay ginagamit ni Satanas sa sandaling yaon.
Isa sa mga tampok na estratehiya ni Satanas ay gamitin ang mga malalapit sa iyo upang ilayo ka sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Tulad ni Jesus, dapat mong ilagay sa likuran mo ang kanilang mga panghihikayat. May ginagamit ba si Satanas na malapit sa iyo upang pigilan ka na magawa ang kalooban ng Diyos?
Sa bandang huli, nang si Pedro ay mangako ng kaniyang katapatan sa Panginoon, sinabi ni Jesus sa kaniya:
Simon, Simon, hiningi ka ni Satanas upang
ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo;
Datapuwat ikaw ay ipinamanhik Ko, na huwag
magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli,
ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.
(Lucas 22:31-32)
Alam ni Jesus na pagdating ng panahon ng Kaniyang pagkapako sa krus, ipagkakanulo Siya ni Pedro. Nakita Niya kung paanong nais ng kaaway na ibukod ang lahat ng mabubuting bagay sa buhay ni Pedro. Subalit nakita rin ni Jesus ang magandang kinabukasan kay Pedro. Kinilala Niya na balang araw si Pedro ay magiging isang dakilang lider ng unang iglesia.
Si Judas:
Si Judas ay isa rin sa orihinal na labingdalawa na pinili ni Jesus. Alam na ni Jesus sa umpisa pa lamang kung paano gagamitin ng kaaway ang taong ito:
Sinagot sila ni Jesus, hindi baga hinirang
ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo?
Tinukoy nga Niya si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagkat siya ang sa Kanya’y magkakanulo, palibhasa’y isa sa labingdalawa. (Juan 6: 70-71)
Basahin ang pagkakanulo ni Judas sa Panginoon sa Mateo 26:20-25 at sa Juan 13:21-30. Gumamit ba si Satanas ng mga kaibigan mo upang ipagkanulo ka at saktan ka? Tulad ni Jesus, hindi mo dapat hayaang ito ay pumigil sa iyong pagtupad ng layunin ng Diyos para sa iyo.
4. Basahin ang Malakias 1:13. Sinabi ng propeta na sa kaniyang panahon ang ilan ay nabagot sa kanilang mga pangingiling na kanilang sinabi, “Narito, nakayayamot.” Malamang ang mga taong ito ay hindi talaga natutong sumamba?
Magaral pa tungkol sa pagsamba: Awit 5:7; 22:27; 29:2; 45:11; 66:4; 86:9; 95:6; 96:9; 97:7; 99:5,9; Exodo 34:14; I Cronica 16:29; Mateo 15:9; Marcos 7:7; Juan 4:23-24; Filipos 3:3.
May dagdag na mga katuruan
tungkol sa paksa ng pagsamba sa kurso ng Harvestime International Instiute na
pinamagatang “Mga Paraan Ng Pagpapakilos
Sa Mga Tao.”
5. Narito ang mga karagdagang katotohanan tungkol sa panalangin:
Mga sagot sa panalangin ay ipinagkakaloob:
Kaagad-agad minsan: Isaias 65:24; Daniel 9:21-23
Naaantala minsan: Lucas 18:7
Minsan, kaiba kaysa sa ating ninanais: II Corinto 12:8-9
Higit pa sa ating inaasahan: Jeremias 33:3; Efeso 3:20
Ibat ibang posisyon ay maaring gawin sa pananalangin:
Nakatayo: I Hari 8:22; Marcos 11:25
Nakayuko: Awit 95:6
Nakaluhod: II Cronica 6:13; Awit 95:6; Lucas 22:41;
Gawa 20:36
Nagpatirapa: Bilang 16:22; Josue 5:14; I Cronica 21:16;
Mateo 26:39
Paguunat ng mga kamay: Isaias 1:15; II Cronica 6:13
Pagtataas ng mga kamay: Awit 28:2; Panaghoy 2:19; I Timoteo 2:8
Mga karaniwang problema na dapat mong mapagtagumpayan upang
makapanalangin:
Kulang sa panahon
Mga gumagambala
Pagkapagod
Kawalan ng gana
Pagsasaayos ng Pwersa ng Pananalangin:
