MGA
PARAAN NG PAGPAPAKILOS
HARVESTIME
INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang programang inihanda upang mabigyang
kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay
ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng
buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga
ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng
kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa
ilang mga modules ng kurikulum na
gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa,
pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga
dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Network
14431 Tierra Dr.
Colorado Springs, CO 80921
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Mga Layunin: Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pansariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaral ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, Ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG
PAG-AARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagsasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalangin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.
Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
II
Module: Pagpapakilos
Kurso: Mga Paraan ng Pagpapakilos
PAMBUNGAD NG KURSO
Ang ibig sabihin ng “pagpapakilos” ay “madala sa kalagayan na handa para sa aktibong paglilingkod, para gamitin ang lakas sa paggawa.” Ang “pamamaraan “ ay sistema ng “mga paraan,” isang maliwanag na paraan para magawa ang plano ng pangitain.
Ang makamundong estratehiya ng pagbubuyo ay nakatuon sa pagmamanipula sa mga tao at ibang pinanggagalingan para sa layunin ng kasakiman at makasariling pakinabang. Para “maibuyo” ang iba, ang mga apela ay nakasentro sa mga bagay na kaaya-aya sa laman o makuha sa pamamagitan ng kasalanan, panggigipit, at puwersa. Ang pagkakaiba ng pagpapakilos ay , ito ay batay sa mga prinsipyo ng Biblia at ang panghihikayat ay galing Sa Dios sa halip na sa tao. Ang resulta ng pagpapakilos ay mula sa makapangyarihang hipo Ng Dios sa halip na sa mahinang uri ng apela sa emosyon sa laman.
Sa kursong ito iyong matututunan ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapakilos at pagbubuyo.
Iyong pag-aaralan ang batayan sa Biblia ng pagpapakilos at matututunan na ang apoy, kaluwalhatian, at pagsamba Sa Dios ay kasama sa pagpapakilos sa mga anak Ng Dios. Iyong matututunan ang mga prinsipyo sa Biblia ng “revival” at matututunan ang kahalagahan ng mga ito para mapanatili ang kinakailangan na pag-udyok para magawa ang espirituwal na pangitain.
Maglalakbay ka rin sa talaan ni Josue sa Biblia, matututunan kung paano niya napakilos ang mga anak Ng Dios para makuha ang lupang pangako sa Canaan. Pag-aaralan mo ang uri ng tao na ginagamit Ng Dios bilang tagapagpakilos, at kung paano mahihikayat ang iba mula sa walang ginagawa tungo sa aktibong pagkasangkot.
Pag-aaralan mo rin ang mga prinsipyo ng pagpasok na maaaring magamit sa pagpasok sa bansa, lunsod, o nayon para Sa Dios. Matututunan mo ang dapat gawin pagkatapos na maranasan ang “Lambak ng Kaguluhan” at kung paano harapin ang espirituwal na higante sa lupain.
Ipinakikita ng kursong ito ang mga paraan (maliwanag na paraan) ng pagpapakilos sa mga mananampalataya ( pag-sasaayos ng kanilang kakayahan para kumilos) para matupad ang pangitain ng pangkalahatang espirituwal na pag-aani. Ang kursong ito ay bahagi ng serye ng Harvestime International Institute na nakadesenyo na akayin ang mananampalataya na nais magpagamit Sa Dios at baguhin ang pangarap mula sa pagnanais tungo sa pagpapakita.
Sa unang “module” ng pagsasanay na tinatawag na “Paglalarawan,” ang mga mag-aaral ay hinamon ng pangitain ng espirituwal na pag-aani ng mga bukirin kung saan ang lahat ng mga mananampalataya ay tinawag. Sa ikalawang “module”, “Deputizing”/ Kinatawan,” ilang mga kurso ang nagpapatatag ng espituwal na saligan na kinakailangan para maging tagaani.
Sa ikatlong “module”, na may pamagat na “Papaparami,” ang mga mag-aaral ay hinamon sa espirituwal na pagpaparami habang sila ay dumadami at nagbabahagi ng kanilang natutunan sa iba. Sa ika-apat na “module”, na may pamagat “ Pag-organisa,” ay ipinaliliwanag ang espirituwal na kayamanan na resulta mula sa “pagpaparami” na isang antas sa pagunlad. Ang susunod na ayos ng kursong ito ay sa “Pagpapakilos” na nagpapakit ang mga paraan para sa pagpapakilos ng mga espirituwal na puwersa para Sa Dios at ipaliwanag ang praktikal na pag-aangkop ng pangitain ng Harvestime para sa tiyak na bahagi ng ministeryo.
Ang mga naunang kurso ng Harvestime bago ang kursong ito ay mahalagang lahat. Kung iyong susubukin ang pagapakilos na walang pundasyon, ikaw ay may kasigasigan ngunit walang pagkaunawa. Hindi ka makapagpapakilos kung wala ang mga tao, kung saan naging mahalaga ang pagpaparami. Kung susubukin mo na magpakilos ng walang organisasyon, mayroon kang ginagawa ngunit walang pagpapalano na makabuluhan.
Sa maraming pagkakataon ng paglilingkod ng mga Kristiyano, iniaalay natin ang pinakamabuti Sa Dios at iniisip na ito ay sapat na. Ang ating pinakamabuti ay hindi kailanman sapat. Ang organisasyon ay hindi sapat. Ang Espirituwal na pagpapadami ay hindi sapat. Kahit ang magandang saligan ng pananampalataya ay hindi sapat. Tutoo... dapat nating ialay ang pinakamabuti... ngunit dapat tayong tumingin Sa Dios at idagdag ang Kanyang banal na apoy, Kanyang kaluwalhatian, at espirituwal na pagbabago. Hindi tayo dapat dumepende sa ating pagsasanay, karanasan, at organisasyon. Sa halip, dapat nakadepende tayo sa paghipo Ng Dios sa mga ginagawa ng ating mga kamay. Doon lang tayo magiging, tagaani na kimikilos sa gawain ng pag-aani.
At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios: at iyong
itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay; Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay
itatag mo. (Mga Awit 90:17)
MGA LAYUNIN NG KURSO
Pagkatapos pag-aralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahan na:
· Ibigay ang kahulugan ng pagpapakilos
· Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapakilos at pagmamanipula.
· Ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng pagpapakilos at panghihikayat ng kaluluwa.
·
Ibuod
ang Batayan ng Biblia sa pagpapakilos.
·
Talakayin
ang bawa’t sumusundo na espirituwal na puwersa ng pagpapakilos:
· Ang Apoy Ng Dios
· Ang Kaluwalhatian Ng Dios
· Pagsamba Sa Dios
· “Revival” mula Sa Dios
· Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu at katotohanan.
·
Talakayin
kung paano tayo dapat sumamba Sa Dios.
· Kilalanin ang mga prinsipyo ng “revival” batay sa Biblia .
· Ipaliwanag kung paano mapakilos ang mga taong hindi kumikilos.
· Ipaliwanag kung paano haharapin ang kabiguan.
· Kilalanin ang mga prinsipyo ng pagpasok batay sa Biblia na ipinahayag sa aklat ng Josue.
·
Kilalanin
ang mga katangian na kinakailangan para maging tagapagpakilos sa iba.
·
Pakilusin
ang iyong iglesya batay sa espirituwal na mga kaloob.
UNANG
KABANATA
PAGPAPAKILOS O PAGMAMANIPULA?
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
·
Ibigay
ang kahulugan ng “ pagmamanipula.”
· Ibigay ang kahulugan ng “pagpapakilos.”
·
Ipaliwanag
ang pagkakaiba sa pagitan ng espirituwal na pagpapakilos sa pagmamanipula.
·
Ipaliwanag
ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi kumikilos at kumikilos na mga tao.
·
Ibuod
ang kaugnayan sa pagitan ng pagpapakilos at panghihikayat ng kaluluwa.
SUSING TALATA:
Sa inyo’y hindi
magkakagayon: kundi ang sinomang maibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod
ninyo; (Mateo 20:26)
PAMBUNGAD
Sinabi na “ang matagumpay na pagpapalawak ng
kahit anong samahan ay nasa direktong kasukat ng kakayahan na mapakilos at
makilahok ang bawa’t kaanib nito sa palagian na ipakalat ang mga
pinaniniwalaang, mga layunin, at pilosopiya.”
Para magawa ang layunin at matupad ang pangitain, dapat kang kumilos. Kung gumagawa ka lamang ng mga plano at mga programa, mayroon kang organisasyon. Kung pinakikilos mo ang mga tao , mayroon kang organismo at ang bawa’t tao sa organismo ay nagiging bahagi ng pagtupad ng pangitain.
Ang panlabas na pagpapakilos ay resulta ng
panloob na pagbunsod. Ang bawa’t isa ay nahikayat na gumawa ng isang bagay. Ang
mahalagang susi sa mabisang ministeryo ay mahikayat at mapakilos ang mga anak
Ng Dios para sa gawain ng ministeryo.
PAGMAMANIPULA
Ang makamundong estratehiya ng pagpapakilos ay
nakasentro sa pagmamanipula ng mga tao para sa pansariling pakinabang. Ang ibig
sabihin ng para “magmanipula” ay para “mahusay na mangasiwa, mamahala, o
pangunahan ang isnag tao para sa makasariling mga layunin.” Ang isang
nagmamanipulang tao ay gumagamit ng iba, bilang “mga bagay” para makamit ang
ninanais.
Sa pagmamanipula, sinisikap na pakilusin ang
mga tao na naka sentro sa mga bagay na nakalulugod sa laman. Ang isang tao ay nahikayat na ang isang gawain ay
makaaabot sa kanyang sariling mga layunin, pangangailangan, o naisin. Nais
niyang umunlad sa papuri at atensiyon mula sa iba. Pinagsusumikapan niya ang
kalagayan at ang damdamin na siya ay katanggap tanggap. Kadalasan kasama ang
pananalapi at materyal na pakinabang. Ang mga ito ay ilan sa mga panloob na
nagtulak para kumilos siya.
Ang pagmamanipula ay naka batay sa
pangangailangan. Nakikita ng mga lider ang pangangailangan at minamanipula ang
mga tao at ang mga kayamanan para maabot ang pangangailangan na iyon. Kung ikaw
ay naitutulak ng pangangailangan,” ikaw ay magiging “kontrolado ng
pangangailangan,” Ang mga tao ay pangungunahan ka at mamanipulahin ka para
maabot ang kanilang personal na mga pangangailangan.
Sa simula, mayroong dalawang uri ng pagmamanipula. Ang isa ay “pagtulak” na pagmamanipula na gumagamit ng takot bilang puwersa nito. Ang isa ay “paghila na pagbunsod” na gumagamit ng makalaman na pampasigla at gantimpala. Kung ang mananampalataya ay kailangan na itulak o hilahin para makisama sa gawain ng Kaharian Ng Dios, makikita na may maling nangyayari.
Sa pagmamanipula, ang mga tao ay
kadalasan na tinatrato na may pagkiling at kung minsan kinukonsiyensiya at pinupuwersa ng mga mga lider para magawa ang dapat
gawin. Ngunit nag babala ang
Biblia sa mga espirituwal na mga lider para pigilan (huwag gumamit)...
At kayong mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa
kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalam na ang Panginoon
nila at ninyo ay nasa langit, at sa kaniya’y walang itinatanging tao. (Efeso
6:9)
Sa makatuwid, dapat kang makitungo sa mga
pinangungunahan mo kung paano ka pinakikitunguhan Ng Dios.
Ang “pangkukulam” ay naka sulat sa Galacia 5:20
bilang gawa ng laman. Sa talatang ito ang pangkukulam ay hindi lamang tinutukoy
ang masamang gawain ng mga mangkukulam na tagasunod ni Satanas. Tinutukoy din
nito ang makalaman “pagmamanipula” sa ibang tao para sa iyong sariling layunin
at nasa.
Itinuro Ni Jesus na ang mga mananampalataya ay hindi dapat gawin ang makamundong
mga paraan ng pag-uugali at pangangasiwa:
Sa inyo’y hindi
magkakagayon: kundi ang sinomang maibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod
ninyo; (Mateo 20:26)
PAGPAPAKILOS
Ang mga mananampalataya ay hindi dapat
nagmamanipula, ngunit dapat silang nagpapakilos. Ang Dios ay palaging kumikilos
sa pamamagitan ng mga tao na naitulak na kumilos. Sa buong talaan ng Biblia
Siya ay tumatawag ng mga tao para pisikal, espirituwal, at ang pananalapi ay pakilusin para magawa ang
Kanyang mga plano at mga layunin.
Ang ibig sabihin ng “pakilusin” ay para “ mailagay sa kahandaan para sa
aktibong paglilingkod , para magamit ang lakas ng tao sa paggawa.” Sa malawak
na termino, ang pagpapakilos ay tungkol
sa anumang pangyayari kung saan ang mga anak Ng Dios ay nagising at
patuloy na kumikilos at lumalago hanggang kanilang makita ang lugar nila sa
estratehiyang paglahok sa gawain para matapos ang panghihikayat ng kaluluwa sa
sandaigdigan.
Ang espirituwal na pagpapakilos ay nagkakaiba
mula sa pag mamanipula dahil ito ay batay sa mga prinsipyo ng Biblia at ang
pagbunsod ay nakatuon Sa Dios sa halip na sa tao. Ito ay hindi nakatuon sa
laman o sarili. Ito a y hindi ministeryo na ayon sa pangangailangan, ngunit ayon sa utos.
Halimbawa, nang binisita Ni Jesus ang paliguan
ng Betesda, maraming mga tao ang pilay, may sakit, at karamdaman. Ngunit isang
tao lamang ang pinagaling Ni Jesus. Siya ay nakabatay sa utos sa halip na sa
pangangailangan. Hindi ibig sabihin nito na Siya ay walang damdamin sa iba,
ngunit Siya ay pinangunahan Ng Dios na mag ministeryo sa isang tao.
Kung ikaw ay nag miministeryo ayon sa
pangangailangan, di magtatagal ikaw ay magagapi ng maraming pangangailangan na
nakapalibot sa iyo.. Pagkatapos, ikaw ay pangungunahan ng-pangangailangan. Ang
pangangailangan ng mga tao ang mangunguna sa iyong buhay at ministeryo. Ikaw ay
ma mamanipula nila at ikaw ay mag mamanipula para maabot ang malaking
kahilingan ng mga pangangailangan na ito.
Kung ang oryentasyon mo ay ayon sa utos sa
halip na pangangailangan, ang iyong ministeryo ay pinangungunahan Ng Dios sa
halip na pinangungunahan ng tao. Ang mag bubunsod at magpapakilos sa iyo ay ang
kapangyarihan Ng Dios sa halip na pagmamanupula ng mga tao at ng kanilang
mga pangangailangan.
ANG HINDI KUMIKILOS AT ANG KUMIKILOS
Ang kabaligtaran ng napakilos ay hindi kumikilos. Mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng dalawa kung ikaw ay mag bubunsod ng hindi aktibong mga mananampalataya:
ANG HINDI KUMIKILOS NA TAO:
Ang ibig sabihin ng “hindi kumikilos” ay “walang malasakit”, hindi aktibo, hindi tumutugon, hindi nababahala, walang emosyon o walang damdamin.” Narito ang karaniwang mga dahilan kung bakit ang mga tao ay hindi kumikilos, kung bakit sila ay hindi aktibo, hindi nababahala, hindi kasama sa gawain ng Panginoon:
-Hindi sila pinangungunahan Ng Panginoon Jesu Cristo.
-Hindi nila nauunawaan ang kahulugan gn Dakilang Utos.
-Hindi nila alam ang kanilang lugar sa Katawan
Ni Cristo.
-Wala silang mga layunin, pangitain, at direksiyon.
-Wala silang iisang pangitain. (Marami silang nakikita na dapat gawin at walang maliwanag na pangitain ng kanilang tungkulin, kaya sila ay pinanghihinaan ng loob at walang ginagawa.)
-Sila ay abalang-abala ng mga alalahanin at gawain ng kamunduhan.
-Sila ay natatakot na ang kanilang kusang loob na pagsama ay samantalahin ng iba.
-Ang lideratura na awtoritatibo na gumagawa ng lahat ay humahadlang sa kanilang pagsama. Ito ay ministeryo na “batay sa personalidad”sa halip na sa minsiteyo ng Katawan na kasama ang lahat ng mga kaanib sa gawain Ng Panginoon. ( Ang pastor o espirituwal na lider ay hindi dapat siya lamang ang gumagawa ng gawain. Dapat niyang ihanda at pakilusin ang katawan para sa gawain ng ministeryo.)
-Sila ay nabubuhay sa nakaraan. Ang Biblia ay nagbabala, “Alalahanin ang asawa ni Lot.” Ang pagtingin sa “mabubuting nakaraan na mga araw” o kung paano ang mga bagay ay ginawa dati” ay humahadlang sa paggawa sa pangkasalukuyan.
-Sila ay lumalakad sa laman: Kung ang tao ay lumalakad sa laman, hindi sila makagagawa ng espirituwal na mga layunin. Hinahadlangan ng laman ang paggawa “ng mga bagay na dapat mong gawin” (Roma 7:15). Pagkabigo, pagkakabaha-bahagi, at hindi nalulutas na hidwaan ay mga tanda na ang tao ay lumalakad sa laman. Ang mga ito at katulad na gawain ang magdadala sa mga tao para hindi maging aktibo sa Kaharian Ng Dios.
-Ang kasalanan ang nagbabawal sa pagdaloy ng hipo Ng Dios, ng Kanyang apoy, kaluwalhatian, at “revival”. Dahil ang mga ito ang espirituwal na puwersa sa pagpapakilos, di magtatagal ang mananampalatya na nagpapatuloy sa kasalanan ay mawawala ang kanyang pagkabuyo.
-Ang panghihina ng loob ay
nagdudulot ng hindi pagkilos. Ang isang tao na pinanghinaan ng loob ay nakasara
ang isip, may pangangailangan ng kapangyarihan, pangunguna, at para magawa niya
sa kanyang paraan. Umiiwas
siya sa personal na responsabilidad, sinisisi ang iba sa mga problema, at nais
na makaganti. Siya ay hindi matatag at hindi tapat. (Tingnan ang bahagi ng
“Dagdag Na Pag-aaral” ng aralin na ito).
-Ang “propesyonal” na ugali. Ito ay problema na
kadalasan na nagbibigay sa mga tao para hindi maging aktibo sa makabagong
panahon ng iglesya. Ang “propesyonal” na ugaling ito nagsasabing “Umupa tayo,
magagawa ito.”
ANG HINDI KUMIKILOS
NA MGA TAO:
Ang isang tao na hindi kumikilos ay nagdudulot
ng magkakasamang hindi kumikilos na mga tao. Sa pauna ang pinakamagandang
halimbawa ng larawan ng iglesyang ito na hindi kumikilos na iglesya ay ang
igleysa sa Sardis sa Apocalipsis 3:1. “Ipinamumuhay nila ang kanilang
pangalan”, ngunit sila ay patay.” Narito ang mga “talaan ng hindi kumikilos na
iglesya.” Paano ang inyong iglesya ay masusukat?
-Pisikal na pagaalaga sa kagamitan ng iglesya
ay mababa sa karaniwan at nagpapakita ng ugalil na “hindi ako nababahala”.
-Sobrang naka depende sa pastor o inuupahan na
mga manggagawa para gawin ang ministeryo.
-May malakas na pag tanaw sa nakaraan,
paniniwala na ang “dating mga panahon “ay mas mabuti sa pangkasalukuyan.
-Mayroong pagbaba ng bilang ng mga kaanib.
-Maraming hindi aktibong mga kaanib.
-Ang tuon ay sa musika, mga bata, at ang mga kabataan habang ang mga matanda at nananatiling hindi aktibo.
-Ang ekonomiya ay mas mahalaga sa pagpapasiya sa halip na hakbang ng pananampalataya.
-Ang pag-usap ay hindi maayos sa pagitan ng mga kaanib, pastor, at mga manggagawa.
-Ang mababang bilang ng mga dumadalo ay nagpapahayag ng mababang antas ng pagmamalasakit.
-Walang init sa panghihikayat ng kaluluwa.
-Ang malaking bahagi ng mga tao na gumagawa ng patakaran at ang agresibong mga kaanib ay mula sa mga kaanib na ang kongregasyon ay nagsimula o mula sa “mga dati ng mga kaanib”
-Ang pananaw ng pastor sa kanyang ministeryo ay sa nakaraan sa halip na sa panghinaharap.
-Ang kongregasyon ay nakumbinsi na kung makakakita sila ng “super pastor” para palitan ang kanilang pastro, ang kanilang problema ay mawawala na.
-Ang nagpapatakbo ng katawan ng kongregasyon ( pamunuan, konseho, at iba pa) ay karaniwan na ang pangunahaing tungkulin ay pagbabawal sa mga bagay na hindi dapat gawin. (Sa aktibong iglesya, ang nagpapatakbo na katawan ay nang hihikayat na maging malikhain, pagbabago, hakbang ng pananampalataya, at kung kinakailangan nagbibigay sa halip na pumipigil ).
-Ang mga bagong plano ay naabot ng may pagtatalo kung “kung bakit hindi ito magiging mabisa dito.”
-Ang tuon ay sa pagkatuto sa halip na paggawa.
-Ang karaniwang kaanib ay hindi kilala sa pangalan ang mahigit sa limang tao sa kongregasyon.
-Kadalasan ang mga tao ay namimintas kung ano o ano ang hindi nangyayari.
-Ang mga bagong kaanib ay nahihirapan na makadama na sila ay kasama at kailangan.
Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagpapakita ng walang pagmamalasakit, walang bahala, at kulang sa pakikilahok.
ANG KUMIKILOS NA TAO:
Ang isang taong napakilos ay
handa na maki-ayon at tumugon sa pangunguna ng Espiritu Santo. Hindi siya
nakalaan sa makasariling pamamaraan. Kanyang inihanda ang kanyang espirituwal
na sisidlan (ang kanyang “wineskin”) para tanggapin ang “bagong alak” (bagong
mga bagay na ginagawa Ng Dios). Ang
isang napakilos na tao ay naka depende Sa Dios sa halip na naka depende sa
sarili. Siya ay espirituwal sa halip na naudyukan ng laman. Siya ay natutuwa
tungkol sa mga gawain Ng Dios at kasama sa Kaharian Ng Dios.
Ang isang napakilos na tao ay nakalaan na gumawa – kahit humakbang sa panganib na may pananampalataya—at responsabilidad niya ang kanyang mga gawa. Ang isang napakilos na tao ay matatag, tapat, at sa halip na maghiganti sa oras ng kagipitan, hinahanap niya ang solusyon. Siya ay kumikilos ayon sa utos sa halip na ayon sa pangangailangan. Hindi siya na mamanipula ng iba at nagsasamantala sa iba. Siya ay mahabaging, maibigin, kasama at natutuwa sa gawain ng Kaharian.
ANG KUMIKILOS NA MGA TAO:
Pagbalik aralan ang mga palatandaan na ibinigay sa aralin na ito ng hindi kumikilos na iglesya. Isipin ang kabaliktaran ng bawa’t mga palatandaan na ito. Ang kabaliktaran ng bawa’t ugali ay naglalarawan ng napakilos, naibunsod na iglesya.
Ang napakilos na iglesya ay may pagbabagong espirituwal. Ang napakilos na iglesya ay naibunsod, may alab sa pagmamahal at mahabangin sa mga naliligaw. Ito ay binubuo ng grupo ng mga tao na aktibong kasama sa pagtupad ng Dakilang Utos. Ito ay may pag-iisip ng Kaharian sa halip na sa denominasyon. Ito ay sumasamba, muling nabuhay na iglesya na puspos ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng Dios.
MGA KATANGIAN NG TAGAPAGPAKILOS
Minsan mayroong kilalang siyentipiko na si Sir Isaac Newton. Pinag-aralan at isinulat niya ang natural na batas ng pagkilos. Ang unang batas ay ...
“Ang katawan na kumilos ay nahihilig na manatiling kumikilos at ang katawan na nakatigil ay nahihilig na manatiling nakatigil.”
Ito ay tutoo rin sa espirituwal. Ang mga tao ay mananatiling walang bahala,
walang malasakit, at hindi aktibo hanggat hindi maibunsod at mapakilos para sa
gawain Ng Kaharian.
Dito papasok ang ministeryo ng “nagpapakilos”. Ang isang nagpapakilos ay nagpapakilos sa iba. Ngunti para magawa ito dapat muna niyang pakilusin ang kanyang sarili. Ang isang napakilos na tao ay makapagpapakilos ng iba sa pamamagitang ng halimbawa at pagpapalakas ng loob sa halip na puwersa o takot.
Ang isang nagpapakilos ay nakatalaga sa tiyak na gawain ng Dakilang Utos. Nakatuon siya sa labas ng kanyang sarili at sa kanyang personal at sariling mga pangangailangan. Hindi siya nakatingin sa organisasyon ,denominasyon. Siya ay nakatuon sa Kaharian . Ang kanyang mga layunin, at mga pakay ay nakatuon sa Kaharian Ng Dios.
Ang isang nagpapakilos ay inihahanda ang iba para sa gawain ng ministeryo sa pamamagitan ng paghamon sa kanila na may espirituwal na pangitain, pinatatatag sila sa saligan ng pananampalataya, at hinahamon sila sa espirituwal na pagpaparami. Tinutulungan niya ang mga tao na madiskubre at magamit ang kanilang kakayahan na walang madama na magkatakot sa kanilang espirituwal na paglago at pagunlad ng Kaharian Ng Dios.
Sa katunayan, ang espirituwal na
mga lider na itinatag Ng Dios sa iglesya ay mga apostol, propeta, ebanghelista,
pastor, at mga guro ay lahat na dapat maging tagapagpakilos. Ang kanilang pakay ay para “maihanda” ang iba
para sa gawain ng ministeryo (Efeso 4:11-12).
Ang isang tagapagpakilos ay hindi kailanman
ipinapalagay ang mga tao bilang walang buhay na mga bagay na magagamit para
magawa ang isang bagay. Alam niya na sa pagpapakilos higit sa pagsabi ng “gawin
mo ito” at hayaan na gawin ng tao ang dapat gawin. Kinikilala niya na ang ibang
tao ay ay ginawa sa wagis Ng Dios at hindi “mga bagay” para magamit, kahit sa
gawain Ng Kaharian.
Ang isang tagapagpakilos ay matapang sa pagharap sa mga oposisyon at may malalim na espirituwal na karanasan. Ang kanyang buhay ay nahipo Ng kapangyarihan at kaluwalhatian Ng Dios. Siya ay lumalakad na may dangal at nananatili ng malapit, personal na kaugnayan Sa Panginoon.
Si Josue, ang lalaking napili Ng Dios para mapakilos ang Israel para kunin ang Lupang Pangako, ay isa sa pinakamagandang halimbawa ng tagapagpakilos. Pag-aaraln mo ang marami pang bagay tungkol sa kanya at mga katangian ng tagapagpakilos sa Ika-Labingapat na Kabanata ng kursong ito.
Maraming mga mananampalataya ang espirituwal na patay dahil ang nangangaral sa kanila ay patay na tao. Sila ay hindi aktibo, walang damdamin, walang bahala, at walang malasakit. Kung kulang ka sa pusong pagaapoy, ang iyong pinangungunayan ay wala nito.
Ang walang damdamin na relihiyon ay hindi makapapatay ng apoy ng nagngangalit na kaaway na nasa mundo natin ngayon. Ang pinakamahusay na paraan para lumaban sa apoy ay sa pamamagitan ng apoy. Kung paano natutunan ni Elias, ang kahoy ay hindi sapat, ang altar ay hindi sapat... kahit ang ating mga sakripisyo at hindi sapat. Dapat nating mahipo ang apoy ng Dios!
Nakatala sa Mga Bilang 16:46-48
kung paano si Aaron ay ginamit Ng Dios para tumayo sa pagitan ng buhay at
patay, naglaan ng tulay ng buhay. Ito ang ginagawa ng napakilos na tao. Siya ay
tumatayo sa pagitan ng patay (hindi kumikilos) at ng buhay (aktibo). Siya ay ginamit Ng Dios para
pakilusin ang mga mananampalataya sa gawain. Daladala niya ang tagasuri na
puspos ng apoy Ng Dios, pinagaapoy ang bawa’t buhay na kaniyang hinihipo ng
apoy na ito.
Maraming mga tao ang nagsusubok na manguna sa
mga anak Ng Dios at gawin ang gawain Ng Dios na may pusong hindi tunay na
nagapoy o puso na nawala ang kanilang alab. Ang apoy ba na nagsindi sa disyerto
ng nag-aapoy na puno sa panahon ni Moises ay makapagsisindi sa ating mga puso
ng apoy hanggang tayo ay magalab para
Sa Dios? Ang apoy ba na nakita ni Ezekiel na umalis ng unti-unti mula sa Israel
ay babalik sa atin ngayon?
PAGPAPAKILOS AT PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
Ano ang dahilan kung bakit natin pinakikilos ang mga tao? Bakit natin sinusubukan na maibunsod ang hindi kumikilos na mga tao? Kung ang mga tao ay panatag sa ating kongregasyon ng iglesya at ang kanilang mga pangangailangan ay naaabot, bakit hahalukayin ang mga bagay na ito?