Ang panalangin ang isa sa pinakamakapangyarihang kasangkapan ng pakikibakang espirituwal. Inihayag ng Bagong Tipan ang mga sumusunod na mga estraktura para sa pagaayos ng mga pwersa ng panalangin upang maging mabisa ang pakikibakang espirituwal:
Personal na panalangin: Ang panalangin ay ginagawa na magisa: Mateo 6:6
Dalawa na magkasamang nananalangin: Ang pagdalangin ng dalawa na magkasama ang pinakamaliit na yunit ng panalangin ng grupo: Mateo 18:19
Maliit na grupo: Ang maliit na grupo o cell ay binubuo ng mahigit sa dalawang tao na nagsasama sa pananalangin. May malaking kapangyarihan kung may dalawa o tatlo na nagkakaisa sa layuning ito: Mateo 18:20
Boong kongregasyon: Ang boong kongregasyon ay kailangang nagsasama-sama sa pananalangin: Gawa 1:14-15
Mga pangako tungkol sa panalangin:
Pagaralan ang mga sumusunod na mga pangako tungkol sa panalangin. Ang mga ito ay naghahayag ng dakilang kapangyarihan ng kasangkapang ito sa pakikibakang espirituwal:
-Alam ng Ama ang iyong kailangan bago ka pa humingi: Mateo 6:8
- Kung may dalawa na magkasundo sa panalangin, ito ay tutugunin: Mateo 18:19
- Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Diyos: Mateo 19:26; Lucas 18:27
- Ang panalanging may kahalong pananampalataya ay mabisa: Mateo 21:22; Marcos 11:24
- Ang maalab na panalangin ng taong matuwid ay mabisa: Santiago 5:16
- Kung ikaw ay hihingi sa pangalan ni Jesus, ito ay ipagkakaloob: Juan 14:14
7. Magdagdag ng pagaaral tungkol sa pagaayuno:
- Ang pagaayuno ay isa sa mga katibayan ng ating pagiging ministro ng Diyos: II Corinto 6:3-10
- Ang panalangin na may pagaayuno ay ginamit upang isaayos ang iglesia: Gawa 14:23
- Pamalagiin natin ang ating sarili sa pagaayuno: I Corinto 7:5
8. Sinabi ni Jesus na magkakaroon ka ng kapangyarihan na yurakan ang mga “ahas at ulupong.” Sa Ikalimang Kabanata, pinagaralan mo ang mga katumbas sa natural at espirituwal na ahas. Narito ang ilang mga katotohanan tungkol sa mga ulupong na maaaring iangkop sa larangang espirituwal:
Ang mga ulupong ay umiiwas sa iba. Ang isang ulupong ay lalaban hanggang sa
mamatay ito. Huhulihin nito ang sisilain, dudurugin ito, at pagkatapos ay tuturukan ng kamandag mula sa kagat nito. Kung ikaw ay matuklaw ng isang ulupong, mararamdaman mo ang kirot, kahirapan sa pagsasalita, di ka mapalagay, panghihina, at pamamanhid.
Ang mga ulupong ay tumtira sa mga madidilim na lugar at namamatay kapag nalantad
sa init (liwanag). Una, sisikapin ng ulupong na tumakas, at pagkatapos ay lulusob na naman ito sa pamamagitan ng kaniyang buntot. Sa natural na larangan, ang mga grupo ng langgam ay kaaway ng ulupong.
Maiaangkop mo ba ang mga katotohanang espirituwal katulad ng ating ginawa sa mga katotohanan tungkol sa mga ahas sa Ikalimang Kabanata?
PAGPAPAKILOS
AKTIBONG PAGLILINGKOD SA HUKBO NG DIYOS
Ang ibig sabihin ng “pagpapakilos” ay itakda sa isang kalagayan na nakahanda para sa aktibong paglilingkod sa hukbo. Ang “mobilization” ay isang proseso ng pagpapakilos bilang bahagi ng pwersang espirituwal ng hukbo ng Diyos.
IKASAMPUNG KABANATA
PAGSALAKAY AT
PAGTATANGGOL SA PAKIKIBAKA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Bigyang kahulugan ang “pagsalakay sa pakikibaka.”
. Bigyang kahulugan ang “pagtatanggol sa pakikibaka.”
. Tukuyin ang pagkakatulad ng pagsalakay at pagtatanggol sa pakikibaka.
. Magbigay ng buod ng bahagi ng Espiritu Santo sa pagsalakay at pagtatanggol sa pakikibaka.
. Gamitin na halimbawa ang natural na pakikipagbuno upang ipaliwanag ang mga estratehiya sa pagsalakay at pagtatanggol sa pakikibakang espirituwal
SUSING TALATA MULA
SA ARTICLES OF WAR:
Ni bigyan daan man ang
diablo. (Efeso 4:27)
PAMBUNGAD
May dalawang uri ng pakikilaban sa natural na kalagayan: Pagsalakay at pagsanggalang. Itinuturo din ng Biblia na may mga estratehiyang espirituwal para sa pagsalakay at pagsanggalang. Kailangan mong matutuhang sumalakay at magsanggalang sa pakikilaban. Ang isa na lamang natitirang pagpipilian ay tumakas, at hindi ito katanggaptanggap.
Sinimulan ng araling ito ang pagpapabatid kung paano sumalakay at magsanggalang sa pakikibaka. Susuriing mabuti ang iyong mga sandatang espirituwal sa pagsalakay at pagsanggalang sa pakikibaka.
PAGTATANGGOL SA PAKIKIBAKA
Ang pakikibaka sa pamamagitan ng pagsasanggalang ay pagtatanggol sa nasasakupan. Ito ang pakikibaka na naghihintay sa kaaway na lumusob, at pinagsasama-sama ang mga pwersa upang magtanggol. Ang tagapagtanggol ay kailangang harapin ang kalaban at ito ang maguudyok sa uri ng pagpapasiya na kaniyang gagawin. Ang uri ng pakikilaban na ito ay hindi lumulusob sa teritoryo ng kaaway. Ipinagtatanggol nito ang kanila nang nasasakupan. Ito ay mahalaga sapagkat ang mga pwersa ng kasamaan ay patuloy na nilulusob ang mananampalataya. Kung hindi mo alam kung paano ipagtanggol ang iyong sarili, magiging biktima ka ng mga pagsalakay na ito.
PAGSALAKAY SA PAKIKIBAKA
Ang pagsalakay ay ikaw ang nauuna sa pakikibaka. Hindi ito paghihintay at pagtugon lamang sa gagawin ng kaaway. Ito ang pakikibaka na ikaw ang unang humahakbang sa labanan. Tinukoy ang kaaway, kinilala ang kaniyang estratehiya, at ang mga pagsalakay ay gagawin sa kaniya sa larangang espirituwal. Sa pagsalakay, ikaw ang may bentahe na magpasiya kung ano ang iyong gagawin. Ang pagsalakay ay sumasakop sa halip na nagtatanggol lamang ng teritoryo.
Ang pagsalakay lamang ang tanging uri ng pakikibakang espirituwal na makakaabot sa buong sanglibutan ng ebanghelyo ni JesuCristo. Hindi maaaring tayo ay manatili lamang sa ating mga komportableng mga tahanan at iglesia at maghintay na lamang na ipagtanggol ang mga ito. Ang hukbo ng Diyos ay kailangang sumugod sa teritoryo ng kaaway. Kailangang ito ay pumaroon sa mga kuta ni Satanas na may kapangyarihan ng mensahe ng ebanghelyo. Kailangang ang ating pakikibakang espirituwal ay pagsalakay sa kaaway.
ANG PAGKAKATULAD NG DALAWA
May pagkakatulad ang pagsalakay at pagtatanggol sa pakikibaka. Kailangan nito ang pagkilos ng manananampalataya. Sa natural na larangan, ang mga sandatang di ginagamit ay walang silbi sa pagwasak sa kaaway at pagkapanalo sa pakikilaban. Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Ang iyong mga sandatang espirituwal ay may bisa ayon sa pasiya mong gamitin ang mga ito. Totoo na sinasangkapan tayo ng Diyos para sa labanan, subalit mayroon kang personal na pananagutan na gamitin ang mga estratehiyang espirituwal sa pagsalakay at pagtatanggol.
Sa mga labanan sa Lumang Tipan, ang Diyos ay lumaban na kasama at para sa Kaniyang bayan, ang Israel. Subalit kailangan muna na ang Israel ay lumagay sa larangan ng labanan. Pagka nakita ng Diyos na ang isang sandatang espirituwal ay ginagamit sa Kaniyang pangalan, o kaya ang isang lalake o babae na nasa labanan ay nangahas na gawin ang hindi niya kaya, ang Panginoon ng mga Hukbo ay kumikilos para sa kaniya.