Dapat tayong magmalasakit sa pagpapakilos ng mga espirituwal na kayamanan dahil ito lamang ang paraan para ang dakilang espirituwal na pagaani ng ating mundo ay maaaring maani. Pinakikilos antin ang espirituwal na kayamanan para sa layunin ng panghihikayat ng kaluluwa.
May pagkakaiba sa pagitan ng pagpapakilos at sa ibang paraan ng panghihikayat ng kaluluwa. Sa karamihan sa mga programa ng panghihikayat, ang sentro ng atensiyon ay sa mga may “kaloob” ( o kung minsan sa makabagong iglesya ang “mga propesiyonal”) na ebanghelista. Sa ganitong uri ng panghihikayat ng kaluluwa, ang tuon ay sa pagdami ng bilang ng mga tagapakinig. Ang pagpapahayag, pag-aanyaya, pakikipanayam sa radyo at telebisyon, at marami pang ibang paraan na ginagamit. Ang lahat ng posibleng maaring gawin para mapalawak ang epekto ng ministeryo ng ebanghelista.
Ang napakilos na paraan sa panghihikayat ng kaluluwa ay nakatuon sa lahat ng mga mananampalataya, sa halip na sa may mga tiyak na ministeryo na kaloob ng panghihikayt ng kaluluwa. Hinahanap nitoa ng pagpaparami ng bilang ng mga nahikayat sa pamamagitan ng pagbunsod sa bawa’t isa sa mga anak Ng Dios para “gawin ang gawain ng ebanghelista” (II Timoteo 4:5).
Ang uri ng pagpapakilos ay ginawa sa balangkas ng Biblia ng Iglesya. Ito ay tinawag na “ministeryo ng katawan,” kung saan ang bawa’t tao ay nananagot ng kanyang kalagayan batay sa espirituwal na kaloob. Pagkatapos ang buong katawan ay naglilingkod na may pagkakaisa para maabot ang pangkalahatang mga layunin na may pakikiisa sa Dakilang Utos. Sa pagpapakilos para sa panghihikayat ng kaluluwa, ginagamit natin ang lahat ng maaaring paraan para maabot ang bawa’t antas ng lipunan, pagpapahayag ng buong ebanghelyo sa lahat ng mga tao.
ANG PANAHON NG PAGPAPAKILOS
Sa natural na hukbo, ang mga pangkat ay pinakikilos sa oras ng digmaan at /o malaking pangangailangan. Sa espirituwal, ito ay panahon ng pakikipaglaban. Tayo ay nasa dakilang labanan para sa mga puso, kaluluwa, at kaisipan ng mga lalaki at babae sa buong mundo. Ito ay panahon ng malaking pangangailangan. Tinitingnan natin ito kung paano natin tinitingnan ang espirituwal na pagaani ng bukirin sa mundo, handa na anihin, ngunti may kakaunti na mga manggagawa ang gumagawa ng bahagya sa paglubog ng araw. Ngayon ang panahon sa pagpapakilos sa mga anak Ng Dios. Katulad ng sinabi ni propeta Micah, “Kumilos! Ang kaaway ay nangubkob...” (Mikas 5:1, ang Mabuting Balita Biblia).
Ngunit para mapakilos, dapat
tayong bumalik Sa utos Ng Dios sa halip na ayon sa pangangailangan na
ministeryo. Dapat tayong
dumepende Sa Dios sa halip na sa sarili. Ang organisasyon, pagkakaisa,
pagpapadami, doktrina... ang lahat ng mga ito ay mahalaga. Ngunit Ang Dios
lamang ang makapagpapadala ng apoy, ng kaluwalhatian, at ang “revival” ng
nagpapakilos sa Kanyang mga anak. Kung paanoang katawan na walang hininga at
buhay, gayundin ang mga anak Ng Dios na organisado, mag pagkakaisa, at naturuan
ng doktrina, ngunti kulang sa hininga ng buhay Ng Espiritu Santo.
Kung aasa ka sa iyong pinag-aralan, iyong magagawa kung ano ang nagawa ng pag-aaral. Kung aasa ka sa kakayahan at matiyagang paggawa, iyong makakamit ang mga resulta ng iyong matiyagang paggawa at kakayahan. Kung aasa ka sa komite lamang, marami kang magagawa ... ngunit kung ano lamang ang magagawa ng komite. Ngunit kung aasa ka Sa Dios, magagawa mo kung ano ang magagawa Ng Dios!
Ang pagsisikap ng tao ay hindi kailanman magagawa ang gawain. Ang dakilang huling panahon ng pag-aani ay hindi maaani ng makalaman na mga paraan:
Napakamangmang na baga kayo? Kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo’y
nangagpapakasakdal kayo sa laman?(Galacia 3:3)
Ang gawain na ito ay hindi magagawa ng pagmamanipula o sa kalakasan ng tao o kapangyarihan.
Nang magkagayo’y siya’y sumagot at nagsalita sa akin... hindi sa
pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking
Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (Zacarias 4:6)
Maraming taon ang nakalipas, Ang Dios ay nagbigay sa isang propeta na si Zacarias ng pangitain ng isang gintong sabitan ng lampara. Ang lampara ang nagbigay ng liwanag sa daluyan na nakatanggap ng langis galing sa buhay na puno ng olobo. Ang lampara ay nagapoy hanggat ang langis ay dumadaloy.
Hindi mo magagawa ang gawain Ng Dios kung wala ang pahid Ng Dios na patuloy na dumadaloy sa iyong buhay. Dapat kang nakakabit sa buhay na puno ng olibo. Katulad ng sagana na namumunga dapat kang maikabit sa puno (Juan 15). Ito ay banal na nagbunsod. Ito ay makapangyarihang pagpapakilos.
Si Jesus ay nahipo ng pagpapakilos na ito ng apoy Ng Espiritu Santo (Lucas 4:18). Ang unang iglesya ay nagapoy sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Pentecostes (Mga Gawa 2). Alam ni David ang kapangyarihan Ng Espiritu (II Samuel 23:2). Pinatotohanan ni Ezekiel ito ng paulit-ulit. Sina Ezra (Ezra 7;6) at Nehemias (Nehemias 2:18) ay nadama rin ang nagbunsod, nagpapakilos na mga puwersa Ng Dios nang ang kamay Ng Panginoon ay nasa kanila. Alam ni apostol Pablo ito (II Corinto 1:1-22).
At malalaman mo rin ito!
PANSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
2.
Ibigay
ang kahulugan ng “ pagmamanipula.”
________________________________________
________________________________________
3. Ibigay ang kahulugan ng “pagpapakilos.”
________________________________________
________________________________________
4.
Ipaliwanag
ang pagkakaiba sa pagitan ng espirituwal na pagpapakilos sa pagmamanipula.
________________________________________
________________________________________
5. Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi kumikilos at kumikilos na tao.
________________________________________
6. Ibuod ang kaugnayan sa pagitan ng pagpapakilos at panghihikayat ng kaluluwa.
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Basahin ang istorya ng hukbo ni David sa I Samuel 30. Obserbahan kung paano ang mga lalaking ito ay mayroong larawan ng isang taong pinaghinaan ng loob:
“Ang taong
pinanghinaan ng loob ay sarado ang isipan, may pangangailangan ng
kapangyarihan, pangunguna, at nais na mangyari ang kanyang sariling paraan. Umiiwas siya sa personal na
responsabilidad, sinisisi ang iba sa mga problema, at nais na maghiganti. Siya
ay hindi matatag at hindi tapat.”
Ano ang ginawa ni David para mabago ang kalagayan? May kilala ka bang tao na pinaghihinaan ng loob? Paano mo siya mapalalakas ang loob nila?
2. Ang likas ng pagbunsod sa tao ay pinagaralan gn lalaking si Abraham Maslow. Sinasabi niya para maibunsod ang mga tao na kumilos dapat mong matugunan ang kanilang pangunahing mga pangangailangan na kasama ang mga sumusunod:
-Para matupad ang sariling
kakayahan.
-Para lumago at umunlad.
-Para maging malikhain.
-Pahalagahan ng iba.
-Pahalagahan ang sarili.
-Madama na siya ay kasama.
-Para magmahal.
-Para
mahalin.
-Tirahan.
-Ligtas.
-“Sex”
-Uhaw.
-Gutom.
Habang ang mga ito ay mahalaga sa buhay dito sa
mundo, ang lahat ng mga ito ay makalaman an pagnanais. Ang mga tao na napakilos
batay sa mga pagtuon sa mga ganitong mga pangangailangan ay hindi mananatiling
nahikayat. Kung ang kanilang makasariling mga pangangailangan ay hindi
matugunan, sila ay babalik sa hindi paggawa.
Hindi mo mapakikilos ang mga tao para sa
espirituwal na mga layunin batay sa makalaman na mga pangangailangan. Dapat
mo silang mapakilos para sa espirituwal
na mga layunin batay sa espirituwal na mga prinsipyo.
IKALAWANG KABANATA
ANG BATAYAN SA BIBLIA NG PAGPAPAKILOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag kung paano ang pagpapakilos ay itinakda Ng Dios.
· Kilalanin ang paglalarawan batay sa termino ng Biblia na nagpapahiwatig sa pagpapakilos.
·
Kilalanin
ang utos batay sa Biblia para sa pagpapakilos sa mga mananampalataya.
·
Ipaliwanag
kung paano ang pagpapakilos ay ginagawa sa iglesya sa Bagong Tipan.
· Isulat ang halimbawa ng pagpapakilos sa Lumang Tipan.
· Ibuod kung ano ang iyong natutunan tungkol sa pagpapakilos mula sa buhay ni Gedeon.
SUSING TALATA:
Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang
salita. (Mga Gawa 8:4)
PAMBUNGAD
Sa buong talaan ng Biblia, ginagawa Ng Dios ang Kanyang plano at natutupad ang Kanyang mga layunin sa mga pamamagitan ng mga tao na kumikilos para gumawa. Ipinahayag ng Biblia na ang pagpapakilos ay utos Ng Dios at ipinahihiwatig batay sa termino ng paglalarawan sa Biblia. Ito ay inilarawan sa iglesya sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan, at ito ay naka sentro sa utos na ibinigay sa mga mananampalataya para tuparin ang Dakilang Utos.
Sa aralin na ito iyong pag-aaralan ang batayan sa Biblia ng pagpapakilos. Matututunan mo rin ang sentral na katotohanan ng pagpapakilos sa Biblia. Sa katotohanan ang ganitong pagpapakilos ay hindi nakabatay sa pangangalap ng malaking pisikal o pinanggagalingan ng salapi. Ang Dios ay gumagawa ng makapangyarihang mga bagay sa pamamagitan ng kakauntinig mga tao na napakilos para gumawa at tumugon sa Kanyang tawag.
ANG PAGPAPAKILOS AY
ITINAKDA NG DIOS
Basahin ang Efeso 4:11-16. Ipinahayag ng mga
talatang na ang dahilan kung bakit nagbigay Ang Panginoon ng natatanging mga
kaloob sa pamunuan ng Iglesya ay para sa layunin na maihanda (pagpapakilos) ang
mga tao para sa gawain ng ministeryo.
Ang lahat ng mga apostol, propeta,
ebanghelista, pastor, at guro ay dapat na “nagpapakilos.” Sila ang natatanging
ministeryo ng mga kaloob na itinalaga Ng Dios para maihanda (mapakilos) ang mga
mananampalataya para sa gawain ng ministeryo. Ang katotohanan na ang Espiritu
Santo ay nananahan at nagbibigay sa bawa’t mananampalataya ng espirituwal na
mga kaloob ay nagpapatunay din na ang pagpapakilos ng buong Katawan Ni Cristo
ay itinalaga Ng Dios (Roma 12:3-8 at I Corinto 12:1-31).
ANG PAGPAPAKILOS AY
IPINAHIHIWATIG NG PAGLALARAWAN NA MGA TERMINO
Ang ginamit na mga termino na naglalarawan para
sa Iglesya ay nagpapahiwatig din ng pagpapakilos. Ang Roma 12:3-8 at I Corinto 12:1-31 ay nagsasabi ng tungkol sa
Iglesya na gumagawa bilang “katawan,” na ang bawa’t mananampalataya ay
napakilos para matupad ang naiibang layunin. Ang pagiging saserdote ng lahat ng
mga mananampalataya na inilarawan sa Hebreo 10:19-22, I Pedro 2:9, at
Apocalipsis 1:6 ay nagpapahiwatig ng ang pagpapakilos ng buong Iglesya para sa
gawain ng Kaharian.
ANG PAGPAPAKILOS AY
NAKA SENTRO SA UTOS NG BIBLIA
Ang pagpapakilos ay naka sentro sa utos sa
Biblia na ibinigay sa mga mananampalataya. Halimbawa, maliwanag na sinabi sa
Biblia na ang mga mananampalataya ay nilalang para gumawa na mabubuting mga
gawa. (Tingnan ang Efeso 2:10, Tito 2:14; 3:8; Santiago 2;17, at I Pedro 2:12).
Para matupad natin ang mga ito, dapat tayong mapakilos na gumawa.
Ang pagpapakilos ay naka sentro rin sa pagtupad
ng Dakilang Utos para maipalaganap ang Ebangehlyo sa mga bansa ng mundo:
Dahil dito magsiayon
nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong
bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa
kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa
inyo...(Mateo 28:19-20)
Humayo, mangaral, magturo, bautismuhan... ang
lahat ng mga ito ay salita na kumikilos. Ang napakilos na puwersa ng mga
mananampalataya ay kinakailangan para matupad ang mga utos na ito.
ANG PAGPAPAKILOS AY
GINAGAWA SA BAGONG TIPAN
Ang Iglesya sa Bagong Tipan ay napakilos na
grupo ng mga tao. Sila ay araw-araw na nag miministeryo sa templo at sa bawa’t
bahay (Mga Gawa 5:42). Sila ay nagpupuri at sumasamba Sa Dios, at pinararami Ng
Panginoon ang kanilang bilang araw-araw (Mga Gawa 2:47).
Kahit ang pag-uusig ay hindi nagpalamig sa
kanilang kasigasigan. Ang resulta ng pag-uusig sa pagkalat ng kanilang mga
kaanib ngunit...
Ang mga nagsipangalat
nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita. (Mga Gawa 8:4)
Ang unang iglesya ay nagbuo ng grupo ng mga
misyonero at ipanadala sila sa ibang mga bansa (Mga Gawa 13:1-3). Sila ay nag
ministeryo mula sa Jerusalem, Judea, Samaria, at sa dulo na bahagi ng mundo.
Literal nila na “binaliktad ang mundo ng upside down” para Sa Dios (Mga Gawa
17:10).
ANG PAGPAPAKILOS AY
INILARAWAN SA LUMANG TIPAN
Ang pagpapakilos ay inilarawan din sa Lumang
Tipan. Basahin kung paano pinakilos Ng Dios ang Kanyang mga anak para ...
-Ang
pagtatayo ng taberbakulo: Exodo
35:4-29
-Ang pagsakop sa Lupang Pangako: Josue 1:10-15
-Ang pagtatayo ng unang templo: I Mga Hari 5:13-18; I Cronica 29:1-9
-Ang pagtatayo ng ikalawang templo: Ezra 1:5-6; 3:8-13; Hagai 1:2-15
-Ang muling pagtatayo ng pader ng Jerico: Nehemias 2:17-6:15
Mapag-aaralan mo rin ang talaan sa Lumang Tipan ng mga pakikipaglaban kung saan pinakilos Ng Dios ang Kanyang mga anak para lupigin ang kapangyarihan ng kalaban. Ang nakatutuwang halimbawa ay ang istorya ni Gedeon.
ANG HALIMBAWA NI GEDEON
Ang isa sa pinakadakilang prinsipyo ng pagpapakilos sa Biblia ay ang pagtupad Ng Dios sa dakilang mga bagay sa pamamagitan ng kakaunting mga tao na napakilos para sa Kanyang mga layunin. Tatawagin natin itong ang “halimbawa ni Gedeon” ng pagpapakilos dahil ito ay inilarawan ng istorya ng lalaking si Gedeon.
Basahin ang Mga Hukom 6:11-24. Nang ang anghel ay nagpakita kay Gedeon, hindi tinutukoy ng lalake ang tungkol sa pakikipaglaban o pagpasok sa lupain. Ginagawa niya ang kabaliktaran. Siya ay nagtatago sa kalaban na dumating sa lupain pagkatapos na itinanim ng Israela ng kanilang binhi. Ninanakaw ng kalaban ang anihin at sinusubukan ni Gedeon na anihin ang limitadong anihin na may pagtatago at takot.
Ito ay larawan ng maraming “pag-aani” na
ginagawa sa mundo ngayon. Ang mga tao ay nagsusubok na anihin ang espirituwal
na anihin para Sa Dios habang nagtatago sa takot, nagtatago sa kalaban. Habang
tayo ay nasa depensibong kalagayan na ito, ang ating “paghihiwalay” sa mga
butil ay magiging limitado . Katulad ng Israel , tayo ay magiging “maghihirap
ng mabigat.”
Nang ang anghel ay kinausap tinawag siyang
“lalaking makapangyarihan na may tapang,” maiisip natin na si Gedeon ay
tumingin sa paligid at sinabi sa kanyang sarili, “Wala akong nakikitang
makapangyarihan na mandirigma.” Hindi niya nakikilala na Ang Panginoon ay nasa
kanya.”
Ang lahat ng nakita ni Gedeon ay ang nakagugulat na kalagayaan sa nakapalibot sa kanya. Kanyang itinanong, “ Kung Ang Panginoon ay kasama namin, bakit nga ang lahat ay sumapit sa amin? Nasaan ang lahat ng Kanyang mga himala na sinabi sa amin ng aming mga ama?
Kung iyong titingnan ang kalagayan ng inyong bansa at ang mundo na nakapalibot sa iyo, maaring mong maitanong “Kung ang Dios ay kasama natin, bakit nangyayari ang lahat ng ito? Nakapanghihina ng loob. Ito ay nakagugulat. Nasaan ang mahimalang gawa ng kapangyarihan Ng Dios?
Nasa ganitong kalagayan ng takot at pagaalinlangan kaya ang Dios ay patuloy na tumatawag ng mga “Gedeon” ngayon. Ang katotohanan ng “halimbawa ni Gedeon” ay ang Dios ay tumatawag sa mahihinang mga tao para gumawa ng makapangyarihang mga bagay. Sinabi ng anghel kay Gedeon, “ Yuamaon ka sa kalakasan mong ito... hindi ba Ako ang nagsugo sa iyo?” Ang nag-iisang nagbunsod na magbibigay ng kapangyarihan sa atin para maabot ang mahirap na pagsubok ng ating henerasyon ay ang pangako na ang Panginoon ay kasama natin. Ang pangako ng na ang presensiya Niya ay ibinigay sa mga napakilos na gumawa at tumugon sa Kanyang tawag na humayo:
Dahil dito magsiayon
nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa... at narito,
ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Bahagi ng Mateo 28:19-20)
Tinanong ni Gedeon ang anghel,
“Paano ko magagawa ito? Ang aking lipi ang pinakadukha at ako ang pinakamaliit
sa aming pamilya.” Nadama rin
ni Moises ang ganito. Gayun din si Jeremias at kahit si Apostol Pablo. Maaaring
ganito rin ang iyong nadarama. Maaari mong madama na ikaw ay limitado sa iyong
katatayuan sa lipunan, pananalapi, pinagaralan, o kakayahan.
Ngunit Ang Dios ay gumagawa sa mahihinang mga
tao na napakilos para tumugon sa Kanyang tawag:
Sapagka’t masdan ninyo
ang sa inyo’y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa
laman, hindi ang maraming may kapangayarihan , hindi ang maraming mahal na tao
ang mga tinawag:
Kundi pinili ng Dios
ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong;
at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya
ang mga bagay na malalakas;
At ang mga bagay na
mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, an pinili ng Dios, oo at
ang mga bagay na walang halaga upang mawalan ng halaga ang mga bagay na
mahahalaga:
Upang walang laman na magmapuri sa haarapn ng Dios. (I Corinto 1:26-29)
Ang partikular na kakayahan na
kaloob Ng Dios kay Gedeon ay hindi lamang ang kanyang kakayahan sa pag-utos sa
hukbo. Ang kakayahan sa
pagbunsod sa iba na sumama sa gawain. Alam natin na siya ay tagumpay dito dahil
sa 32,000 mga lalake ang tumugon sa kanyang tawag sa hukbo!
Ngunit pagkatapos na pinalakas ng loob Ng Dios
si Gedeon sa pangangalap ng mga tao , Ipinakikita Niya na Siya ay kumikilos sa
kakaunti gayundin sa marami. Inalis Ng Dios ang 22,000 na may kakayahan na
makipaglaban. Ang sinoman na may takot ay pinahintulutan na umuwi.
Sinala Ng Dios ang 9,700 na mga lalaki . Ang
mga hindi nababahala at listo ( hindi mga nagmamasid habang umiinom) ay pinauwi
rin. Natira ang 300 na mga lalake... isang porsiyento sa orihinal na nag
boluntaryo. Isipin mo kung ano ang nadama ni Gedeon, haharapin na mga hukbo ng
135,000 na mga lalake!
Ang kakaiba ay 450 mga lalaki pabor sa Madian
sa iisa. Ngunit Ang Dios ay gumagawa ng dakilang mga bagay sa pamamagitan ng
kakaunting mga lalake. Sila ay nanalo sa kanilang kalaban. Kanilang nakuha ang
kanilang teritoryo na tamang kanila. Naani nila ang kanilang anihin.
Nang ang pagsasanib ng Madian, Amalekita, at
iba pa ay nagsama-sama laban sa anak Ng Dios, ang Espiritu Ng Dios ay dumaloy
kay Gedeon. Ang literal na ibig sabihin ng salitang Hebreo ay “dumaloy” ay
“nadamitan.” Ang kapangyarihan Ng Dios ay ibinigay kay Gedeon sa panahon ng
pangangailangan... hindi bago at hindi pagkatapos. Makikita mo rin ang
katotohanan na ito sa iyong buhay. Ang makapangyarihan na pagpapakilos Ng Dios
ay hindi mo mararanasan hanggat hindi ka tumutugon sa Kanyang tawag na humayo.
Ang kampo ng lumulusob na kalabaan ay
inilarawan bilang “ nakapirmi sa burol na tulad ng makapal na balang.” Ang
kanilang kamelyo ay katulad ng “buhangin sa pampang.” Ito ay napakarami.
Ginulat ni Gedeon ang kaaway sa paghihip ng trumpeta at pagwagayway ng mga sulo. Ito ang maaaring pinakamalaking pagpapanakbuhan ng kamelyo
sa kasaysayan! Ang kasama sa tagumpay ni Gedeon ang mahusay na estratehiya at
maingat na pag-aayos, organisadong gawa, ngunit may mas mahigit dito. Ito ay
pagsisikap na itinalaga at pinakilos ng kapangyarihan Ng Dios.
Maaari kang mahina at matatakutin na tao na
gumagawa na may mahina at matatakutin na mga tao na kakaunti sa bilang. Ngunit
maaaring bigyan ka Ng Dios ng Kanyang kapangyarihan kung paano Niya binigyan si
Gedeon. Ikaw ba ay mahina sa tao, pananalapi, at materyal na pinagkukunan? Matuwa
ka... Natutuwa na gumawa Ang Dios ng dakilang mga bagay sa pamamagitan ng
limitado na natural na paraan... At kung gagawin Niya , kukunin Niya ang
kaluwalhatian!
Ang istorya ni Gedeon ay naglalarawan na ang
kakaunting mandirigma, napakilos ng kapangyarihan Ng Dios, na organisa sa
magkatulad na pangitain at estratehiya ay maaaring maging tagumpay laban sa
nakagugulat na pangyayari.
PANSARILING PAG-SUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
2. Paano
ang pagpapakilos ay itinakda Ng Dios?
________________________________________
3. Ano ang ilan sa mga paglalarawan batay sa termino ng Biblia na nagpapahiwatig sa pagpapakilos?
________________________________________
4.
Kilalanin
ang isang utos batay sa Biblia para sa pagpapakilos sa mga mananampalataya.
________________________________________
5. Ipaliwanag kung paano ang pagpapakilos ay ginagawa sa iglesya sa Bagong Tipan.
________________________________________
6. Isulat ang halimbawa ng pagpapakilos sa Lumang Tipan.
________________________________________
________________________________________
7. Ibuod kung ano ang iyong natutunan tungkol sa pagpapakilos mula sa buhay ni Gideon.
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kanabata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ilan sa mga talinghaga na sinabi Ni Jesus sa
Bagong Tipan ay ipinahayag ang kahalagahan ng pagpapakilos.
Pag-aralan ang sumusunod na talinghaga:
1. Ang mga mananampalataya ay dapat na
mapakilos para hanapin ang naliligaw sa kasalanan:
-Ang Talinghaga ng nawalang tupa: Mateo 18:12-14; Lucas 15:4-7
-Ang Talinghaga ng nawawalang pilak: Lucas
15:8-10
-Ang Talinghaga ng alibughang anak: Lucas 15:11-32
2. Ang mga mananampalataya ay dapat na
mapakilos para maging handa sa pagbabalik Ni Jesus:
-Ang Talinghaga ng mga salapi: Mateo 25:14-30; Lucas 19:11-27
-Ang Talinghaga ng taong naglakabay sa Marcos 13:34-37
malayong lupain
-Ang Talinghaga ng mga alipin: Mateo 24:43-51; Lucas 12:39-46
-Ang Talinghaga ng nagmamasid na mga alipin: Lucas 12:36-38
-Ang Talinghaga ng sampung dalaga: Mateo 25:1-12
3. Ang mga mananampalataya ay dapat na mapakilos para gawin ang gawain Ng Dios sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo:
- Ang Talinghaga ng maghahasik: Mateo 13:3-8; Marcos 4:3-8
-Ang Talinghaga ng damo at trigo: Mateo 13:24-30
-Ang Talinghaga ng lambat: Mateo 13:47-50
-Ang Talinghaga ng buto ng mustasa: Mateo
13:31-32; Marcos 4:31-32;
Lucas 13:19
-Ang Talinghaga ng mga salapi: Mateo 25:14-30; Lucas 19:11-27
-Ang Talinghaga ng pag-aani: Mateo 9:37-38; Lucas 10:2
IKATLONG
KABANATA
ANG APOY NG DIOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay
may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Talakayin ang espirituwal na pagkakapareho ng pakinabang ng natural na apoy.
· Ibigay ang kahulugan ng “apoy Ng Dios.”
· Ibigay ang buod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa apoy ng Pentecostes.
· Kilalanin ang mga layunin ng apoy Ng Dios.
· Ipaliwanag kung paano mararanasan ang apoy Ng Dios.
SUSING MGA TALATA:
Nang makatapos nga ng pananalangin si Solomon, ang apoy ay lumagpak
mula sa langit, at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain; at napuno
ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.
At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon,
sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.
At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay
lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila’y
nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon,
na nagsisipagsabi, Sapagka’t siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay
magpakailan man. (II Cronica 7:1-3)
PAMBUNGAD
Sa Ikalawang Kabanata siniyasat mo ang batayan ng Biblia sa pagpapakilos, natutunan na Ang Dios ay kumikilos sa pamamagitan ng napakilos na mga tao, kung sila man ay marami o kakaunti. Ang kabanatang ito ang una sa ilan na nakatuon sa espirituwal na bahagi ng nagpapakilos sa mga anak Ng Dios. Sa kabanatang ito at sa susunod na mga aralin iyong pag-aaralan ang apoy Ng Dios , ang kalulwalhatian Ng Dios , at ang pagsamba Sa Dios.
Tumigil at basahin na muli ang Susing Mga
Talata para sa aralin na ito (II Cronica 7:1-3). Iyong mapapansin na ang apoy
Ng Dios ay naunang bumaba, pagkatapos ay ipinahayag ang kaluwalhatian Ng Dios,
at sa katapusan ang mga anak Ng Dios ay pumasok sa tunay na pagsamba. Ang apoy
Ng Dios , ang kaluwalhatian Ng Dios , at ang tunay na pagsamba ang lahat ng mga
ito ay espirituwal na puwersa na nagpapakilos at naghahanda para kumilos ang
anak Ng Dios na gumawa.
NATURAL NA APOY
Maraming positibong pakinabang ang apoy sa natural na mundo. Ang apoy ay nagbibigay ng lakas at init. Ito ay ginagamit para maghanda ng pagkain. Ang kontroladong pagsunog ng lupa ay nagbibigay ng mga abo na nagpapataba sa lupa para magkaroon ng magandang anihin.
Ang apoy ay tumutupok sa dumi. Sinusunog nito ang dumi sa ginto at pilak. Ang apoy ay nakakukuha ng pansin na nakikita ng maraming tao na palagiang nagtitipon kung ang isang bagay ay nasusunog. Ang apoy ay nagsisindi ng ibang apoy, ngunit ito ay mamamatay kung ito ay hindi patuloy na nagagatungan. Ang aandap-andap na apoy ay halos patay na ay maaaring paypayan para ito ay magningas na muli.