Basahin ang kasaysayan ni Eliseo sa II Hari 13:14-19. Dito sa araling ito na ginamit ang busog at mga pana, may mga araling espirituwal na katumbas na tutulong sa iyo na maunawaan ang iyong bahagi sa labanan:
1. IPAKITA ANG IYONG BALAK NA MAKILABAN:
Sinabi ni Eliseo kay haring Joas, “Kumuha ka ng busog at mga pana.” Sinabi ni Pablo, “Magsikuha kayo ng tabak ng Espiritu” at magdeklara ka ng laban. Sa pagkuha mo ng mga sandatang pangsalakay at pagsanggalang, ipinakikita mo ang iyong balak na makilaban.
2. HAWAKAN MO ANG
KASANGKAPAN:
Sinabi ni Eliseo sa hari na ilagay ang kaniyang kamay sa busog, at pagkatapos ay inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa mga kamay ng hari. Ang estratehiya para sa pananalo ay ang iyong kamay ay nasa sandata at ang Kaniyang kamay naman ay nakalagay sa iyo.
3. BUKSAN ANG DUNGAWAN:
Buksan mo ang dungawan ng dako kung saan nananagumpay ang kaaway. Ang kaaway ng Israel ay nasa dakong silanganan, kaya sinabi ni Eliseo sa hari na buksan ang dungawan sa silanganan. Nais ng Diyos na iyong buksan ang mga “dungawan” ng bawat dako sa iyong buhay upang ibunyag ang mga kabiguan, pagkatalo, at pagkaalipin sa kaaway.
4. MAGPAHILAGPOS KA:
Sinabi ni Eliseo sa hari, “Magpahilagpos ka,” at ang hari ay nagpahilagpos. Pagkatapos ay sinabi ni Eliseo, “Ang pana ng pagtatagumpay ng Panginoon ay nasa Siria.” Ang bukas ng dungawan ay di sapat. Ang sandata sa iyong kamay ay di rin sapat. Kahit nalagay ang kamay ng Diyos sa iyong kamay ay di sapat upang manalo sa labanan. Kailangang sundin mo ang utos ng Panginoon ng mga Hukbo na “MAGPAHILAGPOS.” Ito ang iyong bahagi sa pakikibaka… gamitin mo mismo ang sandata na nasa iyong kamay na ginagabayan ng kamay ng Panginoon.
5. ALAMIN ANG LAYUNIN:
Sinabi ni Eliseo sa hari na tangnan ang mga pana at ihampas sa lupa bilang sagisag ng kaniyang tagumpay laban sa Siria. Ginawa nga ng hari subalit huminto pagkatapos ng tatlong hampas. Sinabi sa kaniya ni Eliseo na yamang tatlong ulit lamang niyang inihampas ang mga pana sa lupa, may hangganan ang kaniyang panalo. Ang dahilan nito ay sapagkat di nauunawaan ng hari ang layunin ng pakikibaka. Sinabi ni Eliseo na ang nais ng Diyos ay lubos na lipulin ang kaaway ( talatang 17). Sa paghampas ng tatlong ulit lamang sa lupa, nagkasiya na ang hari sa limitadong pagkapanalo.
Ang layunin ng Diyos para sa iyo ay lubos na tagumpay sa lahat ng larangan ng iyong buhay at ministeryo. Kung mabigo kang maunawaan ang layuning ito, ang iyong pagkapanalo ay hindi kumpleto.
6. MAGWAGI KA MUNA SA LOOB NG SILID:
Ang nangyari sa pagitan ni Eliseo at haring Joas sa loob ng silid ng araw na yaon ay may kinaalaman sa kinalabasan ng pakikilaban sa Siria. Kung ano ang nangyayari sa loob ng silid na doo’y kasama mo ang Panginoon, ang siyang magtatakda ng iyong mga tagumpay sa mga labanan ng buhay.
MGA PAKANA NI SATANAS
Ang pinagsasaligan ng pagsalakay at pagsanggalang sa pakikibaka ay ang pagkaalam ng mga estratehiya ni Satanas:
Upang huwag kaming malamangan ni Satanas:
sapagkat kami ay hindi hangal sa kanyang mga lalang. ( II Corinto 2: 11)
Ang ibig sabihin ng salitang “lalang” ay pakana, balak gawin, o pailalim na planong masama. Makakalamang si Satanas kung hindi mo alam ang kaniyang mga pakana at tuloy hindi ka makakilos upang sumalakay at magsanggalang sa labanan.
ANG MINISTERYO NG ESPIRITU SANTO
Sa bandang unahan ng kursong ito ay natutuhan mo ang tungkol sa pwersang espirituwal para sa kabutihan na kilala bilang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ay mahalaga sa pagsalakay at pagsanggalang sa pakikibaka. Alam ng Espiritu Santo ang mga estratehiya ni Satanas, kaya Siya ay namamagitan para sa mga mananampalataya na sangkot sa labanan:
At gayon din naman ang Espiritu ay
tumutulong sa ating kahinaan; sapagkat
hindi tayo marunong manalangin nang
nararapat; ngunit ang Espiritu rin
ang namamagitan dahil sa ating mga hibik na
hindi maisaysay sa pananalita…
sapagkat Siya ang namamagitan dahil sa mga
banal alinsunod sa kalooban ng Dios.
( Roma 8: 26-27)
Ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng kapangyarihan upang maangkin ang teritoryo ng kaaway:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu
Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa
Jerusalem, at sa buong Judea at
Samaria, at hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa. ( Gawa 1: 8)
Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay mahahalagang mga sandata ng pagsalakay at pagsanggalang sa labanan. Ang kaloob ng salita ng kaalaman at ang salita ng karunungan ay nagbibigay ng makalangit na kapahayagan para sa pakikibakang espirituwal. Ang kaloob ng pagkilala sa mga espiritu ay nagbunbunyag ng pandaraya ng kaaway.
Ang mga tanging mga kaloob na pastor, propeta, apostol, ebanghelista at guro ay tumutulong upang ihanda tayo sa labanan. Ang mga kaloob ng pagsasalita ay nagbibigay ng mga tanging pagtuturo mula sa Diyos at ang mga kaloob ng Espiritu na pagsisilbi ay nagpapaabante sa hukbo ng Diyos.
PAKIKIPAGBUNO: ANG KATUMBAS NITO SA LARANGANG ESPIRITUWAL
Ang isa sa pinaka makapangyarihang talata tungkol sa pakikilaban na sumasalakay ay:
Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi
laban sa laman at dugo, kundi laban sa
mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan,
laban sa mga namamahala
ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa
mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga
dakong kaitaasan. ( Efeso 6: 12)
Ang pakikibaka na ginamit dito ay katumbas ng “pakikipagbuno” at ito ay makahulugan. Ang pakikipagbuno (wrestling) ay may katumbas na katotohanang espirituwal. Ang pakikipagbuno sa likas na kalagayan ay tagisan ng lakas. Ang pakikipagbuno ay “pagdaig sa lakas at kapangyarihan ng kalaban.”
Isaalangalang mo ang mga katotohanang ito tungkol sa pakikipagbuno sa natural na kalagayan at iangkop mo sa iyong pakikibakang espirituwal:
1. PAGHAHANDA AT PAGSASANAY:
Ang isang makikipagbuno ay kailangang magsanay upang manalo. Kailangang siya ay magensayo. Kailangan din niya ang tamang pagkain. Dapat ay alam niya ang mga patakaran ng pakikipagbuno at ang mga ito ay dapat sunding mabuti.
Kailangang maalaman ng isang mananampalataya ang mga alituntunin ng pakikibakang espirituwal upang siya’y maging matagumpay. Ang wastong “pagkain” ng Salita ng Diyos at panalangin ay mahalaga para sa isang matagumpay na pakikipagbunong espirituwal. Kung paanong ang pakikipagbuno sa natural na larangan ay pinapabuti ng patuloy na pageensayo, ganoon din sa larangang espirituwal.
Ang nangingibabaw na layunin ng pagsasanay sa natural na larangan ay upang ihanda ang makikipagbuno na makipaglaban siya sa pinakamabuting paraan habang hindi gaanong napapagod. Ito ay totoo rin sa larangang espirituwal. Ilang mga tao ay madaling mapagod at matalo sapagkat hindi sila sinanay nang maayos sa pakikibakang espirituwal.
2. ANG AYOS NG PAKIKILABAN:
Ang pakikipagbuno ay isahang laban. Hindi ito laban ng isang team. Pagka napagod na ang lumalaro, walang kahalili ito. Kailangan sa pakikipagbuno ang harapan, malapit at personal na pakikipagtunggali sa kalaban.
Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Ang mga mananampalataya ay sangkot sa isang harapan at malapitang pakikipagtunggali sa kaaway. Walang iba pang mananampalataya na maaring pumalit sa iyo. Walang mga “time out” dito di tulad sa ibang laro. Sa larangang espirituwal wala ring “time out.” Hindi nagpapahinga si Satanas sa pakikilaban. Hindi dapat mahuling di handa ang mananampalataya.