ESPIRITUWAL NA APOY
Ang natural na apoy ay katulad ng espirituwal
na apoy. Ang apoy Ng Dios ay nagbibigay ng lakas para sa gawain Ng Dios.
Pinaiinit nito ang malamig, hindi nababahala na espiritu. Ang resulta nito ay
espirituwal na pagkain at maraming espirituwal na pagaani. Ang apoy Ng Dios ay
sumusunog sa dumi ng iyong buhay,
gumagawa katulad ng ginagawa nito sa ginto at pilak sa natural na mundo
para sunugin ang mga dumi.
Ang lalake at babae na mainit sa pamamagitan Ng
apoy Ng Dios ay nakaaakit sa mga tao para sa mensahe ng Salita. Kung paano ang
natural na apoy, ang espirituwal na apoy ay nagsisindi sa ibang mga apoy. Ang
mananampalataya na nag-aapoy sa damdamin para sa mga naliligaw at nagpapakita
ng kapangyarihan Ng Dios ay madaling magpapainit sa mga buhay ng mga
nakapalibot sa kanya.
Ngunit kung paano ang apoy sa natural na mundo ay
dapat na patuloy na gatungan, gayun din ang espirituwal na apoy ay dapat na
gatungan. Mayroon ba na pagkakataon na ikaw ay mas espirituwal na mainit para
Sa Dios kaysa sa ngayon? Ang aandap-andap na apoy na halos patay na ay maaaring
paliyabin para maging makinang na apoy.
Kung paano Ang Dios ang nagbibigay ng apoy sa
altar ng sunugan ng handog, ibinibigay Niya ang Kanyang apoy mula sa Langit para hipuin ang iyong
kaluluwa. Ngunit ikaw ay may responsabilidad na panatilihin na nagbabaga ang
apoy (Levitico 9:24; II Cronica 7:11).
Ikaw ay espirituwal na nagaapoy. Ang iyong espirituwal na likas ay nilikha para
panatiliin na maalab sa pamamagitan ng espiritu Ng Dios. Ito ang ating
panalangin para sa iyo sa iyong pag-aaral sa aralin na ito. “Magliyab Para Sa
Dios.”
ANG DIOS AT ANG
APOY
Madalas na may sinasabi ang Biblia tungkol sa
apoy Ng Dios:
Sapagka’t ang
Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, mapanibughuing Dios nga.
(Deuteronomio 4:24)
Sapagka’t ang Dios
natin ay isang apoy na mamumugnaw. (Hebreo 12:29)
Ang mga tao na nakakita ng pangitain Ng Dios ay
nagasasabi na ang Kanyang anyo ay katulad ng apoy:
Nang magkagayo’y
tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; mula sa anyo ng
kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at
paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal na nagbabaga. (Ezekiel 8:2)
Aking minasdan
hanggang sa ang luklukan ay nangaglalagay, at isa na matanda sa mga araw ay
nakaupo; ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo
ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang
mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy.
Ang kaniyang katawan
naman ay gaya ng berilo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng anyo ng kidlat, at
ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy, at ang kaniyang mga kamay
at kaniyang mga paa, ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso, at ang tinig ng
kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan. (Daniel 7:9; 10:6)
At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng
balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng
ningas ng apoy. (Apocalipsis 1:14) (Tingnan din ang Apocalipsis 3:18) at 19:12
at Mga Awit 18:8,12)
ANO ANG APOY NG
DIOS?
Kung ating pinaguusapan ang tungkol sa “apoy Ng Dios” hindi natin tinutukoy ang natural na apoy. Sinabi Ni Jesus:
Akoy’ naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin
ko, kung magningas na? (Lucas 12:49)
Ano ang apoy Ng Dios? Kung ating pinaguusapan ang “apoy Ng Dios,” ang tinutukoy natin ay ang apoy ng Pentecostes kung saan ang unang pagbuhos ng Espiritu Santo ay aktuwal na ipinakita:
At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy,
nanagkabahabahagi; at dumapo sa bawat isa sa kanila.
At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang
magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang
salitain. (Mga Gawa 2:3-4)
Ang apoy Ng Dios ay ang apoy na naranasan sa Pentecostes. Ito ang apoy na magpapalaya sa iyong dila para magsalita. Ito ang apoy na magbibigay ng kapangyarihan para matupad ang Dakilang Utos:
Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea
at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)
Sinabi Ni Jesus :
Sa katotohanan ay
binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa’t ang dumarating sa
hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala
ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at
apoy. (Mateo 3:11)
ANG APOY NG
PENTECOSTES
Narito ang ilang katotohanan tungkol sa apoy ng
Pentecostes:
ITO AY PINAGNINGAS
NG DIOS:
Paulit-ulit sa Salita, sinasabi Ng Dios
“Paniningasin ko ang apoy” (tingnan ang Jeremias 21:14; 22:7; 49:27; 50:32; Amos 1:14; 2:2,5). Ang apoy Ng Dios ay hindi emosyon.
Ito ay ay hindi pinagniningas ng mabilis na tugtugin o malakas na pangangaral.
Ito ay pinagniningas at pinagaapoy Ng Dios. Ang apoy sa Pentecostes ay
pinagningas ng Dios mismo:
Datapuwa’t ito’y yaong
sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:
At mangyayari sa mga
huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng
laman: At ang iyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, at ang iyong
mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, ang iyong mga matatanda ay
magsisipanaginip ng mga panaginip:
Oo’t sa aking mga
lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon
ibubuhos ko ang aking Espiritu...(Mga Gawa 2:16-18)
ITO AY WALANG GATONG:
Basahin ang istorya ni Moises at
ang nagniningas na puno sa Exodo 3. Ito ay natural na halimbawa ng dakilang espirituwal na katotohanan. Ang
apoy Ng Dios ay binaliwala ang gatong na kailangan ng puno at patuloy na
nag-aapoy. Ang himala ay hindi sa nagaapoy na puno lalo na hindi sa walang
gatong na apoy.
Alam ni Moises mula sa kanyang karanasan sa pagpatay sa taga Egipto na hindi niya mapagkakatiwalaan ang kanyang sariling damdamin o kapangyarihan para sa espirituwal na gawain kung saan siya tinawag Ng Dios. Sa nag-aapoy na puno inilarawan Ng Dios na ang Kanyang apoy ay nagniningas ng walang natural na gatong. Maaaring nasubukan mo na at nabigo sa gawain Ng Dios. Ngunit ang apoy Ng Dios ay binalewala ang “gatong” ng iyong natural na mga talento at kakayahan.
ITO AY NAGPAPATULOY:
Ang Dios ang nagbibigay ng apoy, ngunit may responsabilidad ka na panatiliin ang pagniningas:
Ang apoy ay papanatilihing nagninigas sa ibabaw ng dambana; hindi
papatayin. (Levitico 6:13)
Nais Ng Dios na pagningasin mo ang baga ng iyong kaluluwa. Nais Niya na maginit ka para sa Kaharian Ng Dios.
ITO AY MAY-KAUGNAY SA KANYANG LIKAS:
Ang pitong espiritu Ng Dios ay may- kaugnayan
sa apoy:
At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga
kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na
siyang pitong Espiritu ng Dios. (Apocalipsis 4:5)
Ang pitong espiritu Ng Dios ay ang mga :
1. Katotohanan Juan 16:13
2. Biyaya:
Hebreo 10:29
3. Buhay:
Roma
8:2
4. Pagaampon: Roma 8:15
5. Kabanalan: Roma 1:4
6. Katalinuhan at pahayag: Efeso
1:17
7. Kaluwalhatian: I
Pedro 4:14
Kung ang iyong buhay ay hinipo ng apoy Ng Dios,
ang Kanyang Espiritu ng pagaampon ay kumikilos sa iyo. Ang kanyang katotohanan,
biyaya, buhay, kabanalan, katalinuhan, at kaluwalhatian ay nagiinit sa iyong
buhay.
ITO AY KAUGNAY SA
PANALANGIN:
Basahin ang istorya ni Elias sa Bundok ng Carmel sa I Mga Hari 18. Nang si Elias ay manalangin ang apoy ng Dios ay bumaba. Kung nais natin na maranasan ang apoy ng Pentecostes, dapat tayong matutong manalangin. Sa Silid sa Itaas, ang mga mananampalataya ay nanalangin ng ilang araw at nagiisip kung bakit ang apoy Ng Dios ay hindi bumababa.
Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? Sabi ng Panginoon...
(Jeremias 23:29)
At kung aking sabihin, hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano
pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na wari nagaalab na apoy
na nakukulong sa aking mga buto, at ako’y pagod ng pagpipigil, at hindi
makapagpigil. (Jeremias 20:9)
Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka’t
inyong sinalita ang salitang ito, narito, gagawin ko na ang aking mga salita sa
inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila’y pupugnawin
niyaon. (Jeremias 5:14)
Ipinapayo ko s iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng
apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at
upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata,
na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita. (Apocalipsis 3:18)
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak
na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay. (Mga Awit 12:6)
Kung ang apoy Ng Dios ay hinipo ang iyong kaluluwa, ang Kanyang Salita ay katulad ng apoy na humipo sa iyong mga buto. Ito ay literal na magiinit sa iyo araw at gabi. Basahin ang Jeremias 36. Sa istoryang ito, sinubukan ng Hari na sirain ang Salita Ng Dios, ngunit nasumpungan niya na hindi niya mapigilan ang salita ng apoy!
ITO AY MAY-KAUGNAY SA KANYANG SALITA:
Ang apoy Ng Dios ay
nangangailangan ng banal na sisidlan kung saan ito magliliyab. Ang bawa’t sisidlan na ginamit para
sa apoy sa tabernakulo at templo ay banal. Maaari ka lamang maging banal habang
ang naglilinis na apoy ng pagbabayad Ni Jesu Cristo ay nagliliyab sa iyong buhay. Ang kaugnayan ng apoy sa pagbabayad
ni Jesus ay inilarawan ng si Aaron ay tumayo sa pagitan ng buhay at mga ptay:
At sinabi ni Moises
kay Aaron, kunin mo ang iyong suuban, at dalhin mong madali sa kapisanan, at
itubos mo sa kanila: sapagka’t may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang
salot ay nagpapasimula na. (Mga Bilang 16:46)
ANG MGA LAYUNIN NG APOY NG DIOS
Habang
pinag-aaralan mo ang sumusunod na mga layunin ng apoy Ng Dios, madali
mong mauunawaan kung baki’t ang espirituwal na apoy na ito ay mahalaga sa
pagbunsod at pagpapakilos:
ITO AY NAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA IYONG MINISTERYO:
Ikaw ay napili Ng Dios sa gitna ng apoy ng paghihirap. Ikaw ay binigyan ng kapangyarihan Ng Dios para matupad ang iyong ministeryo sa pamamagitan ng Kanyang nakatutupok na apoy:
Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng
apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang
ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan.
(Isaias 64:2)
Narito dinalisay kita, ngunit hindi parang pilak; pinili kita sa hurno
ng kadalamhatian. (Isaias 48:10)
Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga
tagapangasiwa ay alab ng apoy. (Mga Awit 104:4)
ITO AY NAGPAPAKITA NG PRESENSIYA NG DIOS:
Ang simbolo ng natural na apoy ay palaging ginagamit para maipakita ang presensiya Ng Dios sa Lumang Tipan:
At ang Panginoo’y nagsalita sa iyo mula sa gitna ng apoy...
(Deuteronomio 4:12)
Sapagkat ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw,
at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng boong lahi ng Israel, sa
kanilang boong paglalakbay. (Exodo 40:38) (Tingnan din ang Mga Bilang 9:15)
Ang espirituwal na apoy Ng Dios na nagliliyab sa iyong kaluluwa ay nagpapakita rin ng Kanyang presensiya. Ang iyong ministeryo ay pinatutunayan ng presensiya Ng Dios.
ITO AY NAGBIBIGAY NG PATNUBAY:
Kung ang mga tao ay napakilos para sa gawain ng Panginoon, sila ay mayroon dapat na direksiyon. Ang apoy Ng Dios ay tanda ng direksiyon na Kanyang ibinibigay sa Kanyang mga anak:
At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging
ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay isang haliging apoy, upang
tanglawan sila; upang sila’y makapaglakad sa araw at sa gabi.
Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi
humihiwalay sa harapan ng bayan. (Exodo 13:21-22)
At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. Kanilang
nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sa pagka’t ikaw
Panginoon ay napakita ng mukhaan, at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng
mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw at sa
isang haliging apoy sa gabi. (Mga Bilang 14:14) (Tingnan din ang Nehemias
9:12,19; Mga Awit 78:14; 105:39)
Na nagpauna sa inyo, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng
inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi upang ituro sa inyo kung saan daan
kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw. (Deuteronomio 1:33)
ITO AY NAGLILINIS AT NAGPAPAPINO:
Sa panahon ng Lumang Tipan, ang apoy ay ginagamit para sirain ang anumang hindi banal:
-Anumang bagay na naapektuhgan ng ketong ay dapat na sunugin ng apoy: Levitico 13:52
-Ang mga rebulto ay dapat sunugin ng apoy: Deuteronomio 7:5; 25; 9:21; 12:3;
I Cronica 14:12; Isaias 37:19; Jeremias 43:13; Mikas 1:7
-Ang nasamsam ng iyong kalaban ay dapat na sunugin: Deuteronomio 13:16
- Ang apoy Ng Dios sa buhay ng mga mananampalataya ay nagpapapino at sinusunog ang hindi banal:
Narito, aking nilalang ang panday na humihihip sa mga bata, at
naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa...(Isaias 54:16)
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko
na parang pilak na dalisay at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto.
Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking
sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin , ang Panginoon ay aking
Dios. (Zacarias 13:9)
...Sapagkat siya’y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga
tagapagpaputi... (Malakias 3:2)
Para ikaw ay magamit Ng Dios , dapat mong sunugin ang karumihan sa iyong buhay. Kung tatanggi ka sa proseso ng paglilinis, ikaw ay makakatulad ng napakasamang (tumatanggi) pilak na hindi mabuti:
Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na nanganinirang puri; sila’y
tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan.
Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy:
sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagkat ang masama ay hindi nangaalis.
Tatawagin silang pilak na itinakuwil, sapagkat itinakuwil sila ng
Panginoon. (Jeremias 6:28-30)
Bawat bagay na hindi naaano sa apoy, ay inyong pararaanin sa apoy, at
magiging malinis; gayon ma’y inyong lilinisin ng tubig para sa karumihan; at
ang lahat na hindi nakatatagal sa apoy, ay inyong pararaanin sa tubig. (Mga
Bilang 31:23)
Kaya’t kung paanong ang liyab ng apoy ay pumupugnaw ng pinagputulan ng
trigo, at kung paanong ang tuyong damo ay nasusupok sa alab...(Isaias 5:24)
Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya’y matatapong
katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at
masusunog. (Juan 15:6)
Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa
ginto na nasisira bagamat ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay
masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo. (I Pedro 1:7)
Ang gawa ng bawat isa
ay mahahayag: sapagkat ang araw ang magsasaysay, sapagkat sa pamamagitan ng
apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano
yaon.
Kung ang gawa ng
sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya’y tatanggap ng
kagantihan.
Kung ang gawa ng
sinoman ay masunog, ay malulugi siya: ngunit siya sa kaniyang sarili ay
maliligtas; gayon ma’y tulad sa pamamagitan ng apoy. (I Corinto 3:13-15)
At nangyari, sa
pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio
sa gitna ng ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.
(Exodo 14:24)
Talastasin mo nga sa
araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang
mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa
harap mo; sa gayo’y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali,
na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon. (Deuteronomio 9:3)
Kaniyang
pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa; kaniyang binabali ang
busog, at pinuputol ang sibat; kaniyang sinisusog ang mga karo sa apoy. (Mga
Awit 46:9)
Ang aming Dios ay
darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at
magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. (Mga Awit 50:3)
At silang nagsisitahan
sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas,
at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki ang mga busog at ang
mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong
taon;
Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilnag kinubkob ako sa palibot:
sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. (Mga Awit 118:12)
Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy;
sa mga malalim na hukay upang huwag na silang mangakabangon uli. (Mga Awit
140:10)
Sapagka’t ikaw ay
magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon.
(Kawikaan 25:22)
Apoy ay nagpapauna sa
kaniya, at sinususog ang kaniyang mga kaaway sa boong palibot. (Mga Awit 97:3)
At apoy ay nagningas
sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama. (Mga Awit 106:18)
Datapuwa’t
pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, ay lumabas
ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kaniyang kamay. (Mga Gawa 28:3)
Sapagkat ako,
sabi ng Panginoon, ay magiging sa
kaniya’y isang kutang apoy sa palibot, at ako’y magiging kaluwalhatian sa gitna
niya. (Zacarias 2:5)
At sinabi ni Saul sa
kaniyang amain, Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga asno ay nasumpungan
na. Ngunit tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya
isinaysay sa kaniya.
(I Samuel 10:16)
Kaya’t luwalhatiin
ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga’y ang pangalanng
Panginoon, ng Dios ng Israel sa mga pulo ng dagat. (Isaias 24:15)
Nang makatapos nga ng
pananalangin si Solomon, ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang
handog na susunugin at ang mga hain; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon
ang bahay.
At ang mga saserdote
ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagka’t napuno ng kaluwalhatian
ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.
At ang lahat na mga
anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian
ng Panginoon ay nasa bahay; at sila’y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at
nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka’t
siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. (II Cronica
7:1-3)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
2 Talakayin ang espirituwal na pagkakatulad ng pakinabang ng natural na apoy.
________________________________________
________________________________________
3. Ibigay ang kahulugan ng “apoy Ng Dios.”
________________________________________
________________________________________
4. Ibigay ang buod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa apoy ng Pentecostes.
________________________________________
________________________________________
5. Kilalanin ang mga layunin ng apoy Ng Dios.
________________________________________
________________________________________
6. Ipaliwanag kung paano mararanasan at mapananatili ang apoy Ng Dios.
________________________________________
________________________________________
Samantalang siya’y
nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang apoy ng Dios ay
nalaglag mula sa langit, at sinunog ang mga tupa, at ang mga bataan, at
pinagsupok; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. (Job
1:16)
At madalas na siya’y
inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siya’y patayin: datapuwa’t kung mayroon
kang magagawang anomang bagay, ay maawa ka sa amin, at tulungan mo kami.
(Marcos 9:22)
Makakukuha ba ng apoy
ang tao sa kaniyang sinapupunan at hindi masusunog ang kaniyang mga suot? (Kawikaan
6:27)
Sapagkat ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga
dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na
paitaas sa mga masinsing ulap na usok. (Isaias 9:18)
Sapagkat ano ang
bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa
lahat mula kaitaasan? (Job 31:12)
Sapagkat sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan
walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. (Kawikaan 26:20)
Ang walang kabuluhan ay kumatha ng kahirapan: at sa kaniyang mga labi
ay may masilakbong apoy. (Kawikaan 16:27)
At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawat isa
sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng
kamangyan, at sila’y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi
iniutos niya sa kanila.
At sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at
namatay sila sa harap ng panginoon.
Nang magkagayo’y sinabi ni Moises kay Aaron, Ito ang sinalita ng
Panginoon, na sinasabi, Ako’y babanalin ng mga lumalapit sa akin at sa harap ng
boong bayan ay luluwalhatiin ako. At si Aaron ay hindi umimik. (Levitico
10:1-3)
At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon...(Mga
Bilang 3:4)
...Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; ngunit dinala mo kami sa
saganang dako. (Mga Awit 66:12)
Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako’y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi
ka tatakpang niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o
magniningas man ang alab sa iyo. (Isaias 43:2)
Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay
ikinakain niya ng karne; siya’y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya’y
nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako’y naiinitan, aking nakita ang apoy. (Isaias
44:16)
Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo’y mangabubuhay; baka siya’y
sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el
ay walang makakapatay niyaon. (Amos 5:6)
At ang iba’y inyong
iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba’y inyong kahabagan na may takot;
na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman. (Judas 1:23)
IKA-APAT
NA KABANATA
ANG KALUWALHATIAN NG DIOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Mga Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng “kaluwalhatian.”
· Kilalanin ang pinanggagalingan ng kaluwalhatian.
· Ibuod ang mga katangian ng kaluwalhatian Ng Dios.
· Talakayin kung saan ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian.
· Tanggapin ang “kaluwalhatian” bilang kaloob mula Sa Dios.
SUSING MGA TALATA:
Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t ang iyong liwanag ay dumating,
at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.
Sapagka’t narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na
dilim ang mga bayan: ngunit ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang
kaluwalhatian ay makikita sa iyo. (Isaias 60:1-2)
PAMBUNGAD
Sa pagsisimula ng serye ng mga aralin na ito, ipinaliwanag namin na ang apoy Ng Dios, ang Kanyang Kaluwalhatian, at ang tunay na pagsamba ay espirituwal na mga puwersa na nagpapakilos at naghahanda sa mga anak ng Dios para gumawa ( II Cronica 7:1-3). Sa huling kabanata iyong pinagaralan ang tungkol sa apoy Ng Dios at ang kahalagahan nito sa pagpapakilos sa iyo para sa gawain ng ministeryo sa pagpapakita ng presensiya Ng Dios, kapangyarihan, at pagsangayon, at paggawa ng iyong ministeryo, paglilinis, pagpapakinis, paghihiwalay, pagsubok, at pagbibigay ng patnubay. Natutunan mo rin ang kahalagahan nito bilang espirituwal na sandata na maaaring magamit laban sa iyong kalaban, na si Satanas.
1. Isulat ang Susing Mga Talata mula samemorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng “kaluwalhatian.”
________________________________________
________________________________________
3. Sino ang pinanggagalingan ng kaluwalhatian?
________________________________________
4. Ibuod ang mga katangian ng kaluwalhatian Ng Dios.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
5. Saan ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian?
________________________________________
________________________________________
6. Ang pangungusap ba na ito ay tama o mali: Dapat kang gumawa ng mabubuting mga gawa para matanggap ang kaluwalhatian mula Sa Dios. Hindi ito kaloob. Ang pangungusap ay ___________________.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
At nangyari, pagkapagsalita ni Aaron sa
boong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sila’y tumingin sa dakong ilang, at,
narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa ulap. (Exodo 16:10)
At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay
nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai, at tinakpan ng ulap na amin na araw...(
Exodo 24:16)
IKA-LIMANG KABANATA
ANG MGA LAYUNIN NG
KALUWALHATIAN NG DIOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibuod ang mga layunin ng kaluwalhatian Ng Dios.
SUSING TALATA:
At
ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat
ng tao, sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon. (Isaias 40:5)
PAMBUNGAD
Sa huling aralin iyong natutunan ang pangunahing katotohanan tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios, ano ito, saan Niya ipinahayag ang Kanyang kaluwalhatian, at ikaw ay binigyan ng kaloob ng kaluwalhatian. Ang kasiyasiyang kaloob ng kaluwalhatian na ito ay maraming mga layunin sa iyong buhay, ang lahat ng ito ay maghahanda at magpapakilos sa iyo para matupad ang iyong natatanging bahagi sa plano Ng Dios.
MGA LAYUNIN NG KALUWALHATIAN NG DIOS
Paulit-ulit sa Biblia na sinabi Ng Dios na Kanyang ipahahayag ang Kanyang kaluwalhatian para ang mga bansa ay makilala siya:
Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid
na lahat; sila’y mangagmamana ng lupain magpakailan man, ang sanga g aking
pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako’y luwalhatiin. (Isaias
60:21)
Ngunit marami pang ibang mga layunin para sa kaluwalhatian Ng Dios, ang karamihan dito ay may kaugnayan sa iyo bilang indibiduwal. Ang kaluwalhatian ay ibinigay para:
PROBISYON/ PANUSTOS:
Kung ikaw ay napakilos para gumawa ng gawain para Sa Dios, magkakaroon ka ng parehong natural at espirituwal na mga pangangailangan. Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagbibigay sa iyong natural na mga pangangailangan:
At pupunan ng aking Dios ang bawat
kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian magpakailan
man. Siya nawa. (Filipos 4:19)
Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagkakalaoob ng iyong espirituwal na mga pangangailangan:
Upang sa inyo’y
ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo’y
palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong
loob; (Efeso 3:16)
KALAKASAN:
Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagbibigay ng lakas para mag ministeryo:
Sapagka’t ikaw ang kaluwalhatian ng
kanilang kalakasan...(Mga Awit 89:17)
Na kayo’y palakasin ng boong kapangyarihan,
ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian...(Colossas 1:11)
KAGALAKAN:
Habang ikaw ay nagmiministeryo ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagbibigay sa iyo ng kagalakan :
Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan. (Mga Awit 149:5)
...Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita
namin ang inyong kagalakan; ngunit sila’y mangapapahiya. (Isaias 66:5)
Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig, na
bagama’t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma’y inyong
sinasampalatayanan, na kayo’y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod
at puspos ng kaluwalhatian. (I Pedro 1:8)
Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal
na pangalan: mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon. (I Cronica
16:10)
KALAYAAN:
Ang kaluwalhatian Ng Dios ang may responsabilidad para palayain ka mula sa pagkabihag tungo sa kalayaan. Ang Kanyang kaluwalhatian ay gagawa ng ganitong bagay para sa mga iyong pinagmiministeryuhan:
Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t
ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa
iyo... (Isaias 60:1)
Na ang boong nilalang naman ay magiging
laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng
Dios. (Roma 8:21)
KAPAHINGAHAN:
Habang ikaw ay napapagal at nalulumbay, ikaw ay bibigyan Ng Dios ng maluwalhating kapahingahan:
At mangyayari, sa araw na yaon na ang
angkan ni Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga
bansa; at ang kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati. (Isaias 11:10)
PAGBABANAL:
Pinababanal at ginagawa kang banal na sisidlan ng kaluwalhatian, handa na magamit Ng Dios:
Pitong araw na isusuot ng anak ng magiging
saserdote nakahalili niya, pagka siya’y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan
upang mangasiwa sa dakong banal. (Exodo 29:30)
(Ang dahilan kung bakit marami tayong nakikitang kasalanan sa Iglesya ay dahil wala ang kaluwlahatian Ng Dios doon!)
PAGKAKAISA:
Ang kaluwalhatian Ng Dios ang sanhi ng pagkakaisa, na mahalaga habang ang Iglesya ay kumikilos bilang isang Katawan para matupad ang Dakilang Utos:
At
ang kaluwalhatiang sa aki’y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y
maging isa, na gaya naman natin na iisa. (Juan 17:22)
PATNUBAY:
Pinapatnubayan ka Ng Dios sa pamaamgitan ng Kanyang kaluwalhatian:
Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating
bisig ang kanang kamay ni Moises? Na humawi ng tubig sa harap nila, upang gawan
ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan? (Isaias 63:12)
...gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan,
upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan. (Isaias 63:14)
KATALINUHAN:
Ang katalinuhan na iyong kailangan para maging mabisa sa ministeryo ay nagmumula Sa kaluwalhatian Ng Dios:
Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating
Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at
ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;
Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong
puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano
ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal. (Efeso
1:17-18)
KAPAHAYAGAN:
Niluluwalhati Ng Espiritu Santo Ang Dios habang ipinahahayag Niya ang mga bagay sa iyo na tungkol Sa Dios :
Luluwalhatiin niya ako: sapagka’t kukuha
siya sa nasa akin, at sa inyo’y ipahahayag.
(Juan 16:14)
PAGLULUWALHATI SA KANYANG SALITA:
Ang kapahayagan ay palaging lumuluwalhati Sa
Salita Ng Dios. Nang ipinahayag na ang kaligtasan ay para rin sa mga Pagano...
... At pagdaka’y sinaktan siya ng anghel ng Panginoon, sapagka’t hindi
niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya’y kinain ng mga uod, at
nalagot ang hininga. (Mga Gawa 12:23)
Ang Salita Ng Dios ay naluwalhati habang
pinahihintulutan mo ito na kumilos sa iyong buhay:
Kaya’t nang hindi na kami mangakatiis, ay minagaling naming maiwang
nagiisa sa Atenas (II Tesalonica 3:1)
MULING PAGKABUHAY:
Ikaw ay “muling ibabangon mula sa mga patay” sa
pamamagitan gn kaluwalhatian Ng Panginoon. Ang Dios ay nasa proseso ng
pagbabago sa iyong napakasamang katawan tungo sa maluwalhating katawan (Filipos
3:21). Sa oras ng pagpapakita Ni
Cristo, ikaw ay makikita na kasama Niya “sa kaluwalhatian” ( Colosas 3:4).
Tingnan din ang I Corinto 15:43).
PAKIKIPAGLABAN:
Nais nakawin ng kalaban ang iyong
kaluwalhatian:
At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang
kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
(Mga Awit 78:61)
Ang dahilan kung bakit nais ng kalaban na
nakawin ang iyong kaluwalhatian dahil alam niya ang mahalagang mga layunin nito
para ikaw ay kumilos sa gawain para Sa Panginoon. Alam din niya na ang
kaluwalhatian Ng Dios ay mabisang sandata para sa espirituwal na
pakikipaglaban:
...at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; Siya’y kakilakilabot sa
kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao. (Isaias 66:5)
Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian; ang malaking bato
ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko’y nasa Dios. (Mga Awit 62:7)
Ngunit ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag
sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. (Mga
Awit 3:3)
Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag
na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran
ay nangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay
likod. (Isaias 58:8)
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay
maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng
kaaway...Umawit kayo sa Panginoon, sapagka’t siya’y nagtagumpay ng
kaluwaluwalhati; ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.
(Exodo 15:6,21)
At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng
boong tahanan ng bundok ng Sion at sa itaas
ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag
ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagkat sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay
magkakaroon ng isang kubong na kayo. (Isaias 4:5)
Sapagkat ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya’y isang
kutang apoy sa palibot, at ako’y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.
(Zacarias 2:5)
Sa gayo’y katatakutan nila ang pangalan ng
Panginoon mula sa kanluran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng
araw sapagka’t siya’y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng
Panginoon. (Isaias 59:19)
Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon ng
mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo nniya ako sa mga bansa na nanamsam
sa inyo; sapagka’t ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.
(Zacarias 2:8)
Ang kaluwalhatian Ng Dios ay
bahagi ng iyong pananggalang na kalasag, ay mayroong pagikot na nangyayari kung iyong ginagamit ang
kalulwalhatian sa pakikipaglaban. Ang Kanyang kaluwalhatian ay ang iyong
depensa, at sa iyong paggamit nito, ikaw ay dapat na magbigay ng kaluwalhatian.
Sa iyong pagbibigay ng kaluwalhatian, makatatanggap ka pa ng maraming
kaluwalhatian:
At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at
pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, upang kami ay pasalamat sa
iyong banal na pangalan, at magtagumpay sa iyong kapurihan. (I Cronica 16:35)
At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at
iyong luluwalhatiin ako. (Mga Awit 50:15)
At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag,
at makikitang magkakasama ng lahat ng tao, sapagkat sinalita ng bibig ng
Panginoon. (Isaias 40:5)
Ngayon na naunawaan mo ang mga mahalagang layunin ng kaluwalhatian Ng Dios sa pagpapakilos sa iyo para sa gawain ng ministeryo, kailangan mong malaman kung paano mararanasan ang kaluwalhatian Ng Dios. Ito ang iyong matututunan sa susunod na kabanata.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ibuod kung ano ang iyong natutunan sa aralin na ito tungkol sa mga layunin ng kaluwalhatian Ng Dios.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
IKA-ANIM NA KABANATA
PAANO LULUWALHATIIN ANG DIOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag kung paano luluwalhatiin Ang Dios.
· Talakayin ang patuloy na pagikot ng pagbibigay at pagtanggap ng kaluwalhatian.
SUSING TALATA:
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi
ko sa iyo, na, kung ikaw ay sumasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian
ng Dios.
(Juan 11:40)
PAMBUNGAD
Sa nakaraan na dalawang mga kabanata iyong napag-aralan ang tungkol sa kaluwalhatian ng Dios at ang mga layunin. Natutunan mo rin na ikaw ay nilikha para luwalhatiin Siya at hayaan na ang Kanyang kaluwalhatian ay makita sa iyong buhay at ministeryo.
Para iyong maranasan ang
kaluwalhatian ng Dios at maakay ang iba na maranasan ito, kailangan mong
malaman kung paano Siya
luluwalhatiin. Habang iyong niluluwalhati Ang Dios, Kanyang ipahahayag sa iyo
ang higit Niyang kaluwalhatian. Naranasan
ni Moises ang kaluwalhatian Ng Dios at naakay niya ang iba na maranasan ito:
At sinabi ni Moises, Ito ang utos ng Panginoon na gawin ninyo: at
lilitaw sa inyo ang kaluwalhatian ng Panginoon
At pumasok si Moises at s Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at sila’y
lumabas, at binasbasan ang bayan: at lumitaw ang kaluwalhatian ng Panginoon sa
buong bayan. (Levitico 9:6,23)
Nakaakay si Moises ng iba para maranasan ang
kaluwalhatian Ng Dios at magagawa mo rin ito. Ipakikita ng aralin na ito ang
mga prinsipyo sa Biblia na nagpapaliwanag kung paano luluwalhatiin Ang Dios.
PAANO LULUWALHATIIN
ANG DIOS
Ayon sa Biblia , maaari mong maluwalhati Ang
Dios sa mga sumusunod na paraan:
SA PAMAMAGITAN NG
PANANAMPALATAYA:
Ang kaluwalhatian ay ipinahayag habang ikaw ay
pinakikilos na maniwala at kumilos sa pananampalataya:
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay
sumasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios. (Juan 11:40)
Sinasabi ng Salita na si Abraham:
Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa
pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng
pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios.
(Roma 4:20)
SA PAMAMAGITAN NG
PAGTUBOS:
Ang Dios ay naluwalhati sa iyong pagkatubos
mula sa kasalanan. Ang pagluluwalhati ay tinatawag na kaligtasan at pagiging
ganap:
At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga
tinawag ay inaring ganap ay niluwalhati din naman niya. (Roma 8:30)
SA PAMAMAGITAN NG
PAGSISISI:
Ang Dios ay naluwalhati sa iyong unang
pagsisisi at pagkahikayat mula sa kasalanan at sa pamamagitan ng patuloy na
pagsisisi kung ikaw ay nagkasala:
At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong
luwwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at
ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa
akin. (Josue 7:19)
Kasama sa pagsisisi ang paglilinis ng iyong
sarili mula sa makasalanan na ugali at gawain. Ito ay nagbibigay ng
kaluwalhatian Sa Dios:
Ang matuwid ay matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
at lahat ng mga matuwid sa puso ay nagsisiluwalhati. (Mga Awit 64:10)
Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na
walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito’y nararapat maging
banal at walang kapintasan. (Efeso 5:27)
SA PAMAMAGITAN NG
PAGTANGGAP:
Ang Dios ay naluwalhati sa iyong pagtanggap na
Si Jesus ay Panginoon:
At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa
ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:11)
SA PAMAMAGITAN NG
PAGPAPAKUMBABA SA IYONG SARILI:
Ang Dios ay naluwalhati kung ikaw ay
nagpapakumbaba:
At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa
pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng
Panginoon ay lumitaw sa kanila. (Mga Bilang 20:6)
Kasama sa pagpapakumbaba sa iyong sarili ang
pag-aayuno at panalangin:
Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong
kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay nangunguna sa iyo; ang
kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod (Isaias 58:8)
Sa iyong pagpapakumbaba at pananalangin,
sinasagot Ng Dios ang iyong mga panalangin at ito ay nagbibigay ng higit na
kaluwalhatian Sa Dios:
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawat uminon ng tubig na ito ay muling mauuhaw. (Juan
14:13)
Ang ibig sabihin ng pagpapakumbaba sa iyong
sarili ay paghahandog ng iyong katawan bilang buhay na handog:
Sapagak’t kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong
katawan ang Dios. (I Corinto 6:20)
SA PAMAMAGITAN NG
PAGSAMA SA KANYANG PRESENSIYA:
Ikaw ay nagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios
kung ikaw ay patuloy na sumasama (namumuhay na patuloy) sa Kanyang presensiya:
Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: karangalan at kasayahan
ag nangasa kaniyang tahanan. (I Cronica 16:27)
Ikaw ay patuloy na sumasama sa presensiya Ng
Dios sa pamamagitan ng pamumuhay Ni Cristo sa iyo:
At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako’y
limuluwalhati sa kanila. (Juan 17:10)
Ikaw ay sumasama sa Kanyang presensiya sa
pamamagitan ng pagpapahintulot Sa Dios na pumasok at kumilos sa pamamagitan mo:
...At nang makita ni Saul ang hukbo ng mga Filisteo, siya’y natakot, at
ang kaniyang puso ay nanginig na mainam. (I Samuel 28:5)
SA PAGDURUSA:
Kung nakakaranas ka ng mga suliranin, pagsubok,
at pagdurusa sa buhay, Ang Dios ay naluluwalhati kung ang iyong tugon ay tama:
At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at
mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya,
upang tayo’y lumuwalhati namang kasama niya. (Roma 8:17-18)
Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga baga na ito, at
pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? (Lucas 24:26)
Sinabi ni Pablo:
...kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang
ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;
At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang
pagpapatunay, ng pagasa:
At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagak’t ang pagibig ng Dios ay
nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa
atin.
Sapagka’t nang tayo ay mahina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan
dahil sa mga masama. (Roma 5:3-6)
Ang lahat ng bagay ay para sa ikabubuti mo,
para ang mayamang awa sa pamamagitan ng pagpapasalamat ng marami ay mauwi sa
kaluwalhatian Ng Dios.
Sapagka’t ang lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na
pinarami sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa
ikaluluwalhati ng Dios.
Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay
siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang
hanggan.
Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas
ay pahina, ngunit ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw. (II
Corinto 4:15,17 at 16)
Kung kinakailangang ako’y magmapuri, ako’y magmamapuri sa mga bagay na
nauukol sa aking kahinaan. (II Corinto 11:30)
...ngunit sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban na sa aking
mga kahinaan. (II Corinto 12:5)
At siya’y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo:
sapagka’t ang aking kapangyarihan ay
nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking
galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.
(II Corinto 12:9)
Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga
kapighatian ko dahil sa inyo, na pawang kapurihan ninyo. (Efeso 3:13)
Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa
ginto na nasisira bagamat ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay
masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo. (I Pedro 1:7)
Sapagka’t anong kapurihan nga, kung kayo’y nangagkakasala, at kayo’y
tinatampal ang inyong tanggapin na may pagtitiis ngunit kung kayo’y gumagawa ng
mabuti, at kayo’y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito’y
kalugodlugod sa Dios. (I Pedro 2:20)
Kundi kayo’y mangagalak, sapagka’t kayo’y mga karamay sa mga hirap ni
Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo
ng malabis na galak.
Kung kayo’y mapintasan dahil sa pangalabn ni Cristo, ay mapapalad kayo:
sapagka’t ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritung Dios ay
nagpapahingalay sa inyo...
Ngunit kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag
mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito. (I Pedro 4:11-16)
Ipinahihiwatig ng I Pedro 5:1 at 4 na sa iyong
pakikiisa sa Kanyang pagdurusa, makikiisa ka rin sa Kanyang kaluwalhatian.
Kahit ang karamdaman ay maaring magamit para sa kaluwalhatian Ng Dios kung ang
mga resulta ay kagalingan:
Ngunit pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito’y
hindi sa ikamamatay, kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay
luwalhatiin sa pamamagitan niyaon. (Juan 11:4)
Ang pagbabagong anyo Ni Jesus ay nangyari dahil
sa pagdurusa na Kanyang haharapin. Para makita ang kaluwalhatian na nagbago sa
pagdurusa!
SA PAGTUPAD NG IYONG MINISTERYO:
Ang Dios ay naluwalhati kung iyong natupad ang
tawag mo sa ministeryo:
Na kung ang sinoma’y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios; kung
ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios; upang
ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa
kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa (I Pedro
4:11)
Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo’yariing
karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan
ang bawat nais sa kabutihan at gawa ng pananampalataya;
Upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at
kayo’y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo. (II
Tesalonica 1:11-12)
Ang iyong ministeryo ay kasama ang mabubuting
gawa at Ang Dios ay naluwalhati sa paggawa mo ng mga gawain na ito:
Datapuwa’t kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawat taong
gumagawa ng mabuti...(Roma 2:10)
Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita
nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa
langit. (Mateo 5:16)
Kasama din sa mabubuting gawa ang iyong
pag-uugali at pakikipag-usap. Itinuturo ng II Pedro 2:12 na Ang Dios ay
naluwalhati kung ang iyong pag-uugali at pakikipagusap ay tama. Kasama sa
gawain Ng dios ang espirituwal na pamumunga. Ito ay nagbibigay din ng
kalulwalhatian Sa Dios:
Sa ganito’y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo’y magsipagbunga ng
marami; at gayon kayo’y magiging aking mga alagad. (Juan
15:8)
Ang bunga ng katuwiran ay nagbibigay ng
kaluwalhatian Sa Dios:
Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito’y sa pamamagitan ni
Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios. (Filipos
1:11)
Kasama sa gawain Ng Dios ang pagbabahagi ng
mensahe ng Ebanghelyo Ng Dios na nagpapahayag ng Kanyang kaluwalhatian sa mga
bansa:
Ikaw ay bumangon,
sumilang ka: sapagka’t ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng
Panginoon ay sumikat sa iyo.
Sapagka’t narito, tatakpan ng kadiliman ang
lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: ngunit ang Panginoon ay sisikat sa
iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. (Isaias 60:1-2)
Sinasabi ng Mga Awit 96:3 na “ipahayag ang
Kanyang kaluwalhatian mula sa mga pagano”
...at sila’y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga
bansa. (Isaias 66:19)
Sila’y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap
ng iyong kapangyarihan. (Mga Awti 145:11)
Ang mensahe na ating ipinangangaral ay tinawag
na “maluwalhating Ebanghelyo”(tingnan ang I Timoteo 1:11; II Corinto 3:7 hanggang 4:6; Colosas 1:27). Kung ang Ebanghelyo ay naipangaral at pinaniwalaan, ito ay may
kaluwalhatian na pinatutunguhan ( II Tesalonica 3:1). Kung tinanggap ng tao ang
Ebanghelyo, naluwalhati Ang Dios (II Tesalonica 1:12). Ang mga nakarinig at
naniwala ay nabigay ng kaluwalhatian Sa Dios (Mga Gawa 13:48). Ang mga
naglakbay at nangaral ng Ebanghelyo gawin ito para sa kaluwalhatian Ng Dios (II
Corinto 8:9). Kahit ang kayamanan ng
kaluwalhatian ay sa iyo sa pamamagitan ng Ebanghelyo (Efeso 1:16; Colosas
1:11).
Sa iyong pagmiministeryo ipinakikita Ng Dios
ang Kanyang kapangyarihan at niluluwalhati Siya ng tao:
...sapagka’t niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay
na ginawa. (Mga Gawa 4:21)
(Basahin kung paano Ang Dios ay naluwalhati sa
pamamagitan ng pagpapakita ng kapangyarihan;
Mateo 9:8; 15:31; Marcos 2;12; Lucas 2:20; 5:25-26; 7:16;
13:13; 17:15; 18:43;
19:38; 23:47)
Naluwalhati Ang Dios sa pagtupad ng gawain kung
saan ka tinawag:
Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.
(Juan 17:4)
Maaari mong luwalhatiin Ang Dios sa lahat ng
iyong ginagawa:
Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man, o anoman ang inyong
ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.
(I Corinto 10:31)
Na kung ang sinoma’y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios; kung
ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios; upang
ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa
kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa (I Pedro
4:11)
Ang halaga
ng uri ng iyong ginagawa ay maaring kung minsan ay pangkaraniwan lamang,
ngunit ito ay nagiging hindi pangkaraniwan kung ito ay ginawa para sa
kaluwalhatian Ng Dios.
SA PAMAMAGITAN NG
PAGSUNOD SA KANYANG SALITA:
Ang kaluwalhatian Ng Dios ay naipahayag sa
Kanyang mga salita:
Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong
ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng
Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian
hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. (II
Corinto 3:18)
Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay
ng liwanag. (Mga Awit 119:130)...
Alalahanin na ang “liwanag” ay
may kaugnayan sa Kanyang kaluwalhatian.
Nang sinira ni Moises ang Salita Ng Dios na nakasulat sa bato, nawala ang kaluwalhatian sa kanyang mukha. Ibinibigay Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian sa mga tao na tumatanggap at sumusunod sa Kanyang mga salita. Hindi natin maaaring bigyan ng sobrang diin ang Salita kung tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios , dahil Si Jesus Ang Salita.
SA PAMAMAGITAN NG PAPURI AT PAGSAMBA:
Ang tao na sobrang naapektuhan ng kaluwalhatian Ng Dios, ay ibinabalik ang kaluwalhatian at papuri Sa Kanya:
...Ang naghahandog ng haing pasalamat ay
lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking
ipakikita ang pagliligtas ng Dios. (Mga
Awit 50:23)
Ang pinakamataas na pagsamba na nangyari sa Bagong Tipan ay nang ang mga nilikha ay kusang niluwalhati Ang Dios. Ang luwalhati ay dapat na :
1. Ialay Sa Dios : I Samuel 6:5; I Cronica 16:29
2.
Iukol Sa Dios:
Mga Awit 29:1-11. Sinasabi sa Mateo 6:13 “Sa Iyo ang kaluwalhatian
magpakailanman.”
3. Ibigay Sa Dios: Malakias 2:2
4. Gawa Ng Kanyang Kaluwalhatian Sa Atin: Mga aWit 57:8; 108:1, 30:12
5. Ginawa Sa Pagkakaisa: Roma 15:6
Ang pagluluwalhati Sa Dios ay hindi ginagawa sa kawalan. Ikaw ay nagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios dahil ...
1. Ito ay utos:
Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatian marapat sa kaniyang
pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong
sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan.
(I Cronica 16:29)
Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon, at mangagpahayag ng kaniyang
kapurihan sa mga pulo. (Isaias 42:12)
Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa, ang
kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. (Mga Awit 96:3)
...At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawat bagay: kaluwwalhatian.
(Mga Awit 29:9)
Ang sumusunod na mga talata ay tungkol sa
pagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios:
Nehemias 9:5; I Samuel 6:5; I Cronica 16:10, 28-29,35; 29:11,13;
Jeremias 13:16; Apocalipsis 1:6;
4:9; 4:11; 5:12-13; 7:12; 14:7;
19:1; Mga Awit 22:23; 29:1-2;
66:2; 96:7-8)
2. Ito Ay Karapat-dapat Sa Kanya:
Pinapanganak ng tinig ng panginoon ang mga usa, at hinuhubdan ang mga
gubat: At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawat bagay: kaluwwalhatian. (Mga
Awit 29:2)
3. Sa Kanyang Likas:
Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon at luluwalhatiin ang inyong
pangalan? sapagka’t ikaw lamang ang banal...(Apocalipsis 15:4)
At upang ang mga Gentil ay maluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang
kahabagan.. (Roma 15:9)
4. Sa Kanyang Pangalan:
Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking boong puso; at
luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man. (Mga Awit 86:12)
...kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang
karangalan...(Mga Awit 115:1)
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon,
sapagka’t ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian
ay nasa itaas ng lupa at mga langit. (Mga Awit 148:13)
5. Nilikha Niya Ang
Lahat Ng Mga Bagay:
Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios
namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan:
sapagka’t nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw,
at nangalikha. (Apocalipsis 4:11 Tingnan din ang Apocalipsis 14:7)
6. Pinananatili Niya
Ang Lahat Ng Mga Bagay:
Sapagka’t kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga
bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. (Roma 11:36)
7. Sa Pagtubos:
At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at
niluwalhati ang Dios, na sinasabi, Kung gayo’y binigyan din naman ng Dios ang
mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay. (Mga Gawa 11:18)
At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga
tinawag ay inaring ganap ay niluwalhati din naman niya. (Roma 8:30)
Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay
ipinagkaloob na masagana sa Minamahal. (Efeso 1:6)
8. Sa Kanyang Paghuhukom:
...Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t
dumating ang panahon ng kaniyang paghatol...(Apocalipsis 14:7. Tingnan din ang Apocalipsis 15:4)
9. Sa Iyong Mana Sa Kanya:
Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, Upang ako’y magalak sa
kasayahan ng iyong bansa, upang ako’y lumuwalhati na kasama ng inyong mana.
(Mga Awit 106:5)
Marami ka pang matututunan ang tungkol sa kung paano luluwalhatiin Ang
Dios sa ika-walo at ika-siyam na mga kabanata na tungkol sa paksa ng pagsamba.
NAGPAPATULOY NA
PAG-IKOT
Sa araliln na ito iyong natutunan kung paano
luwalhatiin Ang Dios . Habang niluluwalhati mo Siya sa pamamagitan ng pagsunod
sa mga panuntunan na ito, ipinahahayag pa Ng Dios ang higit na kaluwalhatian Niya sa iyo at sa pamamagitan mo. Habang
ikaw ay nagbibigay ng kaluwalhatian para sa Kanyang mga ginawa, ikaw ay nakatatanggap
ng kaluwalhatian para ikaw ay patuloy na kumilos sa iyong ministeryo. Ang
patuloy na pagikot na ito ay walang katapusan, ang nagbubuyo na puwersa na
naghahanda sa iyo para matupad ang pagkatawag Ng Dios sa iyo na dapat mong
gawin.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ipaliwanag kung paano luluwalhatiin Ang Dios.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
3. Talakayin ang patuloy na pagikot ng pagbibigay at pagtanggap ng kaluwalhatian.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
IKA-PITONG
KABANATA
ANG ARKO AY PARATING
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw
ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag kung bakit ang kaluwalhatian ng Dios ay umalis sa Kanyang mga anak.
· Ibuod ang mga pangyayari at ang kanilang espirituwal na kahalagahan nang ang arko ay nasa bawa’t sumusunod na mga lugar:
· Ebenezer
· Aphek
· Ashdod
· Gath
· Ekron
· Beth-shemesh
· Kirjath- Jearim
· Jerusalem
· Kilalanin ang kinakailangan na apat na mga bagay para sa pagbabalik ng kaluwalhatian Ng Dios.
SUSING TALATA:
Gayon iniahon ng boong Israel ang kaban ng
tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at mga pakakak, at may mga simbalo, na
tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso.
(I Cronica 15:28)
PAMBUNGAD
Sinabi Ng Dios kay Moises, “Kung gagawin mo ang tabernakulo ayon sa disenyo, ang aking kaluwalhatian ay mananahan doon” (Exodo 25:9). Sa simula ang tao ay nilikha para sa kaluwalhatian Ng Dios. Tayo ay nilikha ayon sa Kanyang wangis at itinakda sa mga gawa ng Kanyang mga kamay para magbigay ng kaluwalhatian sa Kanya (Hebreo 2:7). Nang ang tao ay nagkasala, ang “disenyo” ay nabago at ang kaluwalhatian ay nawala:
Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at
hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. (Roma 3:23)
Katulad ng tabernakulo ni Moises, ikaw ang tabernakulo Ng Dios. Kung iyong itinatatag ang iyong espirituwal na buhay ayon sa tamang disenyo ang kaluwalhatian ay mananahan diyan. Kung babaguhin mo ang disenyo, ang kaluwalhatian ay lilisan:
Sapagka’t kahit kilala nila ang Dios,
siya’y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus
niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay
pinapagdili. (Roma 1:21-23)
Ganito nila pinapagbago ang kanilang
kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo. (Mga Awit 106:20)
Sa pamamagitan ng paghuhukom Ng Dios, ang ilan ay magsisisi at ang kaluwalhatian ay manunumbalik:
At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang
malakas na lindol at nagiba ang ikasampung bahagi ng bayan; at may nangamatay
sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatakot, at nangagbigay ng
kaluwalhatian sa Dios ng langit. (Apocalipsis 11:13)
Ang ilan ay hindi magsisisi at mababawi ang kaluwalhatian:
At nangasunog ang mga tao sa matinding
init: at sila’y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot
na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya’y luwalhatiin. (Apocalipsis 16:9)
Ang makasalanan ay walang kaluwalhatian. Ito ay napanunumbalik sa pamamagitan ng proseso ng pagtubos:
...At at ang mga tinawag ay inaring ganap
naman niya: at ang mga inaring ganap ay niluwalhati din naman niya. (Roma
8:28-30)
Ang “kaluwalhatian” ay umaalis din mula sa anak Ng Dios nang ang kasalanan ay naghiwalay sa kanila mula sa presensiya Niya. Ano ang maaring gawin kung ang kaluwalhatian Ng Dios ay umalis dahil ang disenyo ay nabago ng kasalanan? Ang pag-aaral sa Lumang Tipan tungkol sa Arko Ng Dios na umalis at nagbalik sa Israel ay nagbigay ng natural na pagkakatulad sa dakilang espirituwal na katotohanan na sagot sa tanong na ito.
ANG PAGALIS AT PAGBALIK NG ARKO
Ang Arko Ng Dios ay tanda ng
kaluwalhatian Ng Dios sa kalagitnaan ng Kanyang mga anak. Pinangungunahan Ng
Arko ang Israel sa kanilang paglalakbay sa ilang. Ito ang nanguna sa kanilang
pagtawid sa ilog ng Jordan sa Canaan. Ito ay nauna sa kanila sa pakikipaglaban bilang tanda ng presensiya Ng
Dios.
Sa I Samuel mga kabanata 4 hanggang 7 may nakalulungkot na istorya tungkol sa Arkong ito, ang tanda ng presensiya Ng Dios sa Kanyang mga anak, ay nawala. Basahin ang mga kabanatang ito sa Biblia bago magpatuloy sa mga natitirang aralin na ito.
MULA SA SHILO TUNGO SA EBENEZER:
Nagsimula
ang I Samuel 4 na ang bansang Israel ay nakikipaglaban sa Filisteo. Ang
Israel ay nagkampo sa lugar ng Ebenezer at ang mga hukbo ng Filisteo ay nagtayo
ng kanilang mga tolda sa Aphec. Ang Israel ay natatalo sa labanan dahil sa
kasalanan na nasa kanilang kalagitnaan, lalo na sa kanilang lideratura (tingnan
ang I Samuel kabanata 3). Nang nawala
ang 4,000 mga lalake sa labanan, nagsimula silang magtanong “Bakit sila ay
hinampas Ng Dios?
Sa halip na hanapin nila ang Panginoon at
siyasatin ang kanilang mga puso para ipahayag ang tunay na problema, ang hukbo
ng Israel ay nagpasiya na kunin ang Arko, ang tanda ng presensiya Ng Dios, at
ipinadala bago sa kanila sa labanan. Sa nakaraan na pakikipaglaban, sa utos Ng
Dios, pinangunahan ng Arko ang hukbo ng Israel sa pakikipaglaban, ngunit ito ay
tanda lamang ng presensiya Ng Dios. Dahil sa kasalanan, ang presensiya Ng Dios
ay hindi kasama ng Kanyang mga anak sa pakikipaglaban kaya ang tanda ng Kanyang
presensiya ay walang kabuluhan.
Pagkatapos ng unang bahagi ng pakikipaglaban sa
Canaan, ang tabernakulo ay itinatag sa lugar na tinatawag na Shiloh. Ang Israel
ay ipinadala sa Shiloh at dinala ang Arko sa Ebenezer. Nang ang Arko ay
dumating sa kampo, Ang Israel ay nagbigay ng dakilang sumigaw ng kagalakan
dahil sigurado na ngayon mananalo sila sa pakikipaglaban sa mga Filisteo.
Ngunit ang tanda na walang aktuwal na
presensiya Ng Dios ay walang kabuluhan. Nang ang labanan ay muling nagsimula,
30,000 mga hukbo ng Israel ang napatay at kinuha ng Filisteo ang Arko Ng Dios.
Kahit ang mga anak ng saserdoteng si
Eli ay napatay.
Nang ang mensahero ay dumating kay Eli para sabihin ang balita, siya ay nabigla at bumagsak siya sa kanyang upuan, nabali ang kanyang leeg, at namatay. Ang buntis na manugang niya ay dagling naghirap at nanganak ng isang lalaking anak. Kanyang ipinangalanan ng “Ichabod” na ang ibig sabihin ay “ang kaluwalhatian Ng Dios ay lumisan”:
At kaniyang sinabi, Ang kaluwlhatian ng
Dios ay nahiwalay sa Israel; sapagka’t ang kaban ng Dios ay kinuha. (I Samuel 4:22)
Ang tanda ng presensiya Ng Dios ay nasa kamay na ngayon ng kalaban at ang Israel ay natalo sa laban. Kung nawala natin ang presensiya Ng Dios, tayo ay matatalo rin sa labanan.
Sa maraming mga lugar ngayon, ang Iglesya ay kampante na sa mga tanda ng presensiya Ng Dios. Mayroon tayong tanda na mga krus, kalapati, kagamitan sa banal na hapunan, kandila, at malaking gusali ng iglesya. Maaaring may emosyon na sumisigaw at nagpupuri Sa Dios, katulad ng ginawa ng Israel nang ang Arko ay dumating sa kampo.
Ngunit tunay ba
na ang presensiya Ng Dios ay nasa sa atin, o kampante na tayo sa mga tanda at
mga rituwal? Sa tuwing tayo ay
kampante na sa tanda, rituwal, at kinaugalian, ang presensiya Ng Dios ay
umaalis. Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nawala sa mga kalaban. Tayo ba ay
kontento na sa rituwal sa halip na sa tunay na presensiya Ng Dios?
MULA SA EBENEZER TUNGO SA APHEK:
Nang makuha ng mga Filisteo ang Arko Ng Dios, una nilang dinala sa lugar na tinawag na Aphek na ang ibig sabihin “lakas at tanggulan.” Ito ay isang lugar na hindi nakuha ng Israel mula sa Canaanite nang nasakop nila ang Canaan. Nakatala sa I Samuel 4:1 at 29:1 na hindi nagtagal ito ay naging base kung saan sisimulan ang pag-atake laban sa Israel.