3. MGA ESTRATEHIYA:
Kung paanong may pagsalakay at pagsanggalang sa wrestling sa natural na larangan. Gayon din sa larangang espirituwal. Sa wrestling ay may paraang ginagawa ang manlalaro. Ito ay ang “paghinto.” Ito ay pagiwas muna sa kalaban. Mababawasan ka ng puntos kapag puro hinto ang ginawa mo. Sa larangang espirituwal ay nadadaig ka rin kapag panay ang iyong hinto sa halip na harapin ang kaaway. May mga mananampalataya na ginugugol ang kanilang buong buhay sa pagiwas sa kaaway. Hindi sila sumasalakay upang makamit ang tagumpay.
4. ILAGAY SA ALANGANIN ANG KAAWAY:
Isa pang mahalagang estratehiya sa larong pakikipagbuno ay sikapin mong mawala sa balanse ang kalaban mo. Minsan malagay ang kalaban mo sa alanganin, mahihirapan na siyang makabawi.
Madalas banggitin ng Biblia ang tungkol sa “pagpipigil.” Isa sa mga estratehiya ni Satanas sa larangang espirituwal ay ilagay ka sa alanganin. Maraming mga kulto ang lumitaw dahil sa kakulangan ng balanse sa mga usaping pangdoktrina. Mga tahanan, iglesia, at kahit bansa ay mga natalo dahil sa kawalan ng balanse sa pagbibigay diin o hindi pagbibigay diin sa ilang mga bagay.
May dalawang uri ng balanse sa wrestling. Ito ay sa katawan at sa pagiisip. Bago matudla ang katawan, dapat unahin munang salakayin ang pagiisip. Upang magawa ito, ang estratehiya ng pag-sorpresa ay ginagamit. Ang isang kilos ay ginagawa upang lituhin at sorpresahin ang kalaban. Habang ang pansin ng kalaban ay dito nakatuon at siya ay nagmamaling akala, isang taktika ang gagamitin. Papaniwalain mo ang kalaban na may susunod kang gagawing hakbang, at sisikapin naman ng kalaban na iwasan itong inaakala niyang gagawin mo kaya ito naman ang maguumang sa kaniya sa tunay na pagsalakay mo sa hindi niya inaasahan.
Ganyang-ganyan din sa larangang espirituwal! Ilalagay ka sa alanganin ni Satanas sa pamamagitan ng pag-sorpresa sa iyo. Lilituhin niya ang iyong kaisipan sa pamamagitan ng paggambala sa iyo at habang may takot kang nakatuon dito, sa ibang bahagi naman ng iyong buhay ka sasalakayin ni Satanas.
5. PAGAANTABAY:
Sa aktuwal na wrestling, ang pagaantabay ay mahalaga. Ang isang naglalaro ng wrestling ay makapagsasanggalang sa salakay ng kaaway kung maaantabayanan nito ang mga balak gawin ng kalaban. Nakahanda ang wrestler kaya ang salakay ng kalaban ay hindi nagtatagumpay.
Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Kung alam mo ang mga pakana ni Satanas at naantabayanan mo ang kaniyang mga estratehiya, ikaw ay magiging handa. Hindi ka nawawala sa balanse pagka ikaw ay sinalakay.
6. PAINAN ANG KALABAN:
May mga galaw sa wrestling na ang pakay ay “painan” ang kalaban, upang himukin siya na gumawa ng isang hakbang na magpapahina sa kaniyang kalagayan. Sa larangang espirituwal, patuloy kang hinahalina ni Satanas upang gumawa ng hakbang na magpapahina sa iyong kalagayan.
Sa wrestling, may mga galaw na binalak upang ang kalaban ay kumagat sa pain at maumang siya sa pagsalakay. Ang mga kalagayang ganito ay sadyang nililikha upang pahinain ang lagay ng kalaban at saka ngayon sasalakay.
Sa larangang espirituwal, si Satanas ay lumilikha ng mga situwasyon na naguumang sa iyo sa pagsalakay niya. Kaagad niyang sasamantalahin ang iyong mahinang lagay. Subalit lagi mong tatandaan na kung tutuusin, si Satanas ang nasa mahinang kalagayan. Ang kapangyarihang nasa iyo ay higit sa kaniyang kapangyarihan. Si Satanas ay nabigyan na ng pangpahinang dagok mula sa ating Panginoong JesuCristo. Subalit dapat mong samantalahin ang ibinigay sa iyong pagkakataon ng Panginoon upang magtagumpay.