Sa Aphek, aktuwal na dinagit ang tanda ng presensiya sa pamamagitan ng pagdungis at pandarambong dito. Ang anumang bahagi ng iyong buhay na naiwan na hindi nagapi ay nagiging muog at tanggulan ng Satanas. Ito ay magagamit ng kalaban para simulan ang atake laban sa iyo at mawawala ang kaluwalhatian ng Dios. Kukunin ni Satanas ang mahalaga at gagahasain ito sa pamamagitan ng pagdungis, paglapastangan, at pandarambong. Ang rituwal (Ebenezer) ay palaging nabubunsod sa pagdagit (Aphek).
MULA SA APHEK TUNGO SA ASHDOD:
Sa I Samuel 5, nakasulat sa Biblia na sumunod na inilipat ang Arko sa lugar na tinatawag na Ashdod. Ang Ashdod ay isa sa limang pangunahing lunsod ng Filisteo at ang lugar ng isa sa pinakakilala na mga templo ng dios ng bansa, na si Dagon. Sa Ashdod, ang mga Filisteo ay nagsubok na magtatag ng Arko na kasama ang ibang dios diyusan ngunit ang kanilang mga dios ay palaging bumabagsak at sa kahulihan ay nasira at nagkapira-piraso.
Nang naiwala mo ang kaluwalhatian ng Dios sa pamamagitan ng rituwal at espirituwal na pagnanakaw ng kalaban, ang susunod mong kilos ay subukin na pangatwiranan ang iyong kalagayan sa pag kompromiso. Katulad ng Filisteo, ginagawa mo ito sa pagsubok na magtatag ng kaluwalhatian Ng Dios kasama ang makamundong diyus-diyusan ng iyong buhay. Ito ay maaaring aktuwal na nakikitang mga idolo na bato o putik, o maaari itong mga idolo ng kayamanan o makamundong pag-uugali o pamumuhay. Iyong sinusubukan na makita kung gaano karami ang maaari mong makamtan sa mga makamundong kayamanan at magkamit pa rin ng kaluwalahtian Ng Dios sa iyong buhay.
Ngunit ang lahat ng mga idolo ay dapat na lumuhod sa harapan ng kaluwalhatian Ng Dios. Nang makilala ng mga Filisteo ang kapangyarihan Ng Dios, sila ay natakot at ibinalik ang arko sa lunsod ng Gath.
MULA SA ASHDOD TUNGO SA GATH:
Ang ibig sabihin ng “Gath” ay “pigaan ng alak.” Tuwing ikaw ay nagkokompromiso at pinahihintulutan ang kalaban na magtatag ng muog sa iyong buhay (ang ibig sabihin ng mga salitang Aphec at Ashdod ay “muog”) madali mong makikita ang iyong sarili sa kanyang “pigaan ng alak.” Pipigain ka niya, dadaganan, at itutulak ka hanggang ang lahat ng kabutihan ay maalis sa iyong buhay..
Sa Gath, nagpadala ng paghuhukom Ang Dios sa Filisteo sa kanilang “tagong bahagi” (pribadong bahagi ng katawan). Dito ang balik ng pagkawala ng kaluwalhatian ay nagsimulang makita at ang paghuhukom Ng Dios ay nagsimulang bumaba.
Hindi maaari Sa Dios ang espirituwal
na rituwal. Hindi Niya pahihintulutan
na ang Kanyang presensiya ay maagaw sa ating mga buhay at mga iglesya. Hindi
Niya pababayaan na magbigay ng katwiran sa pamamagitan ng pag kompromiso ng
walang kaparusahan ng Kanyang
paghuhukom.
MULA SA GATH TUNGO SA EKRON:
Ang ibig sabihin ng Ekron ay lipulin
na ang ibig sabihin ay “kamatayan.” Ang nakamamatay na pagkawasak ay dumating
sa lunsod bilang hukom mula Sa Dios. Ang pagkalipol ng espirituwal na kamatayan
ay hindi malayo sa balik ng paghuhukom Ng Dios. Kung hindi natin pakikinggan
ang mensahe Ng Dios, madali tayong magiging katulad ng iglesya sa Sardis na may
pangalan na tayo ay nabubuhay , ngunit tayo ay patay. Apocalipsis 3:1)
MULA SA EKRON TUNGO SA BETHSHEMESH:
Sa Ekron ang Arko Ng Dios ay nagbago
ng direksiyon at nagsimula ng mahaba at mabagal na pagbalik sa Israel. Ngunit
ang tanda ng presensiya Ng Dios ay hindi madaling mabalik sa mga anak Ng Dios.
Umabot ng higit sa 20 mga taon bago ito dumating sa Jerusalem!
Pagkatapos ng paglipol sa pamamagitan ng kamatayan sa Ekron, ang mga Filisteo ay nagpasiya na makabubuti na ibalik ang Arko kung saan ito nararapat (I Samuel 6). Gumawa sila ng kariton, at inilagay ang Arko dito, at gumamit ng dalawang baka para hilahin ang laman nito. Ang dalawang baka na ito ay may dalawang anak na nasa tirahan nito. Ang natural na gawi kung sila ay naiwan sa kanilang sarili ay tutungo kung nasaan ang kanilang mga anak. Sa halip, ang mga baka ay nagtungo sa Israel. (Kahit ang mangmang na mga hayop ay alam na ang kaluwalhatian ay para sa mga anak Ng Dios at hindi sa kamay ng mga kalaban!)
Ang mga baka at ang kanilang mahalagang karga ay dumating ng una sa lugar na tinatawag na Bethshemesh kung saan ang ilan sa mga tao sa Israel ay nagaani ng kanilang anihin. Nang makita nila ang Arko, sila ay nagsimulang magalak. Kinuha nila ang kariton at mga baka at inihandog sila bilang handog Sa Panginoon.
Ngunti ang mga
tao sa Bethshemesh ay tumanggi na kilalanin na hindi basta ipinadadala Ng Dios
ang Kanyang presensiya para lamang pagpalain tayo. Ang kabanalan ay dapat na nasa puso ng anumang
pagkilos Ng Dios. Nais ng mga taong ito ang presensiya Ng Dios sa kanila,
ngunit hindi nila nais ang kaparaanan Ng Dios. Ang tingin nila sa Arko ay,
ipinabawal Ng Dios. Mahigit sa 50,000 mga tao ang namatay dahil sa kanilang
kasalanan (Exodo19:21).
Maraming pagkakataon tayo ay
nagagalak kung ang presensiya Ng Dios ay nagsimulang kumilos sa ating
kalagitnaan at inaangkin natin na nais natin ng “revival.” Ngunti tumatanggi
tayo na lumakad sa kabanalan. Nais natin ng presensiya Ng Dios, ngunit tumatangi
tayo na sumunod sa kautusan Ng Dios. Dahil dito, ang presensiya Ng Dios ay
patuloy na lumilisan.
MULA SA BETHSHEMESH TUNGO SA KIRJATH-JEARIM:
Dahil ang mga tao sa Bethshemesh ay
tumanggi sa pamantayan Ng Dios, ang Arko ay ipinadala sa Kirjath-Jearim kung
saan ito nanatili ng 20 taon:
At nangyari, mula nang araw na itahan ang kaban sa Chriath-jearim, na
ang panahon ay nagtatagal; sapagka’t naging dalawang pung taon; at ang boong
sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon. (I Samuel 7:2)
Kahit ang Arko ay nasa kalagitnaan
ng mga tao sa Kirjath-Jearim, tinanggihan nila ang kapangyarihan. Nasa
kalagitnaan nila ang tanda ng presensiya ng kanilang Dios, ngunit sila at ang
lahat ng Israel ay “tumangis” sa Panginoon. Ang ibig sabihin nito ay naghahanap
sila ng Kanyang kapangyarihan, nagugutom at nauuhaw sa Kanyang presensiya. Ang
Jerusalem ay nabalewala sa presensiya Ng Dios, habang ang Arko Ng Dios ay
walong milya lamang ang layo!
Sa maraming taon, ang Arko ay
nagpalipat-lipat sa mga lunsod na may maliit na pagturing, paggalang, at pagkaunawa ng kahalagahan
nito. Kasama nito ang maaaring lahat ng kapangyarihan Ng Dios, ngunit walang
sinoman ang nakauunawa, walang nagaalaga, at walang sinoman ang nagbigay ng
maraming pansin dito.
Ito ba ang larawan ng iyong
espirituwal na kalagayan? Ikaw ba ay natatali sa rituwal ng relihiyon at
ninakaw ang presensiya Ng Dios? Nagmatuwid ka ba sa iyong makamundong
kalagayan, nadama ang bunga ng paghuhukom Ng Dios at kahit nga ang paglipol sa
espirituwal na kamatayan sa iyong buhay?
Mayroong mabuting balita para sa iyo... Ang Arko Ng Dios , ang Kanyang kaluwalhatian at presensiya ay malapit... Ito ay malapit lamang. Naghihintay lamang Ang Dios na ang lalake o at babae na may sapat na pagnanais para sa Kanyang presensiya na sila ang manguna sa daan patungo sa panunumbalik ng kapangyarihan Ng Dios.
MULA SA
KIRJATH-JEARIM TUNGO SA JERUSALEM:
Dumating ang araw na nakatagpo Ang Dios ng tao
na malapit sa Kanyang puso na hindi magpapahinga hanggat ang Arko ng
kaluwalhatian Ng Dios ay buong naibalik
sa Kanyang mga anak. Ang lalaking ito ay si David. Nasasabik si David na dalhin
ang Arko Ng Dios sa mga anak Ng Dios. Nagtanong siya, “Paano ko maibabalik ang
Arko Ng Dios sa Kaniyang tahanan ?” (I Cronica 13:12)
Marami ang nagtatanong nito ngayon... “Paano
tayo makapaapsok sa pagbabalik ng presensiya Ng Dios, ang bagong pagkilos ng
Espiritu na ating ninanais?” Matututunan mo ang tungkol dito sa susunod na
aralin sa “Pagpapanumbalik Ng Tabernakulo Ni David,”, ngunit ngayon,
pag-aaralan antin kung paano nadala Ni David ang Arko mula sa Kirjath-jearim
tungo sa Zion, pagbabalik ng nawalang kaluwalhatian ng anak Ng Dios.
Una, basahin ang I Cronica 13:1-7 sa iyong
Biblia.Ang talatang ito ay talaan nang unang subukin ni David na dalhin pabalik
ang Arko sa anak Ng Dios. Dahil binuhat ng mga Filisteo ang Arko sa kariton
inisip niya na maaari itong dalhin sa ganitong paraan. Ang arko ay inilagay sa
kariton na hinahatak ng baka. Nang ang baka ay nadapa, dalawang tao ang humipo
sa Arko para alalayan ito, at sila ay namatay.
Bilang mananampalataya, dapat tayong lumakad sa
Salita Ng Dios, hindi sa pamamagitan ng halimbawa o karanasan. Nais Ng Dios ang
mataas na pamantayan sa Kanyang mga lingkod kaysa sa mga hindi mananampalataya.
Ang paghuhukom ay ipinaratang dahil ang Arko ay inilipat ng hindi ayon sa
paraan na iniutos Ng Dios. Muling inalala ni David ang kanyang karanasan sa I
Cronica 15:1-24. Sinabi niya ang unang subukin ang pagdadala ng kaluwalhatian ay hindi “ayon sa tamang
kaayusan.” Para ang kaluwalhatian ay maibalik, ito ay dapat ayon sa paraan Ng
Dios.
ANG PROSESO NG
PAGBABALIK
Basahin ang tungkol sa tagumpay ni David nang subukin niya na
ibalik ang Arko sa I Cronica 13-17. Apat na bagay ang kinakailangan para ang
Arko Ng kaluwalhatian Ng Dios ay maibalik sa Kanyang mga anak. Ang mga bagay na
ito ay kailangan din para maranasan ng pagbalik ng Kanyang kaluwalhatian
ngayon:
1. PAGNANAIS:
Sa 20 taon, ang buong Israel ay nagnanais ng
mas malapit na kaugnayan Sa Panginoon. Mayroon silang pagnanais sa Kanyang
kaluwalhatian. Ang unang hakbang sa proseso ng pagbalik ay magkaroon ng
pagnanais para sa kaluwalhatian Ng Dios. Ngunit ang pagnanais ay hindi sapat.
Maaaring nais mong mabuti ang isang bagay, ngunit para makuha mo ito dapat kang
mayroong...
2. DETERMINASYON:
May determinasyon sa David na ibalik ang arko. Sinabi niya, “Dalhin natin muli ang arko ng ating Dios sa atin” ( I Cronica 13:3). Hindi lamang na dapat mong naisin ang kaluwalhatian Ng Dios , dapat mong pagpasiyahan sa iyong puso na hindi ka titigil hanggat hindi mo ito natatanggap . Kahit ang kabiguan ay hindi nakapigil kay David. Nang hindi siya nagtagumpay sa unang pagkakataon sumubok muli siya!
3. DIREKSIYON:
Nagsimulang kumilos sina David at ang kanyang mga kasama na kumilos sa direksiyon ng Arko para maibalik muli ito. Ang pagnanais ay hindi sapat. Kahit ang pagpupunyagi ay hindi sapat. Dapat mong simulan na kumilos sa direksiyon ng presensiya Ng Dios para ang kaluwalhatian ay muling maibalik.
Hindi mo mararanasan ang kaluwalhatian kung hindi ikaw ay patungo sa salungat na direksiyon sa paraan ng mundo. Hindi mo mararanasan ito kung ikaw ay tumatakbo mula sa Dios sa pagsuway sa Kanyang tawag sa iyong buhay. Dapat kang magtungo sa direksiyon Ng Dios para ang kaluwalhatian ay makita.
4. TAMANG KAAYUSAN:
Sa unang pagsisikap na ibalik ang
Arko, ang baka ay nadapa at ang kariton ay lumagpak. Ang kaluwalhatian ay hindi
maibabalik sa kariton na gawa ng tao. Ito ay dapat maibalik ayon sa plano Ng Dios, ayon sa tamang kaayusan.” Sinubukan
natin na ibalik ang kaluwalhatian Ng Dios sa ating kalagitnaan sa pamamagitan
ng kariton na “gawa ng tao”. Mayroon tayong mga programa at rituwal na
tumutukoy sa pagkakaisa at pagkakapatiran.
Nakawiwili, ang ibig sabihinn ng mga pangalan
ng dalawang lalake na namatay dahil sa paghipo ng arko ay lakas (Uzza) at
mabuting kapatid (Ahio). Ang ating kariton na gawa ng tao ay maaaring mukhang
“sweet” at mabuting kapatid, ngunit ang mga ito ang tunay na lakas ng tao. Ang
kahihinatnan sa huli ng kariton na gawa ng tao ay sagabal, madulas, padausdos
at sa huli... kamatayan.
Hindi natin maibabalik ang kapangyarihan sa
Zion sa pamamagitan ng ating sariling mga plano, programa, o lakas... Ito ay
dapat na dumating sa paraan Ng Dios batay sa Salita Niya. Inamin ni David sa
kahulihan:
At sinomang hindi humanap sa Panginoon, sa
Dios ng Israel, ay papatayin, maging maliit o malaki, maging lalake o babae.
(I Cronica 15:13)
Nang ang tamang kaayusan Ng Dios ay nasunod,
ang kaluwalhatian ay bumalik. Marami ka pang matututunan tungkol sa “tamang
kaayusan” sa susunod na aralin sa “Pagbabalik Ng Tabernakulo Ni David.”
ANG APOY, ANG KALUWALHATIAN, AT PAGSAMBA
Ang apoy at kaluwalhatian ay parehong mahalaga na espirituwal na mga puwersa. Kung walang apoy, ang kaluwalhatian ay madaling kukupas. Kung walang apoy at kaluwalhatian, tayo ay hindi makakikilos sa harap ng kalaban.
Sa pagsisimula ng pag-aaral na ito tungkol sa apoy at kaluwalhatian iyong natutunan na ang parehong apoy at kaluwalhatian ay may kaugnayan sa pagsamba. (II Cronica 7:1-3) Ang susunod na tatlong aralin ay iugnay sa tatlong mga puwersang ito ng pagpapakilos sa iyong pag-aaral ng “Pagbabalik Ng Tabernakulo Ni David,” “Naghahanap: Ng Mga Sasamba,” at “Paano Sumamba.”
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulata ng Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ipaliwanag kung bakit ang kaluwalhatian Ng Dios ay umalis mula sa Kanyang mga anak.
________________________________________
________________________________________
3. Ibuod ang mga pangyaayri at ang kanilang espirituwal na kahalagahan nang ang arko ay nasa mga sumusunod na lugar:
Ebenezer
________________________________________
________________________________________
Aphek
________________________________________
________________________________________
Ashdod
________________________________________
________________________________________
Gath
________________________________________
________________________________________
Ekron
________________________________________
________________________________________
Beth-shemesh
________________________________________
________________________________________
Kirjath-Jearim
________________________________________
________________________________________
Jerusalem
________________________________________
________________________________________
.4. Ano ang apat na mga bagay na kinakailangan para maibalik ang kaluwalhatian Ng Dios?
_________________________________ ________________________________
_________________________________ ________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
IKA-WALONG
KABANATA
ANG PAGBABALIK NG TABERNAKULO
NI DAVID
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “pagbabalik ng tabernakulo ni David.”
· Magbigay ng talata mula sa Biblia kung saan ang pagbabalik ay ibinigay sa propesiya.
· Ipaliwanag kung kailan ito maibabalik.
· Ipaliwanag kung paano ito maibabalik.
· Ibuod kung paano ang pagbabalik ng tabernakulo ni David ay may kaugnayan sa iyo.
SUSING TALATA:
Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y
babalik, at muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; at muli
kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo. (Mga Gawa 15:16)
PAMBUNGAD
Sa huling aralin, iyong natutunan kung paano ang Arko ay nawala sa Israel at, kasama dito ang presensiya, kapangyarihan, at kaluwalhatian Ng Dios. Nang dinala muli ni David ang Arko sa Israel, ang presensiya Ng Dios ay naibalik sa kalagitnaan ng Kanyang mga anak. Ang istorya ng pagbabalik ay mahalaga, dahil ito ay may kaugnayan sa makabagong Iglesya at ang pangako Ng Dios na nagsasabi...
Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y
babalik, at muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; at muli
kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo. (Mga Gawa 15:16)
Bago magpatuloy sa aralin na ito, pag-aralan ang I Cronica mga kabanata 13-17.
ANG PANGAKO NG PAGPAPANUMBALIK
Pag-aralan ang sumusunod na mga
talata. Sinabi Ng Dios...
Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buawal, at
tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking
itatayo na gaya ng mga araw ng una;
Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa mga
tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito,
Narito, ang mga kaarawan ay dumaraing, sabi ng Panginoon, na aabutan ng
mangaararo ang mangaani, at na mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ag
mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw.
(Amos 9:11-13)
Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y babalik, at muli kong itatayo ang
tabernakulo ni David, na nabagsak; at muli kong itatayo ang nangasira sa
kaniya. At ito’y aking itatayo. (Mga Gawa 15:16)
Narito ang buod ng propesiya sa mga talatang
ito:
-Ang Panginoon ay babalik.
-Gagawin muli Niya ang tabernakulo ni David na bumagsak. Kanyang muling itatatag ang mga labi at itatayo ito.
-Ang mga layunin
kung bakit ito ay gagawin ito ay para sa mga naiwan ng Edom (natirang mga tao)
ay hanapin ang Panginoon at ang mga Pagano ay magkaroon ng pangalan Ng
Panginoon sa kanila. (Ang ibig
sabihin ng Pagano ay lahat ng mga bansa na hindi Israel).
-Ang
Dios ay gumagawa ng mga bagay na ito.
-Ito
ay bahagi ng plano Ng Dios mula sa simula ng mundo.
Ano ang ibig sabihin ng mga talatang ito? Ano
ang pagpapanumbalik? Ano ang
ibinalik? Kailan at paano ang
pagpapanumbalik na ito ay mangyayari? Ano ang ibig sabihin sa Iglesya ngayon?
Paano ito may kaugnayan sa pagpapakilos?
ANO ANG
PAGPAPANUMBALIK?
Ang ibig sabihin ng ”pagpapanumbalik” ay
“gawing buo o kumpleto, gawing buhay.” Ito ay paggawa ng pagbabalik sa orihinal
na kondisyon o kalagayan.
ANO ANG NAIBALIK?
Ang tabernakulo ni David ay naibalik. Para
maunawan kung ano ang ibig sabihin nito, dapat nating muling pag-aralan ang
ilang kasaysayan ng Arko Ng Dios.
ANG PAGGAWA NG
ARKO:
Si Moises ay binigayan ng direksiyon mula Sa Dios para sa paggawa ng Arko nang siya’y nasa bundok ng Sinai (tingnan ang Exodo 26:10-22). Ang arko ay hugis pahaba na kahon, 3 ¾ piye ang haba at 2 ¼ piye ang lapad at 2 ¼ piye ang taas. Ang kahon ay gawa sa kahoy at nilatagan sa loob at labas ng ginto.
Ang bawat bahagi ng arko ay may kahulugan na tanda. Ang ibig sabihin nito ang bawat bahagi ay kumakatawan sa espirituwal na katotohanan. Ipinaaala sa atin ng kahoy na ang Panginoon ay nagkatawan tao sa sa kahoy na krus dinala Niya ang ating mga kasalanan. Ang ginto ay nagpapahayag ng Kanyang Kadiyosan (I Pedro 2:24). Ang tatlong hanay (ginto, kahoy, ginto) ay nagpapaalala sa atin ng mayroong isang dios na walanghanggan na nagpakita sa tatlong persona.
MGA NILALAMAN NG ARKO:
Naglalaman ng tatlong bagay ang arko, ang lahat ng ito ay may simbolong espirituwal:
-Ang hapag na bato ay tanda ng
kabanalan, na Si Jesus ang “daan” patungo Sa Dios.
-Ang palayok ng manna na kumakatawan
sa Salita Ng Dios. Si Jesus ay Salita rin
o “ang katotohanan.”
-Ang tungkod ni Aaron, na
kumakatawan sa pahid Ng Dios at Si Jesus bilang “ang buhay” (Juan 14:6).
KAHALAGAHAN NG
ARKO:
Katulad ng iyong natutunan sa nakaraan na
aralin, ang Arko ay lugar ng malalim, espirituwal , at malapit na
pakikipagkaisa at “fellowship” Sa Dios. Ito ay lugar kung saan nakikita ang
kapangyarihan, presensiya, at kaluwalhatian Ng Dios.
LUGAR NG ARKO:
Sa orihinal, ang Arko ay nakalagay sa
tabernakulo ni Moises. Ito ang tirahan ng Dios sa panahon ng pagliliwaliw sa
ilang mula sa bundok ng Sinai hanggang Shiloh sa Lupang Pangako. Ang arko ay
nasa silid na tinatawag na “pinaka banal na dako” na pinalilibutan ng panlabas
na arko at ang banal na dako.
Ang tatlong bahagi sa Tabernakulo ni Moises ay
tanda ng tatlong bahagi na ministeryo Ni Cristo bilang propeta, saserdote, at
Hari. Ang panlabas na korte ay nagsasabi ng tungkol sa ministeryo Ni Jesus
bilang propeta. Sa panalabas na korte hinaharap ang kasalanan sa pagsamba sa
Lumang Tipan. Si Jesus ang naging propeta Ng Dios na ipinadala para alisin ang
ating mga kasalanan.
Ang punong saserdote ng Israel ay namamagitan
sa panalangin para sa kasalanan ng mga tao
sa banal na dako. Tinutukoy nito ang ministeryo Ni Jesus bilang
saserdote na palaging namamagitan sa panalangin para sa mga mananampalataya.
Ang pinakabanal na dako ay nababalutan ng makapal na belo. Sa likod ng belong
ito, ang isang tao ay nakatayo sa presensiya Ng Hari. Kung tayo ay pumasok sa
likod ng belo ang ibig sabihin nito sa espirituwal , nakakatagpo natin Si
Cristo sa Kanyang tungkulin bilang Hari ng mga Hari.
Pagkatapos ng paglalakbay sa ilang nang sila ay
nagtungo sa Canaan, ang Arko ay inilagay sa Shiloh. Ito ay naging sentro ng
pagtitipon para sa buhay relihiyon ng Israel para sa ilang mga taon (tingnan
ang Josue 18:1,8-10; 19:51; 21:2;
22:9,12,19; Mga Hukom 18:31).
Natutunan mo ito sa huling kabanata, kung paano ang Arko ay dinala mula sa
Shilo at natalo sa labanan ng kalaban. Nakatala sa Biblia na Ang Dios...
...pinabayaan ang tabernakulo ng Shilo, ang tolda ng kaniyang inilagay
sa gitna ng mga tao;
At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang
kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
(Mga Awit 78:60-61)
Nang ang Arko ay nakuha palabas sa tabernakulo
ni Moises sa Shilo, hindi na ito nabalik na muli doon. Nang ito ay naibalik,
ito ay naibalik sa tabernakulo ni David.
May mga saserdote na nagpatuloy na maghandog ng
dugo sa Shiloh. Kanilang pinanatili ang legal na kaayusan ni Moises na ginagawa
sa labas ng tabernakulo, sa banal na dako, at sa pinaka banal na dako. Ngunit
ang pinakabanal na dako sa Shiloh ay walang laman. Ang presensiya Ng Dios ay wala roon.
Ang presensiya Ng Dios ay nasa tabernakulo ni
David. Sa tabernakulong ito, ang sakripisyo ng papuri at pagsamba ay inihandog
ng mga mangaawit at musikero. Walang panlabas na korte, banal na dako, at may
belo na pinaka banal na dako. Mayroong daan para sa lahat sa presensiya Ng
Dios.
ANO ANG ESPIRITUWAL
NA KAHULUGAN NITO:
Sa panahon ni David, ang tabernakulo ay aktuwal
na dako, isang tolda na inihanda para itira ang Arko Ng Dios. Ngunit sa mga
propesiya na iyong nabasa sa aralin na ito kung saan sinabi Ng Dios ang
pagpapanumbalik ng tabernakulo Ni David, ay tinutukoy Niya ang espirituwal na
mga bagay.
Ang “pagpapanumbalik ng tabernakulo ni David”
ay pagpapanumbalikng espirituwal na tabernakulo na ito ay sa bahay “ang daan,
ang katotohanan, at ang buhay,” na Si Jesus. Kung paano ang unang tabernakulo,
ang tabernakulong ito ay nagtataglay ng tatlong bahagi ng ministeryo Ni Cristo
bilang propeta, saserdote, at hari. Dito nananahan ang kapangyarihan,
presensiya, at kaluwalhatian Ng Dios. Ang presensiya Ng Dios ay hindi natagpuan
sa pormal na luma, rituwal na pagsamba na kinakatawan na uri na nangyari sa
Shiloh. Ang dako na Kanyang tirahan ay ang tabernakulo ni David.
KAILAN ITO
MAIPANUNUMBALIK?
Sinabi ng Biblia na ang tabernakulo ni David ay
maibabalik “katulad ng dating panahon.” Ang tabernakulo ni David ay muling
maitatayo sa panahon kung saan ang mga kalagayan ay katulad ng panahon na ito
ay nanumbalik sa mga dating panahon.”
Anong uro ng panahon ang mga iyon? Itinayo ni David ang kanyang tabernakulo nang ang kaluwalhatian at kapangyarihan ng presensiya Ng Dios ay nawala. Ang pagsamba ay naging rituwal. Iniwan Ng Dios ang lugar ng pormal na pagsamba dahil sa masamang espirituwal na kalagayan ng Kanyang mga anak:
Gayon ma’y nanukso at naghimagsik sila
laban sa Kataas-taasang Dios, AT hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may
paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: Sila’y nagsilisyang parang
magdarayang busog.
Sapagka’t minungkahi nila siya sa galit ng
kanilang mga mataas na dako. At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga
larawang inanyuan.
Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at
kinayamutang lubha ang Israel.
... Sa gayo’y kaniyang pinabayaan ang
tabernakulo ng Shilo, ang tolda ng kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang
kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway. (Mga
Awit 78:56-61)
Nakakita ka ba ng ganitong
kalagayan sa iglesya na katulad ng inilarawan sa mga talatang ito? Kaya ngayon ang panahon para ang
tabernakulo ni David ay maipanunumbalik!
PAANO ITO
MAIBABALIK?
Ang ating “Arko” ng presensiya Ng Dios ay
maibabalik sa katulad na paraan kung paano ito nangyari sa panahon ni David:
SA TAMANG KAAYUSAN:
Sa unang pagsubok ni David na dalhin ang Arko, siya ay nabigo dahil ito
ay hindi ayon sa “tamang kaayusan.”
Iniutos Ng Dios na ang arko ay ilagay sa mga kahoy at ipatong sa balikat ng mga Levita (espirituwal na mga
lider). Sinubukan ni David na galawin ang Arko sa isang kariton kung paano
ginawa ng mga Filisteo at ang paghuhukom Ng Dios ay bumaba. Nang dinala ni
David ang Arko sa “tamang kaayusan” siya ay nagtagumpay.
SA INIHANDANG
LUGAR:
Si David ay naghanda ng lugar para sa Arko Ng
Dios ( I Cronica 15:1,3,12). May tiyak planadong paghahanda para ang presensiya Ng Dios ay manahan.