7. SUMALAKAY AT GANTING-SALAKAY:
Sa natural na wrestling, anomang kilos mo ay tiyak na may katumbas na kilos din ang kalaban. Gayon din sa larangang espirituwal. Pagka ikaw ay kumilos para sa Diyos, si Satanas ay laging mayroong ganting salakay.
8. PALAKILOS:
Sa wrestling, ang kalaban na palakilos ay itinuturing na mapanganib. Kaya nais mong pabagsakin ang iyong kalaban. Sa larangang espirituwal, si Satanas ay isang kalabang palakilos. Siya ay “paroo’t-parito” na naghahanap nang masisila. Kailangang alisto ka sa lahat niyang mga kilos. Kinikila rin ni Satanas ang iyong pagkilos. Nais ni Satanas na mapigil ka sa iyong pagkilos para sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit nais ka niyang pabagsakin.
9. PAGBAWI:
Ano mang pagkakamali sa wrestling ay sasamantalahin ng kalaban. Totoong-totoo ito sa larangang espirituwal! Ano mang pagkakamali mo sa larangang espirituwal ay sasamantalahin ng kaaway. Mahalaga sa pakikipagbuno ang mabawi mo agad ang anomang pagbagsak. Kailangang mabawi mo ang iyong pagbagsak upang hindi ka malamangan. May mga pagkilos na maaari mong gawin upang ikaw ay makabawi.
Sa pakikipagbunong espirituwal, may mga panahong ikaw ay naitumba ng kaaway pansamantala. Subalit hindi kailangang manatili kang nakatumba. May ibinigay na mga estratehiya ang Panginoon sa Kaniyang mga Salita na kung susundin mo, ay mababawi mo ang iyong pansamantalang pagbagsak.
Ang buhay ni Jose ay isang sakdal na halimbawa nito. Andoon ang siya’y ipinagbili upang maging alipin, at pagkatapos ay nabilanggo pa. Subalit binaligtad niya ang mga pangyayari para sa kaniyang sariling bentahe. Sa wakas, nagtagumpay siya laban sa kaaway.
May ibang mga pagkilos sa pakikipagbuno na ang kalaban ay mapabagsak mo mula sa likod, hilahin, daganan, ihampas, at itumba. May nakikita ka bang mga katulad na pagkilos ang kaaway?
10. ANG LAYUNIN:
Ang layunin ng pakikipagbuno ay matalo ang kalaban sa pamamagitan ng pagpapatumba sa kaniya o daganan siya.
Ito ay bunga ng mga estratehiya na ang pakay ay pagurin mo ang kalaban hanggang sa mapatumba ito.
Si Satanas ay patuloy na nakikilaban sa mga mananampalataya na sinisikap na pagurin ang mga ito. Ang layunin niya ay patumbahin ang mananampalataya, ihampas ang mga ito at siluin sa bitag ng kasalanan. Ang pakay niya ay wasakin ang mga nagpapatibay sa kaniya tulad ng pakikipagbuno sa natural na larangan. Ang pakay ay patumbahin ka.
11. PUMUNTOS:
Ang tagumpay sa pakikipagbuno ay sa pamamagitan ng mga puntos na ibinibigay ng mga tagahatol. Ang wrestler na may pinakamaraming puntos dahil sa mga mabibisang mga galaw ang nagwawagi sa labanan.
Ang iyong kaaway sa larangang espirituwal ay nahatulan na. Natalo na si Satanas ng pinakamabisang pagkilos sa buong kasaysayan, ang kamatayan at pagkabuhay na maguli ni JesuCristo. Nakikipagbuno ka sa isang kaaway na nahatulan na bilang talunan sa labanan. Dahil dito hindi kailangang matakot ka sa kapangyarihan at mga estratehiya niya sa pakikipagbuno mo sa kaniya. Hindi kailangang ikaw ay tumumba at daganan ng kasalanan. Maaari kang manatiling nakatayo at matibay na may tiwala na labanan ang iyong kaaway.
12. ANG KALAGAYAN NG PAGIISIP:
Ang kalagayan ng iyong pagiisip ay napakahalaga sa pakikipagbuno. Sa pagaaral ng paksang ito, ang mga sumusunod na kalagayan ng pagiisip ay nabanggit na kailangan upang maging kampeon sa pakikipagbuno sa natural na larangan. May katunayan din ang mga ito sa larangang espirituwal:
Mithiin: Ang magnais at magasam ay di sapat. Ang kampeon sa pakikipagbuno ay
kailangang determinado na manalo. Ang mithiin ay isang emosyon na sa ibayo pa ng
anomang bagay sa buhay.