SA BAGONG
TABERNAKULO:
Si David ay nagtindig ng tabernakulo (tolda)
para sa tirahan Ng Dios dahil sinabi Ng Dios:
Sapagka’t hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon
ang mga anak ni Israel mula sa Egipto, hanggang sa araw na ito, kundi ako’y
lumakad sa tolda at sa tabernakulo. (II Samuel 7:6)
SAMA-SAMANG
PAGTITIPION NG MGA ANAK NG DIOS:
Kasama din ang malaking sama-samang pagtitipon
ng mga anak Ng Dios sa mga paghahanda para sa pagdadala ng Arko sa tabernakulo
ni David . Ang dahilan sa pagkakaisa ay ang pagdadala ng Arko Ng Panginoon at
pagpapanumbalik ng tunay na pagsamba pagkatapos ng malungkot na mga taon ng
espirituwal na pagbaba mula sa panahon Ni Samuel hanggang sa paghahari ni
Haring Saul.
PAGBABANAL:
Kasama rin sa paghahanda ng tabernakulo ni
David ang pagbabanal. Tinawag ni David ang espirituwal na mga lider ng Israel
(ang mga saserdote at mga Levitico) para banalin ang kanilang mga sarili para
madala ang Arko Ng Dios.
Ang ibig sabihin ng “pagbabanal” ay “para
ihiwalay ang sarili, ihiwalay bilang banal sa Panginoon, o para sa banal na
gawain.” Kasama sa pagbabanal na ito
ang paglilinis sa pamamagitan ng dugo , pagpaligo sa tubig, at pagpahid ng
banal na langis.
PAGBALIK SA TUNAY
NA PAGSAMBA:
Nang ang Arko Ng Dios ay dinala, ito ay
magkasamang pagaawitan, pagsigaw, ang tunog ng instrumento ng pagtugtog, at
sayawan. Tiyak na hindi ito tahimik na pagsamba na paglilingkod, ngunit isa sa
dakilang kagalakan, kat’waan, masaya, at may kasigasigan.
Kahit si Haring David ay tumugtog at sumayaw na may lakas sa harapan Ng Panginoon. Ang mga mangaawit at manunugtog ay umawit at tumugtog, at ang Arko (presensiya Ng Dios) ang sentro ng atensiyon (basahin ang Mga Awit 87:7 at Mga Awit 68:25).
ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA IYO?
Ang bawa’t detalye ng aktuwal na pagtayo at
paglalakbay ng Arko ay halimbawa para sa atin ngayon.
Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at
pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga
panahon. (I Corinto 10:11)
Ang ating espirituwal na “arko” ay ang presensiya Ng Dios sa Kanyang mga anak. Para maranasan natin ang pagbabalik ng Kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian, dapat espirituwal tayong maghanda na katulad ng kay David:
SA TAMANG KAAYUSAN:
Sinubukan natin na dalhin ang presensiya Ng Dios sa pamamagitan ng maraming mga uri na
“mga kariton nagawa ng tao.” Sinubukan natin ang Kristiyanong pagpapasaya, denominasyon, mga rituwal, programa, at relihiyon. Ang lahat ng ito ay nabigo. Para madala natin ang presensiya Ng Dios sa ating kalagitnaan, dapat nating gawin ayon sa utos Ng Dios. Dapat tayong maghanda ng katulad na ginawa ni David. Kasama dito ang ...
INIHANDANG LUGAR:
Kung ang tabernakulo ni David ay dapat na mapanumbalik, dapat tayong maghanda ng lugar. Dapat nating ihanda ang ating mga sarili at ang ating mga iglesya para sa bagong kilos ng presensiya Ng Dios.
Ang “bagong alak” ay hindi maaaring isalin sa lumang “balat ng alak.” Dapat nating alisin sa ating mga sarili ang mga kinaugalian at rituwal. Dapat nating isa-isangtabi ang ating mga programa, talatakdaan, at mga kinaugalian, ang paraan ng ating paggawa sa mga bagay, at ihanda ang ating mga sarili para sa bagong pagkilos Ng Dios.
BAGONG TABERNAKULO:
Ang bawa’t isang mananampalataya ang “tabernakulo” o lugar kung saan Ang Dios ay nananahan. Ang mga mananampalataya ay tinawag na “tabernakulo” Ng Dios sa II Pedro 1;13-14, II Corinto 5:1, at I Corinto 6:19.
Ang Iglesya ay binubuo ng mga mananampalataya at ito ay sama-samang tabernakulo Ng presensiya Ng Dios.
-Sinabi Ni Jesus, “Itatayo Ko ang
Aking iglesya”: Mateo 16:18
-Sinabi
ni Pablo, “Ikaw ay gusali Ng Dios”: I Corinto 3:9
-Sinabi ni Pedro, “Ikaw din, bilang
buhay na mga bato, ay itinayo sa espirituwal na bahay”: I Pedro 2:5
Ang isahan at sama-samang mananampalataya ay
tunay na tabernakulo Ng Dios, kung saan Si Jesus ang ating Punong Saserdote:
Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: mayroon tayong
isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga
langit,
Ministro sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng
Panginoon, hindi ng tao. (Hebreo 8:1-2)
Ang tunay na tabernakulo Ng Dios ay lahat ng
mga mananampalataya. Ang Dios ay hindi mailalagay sa “gusali” ng tao kung ito
man ay aktuwal na templo, o denominasyon o organisasyon.
SAMA-SAMANG
PAGTITIPON NG MGA ANAK NG DIOS:
Kung nais makita ng Iglesya ang pagpapanumbalik ng ating espirituwal na
“arko” ng presensiya Ng Dios, dapat tayong sama-samang magtipon ng may
pagkakaisa. Ang mga lider ay dapat na sama-samang magtipon sa pagkakaisa (Exodo
4:29). Ang mga tao ay dapat magsama-sama (Mga Gawa 14:27). Kung ang mga
mananampalataya ay sama-samang magtitipon sa pagkakaisa ang iuutos Ng Panginoon
ang Kanyang pagpapala. Dapat tayong magkaisa, sumangayon, sa iisang layunin
(Mga Awit 133; Mga Gawa 2:1-4).
PAGBABANAL:
Kahit ang pagbabanal ay kinakailangan sa paghahanda ng tabernakulo ni David, ito ay kinakailangan din sa espirituwal na pagpapanumbalik ng tabernakulo. Ang Espirituwal na mga lider ay dapat na maging banal para madala ang arko Ng Dios. Dapat tayong bumalik sa moral at espirituwal na karangalan sa ministeryo at magkaroon ng pinansiyal na pananagutan.
Ang mga tao ay dapat na maging banal para makatanggap ng Arko ng presensiya Ng Dios. Hindi na natin pahihintulutan ang kasalanan na kumilos sa ating kongregasyon. Hindi na tayo uupo sa pangangaral na “nakakasisiya sa ating mga pandinig,” nagpapasiya, at nagpapatawa sa atin at magagandang istorya.
Kasama sa Lumang Tipan na pagbabanal ang paglilinis sa pamamagitan ng dugo, pagpaligo sa tubig, at pagpahid ng langis, gayundin ang ating pagbabanal kasama ang dugo Ni Jesus (Hebreo 13:12), ang tubig ng Salita Ng Dios (Juan 17:17), at ang pagpahid ng Espiritu Santo (I Pedro 1:2).
Dapat tayong malinis ng dugo Ni Jesus. Dapat
tayong bumalik sa tunay na katuruan, pangangaral, at pagtugon sa Salita Ng
Dios. Ang pagpahid ng Espiritu Santo ay dapat na mag- bigay ng kapangyarihan sa
mga lider at mga tao, dumadaloy sa ating kalagitnaan at hinihipo ang gawain ng
ating mga kamay na may kabanalan.
PAGBALIK SA TUNAY
NA PAGSAMBA:
Ang Arko ng presensiya Ng Dios ay babalik sa
ating kalagitnaan kung tayo ay babalik sa tunay na pagsamba. Ito ay hindi
pagsamba sa pamamagitan ng rituwal o kredo, ngunit ito ay uri na nangyari sa
tabernakulo ni David at nang ang arko ay nadala sa Jerusalem. Ito ay pagsamaba
ng may pagaawitan, pagtugtog ng instrumento, pagsigaw, pagsayaw... ang pagsamba
na may dakilang kagalakan, katuwaan, tuwa, at kasigasigan.
Ang tabernakulo ni David ay maibabalik kung ang
presensiya Ng Dios, tulad ng Arko sa panahon ni David, na naging sentro ng
atensiyon sa halip na sa mga programa, rituwal, at kinaugalian. Matututunan mo
pa ang maraming mga bagay tungkol sa tunay na pagsambang ito sa susunod na
aralin na may pamagat na “Naghahanap: Mga Sumasamba” at Ika-sampung kabanata
“Paano Sumamba.”
PAGPAPANUMBALIK AT
PAGPAPAKILOS
Ipinangako Ng Panginoon na Kanyang ibabalik ang
tabernakulo ni David, ang tahanan para sa Espiritu Ng Dios. Ang pagpapanumbalik
na ito , na pinangunahan ng pagbalik sa pagkakaisa, pagbabanal, at sa tunay na
papuri at pagsamba, na magdudulot ng dakilang pag-aani ng mga kaluluwa sa
huling panahon na lumapit Sa Panginoong Jesu Cristo:
Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at
tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking
itatayo na gaya ng mga araw ng una;
Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa mga
tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito,
Narito, ang mga kaarawan ay dumaraing, sabi ng Panginoon, na aabutan ng
mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang
mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw.
(Amos 9:11-13)
Nang ang tabernakulo ay naibalik, magkakaroon
ng saganang ani, sa katotohanan maraming mga ani na magkakasunod, pagkatapos ng
isa isa muli. Mga bansa at mga tao na hindi kilala Ang Panginoon (kinakatawan
ng “Edom” at mga “Pagano” sa propesiya ni Amos) ay magsisimula na bumaling sa
Panginoon.
Ito ay magiging makapangyarihan na kilos Ng
Dios na ang mga tagaani ng espirituwal na anihin sa mga bukid ay mahihirapan na
sumabay dito! Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan na mapakilos ang lahat
ng ating espirituwal na kayamaan ngayon. Tayo ay dapat na handa!
TATLONG TABERNAKULO
NA TINIRAHAN NG PRESENSIYA NG DIOS
Ang Arko ay unang itinira sa tabernakulo ni Moises. Ito ay tanda ng kautusan at ang kasama nitong pormal. Kaayusan ng pagsamba. Ang Arko ay nawala pagkatapos na iwanan Ng Dios ang tabernakulong ito, ito ay naibalik sa bagong tirahan na lugar na tabernakulo ni David. Ito ay kinakatawan ng tunay na Iglesya na susunod ng tamang kaayusan para maghanda ng lugar para sa presensiya Ng Dios, pagbabanal sa kanilang mga sarili at sama-samang magtipon sa pagkakaisa, na nakatuon sa presensiya Ng Dios ang atensiyon. Ito ay kinakatawan ng mga anak Ng Dios na papasok sa bagong pagpapakilos ng kapangyarihan Ng Dios na may tuwa, lakas, may galak na pagsamba sa espiritu at katotohanan.
Kung gaano sa Israel ay nagpatuloy sa sumamba sa Shiloh, maaari kang magpatuloy sa lumang ,pormal na pagsamba kung nais mo... Ngunit ang presensiya Ng Dios ay nasa bundok ng Zion sa Jerusalem kung nasaan ang Arko. Hindi mo nanaisin na manatili sa Shiloh kung nakikita mo ang Espiritu Ng Dios ay kumikilos ng bago sa bundok ng Zion.
Magandang pansinin na ang lahat ng Zion ay nasa Jerusalem, ngunit hindi lahat ng Jerusalem ay nasa Zion. Ang Zion ay lunsod na nasa loob ng lunsod. Ang Zion ay pangalan para sa mga anak Ng Dios (Isaias 51:16). Ang Dios ay tumatawag sa Iglesya mula sa loob ng Iglesya kung saan ang tabernakulo ni David ay naibalik. Ito ay hindi paghahati na gawa ng tao o kanal na naghahati sa mga iglesya. Ang mga sumasamba sa Zion ay mananatiling bahagi ng Jerusalem, ngunit sila ay nasa bagong daloy ng Espiritu Ng Dios.
May iba pang tabernakulo ng Lumang Tipan kung saan nandoon ang Arko. Sa bandang huli ang anak ni David na si Solomon ay magtatayo ng magandang Arko. Ito ang huling lugar na titirahan ng tanda ng presensiya Ng Dios. Ang kahoy na nagbuhat ng Arko ay maaalis. Ang Arko ng presensiya Ng Dios ay hindi na kikilos kailanman.
Tinutukoy ng tabernakulo ni Soloman ang panahon sa hinaharap kung saan ang presensiya Ng Dios ay magpakailanman na nasa ating kalagitnaan ... ito ang dahilan kung bakit ang kahoy na nagbuhat sa Arko ay naalis na.
Tinutukoy nito ang bagong Langit at lupa kung saan ito inilarawan ni Apostol Juan...
At hindi ako nakakita ng templo doon;
sapagka’t ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay
siyang templo doon. (Apocalipsis 21:22)
At narinig ko ang isang malakas na tinig na
mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga
tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang
Dios din ay nasa kanila, at magiging Dios nila. (Apocalipsis 21:3)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “pagbabalik ng tabernakulo ni David.”
________________________________________
________________________________________
3. Magbigay ng talata mula sa Biblia kung saan ang pagbabalik ay ibinigay sa propesiya.
________________________________________
4.
Kailan
maibabalik ang tabernakulo ni David?
________________________________________
5. Paano ito maibabalik?
________________________________________
________________________________________
6. Ano ang kaugnayan sa iyo ng pagbabalik ng tabernakulo ni David ?
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
IKA-SIYAM
NA KABANATA
HINAHANAP: MGA MANANAMBA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng pagsamba.
· Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng sumasamba sa espiritu.
· Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng sumasamba sa katotohanan.
· Ibuod ang tatlong dahilan kung bakit sumasamba.
· Ipaliwanag ang halimbawa ng pagsamba.
·
Itala
ang limang mga resulta ng pagsamba.
· Kilalanin ang limang uri ng pagsamba.
· Magbigay ng mga reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag kung paano ang paghahanda sa pagsamba.
· Ipaliwanag kung kailan tayo dapat sumamba.
· Ipaliwanag kung saan tayo dapat sumamba.
SUSING MGA TALATA:
Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon
nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at
katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa
kaniya.
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa
kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa
katotohanan. (Juan 4:23-24)
PAMBUNGAD
Ang pagpapanumbalik ng pagpapakilos na presensiya Ng Dios ay darating sa pagsamba. Nais Ng Dios ang mga sumasamba! Sa kabanatang ito iyong ipagpapatuloy ang pag-aaral sa pagsamba, matututunan mo ang kahulugan ng pagsamba at kaugnay na mga salita. Iyong matututunan kung ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu at katotohanan at bakit, kailan, at saan sasamba. Iyong matututunan ang halimbawa ng pagsamba, paano maghanda para sa pagsamba, at ang mga uri at mga resulta ng pagsamba. Sa susunod na aralin iyong matututunan kung paano sumamba Sa Dios habang ikaw ay sumasamba sa espiritu at katotohanan.
KAHULUGAN
Ang ibig sabihin ng pagsamba ay paggalang, paghalik, magbigay ng parangal sa, pagpitaganan, tumayo na namamangha, magpakita ng pagmamahal, magpatirapa, at gumalang. Ang pagsamba ay pagkilala Sa Dios, ang Kanyang likas, katangian, pamamaraan, at pag-angkin, kung ito man ay pagpupuri o paggawa ng Kristiyanong paglilingkod. “Para maglingkod” ay kahulugan din ng “pagsamba.” Ang ibig sabihin ng pagsamba ay pagpapahalaga sa isang tao. Ito ay aktibong tugon Sa Dios kung saan ipinahahayag ang Kanyang kahalagahan, ipagbunyi siya, at ipagmalaki ang Kanyang pangalan.
Ang pagsamba ay hindi porma ng sining dahil hindi ipamamahagi Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian sa porma ng sining. Ito ay hindi liturhiya, kredo, rituwal, paulit-ulit na walang kabuluhan, o pag kopya ng itinatag na kaayusan ng paglilingkod kada Linggo. Ang pagsamba ay hindi nakaaabala na pagtitiis sa sermon, paulit-ulit na mga panalangin, o mga himno na may kakaunting pag-iisip at wala sa puso. Sa pagsamba iyong ipinahayag sa paraan ng Biblia kung ano ang iyong nadarama sa puso. Ang pagsamba ay hindi kalagayan ng loob, ito ay tugon. Ito ay hindi lamang pakiramdam, ngunit isang pagpapahayag. Ito ay hindi walang pakialam, ngunit pakikilahok.
Ang pagsamba ay:
Tungkulin: ng tao na ...
Umaapaw: mula sa loob na may...
Pagbuhos: na ipinahayag sa pagmamahal at tungkulin.
Narito ang ilang mga salita na kaugnay sa pagsamba sa Biblia:
Pasalamat:Ang ibig sabihin ng magbigay ng pasalamat ay kilalanin, pagkilala ng utang na loob, pagdiriwang, at magpahayag.
Papuri: Ang ibig sabihin ng papuri ay parangal. Inilarawan ng Biblia na ang papuri ay nangyayari sa maraming mga paraan. Ang isa sa mga ito ay para “kumibit o kumalabit” katulad ng ginagawa sa instrumento na kuwerdas. Kasama sa papuri ang pag-awit ng mga salmo, at papuri, pagamin, pagpapala, pagdiriwang na may pagmamalaki, pagsigaw, at pagsasaya. Sa tutoo ang salitang “papuri” ay may walong iba’t ibang kahulugan. Ang dalawang kahulugan ay nakatutuwa. Sila ay para “mapawalan sa Panginoon” at maging “maingay na luku-luko.”
Luwalhatiin: Para magbigay ng karangalan sa, kalagayan, kagandahan.
Paggalang: Para itaas, magpakita ng pagtangi sa.
Dakilain: Para magbigay ng kadakilaan, luwalhatiin.
ANG KAUGNAYAN NG PAGPAPASALAMAT, PAPURI, AT PAGSAMBA
Walang malaking paghahati sa pagitan ng papuri, pagsamba, at pagpapasalamat. Habang ikaw ay sumasamba ikaw ay maaaring dumaloy ng madali mula sa isa tungo sa isa, katulad ng inilarawan sa aklat ng Mga Awit. “Technically” gayun pa man mayroong pagkaakiba sa pagitan ng tatlo:
Pagpapasalamat nakatuon kung ano ang ginawa Ng Dios. Sinabi ng Biblia”huwag mong kalilimutan ang Kanyang kabutihan” (mga bagay na ginawa Niya para sa iyo).
Papuri nakatuon Sa Dios, kung sino Siya, at ang Kanyang mga katangian. Isang paraan para papurihan Ang Dios ay ituon sa Kanyang mga pangalan at katangian.
Kung paano may sinabing paraan ng
pagpasok sa tabernakulo ng Lumang Tipan, may tamang paraan para sa iyo sa
pagpasok sa presensiya Ng Dios. Ikaw ay “pumapasok sa Kanyang pintuan na may
pagpapasalamat at sa Kanyang korte na may pagpupuri.” Ikaw ay kumikilos tungo sa kinaroroonan ng Kanyang presensiya sa
pamamagitan ng pagpapasalamat at pagpupuri. Sa iyong pagpupuri, ikaw ay nagtatayo ng espirituwal na lugar para Ang
Dios ay bumaba at manahan. Pagkatapos sasambahin mo Siya sa espiritu at
katotohanan.
Pagsamba ang iyong ministeryo Sa Dios.
Marami sa atin ang abala sa pagmimiisteryo para Sa Dios sa pamamagitan
ng pangangaral, pagtuturo, pagsasanay, at iba pa. Ngunit ang pinakamahalaga
mong ministeryo ay pagmiministeryo Sa Dios sa pamamagitan ng pagpupuri
at pagsamba.
PANGUNAHING MGA
PAHAYAG
Ipinapalagay ng pagsamba na may
Dios at Siya ay maaaring makilala ng tao. Itinuturo ng Biblia na ang pagpupuri
at pagsamba ay dapat na parehong sa publiko at pribado. Ang tunay na bahagi ng pagsamba ay ang nasain
ng puso para Sa Dios. Ang dahilan kung bakit ang pagsamba ay nabibigo na
mangyari sa mga upuan dahil ito ay hindi nangyayari sa pang-araw-araw na
ginagawa sa pamumuhay. Ang mga magkakasamang tunay na sumasamba sa pagtitipon
ng Iglesya ay ang mga pumapasok para gawin sa publiko kung ano ang kanilang
nagawa na sa pribado. Ang pagsamba ay resulta ng uri ng pamumuhay ng pagsamba,
hindi matalinong pag paplanong sama-samang oras ng pagsamba. Ang pagpupuri at
pagsamba ay hindi pangmaramihan na tungkulin. Ito ay tugon ng isahan Sa Dios.
Kung tayo ay nagkaisa tayo ay humahalo sa tugon ng grupo, ngunit ang bawa’t
pagpapahayag ay mula sa magkakahiwalay na tao.
Ang iyong tugon ay hindi dapat maapektuhan ng
iba na kulang sa pagtugon. Maaari mong purihin Ang Panginoon kahit anuman ang
halimbawa ng mga nakapalibot sa iyo! Awitin mo, ibahagi mo, isigaw mo,
kalabitin mo, ngunit simulan mo!
Katangian ng huling henerasyon na hindi mapagpasalamat, at mayroong maka-Dios na gawain at pagtat’wa ng kapangyarihan nito. Ito ang dahilan kung bakit kailangan na ituro ang pagsamba. Ang pagsamba ay dapat na mapangunahan ng iyong kalooban, hindi ng iyong damdamin. Kung tunay kang naniniwala na Ang Dios ang nangunguna sa iyong buhay, maaari kang magalak. Sinasabi ng Biblia na kalooban Ng Dios na magbigay ng pasasalamat sa bawa’t kalagayan (I Tesalonica 5:18)
Ang patuloy na pagpupuri ay utos Ng Dios sa mga Kristiyano sa Bagong Tipan:
Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong
palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi
na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. (Hebreo 13:15)
Karamihan sa atin ay nasanay na
maakay sa pagsamba. Sinabi Ng Dios “ikaw ay pumasok” at “ikaw ay
maghandog ng papuri.” Sa
maraming mga bansa, ginagarantiyahan ng kanilang saligang batas ang kalayaan sa
pagsamba. Kung minsan ang mga mananampalataya ay higit na mamamayan sa halip na
Kristiyano. Iniisip nila na mayroon silang kalayaan na pumili kung paano at
kung kailan sila sasamba. Ngunit ang Biblia ay masyadong tiyak tungkol sa
pagsamba.
ESPIRITU AT
KATOTOHANAN
Batay sa Susing Talata ng aralin na ito, para
ang pagsamba ay maging katanggap-tanggap ito ay dapat na magawa “sa espiritu at
katotohanan.” Ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu at katotohanan? Ang Juan 4:33-34 ay kaugnay sa ibang talata
sa Mateo. Sinabi Ni Jesus sa mga lider ng relihiyon ng Kanyang panahon...
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa
hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios. (Mateo 22:29)
Ipinakikita ng “Biblia” ang katotohanan ng
ating pagsamba. Ang “kapangyarihan Ng Dios” ay nagpapakita ng espiritu ng ating
pagsamba. Kung paano ang Biblia at ang kapangyarihan Ng Dios ay kinakailangan
para sa tamang pagkaunawa ng espirituwal na mga bagay, ang espiritu at ang
katotohanan ay kinakailangan para sa katanggap-tanggap na pagsamba.
Para maunawaan kung ano ang sinasabi Ni Jesus
tungkol sa pagsamba, ating suriin ang kalagayan kung saan Niya sinabi ang
pangungusap na ito. Tingnan ang Juan 4 sa iyong Biblia.
ANG TALATA SA BIBLIA:
Hindi kinakailangan para Kay Jesus na dumaan sa
Samaria tungo sa Kanyang patutunguhan, ngunit sinabi Niya na “kailangan” na
magtungo Siya sa lugar na iyon. Siya ay may dakilang paghirang na dapat gawin.
Si Jesus ay nagpapahinga sa tabi ng balon, habang ang Kanyang mga disipulo ay
nagtungo sa lunsod para bumili ng pagkain nang ang babae ay lumapit para
sumalok ng tubig. Makikita na siya ay mahirap sa materyal, dahil wala siyang
alipin para sumalok ng tubig para sa kanya, ngunit mas espirituwal na mahirap
siya.
Madaling inalis Ni Jesus ang balakid para
maiwasan siya na makatanggap ng espirituwal na tulong mula sa Kanya. Dapat din
nating alisin ang lipi, kultura, denominasyon, at teolohiyang balakid at
personal na pagtatangi para makapagdala ng espirituwal na “tubig” sa nauuhaw na
mundo. Hinarap Ni Jesus ang bawa’t mga ito sa Kanyang pakikipag-usap sa babaing
ito.
Sinabi Ni Jesus sa babae, “Kung alam mo” (Juan 4:10). Dapat kang sumamba mula sa kalagayan ng pagkaunawa. (Marami pa tayong sasabihin tungkol dito kung tinatalakay na natin ang “katotohanan” sa bandang huli ng aralin na ito.) Ang kaalaman (katotohanan) ay magdudulot ng kaunawaan kung sino talaga Ang Panginoon at tutungo sa pagsamba. Sinabi Ni Jesus, “Kung alam mo, hihingi ka ng” Kaalaman (katotohanan) ay palaging nangangailangan ng tugon. Ang ating responsabilidad ay humiling. Ang Kanyang tugon ay magbigay.
Sinabi ng babae Kay Jesus, “Walang kang ipansasalok para mabigyan mo ako ng tubig.” Tinitingnan niya ang mga bagay sa natural, ang nakikita lamang ng mga mata. Siya ay balisa dahil “walang ipansasalok” nang ang pinagmumulan ng buhay na tubig ay nandoon sa kanyang harapan. Katulad ng babaing ito , marami sa atin ang nakatuon sa mga imposible sa buhay, kung tayo ay nasa presensiya ng manggagawa ng himala. Ang buhay na ibinigay Ni Jesus ay nagdala sa pagsamba. Ito ay espirituwal na tubig na nakapapatid ng iyong uhaw sa pagbubukal mula sa iyong espiritu.
Ngunit may iba pang mga balakid
na dapat alisin Ni Jesus bago ang babaing ito ay makatanggap ng espirituwal na
buhay na dumadaloy at tumugon sa tunay na pagsamba. Tinanong ng babae Si Jesus, “Ikaw ba ay mas
dakila sa aming Ama na si Jacob?” Ito ay balakid na kultura ng natural na mga
kaugnayan na dapat alisin Ni Jesus bago ang pagsamba ay matanggap. (Sa bandang
huli, hinarap Niya ang kaugalian ng pagsamba. Ang kinaugalian at kultura ay
dalawang na may pinakamalaking balakid sa pagsamba sa espiritu at katotohanan).
Hinarap
Ni Jesus ang katotohanan na ang babae ay hindi nasisiyahan sa kanyang kaugnayan
sa pitong lalake. Sinusubukan niya na punan ang espirituwal na kakulangan sa
kanya sa pamamagitan ng natural na kaugnayan (mga talata 15-19).
Palaging tandaan na walang anumang bagay ang makapapalit sa pagsamba. Ikaw ay mabibigo sa natural na mga kaugnayan, ang iyong personal na buhay, ang iyong iglesya hanggat ikaw ay tunay na sumasamba. Ang tunay na kasiyahan ay hindi din nanggagaling sa ministeryo. Alalahanin kung ano ang sinabi Ni Jesus kay Martha na abala sa paggawa ng mga bagay para sa Panginoon. Sinabi Niya pinili ni Maria ang mas mabuting ministeryo ng pagupo sa Kanyang presensiya. Mas mabuti na sumamba kaysa sa gumawa, umupo o maglingkod.
Hinarap Ni Jesus ang babaing ito sa espirituwal na kalagayan, ngunit binago niya ang usapan sa teolohiyang paksa. (Maaaring mangyari ito sa iyo kung ikaw ay nakikiharap sa mga tao tungkol sa espirituwal na mga bagay!)
Sinabi Ni Jesus na ang mga Samaritano ay
sumsamba sa espiritu, ngunit walang katotohanan (mga talata 19-24). Sa panahon
nina Ezra at Nehemias nang ang mga Samaritano ay hindi pinahintulutan na
tumulong sa Israel para muling itayo ang templo, nagtayo sila ng kanilang
sariling templo sa bundok ng Gerizim kung saan pinaniniwalaan nila na doon
inihandog ni Abraham si Isaac at pinangyarihan ng panaginip ni Jacob. Sila ay
madalas na umaakyat sa bundok na ito at sumasamba, ngunit walang katotohanan
ang Ebanghelyo.
Ang mga Hudyo ay sumasamba sa katotohanan (kautusan) ngunit walang espiritu. Si Jesus na Hudyo, ay nagsabi “Alam natin kung ano ang ating sinasamba, dahil ang kaligtasan ay para sa mga Hudyo.” Nauunawaan ng mga Hudyo ang katotohanan, ngunit sila ay malamig, legalismo, mapagkunwari, at marituwal. Sila ay gumagawa ng rituwal ng pagsamba ngunit ang kanialng mga puso ay wala dito. Ang Dios ay dapat na sambahin bilang “Ama” at “Espiritu”. Ang Espiritu ay likas. Ang Ama ay kaugnayan. Ang usapin ng pagsamba ay hindi saan at kailan ito ginagawa kundi Sino at papaano.
Hinarap Ni Jesus ang katotohanan sa pagsamba,
hindi porma ng pagsamba. Kasama sa pagsamba kung sino tayo bilang “tunay na
sumasamba” at kung paano tayo “tunay na sumasamba.” Hindi na limitado ang
pagsamba sa tiyak na lugar katulad ng gusali ng iglesya, kahit nga hindi natin
dapat iwanan ang ating sama-samang pagtitipon bilang katawan na sumasamba
(Hebreo 10:25a). Kung ikaw ay tunay na sumasamba, hindi mo kailangan na hanapin
Ang Dios... hinahanap ka Niya. Hinahanap Ng Dios ang mga sasamba sa Kanya sa
espiritu at katotohanan.
Basahin ang mga talata 28-42. Hindi dapat batayan ang karanasan ng iba sa pagsamba. Ang mga tao sa Samaria ay kumilos sa pagsamba dahil sa katotohanan (kaalaman) at espiritu (karanasan). Sila ay nagtungo at sarili nilang narinig ang katotohanan mula Kay Jesus.
Ngayon na atin nang sinuri ang
mga kalagayan kung saan ang mga Susing Talata ay ibinigay, ating talakayin nang
mas detalye ang dalawang kinakailangan para sa pagsamba: Espiritu at katotohan.
ESPIRITU:
Ang tao “triune” na nilikha. Siya ay binubuo ng katawan na nakikita at ang hindi nakikita na kaluluwa at espiritu. Ang kaluluwa ay ang “soulish” na likas ng tao, ang isipan, kalooban, at damdamin. Ang espiritu ay ang espirituwal na loob ng tao. Ang iyong espiritu ay may tugon na damdamin katulad ng kaluluwa. Ang kaluluwa at espiritu ay malapit na may kaugnayan ngunit magkahiwalay, dahil sinasabi ng Biblia sa atin na ang Salita Ng Dios ay matalim at maaaring makapahiwalay ang mga ito. Narito ang ilang mga katotohanan tungkol sa iyong espiritu:
-Binigyan ka Ng Dios ng espiritu at ito ay babalik sa Kanya sa kamatayan: Ecclesiastes 12:7; Isaias 42:5; Zacarias 12:1
-Ang Dios Ang Dios ng mga espiritu ng lahat ng mga tao: Mga Bilang 27:16
-Naaapektuhan ng iyong sariling dila ng iyong espiritu: Kawikaan 15:13
-Ikaw ay dapat na maging halimbawa ng mga mananampalataya sa espiritu: I Timoteo 4:12
-Sa panahon ng Biblia, ang pader na nakapalibot sa lunsod ay ang depensa nito. Ikaw ay katulad ng lunsod na may sirang pader kung hindi mo pinangungunahan ang iyong espiritu:
Kawikaan 16:32; 25:28
-Ang Dios ay nagsasalita sa iyo sa iyong espiritu: “Ang espiritu ng tao ay liwanag Ng Panginoon”: Kawikaan 20:27
-Ikaw ay binalaan na ingatan ang iyong espiritu: Malakias 2:16
-Ang ibig sabihin ng “Pagsamba sa espiritu”ay
pagsamba mula sa loob tungo palabas. Si Pablo ay nagsasabi tungkol sa
paglilingkod Sa Dios “ng aking espiritu”:
Roma 1:9
-Sinasabi ni Isaias ang tungkol sa paghanap Sa
Panginoon ng “espiritu ko na nasa akin”:
Isaias 26:9
-Si David ay pinagpapala Ang Panginoon ng lahat
ng nasa kanya: Mga Awit 103:1
-Dapat mong luwalhatiin Ang Dios ng iyong espiritu: I Corinto 6:20
-Kung ikaw ay nananalangin sa ibang salita, ang iyong espiritu ay nananalangin: I Corinto 14:14-15.
-Hindi ka tunay na makasasamba sa
iyong espiritu hanggat hindi ka napapalakas ng Kanyang Espiritu, kaya ang
pagsamba sa espiritu ay kasama rin ang Espiritu Santo. Habang ikaw ay sumasamba, ang Espiritu Ng Dios
ay nagpapatotoo sa iyong espiritu (Roma 8:16).
-Ang ibig sabihin ng “Espiritu” ay higit sa
panloob na pagsamba. Dahil ang tao ay “triune” na nilikha, kung ikaw ay
sumasamba sa iyong espiritu dapat kang sumamba kasama ang iyong kaluluwa at
katawan na bahagi ng iyong “triune” na likas.
KATOTOHANAN
Ang ibig sabihin ng “katotohanan” ay para alisin ang takip, buksan, at hindi itago. Para ang isang bagay ay maging tutoo, ito ay dapat na maabot ang tatlong katangian:
1.
Ito ay dapat na
pangkalahatan: Ito ay dapat na iangkop para sa lahat.
2.
Ito ay
dapat na magkakatulad: Ito ay
angkop sa bawa’t isa sa magkatulad na paraan. Ang katangian ay magkatulad para sa matanda,
bata, mayaman, mahirap, itim, puti, at iba pa.
3.
Ito ay hindi dapat na magwawakas: Ang ibig sabihin nito ay may
pangwalang-hanggan na bisa.
Ang pagsamba ay dapat nakabatay sa katotohanan
kung saan ang impormasyon ay makukuha sa pagiisip na nagdudulot mula sa panahon
na ginugol kasama ang pagdiskubre Sa Dios.
Dapat mong maunawaan kung bakit at ano ang iyong ginagawa kung ikaw ay sumasamba. Kung ikaw ay nangangaral ng matalinong sermon na kumikilos ng damdamin na maraming istorya at nakatutuwang mga bagay, maaaring sabihin ng mga tao “Siya ay mahusay na tagapagsalita” sa halip na sambahin Ang Dios. Ito ang dahilan kung bakit dapat kang nakatalaga sa “expository” na pagtuturo at pangangaral ng Salita Ng Dios.
Ang katotohanan ay binigyan diin sa unang iglesya. Sila ay patuloy na matiyagang nagaaral ng doktrina (Mga Gawa 2:42). Sinabi ni Pablo kay Timoteo na basahin at ipangaral ang doktrina (I Timoteo 4:13). Ang Salita Ng Dios ay binigyang diin (Colosas 3:16-17). Nang makita ni Pablo ang mga tao sa “Mars Hill” na sumasamba, ito ay hindi katanggap-tangap dahil ito ay hindi batay sa tunay na kaalaman Ng Dios. Sinabi niya na sila ay “walang alam na sumasamba” (Mga Gawa 17:23)
Kung ikaw ay sasamba, dapat kang nakatalaga sa Salita Ng Dios, hindi lamang sa damdamin. Ang dahilan kung bakit kinakailangan Ng Dios ang pagsamba sa katotohanan dahil...
Diablo...hindi nananatili sa katotohanan,
sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng
kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y
isang sinungaling, at ama nito. (Juan 8:44)
At sa kanila’y kaniyang sinabi, Kayo’y mga
taga ibaba; ako’y taga itaas: kayo’y mga taga sanglibutang ito; ako’y hindi
taga sanglibutang ito. (Juan 8:23)
Kung ikaw ay sasamba sa
“katotohanan” dapat mong malaman kung ano ang sinasabi ng Biblia na tutoo. Ito ay mahalaga dahil may “espiritu
ng katotohanan” at “espiritu ng mali” na kumikilos sa mundo. May sinasabi ang
Biblia na “palaging nag-aaral, ngunit hindi makaunawa ng katotohanan.” Narito
ang tugon sa tanong ni Pilato, “Ano ang katotohanan?” Ang buod na ito ay galing
mula sa lahat ng reperensiya tungkol sa “katotohanan” sa Biblia:
1.
Ang Dios ay
katotohanan:
-Siya ay nabubuhay sa katotohanan.
-Ang Kanyang mga mata ay nasa katotohanan.
-Ang daan Ng Dios ay katotohanan.
-Ang Kanyang mga gawa ay katotohanan.
-Ang Kanyang Salita ay katotohanan.
-Ang Kanyang payo ay katotohanan.
-Ang Kanyang habag ay katotohanan.
-Ipinahahayag Niya ang katotohanan.
-Siya ay naghuhukom batay sa katotohanan.
-Ang Kanyang katotohanan ay walang-hanggan at walang limitasyon.
-Nais Niya na ang lahat ng tao ay malaman ang katotohanan.
-Sumasangayon Siya sa iyong ministeryo batay sa katotohanan.
-Siya ay “ama” sa iyong katotohanan.
2. Si Jesus ay katotohanan:
-Siya ay katotohanan sa laman.
-Siya ang tunay na liwanag.
-Siya ang tunay na tinapay.
-Siya ang tunay na puno.
-Siya ang puno ng katotohanan.
-Ang katotohanan ay nagmula sa Kanya.
-Ito ay nasa Kanya.
-Siya ang tapat at totoong saksi.
-Siya ay nagtataglay ng talaan ng katotohanan.
-Siya ang “daan at katotohanan.”
3. Ang Espiritu Santo tinawag na espiritu ng katotohanan.
4. Ang Salita ay totoo at ang paghuhukom Ng Dios ay batay sa katotohanan.
5. Ang kaligtasan batay sa Ebanghelyo ay katotohanan.
6. Ang bunga ng Espiritu Santo ay nasa lahat ng kabutihan, katuwiran, at katotohanan, kaya ito ay totoo (Efeso 5:9)
7. Ang iglesya ay dapat na maitatag sa katotohanan, ang haligi at lupa ng katotohanan.
8. Ang pahid Ng Dios ay totoo (I Juan 2:27)
Kung ikaw ay tunay na sumasamba, hindi mo lamang dapat malaman ang katotohanan, dapat kang tumugon dito. Sina Haring Saul at David ay parehong sumasamba. Nang sila ay hinarap ng kasalanan, si David ay tumugon sa pamamagitan ng pagsisisi. Si Saul ay hindi. Ang pagsamba ni Saul ay hindi katanggap-tanggap dahil sa :
1. Mga tao: “Dahil nakita ko ang mga tao”... Nag-alaala siya sa iniisip ng mga tao sa halip na iniisip Ng Dios.
2. Kabanalan: Siya ay mapagmapuri inaangkin niya ang lugar ng propeta dahil hindi batay sa Biblia ang magtungo sa labanan bago manalangin.
3. Pagmamataas: Si Saul ay makapag-iisa. Pansinin kung paano niya sinabi “Ako sa aking sarili, wala ka dito.”
Si Saul ay naghandong ng pagsamba nang hinihiling Ng Dios ang pagsisisi at ang kanyang pagsamba ay tinanggihan. Mas nais Ng Dios ang pagsunod sa pagsasakripisyo. Ang paggawa ng porma, gaanuman ito kabanal, walang halaga ito kung ang puso ay hindi tama Sa Dios.
Isang kaibigan ni David na si
Ishthobel, na inilarawan minsan na nagsasalita ng “orakulo” Ng Dios ay
sumasamba rin. Siya ay
naglakad kasama ni David tungo sa tahanan Ng Dios. Siya ay sumamba sa espiritu
, ngunit hindi niya hinayaan na ang katotohanan ay magbago sa kanya. Sa
katapusan sumama siya sa pagaalsa laban kay David.
PAGSASAMA NG
ESPIRITU AT KATOTOHANAN
Ang sumamba sa espiritu ay para hayaan
ang Espiritu Santo na kumilos sa iyong natubos na espiritu, na magbibigay ng
pagmamahal, pagsamo, pagmamalasakit, pagpaparangal, at paggalang na umakyat Sa
Dios na espiritu. Ang pagsamba sa katotohanan ay sumamba ayon sa Salita
Ng Dios at tumugon ng tama sa katotohanan Ng Dios.
Kaya nga, ang “pagsamba sa espiritu at katotohanan” ay kasama ang mananampalataya sa paggalang at pagmamahal Sa Dios sa pamamagitan ng paggising sa Espiritu Santo batay sa Salita Ng Dios. Ang Espiritu Santo at ang Salita Ng Dios ay parehong kailangan para ang tunay na pagsamba ay mangyari. Kung wala ang presensiya ng Espiritu Santo, ang pagsamba ay patay at walang buhay. Kung walang Salita, ang pagsamba ay naging parang damdamin lamang o rituwal.
BAKIT TAYO
SUMASAMBA
Tayo ay sumasamba dahil sa ...
HALIMBAWA:
Maraming halimbawa ng pagsamba sa Biblia.
PANGARAL:
Tayo ay inutusan sa Biblia na sumamba:
Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang
maihayag ang aking kapurihan. (Isaias 43:21)
Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol
sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain
na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.
Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote,
bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga
karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang
kagilagilalas na kalinawagan. (I Pedro 2:5, 9)
Purihin si Yahweh! O kay buti ng umawit at magpuri sa Dios, ang magpuri
sa kanya’y tunay na nakalulugod. (Mga Awit 147:1 MBB)
Ang unang utos ay sambahin Ang Dios (Exodo
20:1-5; Mga Awit 45:11). Ang iyong
pinaka dakilang ministeryo ay sambahin Ang Dios sa halip gumawa para
Sa Dios:
Mga anak ko, huwag kayong mangagpabaya: sapagka’t pinili kayo ng
Panginoon upang magsitayo sa harap niya, upang magsipangasiwa sa kaniya, at
kayo’y maging kaniyang mga tagapangasiwa, at magagsunog kayo ng kamangyan. (II
Cronica 29:11)
WALANG-HANGGANG KAHIHINATNAN:
Ikaw ay nilikha para sumamba at ang iyong walang-hanggang kahihinatnan ay malalaman kung ikaw ay sumamba o hindi sa tunay Na Dios.
ANG KAAYUSAN NG PAGSAMBA
Kasama sa kaayusan ng pagsamba ang :
Pagdakila: Dios
(Pagabot sa itaas)
Pagpapalakas: Ang Katawan Ni Cristo (Pagabot sa loob)
Panghihikayat
ng kaluluwa: Sa naliligaw (Pagabot sa labas)
Ang lahat ng ito ay kinakailangan.
Sinundan ng unang iglesya ang
kaayusan na ito. (Mga Gawa 24:3,46-47) Binigyan diin din ito ni Juan (Juan
15:1-11,12-17,18-27). Kung ikaw ay nagdakila, ikaw ay lumalakas. Kung ikaw ay
malakas, ikaw ay manghihikayat ng kaluluwa. Kung ikaw ay naghikayat ng
kaluluwa, ikaw ay lumalakas at nadakila... at ang kaayusan ay nagpapatuloy.
MGA RESULTA NG
PAGSAMBA:
Narito ang ilan sa magandang mga resulta ng
pagsamba:
ANG DIOS AY NALUWALHATI:
Ang naghahandog ng haing pasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya
na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng
Dios. (Mga Awit 50:23)
ANG MGA NAGHAHANAP
AT KINILALA:
Ang mga naghahanap ay tinanggap sa presensiya Ng Dios:
Magsipasok kayo sa kaniyang mga
pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. (Mga Awit 100:4)
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay;
kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat
ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. (Filipos 4:6)
Sinabi ng Biblia na Ang Dios ay tumatahan sa mga papuri ng Kanyang mga anak (Mga Awit 22:3). Kung pinupuri mo Siya, ikaw ay nagtatayo ng espirituwal na tabernakulo kung saan Siya ay nananahan.
ANG MGA MANANAMPALATAYA AY DINALISAY:
Kung ikaw ay nagtungo sa presensiya Ng Dios sa
pamamagitan ng pagsamba, ikaw ay dinalisay:
Sinong aahon sa bundok ng panginoon? At
sinong tatayo sa kaniyang dakong banal?
Siyang may malinis na mga kamay at may
dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan,
at hindi susumpa na may kabulaanan.
Siya’y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon,
at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan. (Mga Awit 24:3-5)
Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay
sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri. (Kawikaan
27:21)
Habang ikaw ay uminit at nabagsak
sa Kanyang presensiya, ang mga karumihan sa iyong buhay ay inihiwalay mula sa mamahaling metal at
umiibabaw para maaari mong makuha ang mga ito at dalhin ito sa krus. Kung ikaw
ay maglalaan ng panahon sa Kanyang presensiya, ikaw ay nabago:
-Nakita
kay Moises ang kaluwalhatian Ng Dios sa Kanyang mukha.
-Napansin
ng mga tao na ang mga disipulo ay nakasama Ng Dios.
-Si
Isaias ang lalake na may maduming dila ay, nilinis ng apoy Ng Dios.
ANG IGLESYA AY
NAPALAKAS:
Ang resulta sa mga tao ng iglesya na nagpupuri
ay pagkakabuklod, nagbibigay, masaya, at sumasamba sa tahanan gayundin
pagmagkakasama (Mga Gawa 2:42-47)
ANG NALILIGAW AY
NAHIKAYAT ANG KALULUWA:
Nakatala sa Mga Gawa 2:47 na ang mga
mananampalataya ay nagpupuri Sa Dios at maraming mga tao ang nadagdag sa
Iglesya. Kung ikaw ay sumasamba sa espiritu at katotohanan, ang mga hindi
mananampalataya na dumadalo sa inyong kalagitnaan ay lalapit Sa Dios.
PAGHAHANDA PARA SA
PAGSAMBA
Narito ang talata na nagpapaliwanag kung paano
ang paghahanda ng iyong puso sa pagsamba:
Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na
ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang
ating katawan ng dalisay na tubig.
(Hebreo 10:22)
Ang tawag sa pagsamba ay “Tayo ay lumapit.” Sa
iyong paglapit, ang mga lugar ng pagsiyasat ay mga:
Katapatan:
Tunay na puso.
Pagtitiwala: May buong kasiguruhan ng
pananampalataya.
Kababaang loob: Pagkilala na ikaw ay hindi karapat –dapat
maliban sa pamamagitan ng dugo.
Dalisay:
Araw-araw na paghuhugas ng dalisay na tubig ng Salita Ng Dios.
MGA URI NG PAGSAMBA
May sinasabi ang Biblia tungkol sa ilang mga
uri ng pagsamba:
PAGSAMBA NG
PAGSISISI:
Ang Mga Awit 51 ay magandang halimbawa ng
pagsamba ng pagsisisi. Ito ang panalangin ni David pagkatapos na siya ay
nagkasala kay Batsheba.
PAGSAMBA NG
PAGTANGGAP:
Nawala kay Job ang kanyang mga anak at
kayamanan, gayunpaman siya ay sumamba:
Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak
ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at
sumamba;
At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa
bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang
nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon. (Job 1:20-21)
PAGSAMBA NG PAGMAMAHAL:
Basahin ang Genesis 22:1-14. Ang
istorya nina Abraham at Isaac ay ang pinakadakilang halimbawa ng pagsamba ng
pagmamahal. Pansinin na prayoridad ni Abraham ang pagsamba. Siya ay “maagang”
gumising para sumamba, kahit alam niya na mawawala ang kanyang anak, na mahal
na mahal niya. (ilan sa atin
ay hindi magaabalang gumising ng maaga para sumamba. Nadarama natin na sobra naman ito).
Kinakailangan ng pagsamba ng pagmamahal ang
paghiwalay para Sa Dios. Sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, “Maghintay
kayo dito.” Ang tunay na pagsamba ay kusang loob na paghihiwalay mula sa mga
kaguluhan. Ang tunay na pagsamba ay pangisahan. Hindi ka kailanman tunay na
makasasamba hanggat hindi mo ito ginagawa ng nag-iisa sa pagsamba ng
pagmamahal.
Ang pagsamba ng pagmamahal ay mahalaga. Sa kaso
ni Abraham, siya ay hinilingan na ibigay ang nag-iisang anak niya. Sinabi ni
David na hindi siya naghahandog Sa Dios ng isang bagay na hindi mahalaga sa
kanya (I Samuel 24:24). Ang pagsamba ng pagmamahal ay nilalabanan ang
pansariling naisin. Ang tuon ay Sa Dios lamang. Para maihandog ang pagsamba ng
pagmamahal, si Abraham ay dapat mamatay sa naisin na magkaanak. Ngunit
naluwalhati Ang Dios sa pagsamba ni Abraham. Ang pagsasakripisyo na pagsamba ay
nagdudulot ng kaluwalhatian Sa Dios.
PAGSAMBA NG
PAGTATALAGA:
Para sa halimbawa ng pagsamba ng pagtatalaga,
tingnan ang II Cronica 15:10-15. Nakatala dito na ang Israel ay gumawa ng
kasunduan na maglilingkod Sa Dios sa kanilang pagsamba.
PAGSAMBA NA
PAKIKIPAGLABAN:
Sa una, may apat na bahagi ang atake ng iyong
kalaban. Inaatake ni Satanas ang iyong pagsamba Sa Dios, ang Salita
Ng Dios, ang Kristiyanong paglakad mo, at ang iyong gawa para Sa
Dios.
Basahin ang Mga Awit 149:6-9. Ito ay mahusay na
halimbawa kung paano ang papuri ay
ginamit bilang sandata. Kasama sa Salita ng Dios, ito ay...
1. Nagpapatupad ang paghihiganti sa mga
pagano: Ang papuri ay epektibo sa pakikipaglaban sa
mga hindi nakakakilala Sa Dios.
2. Nagpatupad ang kaparusahan: Ang katarungan at paghuhukom ay
resulta ng papuri.
3. Ginagapos sa kadena ng kanilang hari :
Sinabihan tayo na igapos ang mga demonyo at palayasin sila.
4. Ginagapos sa maharlika ng kadenang bakal:
Ang papuri ay gumagapos sa mas mahinang kapangyarihan ni Satanas,
katulad ng mga lider sa sistema ng mundong ito.
5. Nagpapatupad ng nakasulat na paghuhukom
sa kanila:
Habang ikaw ay nagpupuri, ang iyong kalaban ay nahukuman batay sa Salita Ng
Dios.
Marami pang ibang halimbawa ng pagpupuri at
pagsamba sa Biblia na nagsisilbing espirituwal na sandata. Narito ang ilan sa
mga halimbawa:
-Si Gedeon ay sumamba bago lumaban sa
Madianitas at siya at ang kanyang mga tauhan ay sumigaw bago ang labanan.
-Sina Pablo at Silas ay sumamba bago sila
nakawala sa bilangguan.
-Si Jonas ay sumamba bago siya nakalaya mula sa
isda.
KAILAN DAPAT
SUMAMBA
Dapat kang sumamba:
ARAW-ARAW:
Ang Israel ay araw-araw na pinuri Ang
Panginoon” (II Cronica 30:21). Ang iglesya sa Bagong Tipan ay nagtungo sa
bahay-bahay at nagpupuri Sa Panginoon (Mga Gawa 2;46-47)
PATULOY:
Aking purihin ang Panginoon sa boong
panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig. (Mga Awit 34:1)
Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangagsayahan, ang nagsisilingap ng
aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang
Panginoon...(Mga Awit 35:27)
Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri
sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang
pangalan. (Hebreo 13:15)
At palaging sila’y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios. (Lucas 24:53)
Mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan at palaging umaawit,
nagpupuring walang hanggan (Mga Awit 84:4 MBB)
At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan,
kundi kayo’y mangapuspos ng Espiritu;
Na kayo’y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit ukol sa
espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;
Na kayo’y laging magpapasalamat sa lahat ng mga bagy sa pangalan ng
ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama. (Efeso 5:18-20)
PAGKATAPOS NG
NATATANGING PAGPAPAKITA NG PANGINOON:
Basahin ang tungkol sa natatanging pagpapakita
Ng Dios kay Abraham sa Genesis 12. Basahin ang tungkol sa pagpapakita Ng Dios
kay Moises sa Exodo 34. Kung nagpahayag Ang Dios ng Kanyang sarili sa
natatanging paraan, ang mga tao ay sumasamba.
SA PAGTANGGAP NG
MGA PANGAKO NG DIOS:
Nang si Abraham ay nakatanggap ng natatanging
pangako mula Sa Dios sa Genesis 13:14-18, siya ay tumugon sa pagsamba.
SA SAGOT SA PANALANGIN:
Nang Si Eleazar ay nasagot ang kanyang panalangin, siya ay sumamba (Genesis 24)
KUNG NAPAUNLAKAN NG PABOR NG TAO:
Nang si Eleazar ay napaunlakan ng pabor ng tao
sa Genesis 24;52, siya ay sumamba Sa Dios (Genesis 24:52).
PAGKATAPOS NG
PAGHIHIRAP:
Si David ay sumamba Sa Dios pagkatapos na
mamatay ang kanyang anak. Ito ay tunay na sakripisyo ng pagpupuri. Sinasabi ng
Mga Awit 27:5 sa panahon ng problema, subalit ang talata 6 ay nagsasabi ng
paghahandog ng “sakripisyo ng kagalakan.” Sinabi ni David:
Aking ihahandog sa iyo ang hain na
pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. (Mga Awit 116:17)
At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat,
at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan. (Mga Awit 107:22)
Ang pagpupuri at pagsamba ay hindi sakripisyo kung ang lahat ng bagay ay nagiging mabuti at iyong nadarama na magpuri Sa Dios. Ito ay nagiging sakripisyo kung ang mga bagay ay nagiging mali at nais mo pa ring purihin Siya.
SA PANAHON NG PAGSUBOK AT PAKIKIPAGLABAN:
Sa panahon ng kanyang paghihirap sa pagsubok at espirituwal na pakikilaban, si Job ay sumamba Sa Dios.
SA LAHAT NG IYONG GINAGAWA:
Ikaw ay palaging dapat sumamba Sa Dios sa laaht ng iyong ginagawa. Iyong ginagawa ito kung iyong ginagawa ang lahat para sa kaluwalhatian Ng Dios.
WALANG HANGGAN:
Ako’y nagpapasalamat sa iyo magpakailan
man, sapagka’t iyong ginawa: at ako’y maghihintay sa iyong pangalan sapagka’t
mabuti sa harapan ng iyong mga banal. (Mga Awit 52:9)
SAAN DAPAT SUMAMBA
SA KONGREGASYON (IGLESYA):
Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa
aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita. (Mga Awit 22:22)
Ako’y magpapasalamat sa iyo sa dakilang
kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao. (Mga Awit 35:18)
Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo
sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga
banal. (Mga Awit 149:1)
SA IYONG TAHANAN:
Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga
hirang, sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan. (Mga Awit 149:5 MBB)
SA HARAPAN NG MGA MANANAMPALATAYA:
At siya’y naglagay ng bagong awit sa aking
bibig, sa makatuwid baga’y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at
mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon. (Mga Awit 40:3)
Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo
ang pangalan niya; Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian
sa mga bansa, ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. ( Awit
96:2-3)
SA HARAPAN NG MGA BANSA SA MUNDO:
Ako’y magpaapsalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at
ako’y aawit ng mga papuri sa iyo sa gitna ng mga bansa. (Mga Awit 108:3)
Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa
Panginoon, boong lupa.
Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; Ihayag
ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian
sa mga bansa, ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. (Mga Awit 96:1-3)
Sa susunod na aralin ipagpapatuloy mo ang iyong
pag-aaral sa pagsamba habang natututunan mo ang marami pang bagay na tiyak kung
PAANO sumamba habang ikaw ay sumasamba sa espiritu at katotohanan.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Mga Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng pagsamba.
________________________________________
________________________________________
3. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng sumasamba sa espiritu.
________________________________________
________________________________________
4. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng sumasamba sa katotohanan.
________________________________________
________________________________________
5. Ibuod ang tatlong dahilan kung bakit sumasamba.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
6. Ipaliwanag ang modelo ng pagsamba.
________________________________________
7.
Itala ang limang mga resulta ng pagsamba.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
8. Kilalanin ang limang uri ng pagsamba.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
9. Magbigay ng reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag kung paano ang paghahanda sa pagsamba.
________________________________________
10. Ipaliwanag kung kailan tayo dapat sumamba.
________________________________________
________________________________________
11. Ipaliwanag kung saan tayo dapat sumamba.
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
IKA-SAMPUNG KABANATA
PAANO SUMAMBA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibuod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa kung paano sumamba.
· Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan sa pagitan ng apoy, ang kaluwalhatian, at pagsamba.
SUSING TALATA:
Purihin ninyo siya ng ma pandereta at
sayaw: Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawa at ng flauta. (Mga Awit
150:4)
PAMBUNGAD
Natutunan muna na dapat kang sumamba sa espiritu at katotohanan, ngunit tiyakin mo kung paano dapat sumamba? Kung anong uri ng pagsamba ang katanggap-tanggap dito sa bagong “tabernakulo ni David” kung saan ito ay ibinabalik Ng Dios.
Ang pagsamba sa Biblia ay may paggalang. Ang mga tao ay nagpapatirapa sa kanilang mga mukha, nagbubulay-bulay, at tahimik sa harapan Ng Dios. Ngunit ang pagsamba ay may kagalakan din, maingay, at masigla. Sinabi sa Israel, ang “sigaw ng Hari ay kasama nila.” Kung may ingay sa tabernakulo, ang presensiya Ng Dios ay nandoon. Kung walang ingay, Siya ay wala doon.