Pagtitiyaga: Ang walang patlang na pagsisikap ay kailangan upang maging kampeon sa pakikipagbuno. Ang isang kampeon ay hindi tumatanggap ng pagkatalo.
Hangad: Ang pagkapanalo ang hangad at pakay ng pakikipagbuno. Upang makamit ang hangad na ito, kailangang alam niya na siya ang may hawak ng kalagayan, subalit dapat din niyang ipabatid ito sa kaniyang kalaban.
INSPEKSYON
1. Isulat ang Susing Talata mula sa “Articles of War.”
2. Ano ang pagtatanggol sa pakikibaka?
3. Ano ang pagsalakay sa pakikibaka?
4. Ano ang pagkakatulad ng pagsalakay at pagtatanggol sa pakikibakang espirituwal?
5. Magbigay ng buod ng bahagi ng Espiritu Santo sa pagsalakay at pagtatanggol sa pakikibaka.
6. Magbigay ng buod ng mga natutuhan mo tungkol sa pagsalakay at pagtatanggol mula sa pakikipagbuno (wrestling) sa natural na larangan.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
MGA TAKTIKA NG PAGMAMANIOBRA
1. Hindi ka dapat magtiwala sa mga natural na mga sandata ng tao: Awit 20:7. Ang Diyos ay may mga sandatang espirituwal. Basahin ang tungkol sa mga ito sa Awit 68:17; 104:3; Isaias 19:1; at II Hari 2:11.
2. Kailangan mong pareho ang pagsalakay at pagtatanggol sa pakikibakang espirituwal sapagkat si Satanas ay maninila. Juan 10:10; I Corinto 10:10; Mateo 10:28.
- Kung susundin mo ang Diyos, hindi Niya pahihintulutang makalapit sa iyo ang maninila: Exodo 12:23
- Iniingatan ka ng Diyos mula sa paninira ni Satanas: Awit 17:4
- Si Satanas ang iyong kaaway, siya ang iyong labanan: I Pedro 5:8. Hindi mo siya dapat bigyan ng puwang upang makagawa laban sa iyo: I Timoteo 5:14. Kung susunod ka sa Diyos, Siya ang magiging kalaban ng iyong mga kaaway: Exodo 23:22.
3. Hindi ka kailangang matalo ni Satanas. Pagaralan ang mga sumusunod na mga reperensya:
Maaari mong itaboy ang kaaway: Levitico 26:7-8; Deuteronomio 32:30; Josue 23:10
Maaari kang magtagumpay: Deuteronomio 7:21; I Cronica 29:11; Awit 5:11; 18:29; 24:8; 91:1; Isaias 49:19; I Corinto 15:57; I Juan 5:4
Ang Panginoon ang iyong tanggulan: II Samuel 22:2; Awit 18:2; 31:3; 71:3; 91:2; 144:2; Jeremias 16:19
Mananaig ka sa iyong kaaway: Awit 8:6; 49:14; 72:8; 119:133; Daniel 7:27; Efeso 1:21
Ang kaligtasan ay galing sa Panginoon: Kawikaan 18:10; 21:31; 29:25. Awit 91 ang Awit ng kaligtasan.
Inililigtas ka ng Diyos mula sa pagkabalisa: Awit 25:17; 107:6, 13; 19:28
Maari mong bihagin ang mga isipan ng kaaway: II Corinto 10:5
Kinakalagan ng Diyos ang gapos ng kaaway: Awit 116:16; Roma 8;15-21; Galacia 5:1
4. Nang banggitin ni Pablo ang pakikipagbuno, ang tinutukoy niya ay pakikipagbuno sa kaaway, hindi sa Diyos tulad ni Jacob. Tiyakin mo na pagka ikaw ay nakikipagbuno, hindi ang Diyos ang katunggali mo na babali ng iyong pagtitiwala sa sarili, at kung mangyari ito ikaw ay babaguhin upang mula sa pagiging “Jacob” ikaw ay gawing “Israel.”
5. Repasuhin ang Ikatlong Kabanata ng manwal na ito at ilista ang mga gawain ng Espiritu Santo sa pagsalakay at pagtatanggol sa pakikibaka:
Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo
Sa Pagsalakay Sa Pakikibaka
Sa
Pagtatanggol Sa Pakikibaka