Ang ilan sa mga tao ay tumututol
sa ganitong uri ng masiglang pagsamba. Sinasabi nila na ito ay “masagwa at wala sa kaayusan.” Sinasabi ng
Biblia na “Hayaan na ang lahat ng mga bagay ay gawin na may kaangkupan at
kaayusan,” ngunit ang diin ay dapat na nasa “HAYAAN NA ANG LAHAT NG BAGAY AY
GAWIN” ( I Corinto 14:40).
Iniisip ng iba na ang masiglang pagsamba ay kamangmangan at hindi kinakailangan. Ngunit ipinahahayag ng Biblia ang kaugnayan sa pagitan ng kung ano ang nakikitang kamangmangan sa ating pagiisip at kapangyarihan Ng Dios at pagpapala. Isaalang-alang ang mga “kamangmangan” na mga bagay:
-Pagtaas ng tungkod ni Moises sa Pulang Dagat at ang tubig ay nahati.
-Ang pagsigaw ng Israel at ang pader ng Jerico ay bumagsak.
-Sina Gideon at ang 300 mga lalake na may pitcher, parol, at trumpeta para talunin ang mga hukbo ng Midian.
-Ang bulag na lalake na naghugas sa paliguan ng Siloam at nakakita.
-Ang paghuhugas ni Naaman sa putikan ng ilog ng Jordan para sa kagalingan ng ketong.
-Pagkakita ni Pedro ng salaping buwis sa bibig ng isda.
Sa aralin na ito iyong matututunan ang parehong paggalang at masiglang mga paraan ng pagsamba Sa Dios. Ang pagsamba ay isa sa mga dakilang prinsipyo sa Biblia para sa pagpapakilos, dahil ang tunay na pagsamba ay nagtutulak at nagpapakilos sa mga anak Ng Dios.
PAANO TAYO SUMAMBA
Narito ang mga paraan batay sa Biblia sa
pagsamba Sa Dios:
PAGLILINGKOD:
Ang pinakadakila mong ministeryo ay paglilingkod ay pagpupuri at pagsamba. Ngunit ikaw ay sumasamba rin sa iyong paglilingkod sa Kanya sa paggawa ng gawain ng Dios batay sa katotohanan Halimbawa, ang isang paraan ng pagsamba Sa Dios ay pagtugon sa Kanyang tawag na “humayo at turuan ang lahat ng mga bansa.”
PAGBIBIGAY:
Nakatala na paulit-ulit sa Luma at Bagong Tipan, na ang pagbibigay ng materyal na kayamanan ay bahagi ng pirmihan na paglilingkod at itinuturing gawa ng pagsamba.
MANATILING TAHIMIK SA HARAPAN NG DIOS:
Kasama sa tahimik na ugali ng paggalang ay pagbubulay-bulay Sa Dios at sa Kanyang Salita:
Tumahimik ang lahat na tao, sa harap ng
Panginoon... (Zacarias 2:13)
SUMASAMBA SA PAMAMAGITAN NG IYONG BIBIG:
Pinatunayan ng Agham na, katulad
ng tatak ng daliri, ang bawa’t tinig ng tao ay may tinatawag na “tatak” Ang
iyong “tatak ng boses”, katulad ng tatak ng daliri, ay iba sa lahat ng mga boses. Alam Ng Dios ang IYONG boses at
naghihintay na marinig ito sa pagpupuri
Sa Kanya araw-araw. Narito ang
ilang mga paraan para magamit ang iyong boses sa pagsamba Sa Dios:
PAGSASALITA NG
PAPURI:
...maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid
baga, ay ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. (Hebreo
13:15)
Ang “bunga ng ating mga bibig” ay pagsamba Sa Dios. Pagsasalita ng papuri...
Ang ginagawa ng unang mga Kristiyano:
At palaging sila’y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios. (Lucas 24:53)
Ang kalooban Ng Dios sa bawa’t Kristiyano:
Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo;
sapagka’t ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. (I Tesalonica
5:18)
Katunayan ng buhay na puspos ng espiritu:
...kundi kayo’y mangapuspos ng
Espiritu...Na kayo’y laging magpapasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng
ating Panginoong Jesucrsito sa Dios na ating Ama. (Efeso 5:18,20)
Ang pangunahing tungkulin ng maharlikang saserdote (mga
mananampalataya):
Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang,
isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pagaaring sarili ng
Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa
kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kalinawagan. (I Pedro 2:9)
Nagbibigay ng daan sa Kanyang presensiya:
Magsipasok kayo sa kaniyang mga
pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. (Mga Awit 100:4)
Iniutos sa mensahe
mula sa trono:
At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang
ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat ng mga natatakot
sa kaniya, maliliit at malalaki. (Apocalipsis 19:5)
Ay iyong tungkulin
hanggang ikaw ay may hininga:
Purihin ng bawat bagay na may hininga ang
Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon. (Mga Awit 150:6)
Ito ay ugali na dapat gawin sa lahat ng araw:
Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin. (Mga Awit 113:3)
Ito ay pagsusulit sa pagdidisipulo:
Sa ganito’y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo’y magsipagbunga ng
marami; at gayon kayo’y magiging aking mga alagad. (Juan
15:8)
Maaaring gawin ng kahit matanda na mananampalataya:
Sila’y mangagbubunga sa katandaan...(Mga
Awit 92:14)
Ang resulta nito ay kasiyahan:
Ang tao ay masisiyahan ng buti sa
pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao
ay babayaran na kaniya. (Kawikaan 12:14)
PAGSASALITA SA IBANG WIKA:
Basahin ang I Corinto 14:14-18 sa iyong Biblia. Ang iyong papuri ay ganap kung ikaw ay sumasamba sa iyong makalangit na lengguwahe. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Pablo na siya ay masaya ginawa niya ito higit kanino man.
PAGSIGAW:
Ang pagsigaw ay ginamit para purihin Ang Dios
mula pa sa simula:
Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pangumaga. At ang
lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? (Job 38:7)
...sila’y magsisihiyaw sa kagalakan, sila
naman ay nagsisiawit. (Mga Awit 65:13)
Hindi
mo dinala sa akin ang mga tupa’t kambing na iyong mga pinakahandog sa
susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita
pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan. (Isaias
44:23)
Narito ang ilang mga bagay na
itinuturo ng Biblia tungkol sa
pagsigaw:
-Ang Dios ay napailanglang na may hiyaw: Mga Awit 47:5
-Si Jesus ay babalik na may sigaw: I Tesalonica 4:16
-Kung walang kagalakan at katuwaan, walang sigaw; Jeremias 48:33.
Sa natural na mundo, kung ikaw ay dumalo sa pampalakasan at hindi mo nauunawaan laro, hindi mo alam kung kailan ka sisigaw para sa iyong paboritong koponan. Pareho din sa espirituwal: Kung ang mga hindi sumisigaw ay tunay na nauunawaan kung ano ang nangyayari sa espirituwal na mga bagay, sila ay sisigaw. Nagapi Ni Jesus ang ating kalaban. Tayo ay naligtas mula sa kasalanan at mayroong walang-hanggan na buhay. Siya ang ating kagalingan at probisyon. Paano hindi natin madadama na sumigaw mula sa ating mga puso?
Narito ang ilang mga pagkakataon kung kailan ang pagsigaw ay ginamit sa Biblia:
Pagsigaw dahil sa
presensiya Ng Dios:
Napansin ng mundo nang “sumigaw ang Hari sa
kanilang kalagitnaan” (Mga Bilang 23:21).
Gayon iniahon ng bong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga
hiyawan, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutugtog; at kaniyang
niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso. (I Cronica 15:28)
At nang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay pumasok sa kampamento, ang
boong Israel ay humiyaw ng malakas na hiyaw, na ano pa’t naghinugong sa lupa.
(I Samuel 4:5-6)
Pagsigaw sa
kapahayagan Ng Panginoon:
...at nang makita yaon ng boong bayan, ay nagsigawan at nangagpatirapa.
(Levitico 9:24)
Pagsigaw ng
pagtatalaga:
At sila’y nagsisumpa sa Panginoon ng
malakas na tinig, at may mga hiyawan, at may mga pakakak, at may mga
patunog.(II Cronica 15:14)
Pagsigaw dahil sa
gawa Ng Panginoon:
Sila ay sumigaw ng malakas para sa kagalakan nang ang pundasyong tahanan Ng Dios ay inilatag ( Ezra 3:11-13).
Pagsigaw sa pakikipaglaban:
-Ang pader ng Jerico ay bumagsak sa sigaw: Josue 6
-“Sumigaw, ibinigay Ng Panginoon ang lunsod sa iyo.”: Josue 6:16
-Si David ay nagtungo sa labanan at sumigaw
para sa labanan: I Samuel 17:20)
-Ang hukbo Ng Dios ay sumigaw nang kanilang
sundan ang mga Filisteo: I Samuel 17:52
-Nang ang masama ay mawala, may sigawan: Kawikaan 11:10
Ngunit iyong pagalakin ang lahat na
nagsisipagkanlong sa iyo, Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man,
sapagka’t iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang
nagsisiibig ng inyong pangalan. (Mga Awit 5:11)
... at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng
Juda, nangyari, na sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang boong Israel sa harap ni
Abias at ng Juda. (II Cronica 13:15)
Sino ka, Oh malaking bundok? Sa harap ni
Zorobabel ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na
may hiyawan...(Zacarias 4:7)
Tayo ay inutusan na sumigaw:
Ngunit iyong pagalakin ang lahat na
nagsisipagkanlong sa iyo, Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man,
sapagka’t iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang
nagsisiibig ng inyong pangalan. (Mga Awit 5:11)
Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at
mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang
palagi: Dakilain ag Panginoon...(Mga Awit 35:27)
Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong
lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. (Mga
Awit 47:1)
...at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil
sa kagalakan. (Mga Awit 132:9)
Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan
ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa
kagalakan. (Mga Awit 132:16)
Humiyaw ka ng malakas at sumigaw
ka...sapagka’t dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo. (Isaias 12:6)
... Umawit ka, O anak na babae ng Sion;
humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng boong puso, Oh anak na
babae ng Jerusalem. (Zefanias 3:14)
...humiyaw ka, Oh anak na babae ng
Jerusalem: narito ang iyong hari ay naparirito sa iyo; Siya’y ganap at may
pagliligtas...(Zacarias 9:9)
... Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon,
kayo’y magsiawit ng kasayahan dahil sa Jacob, at magsihiyaw kayo dahil sa puno
ng mga bansa: mangagtanyag kayo, magsipuri kayo, at mangagsabi, Oh Panginoon,
iligtas mo ang iyong bayan, ang nalabi sa Israel. (Jeremias 31:7)
PAGTAWA:
Ang pagtawa ay paraan din ng pagpapahayag ng berbal na papuri Sa Dios:
Nang dalhin muli ng Panginoon yaong
nagagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
Nang magkagayo’y napuno ang bibig natin ng
pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo’y sinabi nila sa gitna ng
mga bansa, ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.
Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang
bagay. (Mga Awit 126:1-3)
PAGAWIT:
Ang musika sa pagsamba ay hindi pauna sa pangunahing bahagi ng pangangaral. Ito ay bahagi ng pangunahing pangyayari na pagsamba. Walong magkakahiwalay na salita ay isinalain “awit” sa Lumang Tipan. Ang ibig sabihin ng isa ay sumigaw o umawit ng malakas para sa kagalakan. Ang ibang kahulugan ay matinis na tunog, ng kagalakan at pagsasaya. Ang ibang kahulugan ay masayahin na tinig ng pagaawitan at pagtatagumpay.
Ang pagawit ng espirituwal na mga awit ay nagbibigay ng “ready-made” na salita para purihin Ang Dios at magkaroon ng pagkakaisa sa pagtugon gayun din sa magkakasamang pagawit. Palaging hinihikayat ni David na ang iba ay sumama sa kanyang pagawit ng mga awit ng pagsamba. Alam ni Satanas ang kapangyarihan ng musika at pag-aawitan. Ito ang dahilan kung bakit ginamit niya ang masamang musika para ipangalat ang kabulaanan.
Colosas 3:16 at Efeso 5:19 ay nagbibihgay ng
panuto sa pagaawitan sa pagsamba. Dapat nating gamitin ang:
1. Mga Awit:
Mula sa imnaryo ng aklat ng Israel na aklat ng mga Awit sa Biblia.
2. Himno: Mga awit tungkol Sa Dios at sa
Kanyang mga katangian at mga awit para Sa Dios.
3. Espirituwal na mga awit: Mga Awit mula sa puso, pagawit sa “espiritu
at pagkaunawa.”
Ang pagawit sa espiritu ay hindi katulad ng
pagawit mula sa pagiisip. Kung minsan Ang Dios ay kumikilos sa pamamagitan ng
tiyak na awit ng papuri. Kung ginawa Niya ito, huwag matatakot na dumaloy dito.
Huwag hayaan na ang pangangat’wiran at kaisipan ay magsabi” naawit mo na ng
maraming beses.” Tayo ay binalaan ng tungkol sa pagawit sa “idle song”, musika
na walang ibig sabihin (Amos 6:5 MBB). Dapat tayong umawit ng mga awit na
pagpapalaya (I Samuel 6:23) at mga papuri (Mga Awit 68:4).
Ang ministeryo ng musika ay mahalaga sa paglilingkod na pagsamba. Si David ay pumili ng 4,000 mga Levita para sa paglilingkod sa musika. I Cronica 25:6-7 nagsasabi tungkol sa mga “tinuruan sa mga awit Ng Panginoon.”
Si Joel ang pinuno, at si Sepham ang
ikalawa, at si Janai, at si Saphat sa Basan:
At ang kanilang mga kapaitd sa mga
sangbahayan ng kanilang mga magulang: si Michael, at si Mesullam, at si Seba,
at si Jorai, si Jachan, at si Zia, at si Heber, pito.
Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak
ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Galaad, na anak ni Michael, na anak ni
Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz. (I Cronica 5:12-14).
Sinabi Ni Jesus:
Na sinasabi, Ibabalita ko ang iyong
pangalan sa aking mga kapatid, sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang
kapurihan mo. (Hebreo 2:12)
PAGPUPURI SA DIOS SA PAMAMAGITAN NG INSTRUMENTO:
Ipinaratang kay David ang paggawa
ng maraming instrumento ng
pagsamba, kahit hindi natin alam ang tiyak niyang ginawa (Amos 6:5) May tatlong
uri ng mga instrumento na nabanggit sa Biblia:
1. Perkusiyon na
panugtog: Mga
kampanilya sa laylayan ng damit ng saserdote:
Exodo 28:33-35 at Zacarias 14:20.
Simbalo: I Cronica 15:16,19; 28; II Cronica 5:13; 29:25; Ezra 3;10; Nehemias 12:27. Sa ilang mga lugar isinalin ang salita na “pompiyang” na katumbas ng makabagong “castanets” at “shakers”.
Tamburin: Tinatawag din na “tabret” o “pandereta”. Mga Awit 81:2; 149:3; 150:4;
Exodo 15:20.
Batingaw: I Corinto 13:1. Sa Mga Awit 150 dalawang uri ng pompiyang o batingaw ang nabanggit, matunog at mataas na tunog.
2. May kuwerdas na mga
instrumento:
Salteryo, viola, at sambuko na katulad sa alpa; at saltero na may sangpung kuwerdas, parihabang “zither”: Mga Awit 33;2; 144:9; 92:3.
Gaita: katulad ng alpa: Daniel 3:5,7,10,15.
Lute: Panugtog na may tatlong kawad .
Kudyapi: Panugtog na kawad: Genesis 4:21
3. Instrumentong de hangin: Klarinete: Isaias 5:12; 30:29; Jeremias 48:36. Ito ay isinalin sa ilang mga lugar bilang pito.
Pito at organ: Genesis 4:21; I Samuel 10:5
Sa I Mga Hari 1:40 nabanggit ang isang doble na “reed” na panugtog na katumbas sa makabagong oboe.
Flauta: Isaias 30:29
Shofar at trumpeta: Ang Shofar ay ginagamit na pinagpapalit sa trumpeta. Ang panugtog na ito ay ginamit para takutin ang kalaban (Mga Hukom 7:19-20) at para palatandaan (Josue 6:20; Mga Hukom 7:16-22; Zacarias 9:14,15). Nakarinig si Juan ng tunog ng trumpeta bago ang kanyang pangitain sa Apocalipsis (Apocalipsis 1:10) at ang trumpeta ay tanda ng paghuhukom (I Corinto 15;52; I Tesalonica 4:16; Apocalipsis 8:3).
Ang Shofar ay patuloy pa rin na ginagamit para tawagin ang mga Hudyo para sumamba.
Narito ang ilang mga talata na naghihikayat sa atin na purihin Ang Dios ng mga panugtog:
Purihin ninyo siya nng tunog ng pakakak:
purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
Purihin ninyo siya ng mga pandereta at
sayaw: Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawa at ng flauta.
Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad
at ng flauta. (Mga Awit 150:3-5)
Magsiawit kayo sa Panginoon ng
pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga papuri sa ating Dios: (Mga Awit
147:7)
Kayo’y mangagpasalamat sa Panginoon ng may
alpa... (Mga Awit 33:2)
PAGSAMBA KASAMA ANG IYONG KATAWAN:
Ang tao ay hindi kailanman nilikha para maging kaluluwa, espiritu, o katawan lamang. Siya ay “triune being” binubuo ng tatlong bahagi. Hindi ka makasasamba sa iyong espiritu at/o kaluluwa lamang. Ikaw ay dapat na sumamba kasama ang iyong katawan.
Kung minsan tinatanggihan nating gawin ito dahil ayaw natin na gumawa ng palabas sa ating mga sarili. Natatakot tayo na maging “gawa ng laman ito.” Ngunit kung ating mapaktatagumpayan ang ating pagmamataas at paghihimagsik tayo ay makapapasok sa magandang pagdaloy ng papuri at pagsamba.
Narito ang ilang mga dahilan kung bakit tayo ay tumatanggi sa pagsamba kasama ang ating katawan:
1. Pagmamataas.
2. Hindi tayo komportable dahil hindi pa natin kailanman nagagawa ito.
3. Kinaugalian ng mga tao na nagsasabing” Hindi natin ginagawa ito dito.”
4. Hindi natin kinikilala na ito ay utos.
5.
Kinilala
natin na ito ay utos, ngunit tayo ay lumalaban at ayaw natin gawin ito.
Kung ating napagtagumpayan ang mga pagtutol na
ito at magsimula na sumamba kasama ang ating mga katawan gayun din ang ating
kaluluwa at espiritu, ang kaluwalhatian Ng Panginoon ay kikilos sa ating
kalagitnaan. Narito ang ilang mga paraan para sumamba kasama ang iyong katawan:
PAGTAYO SA KANYANG
PRESENSIYA:
Tingnan ang II Cronica 20:19; Ezekiel 44:15; Mga Awit 135:1-2; 134:1 Para sa mga halimbawa ng mga tao na nakatayo para sambahin Ang Dios.
PAGTAAS NG IYONG MGA KAMAY:
Dapat mong itaas ang iyong banal na mga kamay, paraan batay sa Biblia ng pagpapahayag ng pasasalamat Sa Dios:
Sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay
mainam kay sa buhay: Purihin ka ng aking mga labi.
Sa gayo’y pupurihin kita habang ako’y
nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan. (Mga Awit 63:3-4)
Ito ay paraan na tanda ng pagpapahayag ng tumataas na pagsamba:
Malagay ang aking dalangin na parang
kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa
kinahapunan. (Mga Gawa 141:2)
Itinataas mo ang iyong puso kung iyong itinataas ang iyong mga kamay:
Itinataas namin
ang aming mga puso at mga kamay...(Mga Panaghoy 3)
Ang pagtaas ng iyong mga kamay ay pagpapahayag ng espirituwal na pagkauhaw:
Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo: ang
aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay. (Mga Awit 143:6)
Kung iyong itinataas ang iyong
mga kamay , iyong binubuksan Sa Dios at sinasabi na, “Pumasok at puspusin
Mo ako ng Iyong presensiya.” Ang pagtataas ng mga kamay ay ginamit din na
pagbibigay ng basbas, bilang paraan ng pagpapala sa iba at Sa Dios. Si Jesus ay
bumalik Sa Ama na nakataas ang mga kamay, namamagitan para sa mga Kanyang
minamahal at pagpalain sila (Lucas 24:50-51). Tahimik na pinatotohanan nito ang Salita Ng
Dios:
Akin namang itatas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig;
at ako’y magbubulay sa iyong mga palatuntunan. (Mga Awit 119:48)
Hinihikayat ito ng Biblia:
Ibig ko ngang ang mga tao’y magsipanalangin sa bawat dako, na iunat ang
mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo. (I Timoteo 2:8)
Iniutos din ito ng Biblia:
Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong
santuario, at purihin ninyo ang Panginoon. (Mga Awit 134:2)
PAGPALAKPAK:
Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw
kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. (Mga Awit 47:1)
PAGTUNGO AT
PAGLUHOD:
Ang “pagtungo” ay maaaring tumutukoy sa ulo o buong katawan. Basahin ang sumusunod na mga talata para sa mga halimbawa ng pagtungo at pagluhod bilang porma ng pagsamba: Genesis 24;48; Exodo 4:31; 12;27; I Cronica 29:20, 30; II Cronica 6;13; I Mga Hari 8:54; Nehemias 8:6; Daniel 6:10; Mateo 17:14; Marcos 1:40; 10:17; Lucas 22;41; Mga Gawa 7;60; 9:40; 20:36; 21:5.
Tayo ay inutusan na tumungo at sumamba:
Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba at
magsiyukod; tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. (Mga Awit 95:6)
Sinasabi ng Biblia na ang “bawa’t tuhod ay dapat na lumuhod “sa harapan Ng Panginoon:
Ako’y sumumpa ng aking sarili, ang salita
ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, na sa akin ay
luluhod ang bawa’t tuhod, bawat dila ay susumpa.(Isaias 45:23)
Sapagaka’t nasusulat, Buhay ako, sabi ng
Panginoon, sa akin ang bawat tuhod ay luluhod, at ang bawat dila ay
magpapahayag sa Dios. (Roma 14:11)
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang
lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa
ilalim ng lupa.
At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na
si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:10-11)
Nang si Pablo ay nagsalita tungkol sa ating kaalaman ng Ebangehlyo at ang ating katayuan sa Iglesya at Kay Jesus, sinabi niya ito ang dahilan kung bakit tayo dapat lumuhod:
Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong
manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, na pawang kapurihan ninyo.
Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga
tuhod sa Ama. (Efeso 3:13-14)
Dahil sa kahalagahan ng pagluhod, binalaan tayo ng Biblia sa mga resulta ng pagluhod sa huwad na mga diyos: Exodo 23:24; Levitico 26:1; Deuteronomio 5:9; Mga Bilang 25:2; Josue 23:7; Mga Hukom 2;12,17,19: I Mga Hari 19:18; Roma 11;4; II Mga Hari 17:35;
II Cronica 25:14.
PAGLAKAD AT PAGTALON:
Ang paglakad at pagtalon ay maaaring pagsamahin sa pagsamba Sa Dios. Si David ay tumalon sa harapan ng Arko nang ito ay bumabalik sa Israel (II Samuel 6:16). Ang pilay na lalake na gumaling ay lumakad at tumalon at pinuri Ang Dios (Mga Gawa 3:8). (Kung ang kaluwalhatian Ng Dios at ang mga tanda katulad ng pagpapagaling ay maraming nakikita sa ating mga paglilingkod maaaring makita natin ang maraming mga tao na tumatalon sa pagpupuri at pagsamba!)
SUMASAYAW:
Ang unang natala ng pagsayaw sa harapan Ng Panginoon ay nakita sa Exodo:
At si Miriam na propetisa na kapatid ni
Aaron, ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at sumunod ang lahat
ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsasayawan. (Exodo 15:20)
Madaling, dinungisan ni Satanas ang sayaw:
At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang nakita ang guya at
ang sayawan...(Exodo 32:19)
Mababasa natin sa I Samuel 18:6
na sila ay umawit at sumayaw sina Saul at David, na pumatay sa mga libo at
sampong libo . Gaano pa tayo na Siya ang tumalo sa ating kalaban!
Si David ay sumayaw sa harapan Ng Panginoon:
At nagsayaw si David ng kaniyang boong lakas sa harap ng Panginoon; at
si David ay nabibigkisan ng isang epod na lino. (II
Samuel 6:14)
Ang kanyang asawang si Michal, na tumuligsa sa kaniya ay nabaog (II Samuel 6:16-17; I Cronica 15:29-30). Siya ay naghihimagsik sa simula, dahil tinawag ni David ang lahat ng Israel para sa pagbabalik ng Arko at hindi siya nagtungo. Siya ay nanatili sa kanyang lugar at nakatingin na nagmamataas, nangangat’wiran at namimintas.
Narito ang mahalagang katotohanan tungkol kay Michal:
1. Siya ay anak ng Hari: I Samuel 14:49; 18:20,27
2. Siya ay asawa ni David: I Samuel 18:27
3. Siya ay binili ng dugo: I Samuel 18:25-27
4. Mahal niya ang kanyang asawa at inilagay sa panganib ang kanyang buhay para sa kanyang asawa: I Samuel 18:20
5. Mahal siya ni David at tumanggi na siya ay lagyan ng korona hanggang siya ay naibalik sa kanya: I Samuel 19:12.
Subalit sa kabila ng lahat ng mga bagay na ito, dahil kinamumuhian niya ang masiglang porma ng pagsamba ni David, siya ay nabaog.
Si Micah ay uri ng Iglesya na anak ng Hari, asawa Ni Cristo, mahal Niya, tinubos ng Kanyang dugo, at maibabalik Kay Cristo. Kung minsan ang espirituwal na pagkabaog ba ay maaaring resulta ng ating kapalaluan, pangangatwiran, mapamintas na ugali tungo sa iba’t ibang porma ng pagsamba na inilarawan sa Biblia?
Sa istorya ng Alibughang Anak sa Lucas 15, ang mapagmapuri na nakatatandang kapatid ay pinintasan ang pagsasaya at pagsasayawan. Gayunman sinasabi ng Biblia ang katulad na kagalakan ay nangyayari sa Langit kung ang isang makasalanan ay nagsisi (Lucas 15:10).
Ang pagsayaw ay kaugnay sa kagalakan sa Panginoon. Nais Ng Dios na ang iyong pananangis ay mapalitan ng pagsasayaw:
Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking
tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng
kasayahan. (Mga Awit 30:11)
Kung magkagayo’y magagalak ang dalaga sa
sayawan...at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang
kapanglawan. (Jeremias 31:13)
Sinasabi ng Biblia na may panahon sa pagsayaw (Ecclesiastes 3:4) at inutusan pa tayo na magsayaw sa harapan Ng Dios:
Purihin nila ang kaniyang pangalan sa
sayaw: Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa. (Mga Awit 149:3)
Purihin ninyo siya ng may pandereta at
sayaw: Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawa at ng flauta. (Mga Awit
150:4)
ANG APOY , ANG KALUWALHATIAN, AT ANG PAGSAMBA
Sa Ikatlong kabanata ng kursong ito, sinimulan mo ang pag-aaral tungkol sa apoy, ang kaluwalhatian, at ang pagsamba Sa Dios. Ang tatlong makapangyarihan espirituwal na puwersang ito ay detalye na magkakaugnay.
Nais natin ng kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios, ngunit hindi natin nararanasan ang paglilinis ng Kanyang makapangyarihang apoy. Nais nating sumamba, ngunit ang ating pagsusumikap ay hindi sapat dahil ito ay itinulak ng ating mga sarili sa halip na dumaloy mula sa kapahayagan ng kapangyarihan Ng Dios.
Ang apoy Ng Dios , kasama ang makapangyarihan na pagpiga at paglilinis, ay kinakailangan para ang kaluwalhatian Ng Dios ay maipahayag. Ang kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios ay resulta ng tunay na pagsamba sa ating pagpapanumbalik ng tabernakulo ni David sa pamamagitan ng pagsamba sa espiritu at katotohanan.
Ito ang kaayusan na naranasan sa Lumang Tipan....ang apoy, kaluwalhatian, at ang pagsamba:
Nang makatapos nga ng pananalangin si
Solomon, ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang handog na
susunugin at ang mga hain; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.
At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok
sa bahay ng Panginoon, sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay
ng Panginoon.
At ang lahat na mga anak ni Israel ay
nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay
nasa bahay; at sila’y nangapatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at
nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka’t siya’y mabuti;
sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. (II Cronica 7:1-3)
Kung ikaw ay nahipo ng apoy, nakatanggap ng kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios, at magsimulang sumamba sa espiritu at katotohanan, hindi magtatagal iyong mararanasan ang “revival”. Ang susunod na tatlong aralin ay tungkol sa paksang ito ng “revival” na isa pang makapangyarihan na magbubunsod para mapakilos ang mga anak Ng Dios.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ibuod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa kung paano sumamba.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
3. Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan ng apoy, ang kaluwalhatian, at pagsamba.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)